MasukTRISHA
Nanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong panoorin ang video ngunit isinave ko lang iyon at inilagay ang phone ko sa bag ko. Syempre, kailangan ko ang mga ebidensya na iyon just in case lang para sa divorce namin. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kay Tristan.
Hindi niya pwedeng malaman na tinatrato pa rin ako ng ex-husband ko ng ganito kaya kailangan kong tapangan ang aking sarili.
Mabilis lang lumipas ang mga araw.
Ikinasal kami ni Tristan sa isang simbahan. Konti lang din ang bisita. Sa tingin ko ay nasa 50 pax lang. Ginawa nila itong private at talagang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na inusisa. After all, uso naman ngayon ang mga intimate weddings kaya siguro ay ganoon lang din ang gusto ng pamilya ni Tristan.
Sa reception ay simpleng handaan lang din ngunit mamahalin ang cake at sinigurado talaga na masarapat marami ang pagkain.
Naalala kong nakadalawang plato pa si Tristan dahil masarap daw ang pagkain at nagutom daw siya. Totoo naman iyon. Talaga namang nakakapagod ang magpakasal dahil isang buong araw iyon.
Marami din kaming natanggap na wedding gifts. Maging ang mga videographers at photographers na kinuha namin sa event ay magagaling at magaganda rin ang mga pictures. Balak nilang magbigay sa amin ng hard copy ng mga pictures namin pagkatapos ng 1 week.
Napag-usapan na namin na hindi muna kami magho-honeymoon dahil masyadong busy sa kumpanya si Tristan at talagang naglaan lang ng isang araw para ma-ikasal kami.
Naiintindihan ko, talagang ang CEO ng kumpanya ay sobrang busy kaya pumayag na rin ako ngunit ang sabi naman sa akin ni Tristan ay babawi daw siya. Ipapasyal niya daw ako kaya ayos na rin.
Tumira kami sa isang napakaganda at napakalaking Villa. Hindi rin naman ito kalayuan sa Rivera Estate para daw kapag gusto kong bumisita sa mga magulang ko ay makakapunta ako doon kaagad.
Nang unang dating namin dito ay pagkapasok na pagkapasok namin ay kaagad niya akong binuhat pa-bridal style na para bang nasa movie kami.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya habang palinga-linga ako ng tingin sa bagong bahay namin.
“Oo, Tristan! ang ganda dito! at ang laki! pabor sa akin na malaki ang kitchen, pwede akong magluto na walang hassle!” sabi ko sa kanya na masayang-masaya.
“Iyon lang ba? walang problema, sayo ang bahay na ito, nakapangalan sayo kaya… walang kukuha nito sayo.” sabi ni Tristan na ngumiti at ibinigay sa akin ang isang file folder.
Binuksan ko iyon at tinignan. Pagtingin ko ay nakapangalan nga sa akin ang titulo nito. Hindi ako makapaniwala.
“5 years ago… nung nalaman ko na ikaw ang ipinagkasundo sa akin… inihanda ko na ‘tong bahay na ‘to kaso… umalis ka eh…” sabi ni Tristan na nangamot ng ulo at biglang nalungkot kaya niyakap ko siya.
“Hinding-hindi na ako aalis ulit, pangako yan.” sabi ko at ngumiti sa kanya ng matamis.
Ngumiti na rin siya na para bang nabunutan ng tinik. Isang tinik na matagal nang nakatarak sa kanyang puso dahil sa pag-alis ko at ngayon… pakiramdam niya ay nakahinga na siya dahil bumalik ako sa mga magulang ko at nagpakasal sa kanya.
Sinimulan namin kaagad ang buhay mag-asawa namin.
Sa unang gabi namin na magkasama ay ine-expect ko nang hahawakan niya ako kaya naghanda ako. Naligo at nagsuot ng nighties, naglagay lang din ako ng mild na pabango. Sinuklay ko ang aking buhok at naglagay ng konting lipgloss.
Pero… paglabas ko ng bathroom namin ay nakita kong tulog na si Tristan. Napabuntong-hininga na lang ako at tumabi sa kanya para matulog.
Sa ikalawang gabi, ganon ulit ang ginawa ko. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ay sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan sa labi.
“Napakaganda mo naman… kamusta ka dito sa bahay? may naisip ka na bang gusto mong gawin?” sabi niya na tumingin ng malamlam sa aking mukha ngunit hanggang doon lang na para bang wala siyang balak na hawakan ako o mag-sex kami kaya hindi na ako nakatiis.
“Tristan, hindi mo man lang ba ako hahawakan?” tanong ko na tumingin sa mga mata niya.
Naging seryoso ang kanyang tingin, “Trisha, syempre gusto ko pero… hindi naman kita pipilitin eh… alam kong nag-a-adjust ka pa kaya binibigyan kita ng time. Gusto ko kapag hinawakan kita, yung kusang loob kang papayag. Hindi yung napipilitan lang… hindi ako ganoong klase ng lalaki na kagaya ng iniisip mo,”
Kaya pala…
Iyon ang dahilan.
Ang daily routine namin ni Tristan ay katulad lang ng daily routine namin ni Alex noon.
Papasok siya sa kumpanya habang ako naman ay naiiwan lang sa bahay. May dalawa kaming kasambahay, si ate Lisa at si ate Mona ngunit nasanay akong kumilos kaya kapag kailangan ko ng tulong ay saka lang ako humihingi ng tulong.
Kahit pa ako ang lady of the house, gusto ko pa ring kumilos dito at hindi i-trato ang mga kasambahay na parang iba. Lalo na’t ipinagkatiwala ako sa kanila ni Tristan.
Isang umaga, naghanda ako ng almusal kasama si ate Mona. Nagulat pa nga si Tristan dahil pinabaunan ko siya ng lunch ngunit natuwa siya dahil sa wakas daw ay hindi na siya magugutom sa office.
***
Ngayon ay nasa bahay lang ako at kung ang pagiging ulirang maybahay lang ang gagampanan ko ay sanay na sanay ako dyan ngunit ngayong araw ay mukhang hindi nakikisama ang katawan ko at pinahihirapan ako.
Kanina ko pa nararamdaman ang pagkahilo. Hindi ko alam kung bakit, simula nang magising ako ngayong umaga ay ganito na ang pakiramdam ko.
Bagama’t masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong pumunta sa kusina. Kumuha ako ng pitsel sa ref at nagbuhos ng tubig sa glass cup at ininom iyon ngunit hindi pa sumasayad ang tubig sa lalamunan ko ay bigla akong nakaramdam ng pagsusuka.
Mabilis akong tumakbo papasok sa bathroom, napaluhod at nagsuka sa toilet bowl. Lahat ng kinain ko kagabi ay isinuka ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko ng mga oras na iyon at sa takot ko na baka tama ang hinala ko ay nagbihis ako kaagad at nagpaalam na mag-sho-shopping lang. Pumasok na si Tristan sa opisina ng araw na iyon kaya lumabas akong mag-isa.
Iyon din ang paalam ko kay Tristan mang tawagan ko siya kaya hinayaan niya akong gamitin ang kotse at isama ang driver.
Nang makapasok ako sa Mall ay kaagad akong nagtungo sa drugstore para bumili ng Pregnancy Test Kit.
Isinagawa ko iyon sa restroom ng Mall at laking gulat ko nang dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko ngunit… hindi ang bago kong asawa ang ama ng batang ipinagbubuntis ko kundi ang ex-husband ko.
TRISHANanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong panoorin ang video ngunit isinave ko lang iyon at inilagay ang phone ko sa bag ko. Syempre, kailangan ko ang mga ebidensya na iyon just in case lang para sa divorce namin. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kay Tristan. Hindi niya pwedeng malaman na tinatrato pa rin ako ng ex-husband ko ng ganito kaya kailangan kong tapangan ang aking sarili. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Ikinasal kami ni Tristan sa isang simbahan. Konti lang din ang bisita. Sa tingin ko ay nasa 50 pax lang. Ginawa nila itong private at talagang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na inusisa. After all, uso naman ngayon ang mga intimate weddings kaya siguro ay ganoon lang din ang gusto ng pamilya ni Tristan. Sa reception ay simpleng handaan lang din ngunit mamahalin ang cake at sinigurado talaga na masarapat marami ang pagkain. Naalala kong nakadalawang plato pa si Tristan dahil masarap daw ang pa
TRISHANaging masaya ang agahan namin ng oras na iyon. Masigla ang usapan at palitan ng mga ideas ng mga magulang namin ni Tristan ngunit… hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang kami lang dalawa kaya naman pagkatapos ng almusal ay niyaya ko siya sa garden. Bahay namin ‘to kaya natural lang na i-entertain ko siya at ako ang mag-asikaso sa kanya. Habang naglalakad-lakad kami ay sinimulan naming mag-usap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit mo ako hinintay? What's in it for you? you’re rich, you’re family is rich, anong kailangan mo sa akin?” sunud-sunod na tanong ko. Napakunot ang noo ni Tristan at tumingin sa akin, “Nothing. I just want your love. Ikaw ang babaeng gusto ko, Trisha.” Mukha namang convincing ang sinabi niya dahil napansin ko ang titig sa kanyang mga mata, seryoso ito. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Five years is no joke.” pananantiya ko. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin… Look, alam kong kakahiwalay niyo palang ng asawa m–” pinutol ko na ang mga
TRISHAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. 5:00 a.m. palang kaya sinubukan kong magbihis at mag jogging sa labas para makapag isip-isip. Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon. Madalas hindi ako nakakapag-exercise dahil pag gising ko sa umaga ay palagi akong nagpe-prepare ng pagkain ni Alex pero ngayon… nakaramdam ako ng laya, hindi ko kailangang maghanda ng almusal niya. Hindi ko siya kailangang intindihin at magagawa ko lahat ng gusto ko. Naamoy ko ang sariwang hangin sa village, ang mga puno na sumasabay sa galaw ng hangin at nakita ko rin ang papasikat na araw. Napakagandang tanawin. Ito na ba ang simula ng isang bagong umaga para sa akin? para tahimik kong buuin ulit ang sarili ko? Ngunit… hindi ko pa man nae-enjoy ng masyado ang kalayaan ko ay mukhang mapapasubo na naman ako sa isa pang problema. Ako ang umuwi, ako ang kusang sumuko sa mga magulang ko kaya wala akong choice kundi pumayag sa arranged marriage. Isang panibagong kasal, isang panibagong asawa. Ano na naman kay
TRISHAPagbukas ng pinto ay sumalubong kaagad sa akin ang mommy ko, “Trisha, anak…” pagkasabi niya niyon ay yumakap siya sa akin ng mahigpit. Limang taon din kaming hindi nagkita at halos maluha siya sa tuwa na naroon ako. “Victor, si Trisha! Nandito ang anak mong si Trisha!”Lumapit din sa amin ang tatay ko ng dahan-dahan. Hindi makapaniwalang bumalik na ang alibugha niyang anak na sumama sa isang lalaking hindi niya tanggap. “Anong ginagawa mo dito, Anak? Siya nga pala, nasaan ang asawa mong si Alex?” tanong ni mommy Sylvia. “Hiawalay na po kami ni Alex. Sa tingin ko tama po kayo noong una pa lang.” sabi ko at napabuntong-hininga. Totoong gustong magwala ng puso ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Alex sa kabit niyang si Leona at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ko kung gaano siya pinahahalagahan nito. “Sa wakas ay nagising na ba ang suwail kong anak sa kahibangan?” tanong ni daddy. Yumuko ako. Alam kong wala akong karapatang sumagot. Mga magulang ko sila at…
TRISHABata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na maging mabuti. Magalang, mapagpakumbaba, mabait sa kapwa at lahat na ng kagandahang asal na maituturo nila. Everyone expects me to behave, act like a decent woman and be obedient. Be a good daughter, a good daughter-in-law, a good sister, a good wife and a good mother ngunit… hindi nila alam ang aking masalimuot na buhay na siyang nagpalamig ng puso ko. Doon ko na-realize na pagod na akong maging mabuti sa mga taong tumatapak sa akin. At ngayon? sisiguraduhin kong lalaban na ako. Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko. Isang malinaw na senyales– buntis ako.Ngunit… hindi ang asawa ko ang ama ng batang ipinagbubuntis ko… kundi ang stepbrother niya na ex-husband ko.***2 weeks earlier…“Sign.” iyon lang ang sinabi ni Alex habang malamig na nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa papel– divorce agreement. “Pirmahan mo na agad yan, wag ka nang magmatigas pa!” asi
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






