Share

Ika-labing dalawa na Kabanata

Hiniling sa akin ni Lola Clara na manatili na lang ako sa pangangalaga nila ni Lolo Delfin. Tila napalapit na rin ako sa kanila. Sa bawat araw na dumadaan, mas nakikilala ko pa sila lalo. Ang dating takot na nararamdaman ko pagdating sa mga lalaki ay unti-unti na ngang humuhupa at nawala.

Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko. Kinakabahan noong una na baka itakwil nila ako. Na baka palayasin nila ako. Na baka husgahan nila ang pagkatao ko. Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lang akong niyakap ni Lolo Delfin.

Tanda ko pa ang mga sinabi niya sa‘kin.

“Bilang isang lalaki nahihiya ako, Tasha. Nahihiya ako kasi pinagsamantalahan nila ang kahinaan mo. Kaya pala noong hinawakan ko ang kamay mo, tila ba sobra ang takot na nakita ko sa mga mata mo. Hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan mo. Dapat sila ang magp-protekta sa‘yo, ngunit anong ginawa nila?” umiiyak na saad ni Lolo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status