Share

Ika-walong Kabanata

“K-Kendrick?”

Tila ba natuod ako sa kinauupuan ko. Dugo. Puro dugo ang nakikita ko. Ang dating puting kumot ay nababahiran na ng dugo. Nag-uumpisa nang manginig ang mga kamay ko.

Ayaw ko nitong nakikita ko! Ayoko!

“L-Love? Kendrick? Wake up po, may s-sugat ka ba ha? B-Bakit ang daming dugo?” sa abot ng makakaya ko'y pinipigilan ko ang sarili kong mautal.

Ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala akong naririnig na kahit na anong tugon mula kay Kendrick. Tila ba himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Napapalingon ako sa hawak kong kutsilyo. Tila ba bagong tasa talaga ito dahil sa talim na nararamdaman ko sa kamay ko.

“L-Love, gumising ka na po muna.” Bahagya kong siyang tinapik para sana magising ngunit wala pa ring tugon.

Nagsisimula na akong tubuan ng kaba. Ayoko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko ngunit kailangan kong makasigurado. Kailangan kong alamin kung tama ba ang naglalaro sa utak ko.

N

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status