Share

Ika-labing isa na Kabanata

“Ang sarap mo naman palang magluto, Tasha. Tiyak ko’y mainam kang naturuan ng Mama mo noon pa man. Iba man sa istilo na gamit ko, ngunit hindi maikakailang napakasarap mong magluto!” nakangiting saad ni Lola habang hawak sa kanang kamay ang sandol na naglalaman ng luto ko.

Namula naman ang pisnge dahil sa sinabing iyon ni Lola Clara. Kasalukuyan kaming nasa may kusina habang inoobserbahan niya ang pagluluto ko. Nagpresinta akong lutuan sila ng champorado para panghimagas na talaga namang pinaka paborito ko. Tuwing nakakakain ako ng champorado, hindi ko maiwasang maalala si Inay pati na rin ang mga ditse ko.

Naalala ko pa noon, iyon ang palaging ibibida ni Inay para lang mautusan akong magdala ng pagkain sa bukid kung saan nagsasaka si Itay.

Napangiti na lang ako nang mapait habang pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang emosyonal ko pa rin talaga. Sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko, nanghihina ako. Namimiss k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status