Did they really kiss o namamalikmata lang ako? Si substitute teacher tapos 'yong babaeng morena na mayroong mahabang buhok na abot hanggang sa kaniyang baywang ay naghahalikan. Really, school? Hindi naman ata ako tulog o ano, 'di ba? Totoo ang nakikita ko.
Grabeh! Mapusok pala ang substitute teacher namin? Sabagay, sa gwapo niyang iyan, eh hahanap at hahanap iyan.
Napailang na lamang ako at ilang beses pa akong kumurap-kurap at mas nandiri nang makitang naka-angkla na sa leeg ng lalaki ang mga braso ni morena girl. Wow! Are they still aware na nasa school pa rin sila? They are getting wild in this public place, especially in this campus.
Kabataan nga naman. Kidding! Akala mo ay hindi ako kabilang sa kabataan kung magsalita. Ay!
Pero oo nga't nasa labas na sila, eh nasa tapat pa rin naman sila ng campus at may iilang mga estudyante na ang nakakakita. Pwedeng humanap na lang sila ng motel or anything that will satisfy their body needs? Nakakaloka! Baka mamaya ay bigla na lang silang maghubaran diyan, mukhang wala pa namang pakialam ang security guard.
"Mang Gardoz, tara na po,," Iritado kong aniya nang maramdaman na wala pa ring balak na paandarin ang sasakyan.
Kailangan pa bang hintayin ang sasabihin ko? O napansin ni Mang Gardoz na may tinitingnan pa ako, kaya pansamatala muna siyang tumigil? Napailing na lamang ako sa aking naisip at saka inayos ang aking uniporme.
Malakas na busina ang iginawad ng sasakyan namin dahil sa mga iilang estudyanteng nakaharang sa daan. Maski si substitute teacher ay kunot-noo nang mapalingon sa'min habang nakaangkla pa rin ang mga braso ni morena girl sa leeg niya. So sweet, hindi halata na magkakaroon siya ng girlfriend dahil mukha siyang masungit.
Pero masungit naman talaga ata siya at istrikto pa. Kaso mukhang playboy.
Nang mapadaan na kami sa pwesto nila ay pasimple pa akong sumulyap sa kanila. And now... They are hugging each other while he is giving me intimidating looks. What now, Mister? Napairap na lamang ako't diretso nang tumingin sa harapan.
Hindi ko alam kung bakit parang ang m*****a ko ngayon. Iritadong-iritado ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Dahil ata kay substitute teacher kaya ako inis na inis.
Pero isa lang ang ibigsabihin nito... I really hate him, at itaga niyo pa sa bato. There's something on him na masasabi kong ayaw ko sa kaniya, pero ano nga ba 'yon? I don't care if he's a playboy, or something that what you called. Pero sana respetuhin naman nila ng girlfriend niya ang school.
Oh my goodness! I'm being exaggerated because of him. Hindi ko kinakaya ito. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang kalooban.
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa aking kuwarto para magbihis. It's already three in the afternoon, too early at saka hindi naman ako sanay matulog ng hapon kaya napagpasyahan kong kunin na lamang ang laptop ko and mag-online sa aking social media account. Ngayon ko lang ulit ito nabuksan dahil hindi naman ako active sa social media and I'm not that good in socializing. Marami ang nag-message sa'kin, karamihan mga lalaki, pero hindi ko na lang pinansin.
"What's up people! Kung meron man."
Bigla naman akong napatayo at nakita si Aisie na dire-diretsong pumasok sa kuwarto ko. What the? Napakunot-noo pa ako dahil sa suot niya, parang may lakad at nambulabog pa dito sa bahay. Napailing na lamang ako at saka umayos ng upo at binalingan siya ng nagtatakang tingin.
"Bakit ka nandito? Bakit ganiyan ang suot mo?" Napairap naman siya. She also flipped her hair and crossed her arms.
"Duh! Let's go. Shopping tayo," aya niya at saka niya inayos ang suot na maong skirt.
"Libre ba?"
Wala naman siyang magawa kundi ang tumango. Medyo kuripot kasi ako pagdating sa mga ganito. Nilalabas ko lang ang pera ko kapag kailangan na talaga. Pero binibiro ko lang naman siya, nakakahiya kaya.
Agad naman akong tumayo at naligo saglit. I am wearing my white spaghetti straps, maong shorts and slipper sandals. Hindi ko kasi kayang magsuot ng high heels and I don't know why. Sadyang masakit lang sa paa at saka nakakatakot dahil baka matapilok lang ako. Nagkakaroon din kasi ako ng vision na masisira iyon dahil mataas na takong.
"Let's go," sabi niya't hinila na ako palabas.
We're going to use their car. Siya naman kasi ang nagyaya sa akin at saka siya rin ang maghahatid sa'kin dahil kung hindi ay sa susunod hindi na ako sasama.
Napairap na lamang ako ng lingunin ko ang kaibigan kong ngayon ay suot na ang kaniyang sunglasses. Gosh! Masyado bang mataas ang araw? Bakit 'yong iba, tulad nitong si Aisie, ang hilig mag-sunglasses kahit wala namang araw? Iniisip ng iba ang cool tingnan, pero ako ang nawiwirduhan sa kanila. Grabeh talaga!
Teka, bakit feeling ko parang may nakalimutan ata ako?
Napatingin ako sa aking sarili at nahampas si Aisie na ngayon ay nagtataka nang nakatingin sa'kin.
"What's wrong?"
Hinampas ko ulit siya at halos maiyak ako nang maalala. "My goodness! Naiwan ko 'yong bag ko. Nandoon 'yong pera at cellphone ko. Ikaw kasi, eh. Masyadong nagmamadali."
Humagalpak naman siya ng tawa. "Ayaw mo no'n? Totoong ililibre na kita. My goodness, Lush!"
Napairap na lamang ako dahil sa napakalakas niyang tawa, parang high siya ngayon. Hindi rin naman nagtagal ang tawa niyang pang-baliw dahil huminto na ang sinasakyan namin. Wala namang gaanong tao ang namamasyal ngayon since it's workdays. Crowded kasi ang mall sa tuwing weekends, lalo na kapag araw ng Linggo.
Pagpasok namin ay agad kong nalanghap ang amoy at lamig ng mall. Nilibot din ng mga mata ko ang mall at halos maiyak nang makita ko ang paborito kong boutique. Bakit kasi ngayon ko pa naiwan 'yong kailangan ko? Gosh! May new arrivals! Kahit malayo pa ito sa pwesto namin ay kitang-kita ko na.
Wow! Ang linaw ng mata ko.
"You're drooling, Lush."
Inirapan ko na lamang siya at hinila na papunta sa paborito kong boutique. Mukhang waldas ang kayamanan nito ngayon, pero siya naman ang may kasalanan nito. Kung hindi dahil sa pagmamadali niya, hindi ko maiiwan ang pera ko. Ayos lang maiwan ang cellphone, pero iyong pera? Gosh! Wala kang halaga kapag wala kang pera, hindi ka mabubuhay ng wala iyon. Kaya wawaldasin ko muna ang yaman ng kaibigan ko dahil naiwan ko ang aking mahiwagang wallet na naglalaman ng tumataginting na mga dolyar. Just kidding.
"Oh my goodness!" Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa mahila ko na siya papasok sa paborito kong bilihan.
Yes! Grabeh. Nag-shine ang aking beautiful eyes dahil sa nakita. Is this the real heaven? I guess so! Swerte ko.
"Good Afternoon, Ma'am. How may I help you? Are you looking for our new arrivals?" Napasimangot na lamang ako at nginuso ang nasa harapan ko.
Nasa harapan ko na nga ang new arrivals.
"Oh! Marami pa po dito sa pinakaloob. You can check it." Sumunod naman kami sa kaniya ni Aisie. Medyo napasimangot pa ako dahil sa maingay na footsteps niyang galing sa takong.
My jaw dropped as we finally reached the new arrivals section.
Oh my! This is heaven. Ang daming dresses and of course, my favorites, my spaghetti straps. My, my, my... Come to me babies. Nilingon ko naman si Aisie gamit ang nagmamakaawa kong mukha na agad naman niyang tinanguan kaya agad akong namili. Halos ubusin ko na ang mga naka-hanger. Buti napigilan pa ako ni Aisie.
Pero kaya ko naman siyang bayaran, ang kaso ay baka pagsabihan na naman ako ni daddy dahil sa kawawaldas ng pera para sa mga damit. Marami pa kasi sa bahay, I'm thinking nga na i-donate na iyong mga hindi ko na naisusuot.
Pagtapos naming mamili ng sa akin, ay agad naman kaming pumunta sa paboritong bilihan ni Aisie ng kaniyang killer heels. What the! Bakit heels? Bakit hindi na lang mga damit ang bilhin niya, tutal ay parang mas kapaki-pakinabang pa kaysa sa mga ito?
"Seriously?" Nginitian niya lamang ako't agad nang pumili ng mga nagustuhan niya.
Nakakaloka ang isang 'to. Girl na girl!
Pagtapos naming mamili ay agad na itong pinakuha ni Aisie sa driver niya. At saka napagdesisyunan muna naming pumunta sa Quantum para maglaro, we want to dance. Baka mag-just dance lang kami doon, pero gusto ko rin naman maglaro pa ng iba pa.
Pagdating namin ay medyo maraming tao. Maingay, may tumatawa, may parang galit pa nga, eh. Agad kaming bumili ng tokens, pero mahaba ang pila kaya natagalan.
Natigilan ako nang makarinig ng kumakanta, he is singing 'Perfect' by Ed Sheeran. Agad akong napasapo sa aking bibig at umiling dahil sa aking naririnig na boses. Baka naman nababaliw na ako kaya hanggang dito ay naririnig ko ang boses ni Mr. Singer. Pero hindi! Iba na ang kinakanta niya ngayon at mas lumamig pa ang kaniyang boses kaysa kanina.
Pilit kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses. Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa tapat ng parang mini stage dito para sa mga gustong kumanta. Well, may rooms naman if you want na private. Pero meron din naman sa labas na parang live ang dating sa madla.
Napatulala naman ako sa taong kumakanta. He has a broad shoulders, and I can feel his strong aura that can swallow me once he glance at me. Naramdaman kong tumibok ang puso ko ng sobrang bilis kaya agad akong napahawak sa parteng iyon ng aking dibdib. What is happening to me? Paglingon ng kumakanta sa gawi ko ay agad akong napakunot noo. He's now staring at me. My eyes widened as I recognized him.
Am I blind, or this is real? Sa kaniya ang boses na 'yon? Seriously?
Edited—
What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p
Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.
Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.
My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin
Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s
Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa