Share

CHAPTER 5

Hating gabi na, pero heto pa rin ako't nakapikit ng sobrang diin, pinipilit matulog na. Pero kahit anong subok o gawin ko ay ayaw bumigay ng aking utak at mga mata ko. Paulit-ulit ding nagpa-flashback ang nangyari sa school at sa mall, para na nga akong mababaliw dahil sa paulit-ulit ang eksenang iyon sa aking isipan.

What the heck is happening to me? Nakakainis na. Ilang beses na akong napabalikwas, nagpagulog-gulong sa kama at sinabunutan ko na rin ang aking sarili dahil sa sobrang gulo ko. Hindi na ako magtataka kung magulo ang kama ko bukas. Kahit takpan ko pa ng aking braso ang mga mata ko'y wala pa rin iyong epekto dahil mas lalo lang gumana ang aking isipan, tila ba may sarili itong buhay at ayaw makinig.

Hindi kasi talaga mawala-wala 'yong boses ni substitute teacher sa utak ko, and the way he stares at me ay parang mayroong kakaiba. Parang may mali? Or am I just hallucinating? Pero hindi talaga ako makatulog, promise. Iyong madilim niyang mga mata at mapulang labi ang paulit-ulit, pati ang way niya ng pagkanta ay nagpi-play sa aking isipan.

Paano ako makakatulog nito? Baka antukin ako nito sa school bukas. Gosh! 

Tumayo na lamang ako't napagpasyahang uminom na muna ng gatas. Pagbaba ko ay naabutan ko si daddy sa kusina na tutok sa kaniyang laptop habang humihigop ng kape sa tasang hawak niya. 

Nagpapagod na naman siya para sa winery namin. 

"Can't sleep?" 

Kumuha muna ako ng baso at fresh milk at saka humarap kay daddy. Inipit ko sa aking tainga ang ilang hibla ng aking buhok.

"Yes. Kinda..." Tumango lamang siya at muling inabala ang sarili sa laptop.

Mukhang seryoso talaga si daddy kapag pagpapatakbo ng winery ang usapan. Todo kayod kahit walang pahinga ay ayos lang sa kaniya.

Umupo ako sa tabi ni daddy at tulalang ininom ang aking gatas. Nakakaloka! Bakit ba kasi nahumaling ako sa boses? Parang no'ng narinig ko lang ang boses na 'yon gusto ko nang makilala at makita ang kung sinong may-ari ng boses na iyon. Nang sa gayon ay magkaroon ako ng pagkakainteresan sa school. 

But... Of all the people sa school, bakit siya pa? I don't want to like him because he's a kind of jerk. Tsk! Hindi ko kinaya ang kaalamang may future siya sa pagiging singer. Akala ko ay sapat na ang future niya bilang isang propesor, mukhang gusto niya pang maging isang sikat na singer. 

"By the way, where do you want to stay on your vacation?" 

Lumingon ako kay daddy at sumimsim sa gatas na nasa aking baso. Ang mga mata niya ay tutok pa rin sa laptop at dinig din ang bawat tipa ng kaniyang mga daliri sa keyboard. 

"Dito na lang po ako sa bahay." Tumango lang siya at nang matapos kong uminom ng gatas ay agad na akong nagpaalam at umakyat nang muli sa aking kwarto.

Pero pambihira! Hindi pa rin ako makatulog. Ilang beses na akong nagbilang ng tupa, kumanta na rin ako kahit pa na kayang basagin ng boses ko ang mga binta dito sa aking kuwarto. Nagpagulong-gulong, at saka inalis ko na rin ang mga iniisip ko. Pero babalik na naman at ang ending ay magpapagulong-gulong na ako sa kama at hahanap ng pwesto na kung saan ay makararamdam ako ng antok. 

Oh my goodness gracious! Parang inaasar pa ako ng isip ko dahil sa nangyayari sa'kin. 

Kinabukasan ay gusto ko na lamang na umiyak at magwala dahil halos isang oras lang akong nakatulog, hindi ako thankful na binigyan pa ako ng isang oras ng isip ko. Mukha na akong zombie at parang mahihimatay ako mamaya habang naglalakad sa school. Wala tuloy ako sa huwisyo at mas gugustuhin na lang matulog at huwag nang makinig sa lecture.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo at puyat ka?" Rinig kong bulong ni Aisie nang hindi ako nililingon at nanatiling nakatuon ang paningin sa aming guro. 

Hindi ko na lang siya pinansin at nakapangalumbabang tumitig sa teacher namin. Pinipigilan ko ang nagbabadyang pagpikit ng aking mga mata. Bumibigat na kasi talaga ang talukap ng aking mga mata at kaunti na lang ay talagang tutulugan ko na ang teacher namin, pero buti na lang ay nagigising ang diwa ko sa tuwing kinukurot ni Aisie ang aking braso.

Jusko po! I really want to sleep, right now. 

"Come in." 

Umupo na lamang ako ng tuwid nang marinig kong magsalita ang teacher na ngayon ay nakaupo na. Papikit-pikit pa akong tumingin sa kaniya. Tapos na ba siyang mag-discuss? Inalog ko ang ulo ko at kinusot ang mga mata para mabawasan ang kaunting antok na nararamdaman.

Agad namang bumukas ang pinto at ganoon na lang ang pag-alab ng mga mata ko nang makita ang kung sino mang nilalang na pumasok. Kumuyom ang aking kamao at parang gusto ko na siyang pabagsakin sa kinatatayuan niya. Gusto ko nang takbuhin ang distansya namin para lamang mailabas ko ang pagkainis at pagkaantok ko.

Kaloka! This is all because of you.

Alam kong hindi niya 'yan narinig, pero sa oras na tumingin siya dito sa pwesto ko ay papaulanan ko siya ng masasamang tingin. Siya ang sisisihin ko dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako puyat. 

Gosh! ang hirap ng pinagdaanan ko kagabi. Hanggang ngayon ay naghihirap ako.

"Uy, galit na galit ka? Sama ng tingin mo kay Xalent." Inirapan ko na lamang ang kaibigan ko at pinirmi ang paningin sa lalaking walang habas na binaybay ang isipan ko para lamang hindi ako makatulog ng mahimbing.

Kapag tumingin ka, kakatayin kita.

Nanatili pa rin ang paningin ko sa lalaking nasa harapan na ngayon ay nakangiting kinakausap ang teacher namin. 

Gosh! Straw ba siya? Mukhang paborito siya ng mga propesor dito. 

Kung anu-ano na ang gusto kong sabihin sa kaniya, pero hindi ko naman masabi dahil bawal. Baka mamaya ay bigla akong dalhin sa detention.

Nang matapos sila sa pag-uusap ay agad siyang naglakad palabas, pero bago siya tuluyang makalabas ng room ay napatingin muna siya sa pwesto ko at parang sinusuri ang itsura ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero ang gago, umiling-iling lang at saka tuluyan nang lumabas. Halos kapusin naman ako ng hininga dahil sa pagpipigil na sumigaw at manggalaiti sa galit. 

Anong iniiling-iling ng isang 'yon? 

Nang matapos ang tatlong subject ngayong umaga ay dumiretso na kami sa canteen para makakain. Kasama ko ngayon si Aisie na sobrang tahimik at inaalam kung anong nangyari sa'kin. 

Pagdating sa canteen ay umupo ako agad at nagpasyang umidlip muna. Wala akong balak kumain, sobrang antok na talaga ang nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kung ilang minuto lang ang free time ko ngayon basta makaidlip ako. 

Isinusumpa ko talaga ang lalaking 'yon. Walang hiya siyang animal siya, pati isipan ko'y inaangkin. My goodness!

Wala pang ilang segundo akong nakapikit nang maramdaman kong may naglapag ng tray sa harap ko. Hindi ko na lang pinansin dahil baka si Aisie lang naman 'yon, pero nagtaka ako nang sundot-sundotin ako sa balikat kaya inis kong kinusot ang mga mata ko't nag-angat ng tingin.

Kitang natutulog, manggugulo pa. I need peace!

"What is—" naputol ang sasabihin ko nang maging maliwanag ang paningin ko't nakita ang walang hiyang dahilan ng pagkapuyat ko.

"Eat," sabi niya't inilapit sa'kin ang pasta. Seryoso lamang ang mukha niya habang inaalam ang kung ano mang nangyayari sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at akmang iidlip na sana ulit nang bigla niyang hawakan ang kamay ko't pinorma na hawakan ang styro na may lamang spaghetti. 

Bwesit naman, o! Ang gulo. 

"Ano ba? Ayaw ko nga kasing kumain. Don't you see? Inaantok ako! Kaya pwedeng umalis ka sa harapan ko? Feeling close kang animal ka," tuloy-tuloy kong sabi. Pero hindi siya nagpatinag at tinaasan lang ako ng kilay. 

Napairap na lamang ako at para umalis siya ay padabog kong inumpisahang kainin ang ibinigay niya. Ano ba kasing ginagawa nito dito? Feeling close na 'to. My goodness!

Bakit pala nawala si Aisie? Nasaan na naman 'yon? Akala ko bibili lang siya kanina, pero hindi na ako binalikan. Gosh! Humaharot na naman ba 'yon? Ginawa pang club ang eskwelahan. My goodness! 

Pasimpleng sinilip ko ang mukha ng feeling close na ito. Halos mapairap na naman ako nang mapagtantong hindi siya kumakain at ang mga paningin niya ay nakatuon lamang sa'kin. Ramdam ko rin ang mga tinging ipinupukol sa amin ng mga estudyante.

Sikat nga pala ang singer na ito. And I don't care!

Nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo at naglakad na pabalik sa classroom, ni hindi na ako nagpasalamat sa lalaking iyon dahil ginulo niya lang ang pag-idlip ko. At saka wala akong pakialam sa kaniya. Porket tapos na siya sa kalandian niya kahapon, ako naman ang guguluhin niya. Kaloka naman po pala siya, 'no?

We have two remaining subjects left kaya sobra-sobrang pagpipigil na pumikit ang ginawa ko. Mamaya talaga sure na akong makakatulog ako dahil sobrang antok na ang nararamdaman ko ngayon. Damn, I can even feel my pillows and my comfortable bed. 

Wait for me babies. Hmm...

Mabuti na lang at medyo mabilis ang oras. Kaya pagtapos sabihin na pwede nang umuwi ay agad akong nagligpit at umalis na. Hindi na nga ako nagpaalam kay Aisie, bahala na siya, siya nga bigla-bigla na lang nawawala ng walang paalam.

Naglalakad na ako sa malawak na field nang bigla kong maramdaman na may tumamang kung ano sa ulo ko, kaya agad akong nakaramdam ng hilo, at bumagsak.

Jusko dai! Bakit ang malas ko? Pero thank you sa sumapol ng ulo ko, makakatulog na rin ako ng matiwasay.

Foreveryoung1206

Edited—

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status