Share

CHAPTER 6

Kinabukasan ay nagising na lang akong may benda sa aking ulo, pero nandito na ako sa bahay. And thanks G! It's Sunday at hindi ko na proproblemahin pa ang benda na ito sa aking ulo. Baka kasi mamaya may something na hindi ko kakayaning makita. Hindi naman sa overreacting... Pero parang gano'n na nga.

First time in my life na nangyari iyon. Tinubuan nga talaga ako ng kamalasan simula nang malaman kong si substitute teacher ang hinahangaan ng lahat. Kaya naman pala kilig to the bones ang feel ng mga kaklase ko nang siya ang pansamantalang maging guro namin. Grabeh! Bakit kasi hindi ko alam 'yon?

Pero hayaan na, naging maayos naman na ako simula kahapon kaya nga nakauwi na ako dito sa bahay. Dinala kasi ako agad sa hospital, pero nag-insist akong umuwi na matapos kong magising. Ayaw ko naman kasing mamalagi sa hospital dahil ramdam kong kaya ko naman na. Buong araw talaga akong natulog kahapon at ngayon lang ako mukhang nakabawi at bumalik na rin ang energy ko, I think. Pero nagdadalawang-isip ako kung tatanggalin ko 'tong benda o hayaan ko na lang ito. 

Baka wasak na ang aking noo. Sa pagkakatanda ko ay napalakas ang impact ng upuan na tumama sa akin. Gosh! Bakit kasi upuan?

"Ma'am?" 

Gulat akong napalingon sa pinto nang may pumasok na nurse. Kaloka! Nakakagulat naman itong si ate girl.

Ito ata ang nurse ng family namin at syempre may doctor din naman, pero hindi ko alam kung nasaan. She's nowhere to be found—kidding!

Lumapit na siya sa'kin at dahan-dahang tinanggal ang benda sa aking ulo. Nanatili akong nakapikit hanggang sa tuluyan niya nang matanggal at magpaalam nang umalis. Hinawakan ko naman ang gilid ng noo ko't nanlaki ang mga mata nang may makapang bukol. Kaya dali-dali kong kinuha ang salamin at halos mapamura nang makakita ako ng bukol. 

Nakakaloka! Mukha akong may sungay. Gosh! Grabeh naman ang upuan na 'yon. Parang gusto ko rin siyang bukulan. Charot! 

Pero laking pasalamat ko na wala naman sa kabila. Nakakainis lang dahil mukha akong naputulan ng sungay dahil walang bukol sa kabila. 

Walang hiya rin kasi 'yong mga nagrambulan sa school. Pati ako ay nadamay na walang kamalay-malay, at sa sobrang antok ko hindi ko naramdamang may palapit na pala sa'kin na lumilipad na upuan. Gosh! Ang lakas talaga ng pagbato nila ng upuan na hindi ko alam kung saan nanggaling. In-report naman agad 'yon ni Aisie sa guidance para mapatawag ang dalawang estudyanteng nagrambulan. Grabeh nga ang galit ni dad, ngayon ko lang naramdaman ang pag-aalala niya. Pero wala siya ngayon dahil busy na naman siya doon sa winery namin. 

Ano pa nga bang aasahan? Napaka-workaholic naman kasi ng pogi kong daddy.

Humiga na lamang ako ulit sa aking kama at biglang nag-ring ang cellphone ko. Unregistered number kaya nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sinagot ko pa rin naman dahil medyo curious ang inyong lola.

"Hello," bati ko, pero wala akong narinig sa kabilang linya. Napanguso na lamang ako.

Baka prank call ito?

"Hello!" Ulit ko pa't medyo pasigaw na. Ang kaso ay wala pa rin akong narinig.

Gosh! Ako pa talaga ang napiling pag-trip-an ng prank caller na ito. Kaloka naman, o!

"Hello! Kung pinagtritripan mo lang akong gago ka, huwag mo na akong tawagan dahil wala akong oras makipagdaldalan sa walang balak magsalita. Na-pipi ka na ba?" 

Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla naman akong kilabutan dahil sa boses na narinig.

"How are you?" 

My goodness gracious! Paano niya nalaman ang cellphone number ko? Ayos din naman pala ang mga galawan nitong feeling close na, at mukhang stalker pa. At dahil nga na-shock ako, ako naman ang walang masabi't na-pipi.

"Hey? I can hear your breathings. Tinatanong ko kung kamusta ka na. Does it still hurts?" 

"A-ayos lang." Pagkasabi ko no'n ay bigla ko na lang in-end ang tawag. 

My goodness! Lakas ng heartbeat ni heart. Parang kaunti na lang ay aatakihin na ako dahil sa kaba. Bakit ba kasi siya tumawag? At ano ba ang pakialam niya sa aking kalagayan?

Napatingin ulit ako sa salamin at pinag-iisipan kung lalabas ba ako ng bahay o hindi dahil sa bukol. Nakakainis naman kasi, at nakakahiya namang maglakwatsa na mayroong bukol, 'no. Baka isipin ng iba ay tanga ako kaya mayroon akong bukol ngayon sa aking noo.

Tanga ka naman talaga, Lushiane. Kaya ka nga may bukol. Napairap na lamang ako sa sinagot ng sarili ko sa'kin.

"Sis!" 

Nagulat ako nang biglang bumakas nang bonggang-bongga ang pinto at pumasok ang pinsan ko. 

Bakit nandito ang isang 'to? 

"Why are you here, Dey?" Taka kong tanong sa pinsan kong galing pang Manila. Gosh!

Napairap naman siya. "Duh! Sabi ko kasi kay mommy na dito muna ako ngayong sembreak. I really miss you, my beautiful cousin."

"Oh! Sembreak niyo na?" 

Tumango naman siya at tinitigan ako na para bang napansin niyang may mali. Napakunot tuloy ang aking noo dahil sa pagtataka. 

"Oh my goodness!" Eksaherasada niyang sigaw at saka tinuro ang bukol ko. "What happened? Your face... Ang pangit mo na!" Agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya napahagikhik siya.

"Duh! Kahit may bukol ako." Tinuro ko ang bukol sa noo at sabay sabi, "Mas maganda pa rin ako sa'yo." Inirapan lang ako ng bruha kong pinsan at saka nahiga sa kama ko. 

"May bar ba dito, insan?" Tanong niya ng nakapikit.

"Wala. Bakit ba kasi dito ka nagbakasyon? Lakas din naman pala ng trip mo. Eh mas okay nga sa inyo dahil pwede kang magpaka-wild dahil naglipana ang mga bar sa paligid."

Tumawa naman siya at naupo sa tabi ko. "Nagba-baka sakaling may pogi. Malay mo. Feel ko gwapo ang mga lalaki dito dahil alagang probinsya, nakakasawa na ang mga manileno, at foreigner," kinikilig niyang sabi kaya kinurot ko siya.

Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ako ng ganitong pinsan. Sobrang magkaiba talaga kami ng taste. She's really wild. 

"May pasok pa kami. Pero last week naman na, at sembreak na rin namin." 

"Let's go sa winery kaya?" 

Napaismid na lamang ako. "As if may magagawa ka doon."

"Sabi kasi ni Mommy maganda raw sa winery. Ewan ko nga kung niloloko ako o hindi. Kaya gusto kong pumunta tayo," nakanguso niyang sagot.

"Ikaw ang bahala. Basta may pasok pa ako bukas, until Friday."

Napabuntong-hininga na lamang siya at saka bigla akong hinampas sa braso. "Sama ako sa school niyo. Kahit tuwing recess na lang ako pupunta." Napanguso siya at maloko akong nginitian. "Boy hunting," sabi niya't kinindatan pa ako kaya bigla akong napairap.

Kalokohan talaga ang hatid ng pinsan kong ito.

Isang taon ang tanda ni Deylia sa'kin, pero kung titingnan ay parang siya pa ang isip bata kung minsan. Kaya nga nagtataka ako minsan kung paano 'to nakakapasok sa bar, eh minor pa lang. Malay ko bang baka may-ari ng bar ang kaklase niya or dinadaya niya since hindi naman halata na 16 years old pa lang siya. Nakakaloka talaga! 

Tumayo na lamang ako para maligo. Nagpasiya naman ang pinsan kong matulog muna dahil napagod daw siya sa biyahe. 

Pagtapos kong maligo ay sinuot ko na lamang ang gray tee and maong shorts ko, at saka sinuklay ang kulot at itim kong buhok na abot na hanggang sa aking baywang. Tiningnan ko ang aking sarili sa whole body mirror at napanguso nang makitang medyo tumataba na pala ako. Maybe kailangan ko nang mag-work out. Yayayain ko na lang ang pinsan ko bukas ng hapon since may class ng umaga. Bumaba na lang muna ako para kumain dahil nagugutom na ako at tinanghali ako ng gising, walang almu-almusal mga sis! Kaya gutom na gutom na ako. Hinayaan ko na lang ang pinsan kong matulog dahil baka mapatay ako niyan kapag ginising ko pa siya.

Kasalukuyan akong kumakain nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko't may message na agad ko namang binuksan at binasa.

Unknown Number: 

Are you fine?

Napakunot-noo naman ako at in-send-an siya ng question mark. Bakit ba kasi ang daming nakakaalam ng numero ko? Gosh! Bigla ko tuloy naalala ang taong tumawag kanina. 

Unknown Number:

Xalent. 

Napaisip naman ako kung sino 'yon. At nang maalala ay agad kong pinatay ang sari—este ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pag-kain. Medyo napabagal pa ang pag-nguya ko dahil parang may kakaiba akong pakiramdam sa kaniya. 

Anong trip no'n? He's acting weird lately. May gusto ba 'yon sa'kin? O sadyang isa lamang siyang concerned citizen? Kaloka! Basta ang weird talaga ng taong 'yon. O baka feeling ko lang dahil ngayon ko lang naman siya nakilala.

Ano ba, Lushiane? Stop thinking na nga, kumain ka na lang. Agad naman akong sumang-ayon sa aking utak at saka nilantakan na ang mga pagkain.

Foreveryoung1206

Edited—

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status