Share

Kabanata 54

last update Last Updated: 2025-12-19 23:23:30

Tuluyan nang pinadampot sa pulis ang nagwawalang professor na si Professor Briar. Sa tingin ko ay tuluyan na siyang nawala sa katinuan dahil kung ano-ano ang kaniyang sinigaw at matapos ng ilang segundo ay tatawa o di kaya’y iiyak siya.

Paulit-ulit lang ang kaniyang sinasambit. Isa raw akong mang-aagaw at hadlang sa kanilang kayamanan.

Kung ano ang hatol sa kaniya? Probably license revoked. Hindi ko alam at wala akong pakialam. Idagdag pang sumunod ang magaling kong tatay sa kaniya papunta sa police station. Ni hindi man lang niya ako kinausap o binati kahit sandali.

‘Di naman ‘yon big deal sa ‘kin dahil sanay naman na ako. Ang masakit lang talaga sa ‘kin ay kaya naman pala niya magpakatao para sa ibang tao. Saan kami nagkulang ni Mama para talikuran niya nang tuluyan?

“Eloisa… P-professor Easton…” Sabay kaming lumingon ni Easton sa pinanggalingan ng boses. Drake was trembling in fear. Nakakaawa siyang tignan sa kaniyang kalagayan ngayon.

“B-biktima rin a-ako…” nanginginig niyang wik
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 56

    Ang akala ko ay magiging maayos na ang lahat. Akala ko matatanda na lahat ng mga kasama ko para maintindihan ang salitang respeto. Mukhang hindi pala lahat gano’n. Kumaripas ako ng takbo papunta sa room namin nang makita ko sa group chat namin ang nangyayari sa loob ng classroom namin. Ang buong room namin ay may mga nakapaskil na iba’t ibang larawan ni Drake, at ang iba roon ay hindi dapat pinapakita sa publiko.“T*ngina niyong lahat! Sana pinutok na lang kayo sa kumot!” Nanggagalaiting asik ni Trisha sa mga lalaki sa room.“Ang tinik talaga ng lalaking ‘yon! Ayaw sa mga cheerleader dahil matanda pala ang nais.” Talagang hindi pa tumigil ang kupal kong kaklase at pinakita pa ang litrato sa iba kahit na nasa harapan na nila ako.Ngumisi naman ang kausap niya. “Kaya sigurado absent ngayon para solo nila ‘tong araw. Mukhang nabitin pa sila kahapon ‘e.” “Tigilan niyo ‘yan lahat!” Sigaw ni Krisha, ngunit parang walang silbe ang pagiging class president niya dahil walang pumansin sa kani

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 55

    “Walang namamagitan sa ‘min ni Briar… kontrolado niya lang ako dahil nalaman ko ang sekreto na tinatago nila ng kapatid niya.” Ilang beses akong napakurap ng mata habang prinoproseso ang kaniyang sinabi. Bakit parami ng parami ang mga sangkot sa problemang ‘to?Nakita ni Drake na nalilito pa rin ako kaya tinuloy niya ang pagkwento. “Kaya si Sir Joaquin ang pumunta para kay Professor Briar dahil siya ang kinakasama ngayon ng kapatid niya. Ang kapatid ni Briar ang kabit ng tatay mo, Eloisa.” Umakyat lahat ng init sa buong katawan ko. “Kung gano’n, kaya ba nila ako gustong mamatay ay para mapunta sa magiging anak nila ang pamana ko?”Tumango si Drake. “Nahuli ko sila ng kapatid niya nag uusap tungkol sa plano nila sa ‘yo, nasa telepono no’n si Briar at narinig ko ang pangalan mo kaya ‘di ko napigilang makinig. Nalaman nila ‘yon kaya binantaan nila ako na sisirain nila ang buhay mo kung hindi ako sumunod kay Briar.”Hindi muna ako umimik kahit pa nanginginig na ang kalamnan ko sa galit.

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 54

    Tuluyan nang pinadampot sa pulis ang nagwawalang professor na si Professor Briar. Sa tingin ko ay tuluyan na siyang nawala sa katinuan dahil kung ano-ano ang kaniyang sinigaw at matapos ng ilang segundo ay tatawa o di kaya’y iiyak siya.Paulit-ulit lang ang kaniyang sinasambit. Isa raw akong mang-aagaw at hadlang sa kanilang kayamanan. Kung ano ang hatol sa kaniya? Probably license revoked. Hindi ko alam at wala akong pakialam. Idagdag pang sumunod ang magaling kong tatay sa kaniya papunta sa police station. Ni hindi man lang niya ako kinausap o binati kahit sandali.‘Di naman ‘yon big deal sa ‘kin dahil sanay naman na ako. Ang masakit lang talaga sa ‘kin ay kaya naman pala niya magpakatao para sa ibang tao. Saan kami nagkulang ni Mama para talikuran niya nang tuluyan?“Eloisa… P-professor Easton…” Sabay kaming lumingon ni Easton sa pinanggalingan ng boses. Drake was trembling in fear. Nakakaawa siyang tignan sa kaniyang kalagayan ngayon.“B-biktima rin a-ako…” nanginginig niyang wik

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 53

    Hindi ko alam kung alin ang masakit sa mga natuklasan ko. Ang tinatagong relasyon ni Drake at Professor Briar o makita ang sarili kong ama na matagal nang nagtatago nandito sa harap namin bilang tagapagtanggol ng professor.Nasa loob na silang lahat ng principal’s office habang kami ni Easton ay naghihintay lang sa labas. Kasama namin ang ilang mga estudyante na nagkukumpulan pa rin para makasagap ng tsismis. Pinipigilan na rin ng ilang security guards ang mga news reporters na gustong pumasok ng university.Nasa unahan kami ni Easton kaya natatanaw namin sa maliit na silipan ang nangyayari sa loob. Hindi kami hinaharang ng mga security guards dahil pinaalam ni Easton sa kanila na kapatid niya at ama ko ang lalaking nandoon sa loob.“Bakit si Papa ang pumunta para kay Professor Briar?” Tanong ko. Nalilito talaga ako kung anong koneksyon niya dyan sa babaeng ‘yan, namumukhaan ko ang itsura ng kabit ni Papa kaya alam kong hindi siya ‘yon.Tulad ko, halatang nalilito rin si Easton kung b

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 52

    Ipipihit ko na sana ang doorknob ngunit may isang kamay ang pumigil sa ‘kin.Isang cleaning personnel na lalaki, na may katandaan na, ang pumigil sa ‘kin na mukhang nandito para maglinis. “Ineng, bawal ang estudyante riyan.” Naglaho lahat ng kaba ko sa katawan sa isang iglap at lumakad palayo para hindi marinig nila Drake ang aking boses. “Gano’n po ba? May narinig po kasi akong kaluskos mula sa loob kaya titignan ko lang po sana.”“Hay naku! Mga daga lang ‘yon. Hindi ko kasi mahuli-huli at ang liliksi!” Reklamo niya. “Oh siya, pumasok ka na sa klase mo, Ineng at baka ma-late ka pa.”Tumango ako kahit ayaw ko pang umalis. Mabibigat ang hakbang ko habang papalayo sa pinto. Sobrang bad timing naman ni Kuya! ‘Di bale, at least may ideya na ako kung anong pinagmumulan ng problema ni Drake.Ang echoserang froglet na Professor Briar.Kung totoo mang may kasalanan sila sa ‘kin, naniniwala akong biktima lang din si Drake. Ngunit, wala akong maisip na rason kung bakit kailangan pang pakisamah

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 51

    Nag-text sa ‘min si Drake na umuwi na raw kami at huwag na siyang hintayin dahil mamaya pa raw siya uuwi. Sinubukan kong pakiusapan sila Krisha na hintayin pa rin namin siya ngunit may pupuntahan pa raw kasi si Krisha at si Trisha naman ay masama ang pakiramdam.Mag isa tuloy ako ngayon habang pasimpleng sinisilip si Drake na hanggang ngayon ay nasa faculty room. Magkakasama pa rin sila sa iisang room dahil hindi pa rin nasasarado ang kaso noon tungkol sa pakikipagrelasyon ng estudyante sa professor para sa mataas na grades.“Ang tagal naman, ilalagay lang naman sa lamesa ‘yong gamit ha?” Inip na inip kong reklamo. Nag-ring bigla ang cellphone ko na siyang nagpatigil ng pagka-inip ko. Nakita ko sa screen ng phone ko ang pangalang, “Uncle Easton,” kaya hindi ako nagdalawang isip na sagutin ‘yon.“Where are you?” Bungad ni Easton sa kabilang linya. “Hindi ka pa raw nagpapasundo sabi ni Manong Pip. Huwag mong sabihin nasa bar ka na naman, Eloisa. Sinasabi ko sa ‘yo.”“Hep, hep, hep.” Pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status