LOGIN"Prepare your team, Agent Akihara. We're about to enter the club!"
NANG marinig iyon ni Ren ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers. Pasimple niyang kinapa ang Calibre 45 na nakatago sa leather jacket niyang suot habang malikot ang mga mata na sinusuyod ang paligid. May ilang bantay rin ang club na nagkalat sa loob na pawang armado, kaya naman inihanda niya ang sarili sa mga posibleng mangyari. Ilang saglit pa, ay nabulabog ang mga tao sa loob ng club nang pumasok ang NBI, kasama ang ilang pulis at nag-anunsyo ng raid. Si Ren at ang mga kasamahan naman niya ay maagap rin na nagsipagtayuan at tinututukan ang mga naroon. "Raid 'to! Walang kikilos ng masama sa inyo at sumama kayo ng matiwasay!" malakas na sigaw ng NBI agent na kasama nila sa operasyong iyon. "Itaas niyo ang inyong mga kamay at ilagay sa likod ng ulo!" mariin pa nitong sigaw. Sa labis na pagkabigla ay hindi nakahuma ang mga customers at empleyado ng Midnight Eden. Nahihintakutang tumalima ang mga ito at kaagad na itinaas ang kanilang mga kamay. Ngunit ang mga bantay ay agad nagpaputok dahilan upang magkagulo sa loob ng club. Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga bantay. Mabilis namang nailabas roon ang mga hinuling customer na sa kabutihang palad ay hindi na nanlaban. Marahil ay sa takot na masangkot ang iniingatang pangalan sa ganoong uri ng kaguluhan. Halos mayayamang negosyante ang parokyano ng club. Ang ilan pa nga ay pawang mga dayuhan lang. Maging ang mga kababaihan na ibinubugaw ay maingat din na nai-rescue at ligtas na nailabas roon. Shit! Si Mr. Wong! mariing mura ni Ren habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Marahil ay naalarma na ito at naghahanap na ng paraan kung paano makatatakas. Maging ang nagsisilbing floor manager ay hindi rin niya makita roon. Binalingan ni Ren ang isa niyang kasamahan. "Agent Reyes, hahanapin ko si Mr. Wong. Backup-an mo 'ko!" utos niya rito saka siya lumabas sa pinagkukublihang pader at tinalunton ang daan patungo sa ikatlong palapag. Habang ang tauhan naman niya ay nakasunod sa likuran niya. Malikot ang mga mata ni Ren habang nakatutok ang baril sa pasilyo. Bawat sulok na madaanan ay hinahalughog niya. Ilang sandali pa nga ay namataan niya si Mr. Wong kasama ang floor manager at ilang mga tauhan na tumatakas at dumaan sa fire exit. Mabilis siyang humabol sa mga ito at naabutan niyang pababa na ang mga ito sa bakal na hagdan. "Hindi ka makakatakas, Mr. Wong! Magbabayad ka sa batas!" malakas na sigaw niya sa mga ito dahilan upang lingunin siya ng mga tauhan nito at puntiryahin. Ngunit mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag. Nakipagpalitan siya ng putok sa mga apat na bodyguard nito at dahil sa bihasa siya sa ganoong larangan, madali niyang napatumba ang mga ito. Bakas ang takot sa mukha ni Mr. Wong nang maabutan niya ito. Maging ang babaeng manager na kasama nito ay bakas rin ang matinding takot. Tinutukan niya ng baril si Mr. Wong habang pababa siya ng hagdan. Samantalang ang tauhan naman niya ay nakaalalay sa kanyang likuran. "Mr. Wong, sumuko ka na at pagbayaran ang mga kasalanan mo!" mariing utos ni Ren sa matandang Intsik na noon ay tila naestatwa dahil sa takot. "Napakaraming buhay ng kababaihan ang sinira mo! Ikaw at ng mga kasamahan mo sa negosyo. Hindi na kayo naawa! Ang gusto lang naman ng mga babaeng 'yon ay makapagtrabaho pero ginamit mo sila sa mga kademonyohan mo! Dapat kang mabulok sa kulungan!" galit na sigaw niya habang nakatutok ang baril dito. "H-have mercy on me! 'Wag mo ako huli! I'll pay you, just don't arrest me! I don't want to go to in jail!" pagmamakaawa pa nito sa kaniya. Sa narinig ay lalong nagpuyos ang kalooban niya sa galit. "Patatawarin lang kita, Mr. Wong kung maibabalik mo sa dati ang mga buhay na sinira mo! Kaya mo ba, ha?!" Subalit hindi na sumagot ang matandang Intsik at sa halip, mabilis itong bumunot ng baril at kaagad siyang pinaputukan. Pero maswerte niyang nailagan iyon, at mabilis siyang gumanti ng putok. Inasinta niya ito sa binti dahilan upang mapaluhod ito at mabitawan ang hawak na baril. Hindi na ito nakapanlaban pa. Maging ang babaeng kasama nito ay tila natulala dahil sa matinding takot. Kaagad niyang inaresto ang mga ito at isinakay sa mobile car ng pulis kasama ng mga nahuli. "Good job to you and to your team, Agent Akihara! Dahil sa iyo, isa na namang illegal club ang naipasara natin. Bukod pa roon, ay nasagip natin ang mga kababaihang ibinubugaw ng hayop na Intsik na iyon!" saad ng Hepe ng kapulisan na katuwang nila sa raid na iyon. "Please, also tell to Mr. Vargas that Orion Strategic Services is very reliable because of having a great team." Nakipagdaop-palad pa hepe kay Ren pagkasabi niyon. He gladly accepted the chief's handshake. "Thank you, Chief. We're just doing our job," tugon naman niya sa hepe. "Anyway, mauna na ako sa iyo hijo, at kailangan nang masampahan ng kaso ang mga ito at nang maikulong na," wika nito na ang tinutukoy ay ang mga dinakip. "Okay, Chief. Take care!" sagot n'ya rito saka sumaludo."ANAK?! Kiarah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiarah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao. "Nanay!" Mabilis na tumakbo si Kiarah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata dahil sa labis na saya. "Akala ko, anak, ay may nangyari nang masama sa iyo. Mahigit isang buwan kang walang paramdam. Labis kaming nag-alala ng mga kapatid mo!" Gumaralgal na ang tinig ng kanyang ina habang mahigpit ring nakayakap sa kaniya. "Sorry, 'Nay! Naging abala lang po ako sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi," umiiyak na ring tugon ni Kiarah. Naisip na niya na huwag nang sabihin sa Nanay niya ang kanyang dinanas sa Metro City dahil ayaw niyang pagalitan siya nito. Isa pa, tutal ay tapos na iyon. Nakita niyang nagpahid ng luha ang Nanay niya gamit ang laylayan ng suot nitong kupasing sarong. "Ayos lamang iyon, anak. Ang mahalaga ay nandito ka na
"I want you to date my business partner's daughter. Sinabi ng kanyang anak na dalaga na gusto ka nitong makasama sa isang dinner. Do it for our company, Ren. Her father is one of the major stockholders of our company." Hindi inaasahan ni Ren na iyon ang maririnig niya sa kanyang Dad. Unang beses lang nitong mag-request sa kaniya at hindi niya akalaing sa ganoong bagay pa. Base rin sa timbre ng boses nito, hindi iyon pakiusap kundi utos. Tahimik niyang pinagmasdan ang ama na noon ay nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk sa gitna ng library. Palibhasa'y malawak ang silid, napapalibutan iyon ng matataas na bookshelf na puno ng mga libro, legal documents, at business journals. Mula pagkabata ay pamilyar na si Ren sa lugar na iyon. Sa katunayan, mas marami pa siyang alaala sa library kaysa sa mismong pakikipag-usap sa kanyang ama. Kapag hinahanap niya noon ang Daddy niya, kadalasan ay naroon ito. Kaya naman kahit ngayong matanda na siya, tila may kakaibang distansya pa rin sa
"Musuko, yokatta! Kaette kite kurete! Hontō ni aitakatta wa. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.)" bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya. Napangiti naman si Ren nang marinig iyon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama, boku mo hontō ni koishikatta yo! (Mama, I really missed you too!)" nakangiting sabi niya sabay-abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother." Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang Mommy nang tanggapin nito ang bulaklak. "Thank you very much, anak." Matamis pang ngumiti ang ginang pagkasabi niyon. She really loves flowers, especially roses. "Tamang-tama, katatapos ko lang lutuin ang favorite mong beef caldereta. Magpalit ka na ng shirt mo. Sabay-sabay na tayo ng Dad mo." Napakunot-noo si Ren nang marinig ang sinabi ng kaharap. "Nandiyan si Dad?" "Yes, anak. Sinabi ko kasing uuwi ka ngayon." Lihim siyang bumuntong-hininga. Hindi kasi sila close ng
"Or if you want, I'll give you a one-week vacation leave. Umuwi ka sa inyo. I'll give you your salary and 'yong financial help na pinangako ko para sa pamilya mo," mungkahi nito na ikinagulat ni Kiarah. Makakauwi na ako kina Nanay! Sa narinig ay hindi mapigilang tumayo ni Kiarah at yakapin ang amo bilang pasasalamat. Subalit huli na lamang rin niya napagtantong kahiya-hiya ang inasal niya sa amo. "Sorry, Sir Ren. Hindi ko lang kasi mapigilang maging masaya dahil sa sinabi ninyo. Nangungulila na kasi ako kay Nanay at sa mga kapatid ko. Hulog talaga kayo ng langit, Sir Ren," nasisiyahang pasasalamat niya rito. "No, it's okay. Ang totoo, naisip ko rin na baka nami-miss mo na ang family mo. Anyway, pack your things. Sabay na tayong aalis. Magpapa-book na lang ako ng flight pauwi sa province n'yo then ihahatid kita sa airport, okay? Make it fast," sunod-sunod pang wika ng lalaki. Mabilis namang tumango si Kiarah rito at saka masiglang tinapos ang pagkain. Nay, makakauwi na ako. Maka
HABANG nagpiprito ng hamon si Kiarah ay naramdaman niyang tila may nakatingin sa kaniya mula sa likuran kaya naman tiningnan niya kung sino iyon. At gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Ren na prenteng nakatayo sa pinto ng kusina habang pinupunasan ng tuwalya ang basa pa nitong buhok. Presko ang anyo nito at mukhang kagagaling lamang sa pagligo base sa basa pa nitong buhok. Agad rin niyang napuna na wala itong suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lamang. Lumantad tuloy ang matipunong katawan nito na halatang alaga sa pag-eehersisyo. Bahagya rin siyang nagulat nang makita ang tattoo nito sa may kanang bahagi ng dibdib, na halos umabot na rin sa kalahati ng balikat ng lalaki. May tila maliliit na pandesal rin itong mga masel sa tiyan na para kay Kiarah ay maganda ang hubog. Nakakita na rin naman siya ng mga ganoon sa probinsya nila. Iyon nga lamang, iyong mga binata na pawang banat sa pagsasaka at laging bilad sa arawan ang nakikitaan niya ng ganoon. Katulad na lama
NAPABALIKWAS nang bangon si Ren nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa niya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot. "Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon. "Naistorbo ba kita, anak?" Nagising ang diwa ni Ren pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Mom. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?" "It's okay, anak. Gusto ka lang sana naming kumustahin ng Papa mo." Tsk! Si Papa kinukumusta ako? What the hell! "I'm okay, Mom. Katatapos lang ng assignment ko, that's why I have plenty of time to spend with you," pagbibiro niya pa rito. "Really, anak? Can you go home?" anitong bakas sa tinig ang saya. "We miss you, Ren. Matagal-tagal na rin nang huli mo kaming bisitahin ng Papa mo. Two months? Three months? I don't







