LOGINALAS-OTSO nang umaga nang makauwi si Ren galing OSS. Pag-doorbell niya sa pinto ng sariling condo ay bumungad sa kanya si Kiarah na pawis na pawis. Bahagya ring humapit ang manipis na t-shirt nito sa katawan, dahilan para muling bumakat ang nipples nito.
Damn, Kiarah! Please lang, he said in his mind while looking at the innocent girl in front of him. Nabuhay na naman kasi ang pagkalalaki niya sa nakatutuksong tanawin na iyon. Lihim rin siyang napailing nang maalalang wala nga pala itong undies at tanging ang t-shirt at boxer shorts lamang niya ang suot nito. Samantalang si Kiarah naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari. "Ay, Sir! Mabuti at nakauwi na kayo," nakangiting bati ni Kiarah nang pagbuksan ang amo. Hindi naman sumagot ang lalaki kaya't sinundan na lamang niya ito ng tingin nang maupo ito sa sofa saka sumandal at pumikit. Bakas rin sa mukha ng kanyang amo ang matinding pagod at puyat habang pinagmamasdan ni Kiarah. Kawawa naman si Sir, mukhang pagod na pagod. Kumusta kaya ang trabaho n'ya? "Sir, kumain na ba kayo? Nagluto ako ng almusal para sa inyo," alok pa ni Kiarah sa binatang amo pagkuwan. Dumilat naman ito pagkarinig niyon kung kaya't nahuli siya ng lalaking nakatingin. Napapahiya namang nagbaba na lang ng tingin si Kiarah dahil doon. Ikaw talaga, Kiarah! Kabastusan iyang ginagawa mo! lihim pa niyang saway sa sarili. "I'm okay. Nag-breakfast na ako," wika nito pagkatapos ay hinubad ang sapatos at jacket na suot. "How are you? Ano'ng pinagkaabalahan mo habang wala ako?" "Naglinis ako ng bahay, Sir, at saka naglaba ng mga damit. Napansin ko kasing marami kayong labahin." Iyon kasi ang usapan nila ng lalaki—ang mamasukan siya rito bilang kasambahay. Nasiyahan rin siya nang husto nang malamang mataas ang kanyang magiging suweldo, idagdag pang doon na siya pinatitira ng lalaki dahil mayroon namang bakanteng silid doon. Bukod pa roon, ipinangako pa ng kanyang mabait na amo na tutulungan nito ang Nanay at mga kapatid niya sa probinsya. Kung kaya't para kay Kiarah, talagang hulog ng langit ang lalaki dahil sa kabutihang-loob nito. "Okay, good. I'm glad na madali kang matuto sa mga itinuro ko sa'yo," anang Ren na ang tinutukoy ay ang pagtuturo nito kay Kiarah kung paano gumamit ng mga de-kuryenteng kasangkapan. "Anyway, nakalimutan pala kitang bilhan ng personal things mo. I was too busy with work. Kung puwede, ikaw na lang ang bumili. Kaya mo ba?" Sandaling nag-isip si Kiarah. Nagdadalawang-isip kasi siya sa ideyang iyon. Wala pa siyang isang buwan sa Metro City at hindi pa niya gaanong kabisado ang lugar, maging ang transportasyon. Isa pa, natatakot rin siyang baka makita siya ng isa sa mga tauhan ni Mr. Wong. Ayaw na niya pang bumalik sa masalimuot na club na iyon. "Okay, sasamahan na lang kita. Pero bukas na lang siguro o mamaya. I need to sleep. I'm so tired," suhestyon naman ni Ren. Napansin kasi niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae. Marahil ay natatakot itong mag-isa dahil sa hindi magandang experience nito sa siyudad. "And don't worry, Kiarah. Nakakulong na ang Mr. Wong na 'yon. Nasagip na rin ang mga kasamahan mo kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala." Sa narinig ay hindi mapigilang mapatalon ni Kiarah sa tuwa. Talaga namang tinupad ng lalaki ang pangako nito sa kaniya. "Maraming salamat, Sir Ren. Ang totoo nga'y hindi ko rin mapigilang mag-alala para sa kanila. Mabuti na lamang at nariyan kayo," nagagalak niyang tugon matapos maalala ang mga dating kasamahan sa club. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Kiarah, na sa palagay ko ay tama." Tumayo na ang lalaki pagkasabi niyon. "I need to sleep. Don't disturb me, okay? 'Wag mo na rin akong gisingin para kumain. Kakain ako kapag nagutom," paalala pa nito. "Okay, Sir." Ilang minuto ring abala si Kiarah nang makarinig ng pag-doorbell. "May bisita kaya si Sir Ren? Pero wala naman siyang ibinilin sa'kin," takang tanong niya sa sarili. Mabilis niyang tinungo ang pinto dahil muling tumunog ang doorbell, na sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod na. Pinindot muna niya ang aparato na nag-uugnay sa labas ng pinto saka tiningnan sa screen kung sino ang panauhin. At nang makitang isa itong babae ay nabuhay ang kuryosidad niya. Sino kaya siya? Nobya kaya siya ni Sir? "Sino po kayo, Ma'am?" magalang na tanong ni Kiarah sa monitor. "What the hell?! Who are you?!" galit na sagot nito na ikinagulat niya. Ang sungit naman! "E, Ma'am, kayo po ang—" "Ako na, Kiarah. She's my visitor." Naputol ang sana'y sasabihin ni Kiarah nang maulinigan sa kanyang likuran ang tinig ni Ren. Hindi na siya nakapagsalita nang ito na mismo ang magbukas sa pinto. "Who are you, bitch? What are you doing here?" mataray na tanong ng isang magandang babae kay Kiarah nang tuluyang makapasok. "'Di mo ba 'ko kilala, huh?" "Hey! Stop it, Selena. She's my maid," inis na sita naman ni Ren sa babae. Alam kasi n'yang inaatake na naman ito ng selos. "Maid? Duh? I thought ayaw mong may kasama sa bahay? Are you kidding me?" maarte pang sagot nito habang nakapamaywang pa sa harap ni Kiarah. Hindi naman kumibo si Kiarah at nanahimik na lamang. Ngunit sa loob-loob niya, gusto niyang hilahin ang mahabang buhok nito dahil sa gaspang ng pag-uugali. Tse! Maganda nga pero kabaliktaran naman ang ugali! Pinigil ni Ren ang tuluyang mainis kay Selena. May usapan kasi silang magpupunta ito sa condo niya ng araw na iyon. Kung 'di pa nga nag-text ito na on the way na, ay hindi n'ya iyon maaalala. Ayaw rin n'yang mag-walk out ito. Ganoon kasi ang ugali ng babae kapag may hindi gusto. He needs Selena, especially her body. Lalo ngayong nararamdaman na naman niya ang matinding pananabik sa sex. Selena is one of his flings, na hindi rin naman lingid sa kaalaman nito. Wala rin silang relasyon, pero kung minsan, daig pa nito ang girlfriend kung magselos. "Love, I thought you wanted to spend time with me?" malambing na tanong ni Ren sa babae at saka hinapit ito sa baywang nang mahigpit. Alam kasi niyang kapag ganoon siya ay agad lumalambot ang babae. Hindi na rin niya alintana kung nakikita man ni Kiarah iyon. "Come on, let's go to my room. My bed is waiting for you, love," bulong pa niya sa tenga ng babae na ikinangiti nito. Gumanti rin ito ng yapos saka hinalikan siya nang matagal sa labi. Si Kiarah naman ay nakaramdam ng hiya habang pinanonood ang mga ito. Gustuhin man niyang tumalikod at iwan ang mga ito ay hindi niya magawa. Ayaw kasi niyang magmukhang bastos. At isa pa, nalulungkot rin si Kiarah nang malamang ganoon ang pag-uugali ng nobya ng kanyang mabait na amo. Aaminin niyang bagay ang mga ito kung panlabas na anyo ang pag-uusapan. Maganda kasi ang babae. Matangkad, may magandang katawan at mukhang mayaman. Subalit ayaw lamang niya ang ugali nito, na kung tingnan siya ng babae kanina ay para bang isa lamang siyang basura. Talagang walang nagagawa ang pera upang gamutin ang masamang pag-uugali ng tao, isip-isip ni Kiarah habang palihim na pinagmamasdan ang dalawa. "Let's go, love. I'm craving for you," bulong pa ng babae, na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Kiarah. Magkayap pang tumalikod ang mga ito, ngunit bago pa tuluyang makalayo ang dalawa ay muli pa itong lumingon kay Kiarah saka siya pinukol ng masamang tingin. Hindi na lamang ito pinansin pa ni Kiarah at ipinagpatuloy na lamang ang naantalang gawaing bahay.NGUNIT HINDI napanatag ang kalooban ni Kiara sa tinuran nito. Kitang-kita kasi niyang nahihirapan ang amo bunga ng tinamong sugat nito sa braso. "Sigurado ba kayo, Sir? Nag-aalala ako sa inyo, e."Si Ren naman ay hindi malaman kung bakit, pero sa tuwing nararamdaman niyang nag-aalala ang babae, parang hinaplos ang kanyang puso. At ang ipinagtataka pa niya, si Kiara lang ang tanging babae na may kakayahang makapagparamdam nito sa kanya ng ganoon. Kapag ito kasi ang nagsasalita, ramdam niya ang sincerity nito. Pero lihim ding napailing si Ren dahil doon. ‘'Di dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. Natural lang na mag-alala ang isang tao!’"It's nothing, Kiara. Daplis lang 'to, okay? At saka galing na 'ko sa ospital."Bumuntong-hininga ang babae habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin maalis-alis ang pag-aalala nito sa mukha. "Eh, Sir, napakadelikado naman pala ng trabaho mo. Bakit iyan pa ang napili mong pasukin?" nakasimangot na tanong pa ni Kiara sa kanya. "Marami namang trabaho riya
"SIR, ito na po ang info about sa member ng Budol-budol Gang na ipinahahanap niyo."Inabot ni Ren ang itim na folder na ibinigay ni Maggie, ang researcher sa OSS, saka pinasadahan iyon ng basa."Nakalagay po sa info na 'yan kung saan makikita si Rosalia Marquez a.k.a Sylvia Dimayuga, maging ang mga address ng mga kasamahan niya. Ayon din po sa surveillance team, ang Star Creator Agency ang ginagamit ng gang na 'yan para makapanloko. Malamang po ay nariyan ang iba pang member ng gang na wala sa watch list. At ayon rin sa mga awtoridad, mailap ang mga 'yan. Sa tingin nila ay may malaking tao ang nasa likod ng grupong 'yan," tuloy-tuloy na paliwanag pa nito sa kanya."Okay. Thanks, Maggie. Ako na ang bahala rito," ani Ren saka tumango rito."You're welcome, Sir Ren." Tumalikod na ang babae pagkatapos niyon.Nang makalabas na ito, ipinasya ni Ren na magpunta sa opisina ni Mr. Vargas. Kailangan muna kasi niya ng permiso ukol sa operasyon na balak niyang isagawa sa gabing ding iyon. Besides
“SO hija, are you Maria Kiara Mendoza?" tanong ng may-edad na lalaki kay Kiara. Mukha itong mabait at kagalang-galang."Opo, Sir," kabado ngunit magalang naman na sagot ni Kiara.Ang totoo'y wala siyang ideya kung bakit siya dinala ni Ren sa pinagtatrabahuhan nito. Ang sabi lamang nito'y may taong kakausap sa kanya. At sa kanyang palagay ay ang lalaking kaharap niya ngayon ang tinutukoy ng amo."I'm Mr. Vargas. Sa akin nagtatrabaho ang amo mong si Ren Akihara," pormal na pagpapakilala nito sa kanya sabay abot ng palad upang makipagkamay.Kaagad naman iyong inabot ni Kiara. "Masaya po akong makilala kayo, Mr. Vargas," aniya habang nakangiti sa kaharap."Okay hija, siguro ay nagtataka ka kung bakit ka nandito ngayon, ano?" Tumango naman si Kiara bilang sagot. "Nasabi ni Agent Akihara na isa ka raw sa mga babaeng nailigtas niya sa The Hidden Paradise at kinukop, pagkatapos ay binigyan ng trabaho. At kaya ka naririto dahil ang aming foundation ay naghahanap ng mga out-of-school youth na
"GOD! Bakit ko ba nagawa 'yon?" frustrated na saad ni Ren sa sarili habang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. "Bakit kasi may pa-haplos-haplos pa akong nalalaman?! Baka bigyan niya pa 'yon ng kahulugan. E, naaawa lang naman ako sa kanya," kausap pa ni Ren sa sarili habang hindi maalis-alis sa isipan ang ginawa kani-kanina lang.Ewan rin niya kung bakit weirdo ang naging epekto sa kanya nang makitang may tinamong bukol ang dalaga. Bigla-bigla, nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Kaya naman pakiramdam niya sa sarili kanina ay para siyang ibang tao."Shit! Nakainom lang ako kaya gano'n! No way! Naawa lang talaga 'ko sa kanya!" giit pa niya sa sarili habang panay ang iling.Totoong nakaramdam siya ng awa matapos makita ang bukol sa noo ni Kiara. Ang buong akala niya, hindi ito sinaktan ni Bianca at pinagsabihan lang. Nalaman niyang nagkaharap ang dalawa nang magkita sila ni Bianca sa bar kung saan sila nagkayayaang mag-inom ng mga kasamahan.Ang sabi lang sa kanya ni Bianca,
HINDI na nakapagpigil pa si Kiara. Hindi niya hahayaan na pagsalitaan pa siya nito nang ganoon gayong wala naman siyang natatandaan na may ginawa siyang masama sa nobya ng amo. Tinampal ni Kiara ang kamay nitong nakaduro sa kanya saka galit ring hinarap ito."Magdahan-dahan ka naman sa pagsasalita, Ma'am Bianca. Nandito ako upang magtrabaho at hindi para maglandi na katulad ng sinasabi niyo!" lakas-loob na sagot niya dahilan upang lalong magalit ang babae. Pulang-pula na ang mukha nito sa tindi ng galit. "Isa pa, kung taga-bundok ako sa paningin mo, Ma'am, bakit po kayo natatakot na maagaw ko si Sir? Wala po ba kayong tiwala sa sarili niyo?" Ayaw sana niyang maghimig sarkastiko ngunit marahil ay dahil na rin sa galit kaya hindi na nakontrol pa ni Kiara ang sarili."What the hell did you say?!" sigaw nito saka walang anu-ano'y malakas siyang sinampal. Halos mabingi si Kiara sa sobrang lakas niyon. "Ano, huh? Anong sabi mo?! Ang kapal din ng apog mo! Tingnan mo nga ang sarili mo?! You'r
ABALA si Kiara sa pagwawalis ng marmol na sahig nang sandali siyang matigilan. Naalala kasi niya ang naging usapan nila ni Ren kanina lamang tungkol kay Alvin at sa pagpayag ng asawang mamasukan siyang muli.Ang totoo ay hindi rin niya alam kung bakit hindi niya masabi na wala na ang asawa. Ayaw man niyang magsinungaling sa amo, pero ewan niya sa sarili kung bakit hindi niya inamin ang katotohanan. Bigla ay nakaramdam tuloy siya ng konsensya, lalo pa't napakalaki na ng utang na loob niya sa amo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano makababayad. Ngunit ipinangako rin niya sa sariling gagawin ang lahat upang makabayad sa kabutihan nito."Naku! Ang kalat-kalat naman ng silid ni Sir Ren. Hindi ba siya nakakapaglinis?" kunot-noong bulalas ni Kiara sa sarili habang pinasasadahan ng tingin ang nagkalat na pinagbihisan sa sahig.Mayroon ding basyo ng mga de-latang alak at balat ng tsitsirya. Sunod kasi niyang ginawa ang paglilinis ng silid ng lalaki. Hindi niya napansin iyo
"Prepare your team, Agent Akihara. We're about to enter the club!" NANG marinig iyon ni Ren ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers. Pa
NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman i
"SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.Nakaramdam siya
"M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi







