مشاركة

Kabanata 3

مؤلف: iamAexyz
last update آخر تحديث: 2026-01-15 00:12:54

LUNA

Masakit ang ulo ko nang gumising ako kaya napahilot ako sa sintido ko. Hindi lang ulo ko ang masakit, kundi maging ang pagitan ng mga hita ko. Tumingin ako sa ilalim ng kumot na nakatakip sa akin at nakita kong wala akong saplot na kahit ano. Pero nang tumagilid ako ay napangiti ako nang makita ko si Theo na nakahiga sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.

Tinaas ko ang isang kamay ko para sana haplosin ang pisngi niya pero malakas na bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon at nakita ko ang Mama ni Theo, kasama si Candice na biglang nangilid ang luha nang makita kami.

"THEO!" malakas na sigaw ng ina ni Theo dahilan para mapabalikwas si Theo at nagulat pa ito nang makita ako sa tabi niya.

"WHAT IS THE MEANING OF THIS? WHY... WHY YOU..." malakas ang boses na saad ni Tita Maris habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Tinuro pa niya kaming dalawa ni Theo.

"Shit!" mabilis na napatayo sa kama si Theo. Mabuti na lang at nakasuot na siya ng boxer shorts niya kaya hindi kita ang dapat makita sa kaniya habang nanatili ako sa kama at kipkip ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan.

"What happened?" tanong sa akin ni Theo na para bang naguguluhan pa siya kung bakit magkasama kaming dalawa ngayon sa kama at naabutan ng ina at girlfriend niya.

"We fucked," casual na sagot ko.

Hindi ba niya natatandaan ang nangyari kagabi? Dahil malinaw na malinaw sa alaala ko ang lahat kahit na pakiramdam ko ay may nainom din ako at sumasakit din ang ulo ko.

Napahawak sa dibdib niya ang ina ni Theo na si Tita Maris, na para bang aatakehin siya sa puso. Habang si Candice naman ay sinugod ako bigla. SInabunutan niya ako at hindi ko magawang makalaban sa kaniya dahil nakahawak ako sa kumot.

"Malandi ka!" sigaw ni Candice habang sinasabunutan niya ako. Napapangiwi ako sa ginawa niya dahil sa sakit ng paghila niya sa buhok ko. Tila maalis ang anit ko at mukhang nakatanga lang si Theo habang nakatingin sa amin.

"Let me go!" malakas na saad ko at pilit tinutulak si Candice gamit lang ang isang kamay ko.

Sinubukan siyang awatin ni Theo pero isang nanlilisik na tingin lang ni Candice ay napaatras na ito.

Hinila niyang muli ang buhok ko na para bang gusto niya akong hilahin patayo. "Tumayo ka! Ipapakita ko sa lahat kung gaano ka kalandi!" galit na galit na saad ni Candice habang pinipilit akong hilahin patayo para kaladkarin palabas at ipahiya pero hindi ako papayag sa gusto niya kaya nagmatigas ako.

Hindi lang ako makakilos ng maayos para labanan siya dahil kumot lang ang nakatikim sa katawan ko.

"Bitawan mo ako!" sagot ko at pilit pa ring tinutulak siya palayo.

Nakita ng gilid ng mga mata ko si Tita Maris na gulat na gulat pa rin siya sa nangyayari at muntik na akong malaglag sa kama nang muling bumukas ang pinto kaya napahinto si Candice pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa buhok ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa kaniya.

Pumasok ang Lolo ni Theo.

"Let her go," maawtoridad na saad ni Lolo Thomas.

Matalim na tumingin sa akin si Candice pero wala na siyang nagawa at napilitan na siyang pakawalan ako. Napahawak ako sa ulo ko. Masakit iyon. Kung hindi sana ako hubad ngayon at ganito ang sitwasyon ko ay hindi ako magagawang saktan ni Candice dahil lalaban ako pero dahil natatakot akong lumantad ang hubad na katawan ko ay wala akong nagawa nang atakehin niya ako.

"Lo, this was just a mistake. I was drunk," agad na saad ni Theo habang nakatingin sa Lolo niya.

"Drunk! You were just drunk. Kahit lasing ka you know what you were doing! You cheated on me! Sa dami nang babae sa kaniya pa talaga! Sa malanding iyan pa talaga!" sabat ni Candice at tinuro pa ako habang umiiyak na nakatingin siya kay Theo. Mabilis namang lumapit ang ina ni Theo kay Candice para aluin ito.

"Magdamit kayo. Mag-uusap tayo," puno ng awtoridad na saad ng matanda at muling tumalikod at lumabas ng kwarto.

"Get dress, bilisan ninyo," saad naman ni Tita Maris. "Let's go Candice." Inakay naman niya si Candice na tila ayaw pang sumama. Lumingon pa siya sa amin ni Theo kaya ngumisi ako pabalik sa kaniya para mas asarin pa siya. Alam kong galit na galit siya ngayon pero wala akong pakialam.

Sa aming dalawa. Siya ang tunay na mang-aagaw. Inagaw niya sa akin si Theo, binabawi ko lang.

Habang si Tita Maris ay umiling siya sa amin, senyales na disappointed siya bago sila tuluyang lumabas.

Kami na lang ni Theo ang naiwan sa kwarto. Tumingin siya sa akin at marahas na ginulo niya ang buhok niya habang frustrated na nakatingin sa akin.

"Why are you in my room? Paanong may nangyari sa atin? Damn it, Luna!" galit na saad niya.

Sinalubong ko ang tingin niya.

"Don't you remember what happened last night? For real?" tanong ko sa kaniya pero naguguluhang tumingin siya sa akin.

Para bang wala siyang ideya kung ano ang namagitan sa aming dalawa. Muli siyang napasabunot sa buhok niya na para bang sa pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi.

Blurred ang lahat sa akin. Sigurado akong may kung anong nilagay sa wine na nainom ko, pero natatandaan ko naman kahit paaano ang nangyari. Kung paano ko sinuko sa kaniya ang pagkababae ko. Kung paano niya ako inangkin na para bang sabik na sabik siya sa akin. Pero bakit ngayon, parang wala siyang matandaan na kahit ano?

"I was drunk. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko." Matalim na tumingin siya sa akin. Puno ng paninisi ang mga mata niya. Bumaba naman ako sa kama at habang nakahawak pa rin sa kumot na nakatakip sa katawan ko. Sinimulan kong pulutin ang mga damit ko na nagkalat sa sahig.

"You jumped on my bed. Sinadya mong may mangyari sa atin. I have a girlfriend, Luna. Hindi dahil may nangyari na sa atin ay hihiwalayan ko na si Candice. It was just a mistake. Kung ano man ang nangyari kagabi. Kalimutan na natin. I know you like me, pero hindi ko ipagpapalit sa iyo ang girlfriend ko," mariing saad niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya kahit na nasasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. I took the risk. Iniisip ko magagawa ko siyang agawin kay Candice, pero sa kabila ng nangyari sa amin, kahit nahuli na kami. Si Candice pa rin ang pinipili niya. Hindi na iyon nakakagulat dahil ito ang girlfriend niya, pero babawiin ko pa rin siya. Nagsisimula pa lang ako.

Kahit ilang beses siyang tumanggi sa akin. Sisiguraduhin kong sa akin pa rin siya babagsak. Nasimulan ko na ito, wala nang atrasan pa.

"You talk na para bang hindi ka nag-enjoy sa ginawa natin kagabi," sarcastic na sagot ko at tumingin sa kaniya.

"I did not know it's you. I thought you are my girlfriend," katwiran nito na para bang hindi niya alam ang gagawin.

Hanggang sa mapabaling siya sa kama at makita niya ang mantsa ng dugo roon. Mas lalo siyang napasubunot sa buhok niya.

"You are crazy," naiiling na saad niya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Ngumiti ako sa kaniya.

Tumalim ang tingin niya sa akin.

"At hindi ako papayag na madamay sa kabaliwan mo, Luna," matigas na saad niya at mabilis na sinuot ang pantalon niya. "Kalimutan na lang natin ang nangyari."

Maari ngang baliw ako. Alam kong may girlfriend na siya pero binigay ko pa rin ang sarili ko sa kaniya. Pero umaayon ang lahat sa gusto ko. Ang balak ko ay i-balckmail lang siya, pero ngayong nahuli kami ng pamilya at girlfriend niya, mas pabor sa akin.

"Paano? Nahuli na nila tayo."

"Then don't make yourself a victim. Dahil kahit anong mangyari, hindi kita pipiliin over my girlfriend."

"You love her that much? Okay naman tayo dati noong wala pa siya," nasasaktang saad ko pero hindi siya sumagot.

Mabilis siyang nagbihis at walang salitang iniwan ako kaya mapait akong napangiti. Alam kong hindi pa niya natatanggap ang nangyari, pero hindi ako papayag na mabalewa ang lahat.

Ako naman talaga ang gusto niya, inakala lang niyang si Candice ang babaeng iyon. Ako iyon.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 6

    LUNA AMARISMabilis na akong sumakay sa sasakyan ko. Kinuha ko muna ang bag ko at tiningnan ang phone ko bago ako mag-drive at mariin akong pumikit nang makita ko ang mga missed calls ni Daddy. Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko namalayan. Sigurado akong hinahanap na niya ako dahil hindi pa ako umuuwi. Kahit matanda na ako, istrikto pa rin sa akin ang ama ko na para bang may gagawin ako laging kalokohan. Mas may tiwala pa nga siya kay Candice kaysa sa akin. Kaya lagi siyang pinagmamalaki ni Tita Camille.Mabilis na akong nag-drive pauwi. Siguro naman, hindi pa alam ni Daddy ang nangyari kaya hindi pa niya ako mapapagalitan maliban sa hindi ako nakauwi kagabi na pwede kong gawan ng paraan. Pagdating ko sa bahay namin ay nakita ko ang ama ko nanagbanasa ng dyaryo habang nakaupo sa sofa at hinihintay ako.Nag-angat siya ng tingin at matalim na tingin ang binato niya sa akin kaya alanganin akong ngumiti sa kaniya.“Naparami ang inom ko kagabi kaya nalasing ako. Hindi na ako nakauwi da

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 5

    LUNA AMARISNakita ko ang pagtalim ng mukha ni Lolo Thomas. Si Tita Maris naman ay nag-aalalang tumingin kay Theo."Natatakot akong magkaroon ng bastardo? Pero hindi ba at meron din naman kayo?" ulit pa ni Theo. Mas dumilim ang mukha ni Lolo Thomas. Mariing magkalapat ang mga mga labi niya habang ang mga mata ay parang tumutusok na sa pagkatao ni Theo."You even invited him last night.""I never cheated," mariing saad ni Lolo. "We are different. So stop using him to save yourself. Ang isipin mo. Paano mo maaayos ang gulong pinasok mo. Binabantaan kita, ayoko ng kahihiyan sa pamilya natin.""Umayos ka kung ayaw mong wala kang manahin mula sa akin," wika pa ni Lolo Thomas kaya napatayo si Tita Maris. Nagbabanta ang tingin niya kay Theo na para bang binabalaan niyang huwag na huwag itong sasagot pa kaya hindi na muling nakasagot si Theo.Bumaling ako kay Candice na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Alam kong ako ang sinisisi niya sa mga nangyari pero wala akong pakialam sa k

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 4

    LUNA AMARISNang ibaba ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at tumingin sa salamin sa banyo ay napangiti ako. Kita ko ang mga bulang marka sa katawan ko. Masakit ang pagitan ng mga hita ko pero wala akong time para indahin iyon. Gumana ang plano ko, kaya alam kong makukuha ko na ang gusto ko. Si Theo.Mabilis na ang naging kilos ko. Wala akong choice kundi ang isuot muli ang suot ko kagabi at nang masigurado kong maayos na ang suot ko ay humarap ako sa salamin at naglagay ng pulang-pulang lipstick. Ngumiti akong muli sa salamin bago bago tuluyan nang lumabas ako ng banyo ay agad kong kinuha ang bag ko pero paalis na sana ako nang makita ko ang cufflink sa sahig. Pinulot ko iyon. Bilog lang iyon pero napapalibutan ng maliliit na diamond sa gilid. Pinakatitigan ko iyon. Cufflink lang ito, pero alam kong hindi biro ang halaga dahil sa mga batong nakapalibot dito. Pinilit kong alalahanin kong may suot bang cufflink kagabi si Theo, pero hindi ko masyadong napansin.Sinilid ko na lang iy

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 3

    LUNAMasakit ang ulo ko nang gumising ako kaya napahilot ako sa sintido ko. Hindi lang ulo ko ang masakit, kundi maging ang pagitan ng mga hita ko. Tumingin ako sa ilalim ng kumot na nakatakip sa akin at nakita kong wala akong saplot na kahit ano. Pero nang tumagilid ako ay napangiti ako nang makita ko si Theo na nakahiga sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.Tinaas ko ang isang kamay ko para sana haplosin ang pisngi niya pero malakas na bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon at nakita ko ang Mama ni Theo, kasama si Candice na biglang nangilid ang luha nang makita kami."THEO!" malakas na sigaw ng ina ni Theo dahilan para mapabalikwas si Theo at nagulat pa ito nang makita ako sa tabi niya."WHAT IS THE MEANING OF THIS? WHY... WHY YOU..." malakas ang boses na saad ni Tita Maris habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Tinuro pa niya kaming dalawa ni Theo."Shit!" mabilis na napatayo sa kama si Theo. Mabuti na lang at nakasuot na

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 2

    LUNA AMARISNakaupo lang ako sa gilid ng kama habang umiinom ako ng wine. Tumingin ako sa buong paligid. Malaki ang kwarto. Hinubad ko na ang gown na suot ko at tanging panty ko na lang ang suot ko. Saka ako nagtungo sa shower para maligo.Marahas kong pinilig ang ulo ko habang nakatapat ako sa shower. Hindi ko alam kung bakit parang naiinitan ako gayong nasa tapat na ako ng malamig na tubig. Mabilis ko nang tinapos ang pagliligo ko dahil parang umiikot ang paningin ko.Naka-roba na lang ako nang matapos akong maligo at basa pa ang buhok ko nang lumabas ako ng bathroom. Wala pa rin si Theo. Hindi pa ba niya naiinom ang alak na pinabibigay ko sa kaniya?Hindi pa ba tumatalab ang gamot na pinalagay ko roon? Muli akong nagsalin ng wine sa kopita. Mabilis kong nilagok ng diretso ang laman noon dahil parang nauuhaw ako. Mainit pa rin ang pakiramdam ko at parang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.Tumingin ako sa wine na nasa table. Damn. Ang plano ko ay lagyan ng gamot ang inumin ni The

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 1

    LUNA AMARISMalaki nag ngiti ko habang naglalakad ako sa hallway kung saan patungo ako sa birthday party ni Tita Maris, ang ina ng lalaking gustong-gusto ko. Late na akong dumating dahil galing pa ako sa opisina. Ang alam ko ay nauna na ang madrasta ko at ang pamangkin niyang magtungo sa party. Wala si Daddy dahil nasa Manila siya at parating pa lang siya ngayong gabi kaya hindi na siya makakadalo.Nakasuot ako ngayon ng back na long gown, tube iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Naka-lower bun naman ang buhok ko. Marami nang tao nang dumating ako. Pero hindi agad ako nagpakita sa kanila at lumapit ako sa may sulok kung saan walang masyadong makakapansin sa akin. May isang lalaking may dalang champagne na nakalagay sa pabilog ang lumapit sa akin.Ngumiti ako sa kaniya."Wait for my signal," mahinang saad ko.Marahan siyang tumango sa akin. Kinuha ko ang alak na dala niya bago ako lumayo sa kaniya. Agad naman akong nakita ni Tita Maris kaya ngumiti ako sa kaniya at binati siya

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status