LOGINLUNA AMARIS
Nang ibaba ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at tumingin sa salamin sa banyo ay napangiti ako. Kita ko ang mga bulang marka sa katawan ko. Masakit ang pagitan ng mga hita ko pero wala akong time para indahin iyon. Gumana ang plano ko, kaya alam kong makukuha ko na ang gusto ko. Si Theo.
Mabilis na ang naging kilos ko. Wala akong choice kundi ang isuot muli ang suot ko kagabi at nang masigurado kong maayos na ang suot ko ay humarap ako sa salamin at naglagay ng pulang-pulang lipstick. Ngumiti akong muli sa salamin bago bago tuluyan nang lumabas ako ng banyo ay agad kong kinuha ang bag ko pero paalis na sana ako nang makita ko ang cufflink sa sahig. Pinulot ko iyon. Bilog lang iyon pero napapalibutan ng maliliit na diamond sa gilid. Pinakatitigan ko iyon. Cufflink lang ito, pero alam kong hindi biro ang halaga dahil sa mga batong nakapalibot dito. Pinilit kong alalahanin kong may suot bang cufflink kagabi si Theo, pero hindi ko masyadong napansin.
Sinilid ko na lang iyon sa maliit na bag ko saka ako tuluyang lumabas ng hotel room. Naka-gown na suot ko pa ako kagabi.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagpalinga-linga ako. May lumapit sa aking isang babae at siya mismo ang nagsabi sa akin kung nasaan sina Lolo Thomas.
Mabilis akong pumunta sa hotel room na sinabi sa akin ng staff.
Kumatok muna ako bago ako tuluyang pumasok. Naabutan ko si Lolo Thomas na seryosong nakaupo sa sofa habang si Theo naman ay nakatayo. Nakaupo sa kaliwang side ni Lolo Thomas si Tita Maris na inaalo pa rin hanggang ngayon si Candice.
Alam kong ako ang kotrabida sa paningin ng lahat ngayon pero wala akong pakialam. Sinumulan ko na ito kaya kailangan kong panindigan ang pinasok ko.
Naupo ako sa katapat na sofa nang kinauupuan nina Tita Maris kahit hindi pa naman ako pinapaupo. Matalim na tumingin sa akin si Candice.
"Did he force you?" seryosong tanong ni Lolo Thomas sa akin.
"Lo! I did not force her," mabilis na sagot ni Theo.
"So, inamin mo talaga na may nangyari sa inyo? You have a girlfriend, pero ginalaw mo pa rin si Luna!" dumadagongdong ang boses na saad ni Lolo Thomas habang galit na galit siya kay Theo.
"It was a mistake," mahinang sagot ni Theo.
Kanina pilit niyang tinatanggi sa harap ko na wala siyang maalala sa nangyari pero hindi niya iyon magawa sa harap ni Lolo.
Tumingin ako sa ayos niya. Naka-white long sleeves lang siya na basta na lang tinupi hanggang siko niya kaya hindi ko nakita ang kapareha ng cufflink na hawak ko kung nasa kaniya pa ba.
"I was drunk and I don't —"
"Bullshit!" Napatayo pa si Lolo Thomas sa kinauupuan niya. "Kahit lasing ka, alam mo kung kanino itutusok iyang putanginang titi mo! Huwag mo akong gawing tanga, Theo. May nangyari sa inyo ni Luna at hindi pwedeng hindi mo siya panagutan!" lumalabas na pati litid sa noo ni Lolo Thomas habang nagsasalita siya habang matalim ang tingin niya kay Theo.
"Panagutan? Paano naman po ako?" singit ni Candice habang namumula ang matang nakatingin kay Lolo Thomas. "Ako ang girlfriend ni Theo. Hindi ba kung meron siyang dapat na panagutan, ako iyon? Isang gabing pagkakamali lang ang namagitan sa kanila ni Luna at sigurado akong sinadya iyon ng babaeng iyan." Matalim ang tingin na bumaling sa akin si Candice. "Alam kong matagal na niyang gusto ang boyfriend ko kaya hindi na ako nagtataka na ginapang niya ang boyfriend ko kaya may nangyari sa kanila. Kung may dapat sisihin sa nangyari, si Luna iyon. Alam niyang may girlfriend na si Theo pero pumayag pa rin siyang may mangyari sa kanila dahil gusto niyang maagaw sa akin si Theo," matatag na saad ni Candice habang nakatingin sa akin.
Lihim akong napangiti sa kaniya. Tama siya, iyon talaga ang nangyari pero hindi ko iyon aaminin.
Pinalungkot ko ang mga matang tumingin ako kay Lolo Thomas. He is my grandmother's bestfriend, close kaming dalawa kaya alam kong ipagtatanggol niya ako.
"Lo, sorry. Hindi ko gustong makasira ng relasyon. Tulog na ako ng may pumasok sa loob ng kwarto, hindi ko alam pero pakiramdam ko may naglagay ng gamot sa alak na nainom ko kaya nahihilo ako ng mga oras na iyon. Hindi ko nalabanan ang tukso, hindi ko alam na nakasira na pala ako ng relasyon," naiiyak na saad ko para mas magmukha akong kawawa. "Nawala ang pinakaiingatan ko, pero alam kong may girlfriend si Theo at ayaw kong makasira ng relasyon kaya kalimutan na lang natin ang nangyari," dagdag ko pa.
Hindi pwedeng ipagpilitan ko agad ang gusto kong mamgyari. Kailangang magmukha akong kawawa sa harap ni Lolo Thomas para mas maniwala siya sa sasabihin ko.
"Paano ako haharap kay Aria nito?" problemadong tanong ni Lolo Thomas, ang Lola ko ang tinutukoy niya. "Naisip n'yo ba na kapag nalaman niya ang totoo, ako ang pauulanan niya ng bala?"
Napayuko ako. Dating General ang Lola ko at kahit matanda na siya parang takot na takot pa rin sa kaniya si Lolo Thomas.
"Papa, alam kong magulo ang nangyari. Pero hindi natin pwedeng pilitin ang mga bata. Alam kong nag-aalala ka kay Luna pero paano si Candice? Kaya tama si Luna, kalimutan na lang natin ang nangyari. Wala naman na tayong magagawa pa. Nangyari na, pero hindi pwedeng iiwan ni Theo si Candice para panagutan si Luna," paliwanag ni Tita Maris.
Umismid si Lolo Thomas.
"Alam ko, pero paano kung mabuntis si Luna?" Galit na muling tumingin si Lolo Thomas kay Theo. "Naisip mo ba ang gulong ginawa mo? May girlfriend ka na pero ginalaw mo pa rin ang kaibigan mo, hindi ka ba nag-iisip? Nasaan ang utak mo?"
Marahas ang paghinga ni Lolo Thimas na tila ba tumataas na ang BP niya dahil sa nangyayari.
"Hindi ko nga sinasadya. Hindi ko alam kung paanong nandoon si Luna. Lasing ako," giit na katwiran ni Theo.
"Maidadahilan mo pa ba iyan kapag nagbunga ang nangyari sa inyo?"
"Isang gabi lang naman, baka naman hindi," singit ni Tita Maris. Tumingin si Tita Maris kay Theo na tila hindi alam ang gagawin ngayon. "Papa, kumalma kayo. Baka tumaas ang blood pressure ninyo. Isang gabi lang naman na may nangyari sa kanila. Hindi naman siguro mabubuntis agad si Luna. Pero kung sakaling mangyari iyon, ako mismo ang gagawa ng paraan para maikasal sila. Hindi ako papayag na magkaroon ng bastardo sa pamilya natin," matigas na saad ni Tita Maris.
Tumingin sa akin si Lolo Thomas, tila humihingi siya ng pasensya kaya ngumiti ako sa kaniya.
"Talaga ba? Hindi ba at may bastardo rin naman si Lolo? Nandito pa nga siya kagabi, hindi ba?" sarkastikong saad ni Theo kaya napabaling ang tingin ng lahat sa kaniya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May iba pang anak si Lolo Thomas? Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon, pero kung totoo man iyon. Wala akong pakialam, ang mahalaga umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari.
Maaring hindi ako magagawang panagutan agad ni Theo, pero may lamat na ang relasyon nila ni Candice. Unti-unti, magiging akin din siya.
LUNA AMARISNasa loob ako ngayon ng kwarto. Nakaupo ako sa kama. Nasa bathroom si Theo. Tahimik lang siya nang dumating siya kanina. Nauna akong bumalik ng kwarto matapos ang dinner at nang matapos akong magpalit ng pantulog ay nakita ko siyang nasa balcony. May balcony ang kwarto niya. Naninigarilyo siya roon pero nang makita niyang tapos na ako sa paggamit ng bathroom ay pinatay niya ang sigarilyo at walang imik na siya naman ang pumasok doon.Magkakalahating oras na siya sa bathroom pero hindi pa siya lumalabas. Ramdam ko na iniiwasan niya ako, pero hindi pwedeng ganito kami palagi. Mag-asawa na kami. Maaaring wala pang napapansin ang mga kasama namin sa bahay dahil pero ayaw kong makahalata sila.Huminga ako ng malalim nang lumabas siya ng bathroom. Naka-pajama at black t-shirt siya.“Can we talk?” malumanay na tanong ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin.“May dapat pa ba tayong pag-usapan?” malamig na tugon niya.“We can’t be like this,” frustrated na saad ko. “You are too fucking
LUNA AMARISMatapos ang breakfast ay nagtungo ako sa may likod ng bahay kung saan may outdoor lounge area. Hindi muna ako papasok ngayong araw. May trabaho ako pero kung si Theo ay pumasok sa trabaho niya kinabukasan, hindi ko iyon gagawin. Isa pa, medyo napagod ako kahapon at parang masama ang pakiramdam ko.Umalis sina Lolo at Tito Michael kaya si Mommy Maris at Tita Lessandra lang ang kasama ko sa bahay.“Luna, are you okay?” tanong sa akin ni Mommy Maris nang lumapit siya sa akin.Tumango ako sa kaniya.“Opo.”“Pasensya ka na kay Theo. Masyado lang siyang workaholic. Kilala mo naman iyon,” wika niya at naupo sa tabi ko.“Okay lang po.”Wala naman akong magagawa kahit na magalit ako. Kailangan ko ring makisama sa kanila.“Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya. Pero busy lang talaga siya, lalo na at tuluyan nang bibitawan ni Papa ang Hacienda. Lahat ng ito ay mapupunta kay Theo kaya sana maintindihan mo kung mas maging busy pa siya sa susunod na mga araw. Ang mahala naman kasal n
LUNAMatapos kong maglinis ng katawan ko at magpalit ng pantulog ay nahiga na ako sa kama. Hindi ko alam kung nasaan si Theo. Mulan ang lumabas siya kanina ay hindi pa siya pumapasok ulit.Pagoda ko kaya gusto munang magpahinga. Medyo nanakit din ang mga binti ko. Tumingin ako sa kabilang side nang kama. Hindi ako sigurado kung matutulog siya sa tabi ko. Nasa pamamahay kami ng pamilya niya at alam kong gagawin niya ang lahat para ipakita lalo na kay Lolo Thomas na maayos ang pagsasama namin kaya sigurado akong babalik pa siya ng kwarto, hindi ko nga lang alam kung magkatabi kaming matutulog. Wala naman siyang ibang matutulugan rito. Hindi naman siguro siya magtyatyaga sa mahabang couch na nasa may right side para lang hindi ako makatabi.Nakatitig lang ako sa kisame. Napangiti ako pero unti-unti din iyong naglaho.Kasal na ako. Natupad na ang gusto ko pero hindi ko pa rin magawang maging masaya. Hangga’t hindi ako ang mahal ni Theo, hindi ako lubusang magiging masaya. Pero dahil pina
LUNANapalingon naman ako kay Theo nang maramdaman ko siyang lumapit sa akin at humawak sa likod ko kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Umupo ako sa table kung nasaan ang mga grandparents namin. Medyo nangangalay na rin kasi ang mga paa ko. Magpapahinga lang ako saglit.Naupo rin sa tabi ko si Theo. Wala siyang imik pero hindi ko mapigilang mapangiti sa kaniya. Bumaling ako sa kaniya at matamis na ngumiti pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Napailing na lang ako. Sanay na ako, kaya hindi na ako tinatablan ng pagsusungit niya.Makalipas ang ilang sandali ay may mga lumapit sa amin para bumati. Kaya naging abala na akong muli sa pakikisalamuha sa mga kamag-anak at kaibigan namin. Kaya nang matapos ang reception ay pagod na pagod na talaga ako. Sa mansion na ako ng Alcaraz uuwi ngayong gabi kaya sabay na kaming sumakay ni Theo sa sasakyan matapos kong magpaalam kina Daddy at Lola Aria. Agad kong sinandal ang likod ko sa sandalan. Nakakapagod ding
LUNANang tumapat kami sa malaking pinto ay nag-aabang na si Daddy. Agad akong ngumiti sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at inilakad ang siko niya kaya agad akong humawak sa kaniya. Nagpaalam naman sina Lola na pupunta na sa pwesto nila. Lalakad pa rin ako sa aisle patungo sa may stage na siyang ginawang altar kung saan naghihintay si Theo.Nang bumukas ang pinto at magsimula akong humakbang kasabay si Daddy ay hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita ko si Theo na naghihintay sa akin. Malaki ang ngiti sa mga labi ko pero nang magtama ang mga mata namin ni Theo ay parang gustong matunaw ng mga ngiti ko. Seryoso lang ang mukha niya. Walang kahit anong ngiti pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Halatang napipilitan, pero pinilit ko pa ring ngumiti hanggang sa makalapit kami sa kaniya.Tumingin ako sa mga bisita. Kukunti lang ang nandoon. Pero alam kong pagkatapos ng kasalan, kakalat na ang balitang kasal na kami ni Theo.“Take care of my daughter. Nag-iisa lang
LUNA AMARIS It’s my wedding day. I am wearing a white gown, ang sinabi namin na civil at private lang sana para sa pamilya ay hindi pa rin natuloy. Gusto pa rin nina Dad at Lolo Thomas na kahit pribado ang kasal ay hindi kasing civil na ikakasal lang kami sa opisina ng mayor o kung sino mang magkakasal sa amin. Dahil iyon ang gusto ng mga matatanda ay wala na rin kaming nagawa. May dumating din para ayusan ako. Simple lang ang wedding gown na suot. This is far from my dream wedding, pero sa ngayon kailangan ko na lang munang makontento sa kung ano ang gusto ni Theo. Ang mahalaga ay maikasal na kaming dalawa. May nag-ayos ng buhok at make-up ko kaya kahit paano, ramdam ko naman na ikakasal ako. Tumingin ako sa whole body mirror. Below the knee ang gown na suot ko. Simple lang ang design noon. Naka-sandals din ako ng puti. Ngumiti ako sa salamin. Ikakasal ako, pinapangarap ko ito at matutupad na, dapat excitement lang ang nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung bakit mabigat din ang







