Share

Kabanata 7

Author: iamAexyz
last update Huling Na-update: 2026-01-23 18:25:49

LUNA AMARIS

Hindi nagawang kausapin ni Daddy si Theo dahil nang magtungo ito sa mansion ng mga Alcaraz ay wala ito doon. Ayon kay Dad ay walang nakakaalam kung nasaan si Theo, maging si Candice ay ilang araw na ring hindi umuuwi dito sa bahay pero hindi man lang nag-aalala sa kaniya si Tita Camille kaya posibleng alam niya kung nasaan si Candice. Kaya ang hula ko maaring magkasama silang dalawa.

Hindi ko mapigilang maasar. Akala ko magiging successful na ang plano ko lalo na at nahuli kami nina Tita Maris pero sa kabila ng lahat, wala pa ring nangyayari. Tita Camille was also mad at me. well, wala akong pakialam sa galit niya. Lagi naman siyang galit sa akin pero nagagalit siya ngayon dahil ako raw ang dahilan daw sa akin, ng lahat ng gulong nangyayari sa pamilya namin. Sinisisi niya ako kung bakit hindi magkasundo si Dad at Tito Micheal, ang ama ni Theo. Well, alam ko naman na may kasalanan talaga ako, pero nagmamatigas ako sa kaniya. Hindi pwedeng ngayon pa ako umako ng mga kasalanan ko.

Hanggang sa umabot na ng ilang linggo. Nakauwi na muli sa San Simon si Theo ayon kay Kelsie kaya ilang beses ko siyang sinubukang kausapin pero lagi niya akong iniiwasan. Medyo napapagod na rin ako, pero hindi naman ako pwedeng sumuko. 

Gaya na lang ngayon. Muli ko siyang sinubukang puntahan pero busy raw ito at walang oras na harapin ako. Sinubukan ko pang maghintay sa lobby ng Luntian para lang makausap siya pero masakit na ang pang-upo ko ay hindi pa rin niya ako hinaharap kaya asar na akong tumayo at nagmamarchang umalis.

Hindi maipinta ang mukha ko habang pabalik ako sa opisina ko. Nauubos na ang pasensya ko dahil sa ginawagawa ni Theo. Nasa dalawang oras akong naghihintay sa lobby ng Luntian Resort pero sa huli ay nalaman kong umalis na raw si Theo. Alam kong iniiwasan niya ako pero wala ba talaga siyang balak na harapin ako kahit saglit lang?

Pagdating ko sa opisina ko ay nagulat ako nang maabutan ko si Candice na naghihintay sa akin.

Ngumisi siya ng makita niya ako. May mapang-uyam na ngiti sa mga labi niya. Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako sa upuan ko.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon rito.  Mag-iisang linggo na mula nang makabalik si Theo pero ngayon ko lang ulit siya nakita at siya pa mismo ang nagpakita sa akin. 

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Sumandal ako sa kinauupuan ko at bored na tumingin sa kaniya.

"I heard you went to Theo. Umaasa ka pa rin ba na makukuha mo siya sa akin?" nakataas ang isang kilay na tanong niya habang may mapang-asar na ngiti.

Naningkit ang mga matang tumingin ako sa kaniya.

"Hindi ko siya kinukuha sa iyo, binabawi ko siya."

Sarkastikong tumawa si Candice sa sinabi ko.

"Binabawi? Kahit kailan hindi siya naging sa iyo, Luna. Bakit mo babawiin ang isang bagay na hindi mo naman pagmamay-ari. Hindi ko siya inagaw sa iyo, hindi ko kasalanan na mabagal ka."

"Mabagal ba talaga ako o sinungaling ka lang talaga?" palabang tanong ko sa kaniya. "Mahal mo ba talaga siya o mahal mo lang ang estado niya sa buhay? You want to be an Alcaraz, hindi ba? Gusto mong mapabilang sa pamilya niya upang umangat ka. You are just using him, Candice," may diing saad ko.

Ngumisi siya sa akin. Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya, walang ngiti sa mga labi ko.

"Huwag mong ibaling ang sisi sa akin para lang i-justify ang ginawa mo. Hindi ka ba nahihiya? You slept with my boyfriend. Anong pagkakaiba mo sa isang pota? Ha?" nangigigil na saad niya.

"Why are you here? Why are you mad? Sabi mo nga hindi niya ako pipiliin, bakit parang hindi ko makita ang confidence sa sinasabi mo? Sigurado ka ba talagang hindi ko siya makukuha sa iyo?" hamon ko sa kaniya.

Alam kong sa sitwasyon naming dalawa. Kung sakaling may makakarinig ako ang mali. Ako ang mang-aagaw. Ako ang naninira ng relasyon, pero wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Ngumisi siya sa akin.

"In your dreams, ito ang pakakatandaan mo. Kung madumi kang maglaro, mas madumi ako kaya huwag kang pasisiguro palagi. Sa ating dalawa, ikaw lang ang magiging laging talunan," mayabang na wika niya. "Kaya galingan mo. Hindi ko man magagawang kalbuhin ka ngayon, pero kapag pinush mo pa rin ang pang-aagaw kay Theo, masasaktan ka lang. He loves me and you were just his ex-friend."

Kinuyom ko ang kamao ko. Labas na labas ang sungay niya ngayon dahil kaming dalawa lang ang magkaharap. Malayo sa mabait na image niya sa harap ng ama ko at pamilya ni Theo.

"Just think about it, Luna. Sa tingin mo, ano ang ginawa namin ni Theo sa mahigit dalawang linggong magkasama kaming dalawa," dagdag pa niya. "Ops..." tinakpan pa niya ang labi niya na parang nang-aasar. "Huwag mo na palang isipin, masasaktan ka lang," tumatawang saad niya bago mabilis na tumalikod at umalis ng opisina ko.

Naasar na binagsak ko ang kamao ko sa table. Nangigigil ako pero wala akong magawa. Alam kong mahal siya ni Theo, pero bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako?

Ngayong bumalik na siya, alam kong mas mahihirapan ako. Pero hindi ako papayag na matalo niya.

Marahas ang paghinga ko. 

Ilang beses kong pinilig ang ulo ko upang huwag isipin kung ano ang mga ginawa nila ni Theo noong mga panahong umalis silang dalawa. Pinilit kong bumalik sa trabaho ko kahit na magulo ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Candice.

Pero nagulat ako nang biglang bumukas muli ang pinto ng opisina ko at dumating si Theo. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"What did you do?" galit na bungad niya sa akin kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya.

Kanina lang ay ayaw niya akong harapin at tinakasan pa niya ako pero bigla siyang susulpo dito na para bang may ginawa akong masama.

"What do you mean?"

"Wala akong pakialam sa kabaliwan mo, Luna. Pero huwag na huwag mong sasaktan ang girlfriend ko, kung ayaw mong ako ang makalaban mo," pagbabanta niya.

Hindi makapaniwalang natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Asar na sinalubong ko ang mga mata niya. Tila ba gustong-gusto niyang pilipitin ang leeg ko ng mga oras na ito.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," tanggi ko. 

"She said you slapped her!" mataas ang boses na saad nito. Pasigaw na iyon.

"And you believed her?" Hindi makapaniwala at the same time ay nasasaktang tanong ko. Ang bilis niya akong akusahan sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Hindi man lang niya ako tinanong kung totoo ba iyon. "Kung sasaktan ko siya, hindi lang sampal ang gagawin ko. Lulumpuhin ko siya," matigas na sagot ko sa kaniya.

Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Mas lalong naningkit ang mga mata niya.

"Don't you dare, Luna. Binabalaan kita, lubayan mo na kami. Lubayan mo na ako. Huwag na huwag ka nang pupunta sa Luntian. Dahil kahit anong gawin mo, hindi kita gusto. Ano man ang namagitan sa ating dalawa, kalimutan mo na iyon. Hindi ako magpapakasal sa iyo," may riing saad niya at mabilis na tumalikod.

Napanganga na lang ako bago marahas na sumandal sa sandalan ng upuan ko. Gaano ba niya kamahal si Candice para maging uto-uto?

Mariin kong pinaglapat ang mga ngipin at labi ko ko.

Hindi ako papayag na hindi ako ang pakasalan niya. Sisiguraduhin kong mailalayo ko siya sa two-faced bitch na iyon.

Wala akong pakialam sa magiging galit niya pero balang-araw maiintindihan din niya kung bakit ko ito ginagawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 25

    LUNA AMARISNasa loob ako ngayon ng kwarto. Nakaupo ako sa kama. Nasa bathroom si Theo. Tahimik lang siya nang dumating siya kanina. Nauna akong bumalik ng kwarto matapos ang dinner at nang matapos akong magpalit ng pantulog ay nakita ko siyang nasa balcony. May balcony ang kwarto niya. Naninigarilyo siya roon pero nang makita niyang tapos na ako sa paggamit ng bathroom ay pinatay niya ang sigarilyo at walang imik na siya naman ang pumasok doon.Magkakalahating oras na siya sa bathroom pero hindi pa siya lumalabas. Ramdam ko na iniiwasan niya ako, pero hindi pwedeng ganito kami palagi. Mag-asawa na kami. Maaaring wala pang napapansin ang mga kasama namin sa bahay dahil pero ayaw kong makahalata sila.Huminga ako ng malalim nang lumabas siya ng bathroom. Naka-pajama at black t-shirt siya.“Can we talk?” malumanay na tanong ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin.“May dapat pa ba tayong pag-usapan?” malamig na tugon niya.“We can’t be like this,” frustrated na saad ko. “You are too fucking

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 24

    LUNA AMARISMatapos ang breakfast ay nagtungo ako sa may likod ng bahay kung saan may outdoor lounge area. Hindi muna ako papasok ngayong araw. May trabaho ako pero kung si Theo ay pumasok sa trabaho niya kinabukasan, hindi ko iyon gagawin. Isa pa, medyo napagod ako kahapon at parang masama ang pakiramdam ko.Umalis sina Lolo at Tito Michael kaya si Mommy Maris at Tita Lessandra lang ang kasama ko sa bahay.“Luna, are you okay?” tanong sa akin ni Mommy Maris nang lumapit siya sa akin.Tumango ako sa kaniya.“Opo.”“Pasensya ka na kay Theo. Masyado lang siyang workaholic. Kilala mo naman iyon,” wika niya at naupo sa tabi ko.“Okay lang po.”Wala naman akong magagawa kahit na magalit ako. Kailangan ko ring makisama sa kanila.“Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya. Pero busy lang talaga siya, lalo na at tuluyan nang bibitawan ni Papa ang Hacienda. Lahat ng ito ay mapupunta kay Theo kaya sana maintindihan mo kung mas maging busy pa siya sa susunod na mga araw. Ang mahala naman kasal n

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 23

    LUNAMatapos kong maglinis ng katawan ko at magpalit ng pantulog ay nahiga na ako sa kama. Hindi ko alam kung nasaan si Theo. Mulan ang lumabas siya kanina ay hindi pa siya pumapasok ulit.Pagoda ko kaya gusto munang magpahinga. Medyo nanakit din ang mga binti ko. Tumingin ako sa kabilang side nang kama. Hindi ako sigurado kung matutulog siya sa tabi ko. Nasa pamamahay kami ng pamilya niya at alam kong gagawin niya ang lahat para ipakita lalo na kay Lolo Thomas na maayos ang pagsasama namin kaya sigurado akong babalik pa siya ng kwarto, hindi ko nga lang alam kung magkatabi kaming matutulog. Wala naman siyang ibang matutulugan rito. Hindi naman siguro siya magtyatyaga sa mahabang couch na nasa may right side para lang hindi ako makatabi.Nakatitig lang ako sa kisame. Napangiti ako pero unti-unti din iyong naglaho.Kasal na ako. Natupad na ang gusto ko pero hindi ko pa rin magawang maging masaya. Hangga’t hindi ako ang mahal ni Theo, hindi ako lubusang magiging masaya. Pero dahil pina

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 22

    LUNANapalingon naman ako kay Theo nang maramdaman ko siyang lumapit sa akin at humawak sa likod ko kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Umupo ako sa table kung nasaan ang mga grandparents namin. Medyo nangangalay na rin kasi ang mga paa ko. Magpapahinga lang ako saglit.Naupo rin sa tabi ko si Theo. Wala siyang imik pero hindi ko mapigilang mapangiti sa kaniya. Bumaling ako sa kaniya at matamis na ngumiti pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Napailing na lang ako. Sanay na ako, kaya hindi na ako tinatablan ng pagsusungit niya.Makalipas ang ilang sandali ay may mga lumapit sa amin para bumati. Kaya naging abala na akong muli sa pakikisalamuha sa mga kamag-anak at kaibigan namin. Kaya nang matapos ang reception ay pagod na pagod na talaga ako. Sa mansion na ako ng Alcaraz uuwi ngayong gabi kaya sabay na kaming sumakay ni Theo sa sasakyan matapos kong magpaalam kina Daddy at Lola Aria. Agad kong sinandal ang likod ko sa sandalan. Nakakapagod ding

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 21

    LUNANang tumapat kami sa malaking pinto ay nag-aabang na si Daddy. Agad akong ngumiti sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at inilakad ang siko niya kaya agad akong humawak sa kaniya. Nagpaalam naman sina Lola na pupunta na sa pwesto nila. Lalakad pa rin ako sa aisle patungo sa may stage na siyang ginawang altar kung saan naghihintay si Theo.Nang bumukas ang pinto at magsimula akong humakbang kasabay si Daddy ay hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita ko si Theo na naghihintay sa akin. Malaki ang ngiti sa mga labi ko pero nang magtama ang mga mata namin ni Theo ay parang gustong matunaw ng mga ngiti ko. Seryoso lang ang mukha niya. Walang kahit anong ngiti pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Halatang napipilitan, pero pinilit ko pa ring ngumiti hanggang sa makalapit kami sa kaniya.Tumingin ako sa mga bisita. Kukunti lang ang nandoon. Pero alam kong pagkatapos ng kasalan, kakalat na ang balitang kasal na kami ni Theo.“Take care of my daughter. Nag-iisa lang

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 20

    LUNA AMARIS It’s my wedding day. I am wearing a white gown, ang sinabi namin na civil at private lang sana para sa pamilya ay hindi pa rin natuloy. Gusto pa rin nina Dad at Lolo Thomas na kahit pribado ang kasal ay hindi kasing civil na ikakasal lang kami sa opisina ng mayor o kung sino mang magkakasal sa amin. Dahil iyon ang gusto ng mga matatanda ay wala na rin kaming nagawa. May dumating din para ayusan ako. Simple lang ang wedding gown na suot. This is far from my dream wedding, pero sa ngayon kailangan ko na lang munang makontento sa kung ano ang gusto ni Theo. Ang mahalaga ay maikasal na kaming dalawa. May nag-ayos ng buhok at make-up ko kaya kahit paano, ramdam ko naman na ikakasal ako. Tumingin ako sa whole body mirror. Below the knee ang gown na suot ko. Simple lang ang design noon. Naka-sandals din ako ng puti. Ngumiti ako sa salamin. Ikakasal ako, pinapangarap ko ito at matutupad na, dapat excitement lang ang nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung bakit mabigat din ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status