Share

Kabanata 5

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2026-01-15 12:49:06

LUNA AMARIS

Nakita ko ang pagtalim ng mukha ni Lolo Thomas. Si Tita Maris naman ay nag-aalalang tumingin kay Theo.

"Natatakot akong magkaroon ng bastardo? Pero hindi ba at meron din naman kayo?" ulit pa ni Theo. 

Mas dumilim ang mukha ni Lolo Thomas. Mariing magkalapat ang mga mga labi niya habang ang mga mata ay parang tumutusok na sa pagkatao ni Theo.

"You even invited him last night."

"I never cheated," mariing saad ni Lolo. "We are different. So stop using him to save yourself. Ang isipin mo. Paano mo maaayos ang gulong pinasok mo. Binabantaan kita, ayoko ng kahihiyan sa pamilya natin."

"Umayos ka kung ayaw mong wala kang manahin mula sa akin," wika pa ni Lolo Thomas kaya napatayo si Tita Maris. Nagbabanta ang tingin niya kay Theo na para bang binabalaan niyang huwag na huwag itong sasagot pa kaya hindi na muling nakasagot si Theo.

Bumaling ako kay Candice na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Alam kong ako ang sinisisi niya sa mga nangyari pero wala akong pakialam sa kaniya. Impostor siya.

“Dad, ako na po ang bahalang kumausap kay Theo,” saad ni Tita Maris na para bang pinapakalma ang matanda. “Pakakasalan niya si Luna. Kailangan niyang panagutan ang nangyari sa kanila.”

Nagtatakang tumingin naman ako kay Tita Maris. Kanina ay neutral lang siya. Ang sabi niya, kapag nabuntis lang ako ni Theo saka niya pipilitin ang anak jiya na pakasalan ako. Pero tila ang bilis na nagbago ng ihip ng hangin at maging siya ay gusto na rin na ipakasal si Theo sa akin ngayon.  Dahil ba sa pagbabanta ni Lolo na walang mamanahin si Theo kapag hindi naayos ang gusot na meron kami ngayon?

Sinubukan muli ni Theo na magsalita para tumututol pero nakita kong pinanlakihan siya ni Tita Maris ng mga mata. Habang si Candice naman ay tila hindi makapaniwala sa narinig niya. Pabagsak na naupo siyang muli sa sofa. She looks lost.

“K-kasal?” garalgal na saad ni Candice. “How about me?” Tinuro niya ang sarili at nasasaktang tumingin siya kay Lolo. Muli siyang napatayo habang nanunumbat ang mga mata niya. “I am Theo's girlfriend. Hindi ba ninyo naisip ang nararamdaman ko? Si Luna lang ba ang mahalaga? Hindi ba... Hindi ba dapat nasa akin ang simpatya ninyo? Ako ang legal na karelasyon ni Theo, ako ang girlfriend, ako ang niloko. Ako ang girlfriend, kaya bakit kay Luna siya magpapakasal?” Bumaling siya kay Theo. “Don’t you love me?” naiiyak na tanong niya.

Agad na lumapit si Theo kay Candice pata aluin siya. Sinapo niya ang mukha nito.

“I love you,” masuyong saad ni Theo rito. “Kung may pakakasalan ako. Ikaw iyon.” Saka si Theo tumingin kay Lolo Thomas. “What happened was just a mistake, kung mabuntis si Luna. Handa akong maging ama, pero hindi ko siya pakakaksalan. Si Candice ang mahal ko, Lolo. You can't force me to marry someone I don't love,” matatag na saad ni Theo at mabilis niyang hinila palabas si Candice.

Napasunod na lang ako ng tingin sa kanila. Unti-unti akong napangisi. Nasasaktan ako sa sinabi ni Theo pero expected ko na iyon kaya alam ko na kung paano i-handle ang nararamdaman ko.

Marahas na napabuntong-hininga si Lolo Thomas. Napapailing ito habang si Tita Maris naman ay nakayuko lamang.

Ngumiti ako sa kanila upang ipakita na ayos lang ako.

“You don't have to worry about me. I am okay.” Nanatili ang ngiti sa mga labi ko. “I need to go. Baka hinahanap na ako ni Daddy.”

“Luna, I will talk to Theo. The situation is complicated, pero hindi ako papayag na maagrabyado ka. He needs to man up,” seryosong saad ni Lolo Thomas.

"Salamat po, pero tama naman po si Theo. Hindi niya ako mahal," yumuko ako para mas magmukha akong kawawa. "Pagkakamali lang ang nangyari sa amin... pero... pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Dad ang lahat nang hindi siya magagalit."

"Kausapin mo ang anak mo Maris. Sumasakit ang ulo ko sa kagaguhan niya." Saka muling bumaling sa akin si Lolo. Humihingi ng pasensya ang mga tingin niya. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako papayag na hindi ka panindigan ni Theo."

“Salamat po, pero hindi na po kailangan. Alam ko naman na kahit anong mangyayari si Candice ang mahal niya. Kasalanan ko, pumayag akong may mangyayari sa amin dahil mahal ko siya. Kaya huwag n’yo po akong alalahanin,” mababa ang boses na saad ko para mas maawa siya sa akin.

Nakita kong napahilot si Lolo Thomas sa noo niya. Lihim naman nangdiriwang ang loob ko. Alam kong lahat ay problemado ngayon, habang ako ay umaarte para matupad ang pinaplano ko.

"Mauna na po ako," paalam ko.

Ngumiti akong muli sa kanila at tumango bago ako tumalikod pero nang nakatalikod na ako ay nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Hindi ko inaasahan na magagawang magmatigas ni Theo kahit na kay Lolo Thomas. Pero hindi ako papayag na hindi kami maikasal na dalawa.

Mabilis na akong sumakay ng elevator at nagtungo sa parking lot kung nasaan ang kotse ko pero nang mismong palabas ako ay nakita ko ang isang itim na sasakyang dumaan. Nakababa ang bintana noon kaya kita ko ang driver, lalo na ang matangos niyang ilong dahil naka-side view siya sa gawi ko.

Napahinto ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong lalaking gwapo at mabangong nakasalubong ko kagabi. Hindi ko siya kilala pero mukhang bisita din siya.

Dati, para sa akin si Theo ang pinakagwapong lalaki, pero ngayon, aminado akong walang-wala si Theo kapag tumabi siya sa lalaking iyon. Hindi ko namalayang natulala na naman ako saglit.

Pinilig ko ang ulo ko. Damn. Bakit ba natutulala ako dahil sa lalaking iyon? Yes, he is freaking handsome, but I should only focus to Theo. Si Theo ang gusto ko. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 25

    LUNA AMARISNasa loob ako ngayon ng kwarto. Nakaupo ako sa kama. Nasa bathroom si Theo. Tahimik lang siya nang dumating siya kanina. Nauna akong bumalik ng kwarto matapos ang dinner at nang matapos akong magpalit ng pantulog ay nakita ko siyang nasa balcony. May balcony ang kwarto niya. Naninigarilyo siya roon pero nang makita niyang tapos na ako sa paggamit ng bathroom ay pinatay niya ang sigarilyo at walang imik na siya naman ang pumasok doon.Magkakalahating oras na siya sa bathroom pero hindi pa siya lumalabas. Ramdam ko na iniiwasan niya ako, pero hindi pwedeng ganito kami palagi. Mag-asawa na kami. Maaaring wala pang napapansin ang mga kasama namin sa bahay dahil pero ayaw kong makahalata sila.Huminga ako ng malalim nang lumabas siya ng bathroom. Naka-pajama at black t-shirt siya.“Can we talk?” malumanay na tanong ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin.“May dapat pa ba tayong pag-usapan?” malamig na tugon niya.“We can’t be like this,” frustrated na saad ko. “You are too fucking

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 24

    LUNA AMARISMatapos ang breakfast ay nagtungo ako sa may likod ng bahay kung saan may outdoor lounge area. Hindi muna ako papasok ngayong araw. May trabaho ako pero kung si Theo ay pumasok sa trabaho niya kinabukasan, hindi ko iyon gagawin. Isa pa, medyo napagod ako kahapon at parang masama ang pakiramdam ko.Umalis sina Lolo at Tito Michael kaya si Mommy Maris at Tita Lessandra lang ang kasama ko sa bahay.“Luna, are you okay?” tanong sa akin ni Mommy Maris nang lumapit siya sa akin.Tumango ako sa kaniya.“Opo.”“Pasensya ka na kay Theo. Masyado lang siyang workaholic. Kilala mo naman iyon,” wika niya at naupo sa tabi ko.“Okay lang po.”Wala naman akong magagawa kahit na magalit ako. Kailangan ko ring makisama sa kanila.“Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya. Pero busy lang talaga siya, lalo na at tuluyan nang bibitawan ni Papa ang Hacienda. Lahat ng ito ay mapupunta kay Theo kaya sana maintindihan mo kung mas maging busy pa siya sa susunod na mga araw. Ang mahala naman kasal n

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 23

    LUNAMatapos kong maglinis ng katawan ko at magpalit ng pantulog ay nahiga na ako sa kama. Hindi ko alam kung nasaan si Theo. Mulan ang lumabas siya kanina ay hindi pa siya pumapasok ulit.Pagoda ko kaya gusto munang magpahinga. Medyo nanakit din ang mga binti ko. Tumingin ako sa kabilang side nang kama. Hindi ako sigurado kung matutulog siya sa tabi ko. Nasa pamamahay kami ng pamilya niya at alam kong gagawin niya ang lahat para ipakita lalo na kay Lolo Thomas na maayos ang pagsasama namin kaya sigurado akong babalik pa siya ng kwarto, hindi ko nga lang alam kung magkatabi kaming matutulog. Wala naman siyang ibang matutulugan rito. Hindi naman siguro siya magtyatyaga sa mahabang couch na nasa may right side para lang hindi ako makatabi.Nakatitig lang ako sa kisame. Napangiti ako pero unti-unti din iyong naglaho.Kasal na ako. Natupad na ang gusto ko pero hindi ko pa rin magawang maging masaya. Hangga’t hindi ako ang mahal ni Theo, hindi ako lubusang magiging masaya. Pero dahil pina

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 22

    LUNANapalingon naman ako kay Theo nang maramdaman ko siyang lumapit sa akin at humawak sa likod ko kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Umupo ako sa table kung nasaan ang mga grandparents namin. Medyo nangangalay na rin kasi ang mga paa ko. Magpapahinga lang ako saglit.Naupo rin sa tabi ko si Theo. Wala siyang imik pero hindi ko mapigilang mapangiti sa kaniya. Bumaling ako sa kaniya at matamis na ngumiti pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Napailing na lang ako. Sanay na ako, kaya hindi na ako tinatablan ng pagsusungit niya.Makalipas ang ilang sandali ay may mga lumapit sa amin para bumati. Kaya naging abala na akong muli sa pakikisalamuha sa mga kamag-anak at kaibigan namin. Kaya nang matapos ang reception ay pagod na pagod na talaga ako. Sa mansion na ako ng Alcaraz uuwi ngayong gabi kaya sabay na kaming sumakay ni Theo sa sasakyan matapos kong magpaalam kina Daddy at Lola Aria. Agad kong sinandal ang likod ko sa sandalan. Nakakapagod ding

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 21

    LUNANang tumapat kami sa malaking pinto ay nag-aabang na si Daddy. Agad akong ngumiti sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at inilakad ang siko niya kaya agad akong humawak sa kaniya. Nagpaalam naman sina Lola na pupunta na sa pwesto nila. Lalakad pa rin ako sa aisle patungo sa may stage na siyang ginawang altar kung saan naghihintay si Theo.Nang bumukas ang pinto at magsimula akong humakbang kasabay si Daddy ay hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita ko si Theo na naghihintay sa akin. Malaki ang ngiti sa mga labi ko pero nang magtama ang mga mata namin ni Theo ay parang gustong matunaw ng mga ngiti ko. Seryoso lang ang mukha niya. Walang kahit anong ngiti pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Halatang napipilitan, pero pinilit ko pa ring ngumiti hanggang sa makalapit kami sa kaniya.Tumingin ako sa mga bisita. Kukunti lang ang nandoon. Pero alam kong pagkatapos ng kasalan, kakalat na ang balitang kasal na kami ni Theo.“Take care of my daughter. Nag-iisa lang

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 20

    LUNA AMARIS It’s my wedding day. I am wearing a white gown, ang sinabi namin na civil at private lang sana para sa pamilya ay hindi pa rin natuloy. Gusto pa rin nina Dad at Lolo Thomas na kahit pribado ang kasal ay hindi kasing civil na ikakasal lang kami sa opisina ng mayor o kung sino mang magkakasal sa amin. Dahil iyon ang gusto ng mga matatanda ay wala na rin kaming nagawa. May dumating din para ayusan ako. Simple lang ang wedding gown na suot. This is far from my dream wedding, pero sa ngayon kailangan ko na lang munang makontento sa kung ano ang gusto ni Theo. Ang mahalaga ay maikasal na kaming dalawa. May nag-ayos ng buhok at make-up ko kaya kahit paano, ramdam ko naman na ikakasal ako. Tumingin ako sa whole body mirror. Below the knee ang gown na suot ko. Simple lang ang design noon. Naka-sandals din ako ng puti. Ngumiti ako sa salamin. Ikakasal ako, pinapangarap ko ito at matutupad na, dapat excitement lang ang nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung bakit mabigat din ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status