MasukLUNA AMARIS
Mabilis na akong sumakay sa sasakyan ko. Kinuha ko muna ang bag ko at tiningnan ang phone ko bago ako mag-drive at mariin akong pumikit nang makita ko ang mga missed calls ni Daddy. Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko namalayan. Sigurado akong hinahanap na niya ako dahil hindi pa ako umuuwi. Kahit matanda na ako, istrikto pa rin sa akin ang ama ko na para bang may gagawin ako laging kalokohan. Mas may tiwala pa nga siya kay Candice kaysa sa akin. Kaya lagi siyang pinagmamalaki ni Tita Camille.
Mabilis na akong nag-drive pauwi. Siguro naman, hindi pa alam ni Daddy ang nangyari kaya hindi pa niya ako mapapagalitan maliban sa hindi ako nakauwi kagabi na pwede kong gawan ng paraan. Pagdating ko sa bahay namin ay nakita ko ang ama ko nanagbanasa ng dyaryo habang nakaupo sa sofa at hinihintay ako.
Nag-angat siya ng tingin at matalim na tingin ang binato niya sa akin kaya alanganin akong ngumiti sa kaniya.
“Naparami ang inom ko kagabi kaya nalasing ako. Hindi na ako nakauwi dahil sa hotel ako natulog,” mabilis na paliwanag ko kahit na hindi pa siya nagtatanong.
Hindi siya nakapunta sa party kagabi dahil nang umalis kami ay hindi pa siya dumarating galing Manila.
Mas tumalim ang tingin niya sa akin.
“Nalasing ka kagabi? Kaya ba nagawa mong makipagsiping sa lalaking may girlfriend na?” mababa ang boses ng ama ko pero may talim ang bawat salita niya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Alam na agad niya ang nangyari. Nakita kong lumapit sa amin si Tita Camille. Sigurado akong siya ang nagsabi kay Dad. Maaring sinabi sa kaniya ni Candice at agad siyang nagsumbong sa ama ko. Sumbungera pa naman ang babaeng ito. Tuwang-tuwa siya palagi kapag napapagalitan ako ng ama ko.
“Dad, let me explain. Lasing talaga ako,” giit ko.
Kailangang panindigan ko ang kasinungalingan ko dahil malilintikan ako sa ama ko kapag nalaman niya ang totoo.
“Hindi ko alam ang nangyari, nang magising ako, nasa... nasa tabi ko si Theo... na-nagulat din ako.”
Aminado akong sanay na akong magsinungaling at magpalusot sa ama ko kaya kailangan ko lang galingan para mapaniwala ko siya.
Bumaling si Daddy sa asawa niya.
“Tawagan mo si Theo. Gusto ko siyang makausap,” mariing utos ng ama ko.
“Marcus, anong gagawin mo? Pipilitin mo siyang panindigan si Luna? Paano si Candice?” nag-aalalang tanong ni Tita Camille. Nag-aalala siya kay Candice.
“Pero hindi pwedeng hindi niya panagutan ang anak ko!” tumataas na ang boses ng ama ko kaya napayuko ako perp lihim akong napapangiti.
“Marcus, calm down. I think you better talk to Luna first. Kilala mo si Theo, he is a loyal man. Mahal niya si Candice, kaya paano kung wala talaga siyang kasalanan?”
Tumingin sa akin si Tita Camille na para bang sinasabi niya na ako ang tunay na salarin at dapat sisihin kaya tinaasan ko siyang kilay.
“If he is loyal, why did he sleep with my daughter?” galit na tanong ni Dad.
“Dad, I think kalimutan na natin ang nangyari. Tama naman si Tita Camille, mahal ni Theo si Candice. Siguro pagkakamali lang ang nangyari sa amin. Isa pa, alam ko naman na hindi ako mahal ni Theo kaya walang dahilan para panagutan niya ako,” mahinang saad ko para mas magmukha akong kawawa.
Marahas na napatayo ang ama.
“Kalimutan? You are my daughter, hindi ako papayag na kalimutan na lang ang lahat. Hindi pwedeng hindi siya managot sa nangyari sa inyo," matigas na saad ng ama ko.
"Marcus, kapag pinilit mong magpakasal si Theo kay Luna. Masasaktan si Candice. Paano siya? Hindi mo ba na naisip na ngayon pa lang ay nasasaktan na siya dahil sa nangyari. Isipin mo rin naman ang mararamdaman niya," pakiusap ni Tita Camille.
Marahas na napabuntong-hininga si Dad. Para bang nahihirapan siyang magdesisyon.
"Damn it." Tumingin sa akin si Dad.
"Luna, alam mong may relasyon na sina Candice at Theo, pero paano mo nagawang hayaang may mangyari sa inyong dalawa? Hindi ba dapat umiwas ka? O sinadya mo ang nangyari? Sinadya mong para makuha mo si Theo dahil hindi naman lingid sa ating lahat na gusto mo siya," pag-aakusa sa akin ni Tita Camille.
"Gaya ng sinabi ko. Lasing ako, nauna pa nga akong umalis sa party. I went to a hotel room to rest, then suddenly, someone is kissing me," paliwanag ko.
Totoo ang sinabi ni Tita Camille pero hindi ako aamin kahit na anong mangyari.
"You should push him away. Malan—"
"ENOUGH!" dumadagongdong ang boses na saad ng ama ko. Matalim ang mga matang tumingin sa akin si Dad. "Go to your room.” utos ng ama ko kaya mabilis akong tumango at nagtungo sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Dad, pero hindi ko mapigilang mapangiti nang makapasok na ako sa kwarto ko.
Talagang umaayon ang lahat sa plano ko.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng damit ko. Saka ako lumabas muli ng kwarto ko. Nagtungo ako sa veranda at naupo doon. Ayon sa kasambahay namin ay umalis na raw ang ama ko.
Si Lolo Thomas at si Dad, pareho nilang gusto na panagutan ako ni Theo dahil sa nangyari kaya sigurado akong mahihirapan si Theo na balewalain ako mula ngayon. May mga kakampi na ako.
“Are you happy?”
Lumingon ako at nakita ko si Tita Camille. Humakbang siya papalapit sa akin at naupo sa tapat ko.
“Masaya ka ba sa ginawa mo? Sisirain mo ang isang masayang relasyon dahi sa pagiging selfish mo,” matalim na saad niya.
Hindi talaga kami magkasundong dalawa. Asawa siya ng ama ko pero hindi kami close.
“Masayang relasyon? Magiging masaya ba sila kung hindi dahil sa akin?” makahulugang tanong ko sa kaniya. “Binabawi ko lang ang dapat ay akin.”
She gave me a sarcastic smile.
“Wala ka nang babawiin, Luna. Sila na ni Theo, mahal na siya ni Theo. Kaya tantanan mo na ang pamangkin ko.”
“Magiging masaya ba sila kapag sinabi ko kay Theo ang totoo? Na ako iyon. Iyong nagbibigay ng mga encouraging messages sa kaniya dati, iyong nagligtas sa kaniya noong naligaw siya sa gubat. Ako lahat iyon, pero dahil sa kasinungalingan mo, sinabi mong si Candice. Kaya niya niligawan si Candice, kaya kung nasasaktan ngayon ang pamangkin mo, kasalanan mo,” paninisi ko sa kaniya.
Close naman kami ni Theo dati. We were friends, pero bigla siyang lumayo sa akin hanggang sa malaman kong sila na ni Candice. Hindi lang iyon. Nalaman ko na nagpanggap si Candice na ako. Iyong mga bagay na palihim kong ginagawa sa kaniya, lalo na kapag napapagalitan siya ni Lolo Thomas, lahat iyon, inako ni Candice. Ang gusto ko lang naman dati, tahimik na suportahan at pasayahin si Theo dahil ayaw kong malaman niya na gusto ko siya. Pero hindi ko akalain na may isang taong magsasabing siya ang gumagawa ng mga ginagawa ko at aagawin ang lalaking gusto ko.
Mananahimik na lang sana ako. Pero may isa pa akong nalaman kaya nagdesisyon akong agawin na lang siya. Maaring masaktan si Theo ngayon, dahil sa ginagawa ko pero mas mabuti na iyon para maka-move on agad siya at hindi na masaktan pa lalo kapag nalaman niya ang totoo.
“Yes, maaring nagsisinungaling ako para mapansin ni Theo si Candice pero mahal na niya ngayon si Candice at wala ka nang magagawa doon. Move on, Luna. Hindi mo na siya mababawi pa.”
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Parang may mga kuryenteng lumalabas pareho sa mga mata namin.
Pinipigil ko ang sarili ko na kalmutin ang mukha niya. Kung sinungaling ako, mas sinungaling si Tita Camille. Sa kaniya lang naman ako natuto. Kaya alam kong kapag sinaktan ko siya, babaliktarin niya ako kay Dad.
“Let us see.” Ngumiti ako sa kaniya. “Kilala mo ako. Nakukuha ko lahat ng gusto ko.”
“You don't love Theo, you just don't like the idea that someone can snatch something from you,” giit pa niya. “Itigil mo na ang gulong sinimulan mo. Huwag mo siyang pilitin na panagutan ka dahil sigurado ako na sinadya mo ang nangyari at biktima lang siya.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Maaring totoo ang sinabi mo, pero may maniniwala ba sa iyo?" Ngumisi ako sa kaniya. "His family caught us, we already did the deed. Kaya wala ka nang magagawa."
“Are you really going to ruin their relationship?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa akin. “Luna, kahit pakasalan ka ni Theo, he will never love you.”
Tumalim ang tingin ko sa kaniya.
Kung magagawa ko si Theo na pakasalan ako. Magagawa ko rin na mahalin niya ako.
Nasimulan ko na. Hindi pwedeng ngayon pa ako hihinto.
“Hindi mo siya mahal, gusto mo lang gumanti sa akin. Pero huwag si Candice ang saktan mo, she's innocent.”
Pamangkin niya si Candice, pero bilib ako sa pagmamahal na meron siya para dito. Siya ang nagpalaki at tumayong ina nito. Kaya nga nang nagpakasal sila ni Daddy, pati si Candice, kasama niyang lumipat sa bahay namin.
At mula nang araw na iyon. Sinimulan na nilang agawin ang mga bagay na dapat ay akin.
Matagal kong hinayaan si Candice na namnamin ang pagiging girlfriend ni Theo, pero ngayon. Matatapos na iyon.
Kahit magmukha akong masama ngayon. Wala akong pakialam alam.
Hindi ko lang binabawi si Theo because for the second time, I am saving him.
LUNA AMARISNasa loob ako ngayon ng kwarto. Nakaupo ako sa kama. Nasa bathroom si Theo. Tahimik lang siya nang dumating siya kanina. Nauna akong bumalik ng kwarto matapos ang dinner at nang matapos akong magpalit ng pantulog ay nakita ko siyang nasa balcony. May balcony ang kwarto niya. Naninigarilyo siya roon pero nang makita niyang tapos na ako sa paggamit ng bathroom ay pinatay niya ang sigarilyo at walang imik na siya naman ang pumasok doon.Magkakalahating oras na siya sa bathroom pero hindi pa siya lumalabas. Ramdam ko na iniiwasan niya ako, pero hindi pwedeng ganito kami palagi. Mag-asawa na kami. Maaaring wala pang napapansin ang mga kasama namin sa bahay dahil pero ayaw kong makahalata sila.Huminga ako ng malalim nang lumabas siya ng bathroom. Naka-pajama at black t-shirt siya.“Can we talk?” malumanay na tanong ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin.“May dapat pa ba tayong pag-usapan?” malamig na tugon niya.“We can’t be like this,” frustrated na saad ko. “You are too fucking
LUNA AMARISMatapos ang breakfast ay nagtungo ako sa may likod ng bahay kung saan may outdoor lounge area. Hindi muna ako papasok ngayong araw. May trabaho ako pero kung si Theo ay pumasok sa trabaho niya kinabukasan, hindi ko iyon gagawin. Isa pa, medyo napagod ako kahapon at parang masama ang pakiramdam ko.Umalis sina Lolo at Tito Michael kaya si Mommy Maris at Tita Lessandra lang ang kasama ko sa bahay.“Luna, are you okay?” tanong sa akin ni Mommy Maris nang lumapit siya sa akin.Tumango ako sa kaniya.“Opo.”“Pasensya ka na kay Theo. Masyado lang siyang workaholic. Kilala mo naman iyon,” wika niya at naupo sa tabi ko.“Okay lang po.”Wala naman akong magagawa kahit na magalit ako. Kailangan ko ring makisama sa kanila.“Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya. Pero busy lang talaga siya, lalo na at tuluyan nang bibitawan ni Papa ang Hacienda. Lahat ng ito ay mapupunta kay Theo kaya sana maintindihan mo kung mas maging busy pa siya sa susunod na mga araw. Ang mahala naman kasal n
LUNAMatapos kong maglinis ng katawan ko at magpalit ng pantulog ay nahiga na ako sa kama. Hindi ko alam kung nasaan si Theo. Mulan ang lumabas siya kanina ay hindi pa siya pumapasok ulit.Pagoda ko kaya gusto munang magpahinga. Medyo nanakit din ang mga binti ko. Tumingin ako sa kabilang side nang kama. Hindi ako sigurado kung matutulog siya sa tabi ko. Nasa pamamahay kami ng pamilya niya at alam kong gagawin niya ang lahat para ipakita lalo na kay Lolo Thomas na maayos ang pagsasama namin kaya sigurado akong babalik pa siya ng kwarto, hindi ko nga lang alam kung magkatabi kaming matutulog. Wala naman siyang ibang matutulugan rito. Hindi naman siguro siya magtyatyaga sa mahabang couch na nasa may right side para lang hindi ako makatabi.Nakatitig lang ako sa kisame. Napangiti ako pero unti-unti din iyong naglaho.Kasal na ako. Natupad na ang gusto ko pero hindi ko pa rin magawang maging masaya. Hangga’t hindi ako ang mahal ni Theo, hindi ako lubusang magiging masaya. Pero dahil pina
LUNANapalingon naman ako kay Theo nang maramdaman ko siyang lumapit sa akin at humawak sa likod ko kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Umupo ako sa table kung nasaan ang mga grandparents namin. Medyo nangangalay na rin kasi ang mga paa ko. Magpapahinga lang ako saglit.Naupo rin sa tabi ko si Theo. Wala siyang imik pero hindi ko mapigilang mapangiti sa kaniya. Bumaling ako sa kaniya at matamis na ngumiti pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Napailing na lang ako. Sanay na ako, kaya hindi na ako tinatablan ng pagsusungit niya.Makalipas ang ilang sandali ay may mga lumapit sa amin para bumati. Kaya naging abala na akong muli sa pakikisalamuha sa mga kamag-anak at kaibigan namin. Kaya nang matapos ang reception ay pagod na pagod na talaga ako. Sa mansion na ako ng Alcaraz uuwi ngayong gabi kaya sabay na kaming sumakay ni Theo sa sasakyan matapos kong magpaalam kina Daddy at Lola Aria. Agad kong sinandal ang likod ko sa sandalan. Nakakapagod ding
LUNANang tumapat kami sa malaking pinto ay nag-aabang na si Daddy. Agad akong ngumiti sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at inilakad ang siko niya kaya agad akong humawak sa kaniya. Nagpaalam naman sina Lola na pupunta na sa pwesto nila. Lalakad pa rin ako sa aisle patungo sa may stage na siyang ginawang altar kung saan naghihintay si Theo.Nang bumukas ang pinto at magsimula akong humakbang kasabay si Daddy ay hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita ko si Theo na naghihintay sa akin. Malaki ang ngiti sa mga labi ko pero nang magtama ang mga mata namin ni Theo ay parang gustong matunaw ng mga ngiti ko. Seryoso lang ang mukha niya. Walang kahit anong ngiti pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Halatang napipilitan, pero pinilit ko pa ring ngumiti hanggang sa makalapit kami sa kaniya.Tumingin ako sa mga bisita. Kukunti lang ang nandoon. Pero alam kong pagkatapos ng kasalan, kakalat na ang balitang kasal na kami ni Theo.“Take care of my daughter. Nag-iisa lang
LUNA AMARIS It’s my wedding day. I am wearing a white gown, ang sinabi namin na civil at private lang sana para sa pamilya ay hindi pa rin natuloy. Gusto pa rin nina Dad at Lolo Thomas na kahit pribado ang kasal ay hindi kasing civil na ikakasal lang kami sa opisina ng mayor o kung sino mang magkakasal sa amin. Dahil iyon ang gusto ng mga matatanda ay wala na rin kaming nagawa. May dumating din para ayusan ako. Simple lang ang wedding gown na suot. This is far from my dream wedding, pero sa ngayon kailangan ko na lang munang makontento sa kung ano ang gusto ni Theo. Ang mahalaga ay maikasal na kaming dalawa. May nag-ayos ng buhok at make-up ko kaya kahit paano, ramdam ko naman na ikakasal ako. Tumingin ako sa whole body mirror. Below the knee ang gown na suot ko. Simple lang ang design noon. Naka-sandals din ako ng puti. Ngumiti ako sa salamin. Ikakasal ako, pinapangarap ko ito at matutupad na, dapat excitement lang ang nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung bakit mabigat din ang







