Share

Tenement Uno
Tenement Uno
Author: Lady Reaper

Prologue

Malamig na gabi. Madilim at malakas ang buhos ng ulan. Tinatahak ng isang lalaki ang daan paakyat sa isang hindi katarikang overpass. Nakasuot ito ng itim na jacket at pantalon na pakupas na. Ang mga kamay ay nakasuksok sa pares na bulsa ng kaniyang pang-ibaba. Walang na s’yang pakialam sa basang-basa na buhok, patuloy lang s’ya sa mabagal na paglalakad na animo’y isang modelong naglalakad sa malawak na entablado. Malamlam ang kaniyang mga mata habang diretso ang tingin sa dinaraanan. 

Nang makarating sa itaas ay kumaliwa siya, matatanaw naman mula sa hindi kalayuan ang isang babaeng nakasuot ng sexy fitted red dress. Three inch stilleto at may nakasukbit na black pouch sa kan’yang balikat. Nakatanaw ito sa mga sasakyang tinatahak ang madulas na kalsada. 

Tumigil ang lalaki sa tabi ng magandang dilag. Tumabi siya rito’t matuwid na tumayo, hindi man lang nag-aksaya ng minuto upang pagpagin ang tumutulong kasuotan. 

“So, bakit mo ‘ko tinawag?” pagbaling na tanong ng nakapulang babae. 

“Kailangan ko nang bagong mamamahala sa Uno.” 

“Hmm.” Tumango-tango siya kasabay ang pagkunot ng noo. “Bakit ako?” natatawa pa niyang tanong. 

“Kayang-kaya mo ‘yon, nakikihalubilo ka sa mga tao,” sagot ng lalaki na may maliit na mga mata, makapal ang talukap at matalim kung tumingin. Manipis ang labi niya ngunit mapula naman. Matangos ang ilong at maitim ang makapal na buhok. Nakasuot siya ng salamin sa mga mata na tila’y gawa sa aluminum ang tangkay at korteng parihaba ang nalalagyan ng lente.

“Tignan mo nga naman napakabilis ng panahon. Parang kailan lang nagmamakaawa ka sa akin na pabilisin ang oras upang matapos na ang paghihirap mo.” Napatingin siya sa ibabang parte ng overpass. “Ngayon look, isang buwan na lang.” Sa puntong ito ay hinarap na ng magandang babae ang binatang dumating. 

“Magpapadala ako ng bulaklak sa bago mong tirahan,” aniya. Wala pa din emosyon ang mga mata nito. 

“Suhol gano’n?” 

“Daisy ‘di ba?” Sinulyapan niya ang babaeng pinuntahan. Puno ng sinseridad niya itong pinakatitigan. “Aantayin ko ang ipapadala mo, ‘yong hindi sana mahirap pakiusapan. Ihahanda ko ang silid mo sa paupahan ko para may magamit siya,” matikas na saad nito. 

“Kung hindi ka lang gwapo, hindi kita kakausapin. Tsk.”

Napatawa na naman ito. Gayundin ang lalaki, bahagya siyang napangiti sa tinuran ng kaibigang dinayo  pa niya sa syudad.

“Salamat Tabithea. Babawi ako.” 

“No need. Enough na ang ginawa mo 300 years ago.” She again smiled to him. “So, mauna na ako.” 

Hindi na niya hinintay ang itutugon ng binata sa kaniya. Tuluyan na siyang naglakad nang pa ekis-ekis papalayo.

Naiwan naman ang lalaking nakatunghay sa mga sasakyang sinusuong ang malakas na buhos ng ulan. 

And it happened one month to go.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status