MasukMasakit na liwanang na nagmumula sa kung saan ang nagpamulat kay Samantha kinabukasan. Malakas na ang buhos ng liwanag mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Ibig sabihin, tanghali na at hindi na siya nakapasok sa opisina pagkatapos ng mga nangyari kagabi.
Kagabi.
Napakagat-labi siya nang maalala ang nagdaang gabi. Ang paghahabol niya sa oras. Ang pagkawala ng kuryente sa SSL building. Ang eksenang natagpuan niya sa loob ng penthouse ni Sir Aaron at ang…
Sir Aaron.
Marahan siyang napapikit at dinama ang kanyang labi. Ramdam pa niya ang init ng h***k ni Sir Aaron doon. Dama pa ng balat niya ang bawat paghaplos ng mga palad nito. At dala pa rin ng puso niya ang ligaya na dulot ng pag-angkin nito sa kanya.
Marahan siyang nagmulat nang maramdaman ang pamumula ng pisngi niya. Mabilis niyang kinuha ang unan sa tabi niya at itinakip iyon sa kanyang mukha. Gusto niyang magsisigaw at maglulundag dahil panay ang alon ng kilig sa d****b niya. Ngayon na maayos na ang huwisyo niya at naaalala niya ang lahat, tila nahihiya siya. Pero kagabi, habang kusang loob niyang ibinibigay kay Sir Aaron ang sarili niya, ni hindi niya naisip ang hiya o kung ano pa mang dapat niya sanang maisip. Ang tanging naiisip lang niya ng mga oras na iyon, ang ‘di maipaliwanag na saya sa puso niya at ang mga h***k at yakap ng boss nila.
Alam niya, para siyang gaga. Ibinigay niya ang sarili niya sa isang lalaking lango sa alak at walang kasiguruhan kung maaalala pa siya. Pero hindi siya nagsisisi. Gusto niya si Sir Aaron. Marahil nga, higit pa sa gusto. At ewan ba niya kung bakit pakiramdam niya na dapat siya talaga ang naroon kagabi at hindi si Ms. Krisitine na siyang palagi nitong binabanggit.
Napabuntong-hininga siya at bumangon sa kanyang kama. Napangiwi siya nang makaramdam siya ng kaunting sakit sa kanyang pagkababae. Patunay talaga iyon na nangyari ang kagabi at hindi siya nag-iilusyon lang.
Wala sa sarili siyang humarap sa salamin. Aside from losing her innocence, wala namang nagbago sa kanya. Siya pa rin si Samantha Bautista. Nag-iisang anak, working student at marami nang responsibildad sa buhay sa edad na bente-tres.
Bumuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa tokador. Kailangan niyang mag-text kay Ms. Lalaine na magha-half day siya ngayon. Hindi siya pala-absent pero dahil sa mga pangyayari kagabi, hindi niya sigurado kung makakakilos din siya nang maayos agad sa opisina. Kailangan niyang ipahinga ang katawan niya kahit ilang oras lang.
Tatlong ulit siyang inangkin ni Sir Aaron kagabi. At nanatili siya sa penthouse nito ng halos dalawang oras. Kung paanong nangyari ang mga nangyari kagabi, hindi niya pa rin alam. Subalit isa lang ang sigurado siya, hindi niya makakalimutan ang nagdaang gabi kahit na kailan.
Mabilis siyang tumipa sa cellphone niya. Nag-text siya kay Ms. Lalaine kung puwede siyang maghalf-day. Minuto lang ang binilang, nag-reply ang boss niya. Pumayag ito sa request niya. Maya-maya pa, tumawag ito. Kinakabahan man, sinagot niya ang tawag.
“H-hello, Ma'am?” bati niya sa boss niya, alanganin.
“Sam, naibigay mo kay Sir Aaron 'yong file kagabi?” diretsong tanong ng boss niya sa kanya.
Napangiwi siya, tumikhim. “M-medyo po, Ma'am.”
“Medyo?”
Sinubukan niyang pigilan ang pagbangon ng kaba sa d****b niya. Kaya lang nagsimula nang pagpawisan ng malamig ang mga kamay niya. Mabanggit lang ang kagabi, parang nakukunsensiya na siya at kinakabahan nang sabay na hindi niya malaman.
“M-ma'am, ano po kasi...” Napalunok siya. “N-nawalan po ng kuryente kagabi kaya hindi ko po naibigay kay S-Sir Aaron nang personal 'yong file. K-kaya po iniwan ko na lang sa desk ni Ms. Viviane. S-sorry po. Hindi ko po kayo na-inform agad.” Napangiwi siya. Hindi siya sanay magsinungaling. Kaya lalo siyang nakukunsensiya sa ginagawa niya ngayon. Pero anong magagawa niya, hindi niya puwedeng sabihin sa iba na nagpunta siya sa bahay ni Sir Aaron kagabi at may nangyari sa kanila.
Nang makatulog si Sir Aaron bandang alas-dies y media ng gabi, saka pa lang siya dahan-dahang lumabas ng penthouse. Hindi pa bumabalik ang kuryente at lalo niyang ipinagpapasalamat iyon dahil hindi gumagana ang mga CCTV. Naging pabor iyon sa kanya upang isakatuparan ang plano niyang burahin ang anumang bakas ng pagkakakilanlan sa kanya kagabi. Ginamit niya ang staircase para pumunta sa executive floor at ilapag sa table ni Ms. Viviane ang report na ibibigay niya sana kay Sir Aaron. Gusto niyang pagmukhain na hindi talaga siya nakarating sa penthouse at malabo na nagkita sila ni Sir Aaron kagabi.
She was just at the wrong place at the wrong time. ‘Yon lang ‘yon.
At kahit na alam niyang imposible, ayaw niyang mahanap siya ni Sir Aaron kung sakali. Isa pa, gusto na niyang kalimutan ang mga nangyari kagabi at ipagpatuloy ang buhay niya na parang walang nangyari. Dahil alam niya, kahit na gaano kaganda para sa kanya ang nangyari kagabi, wala iyong bale kay Sir Aaron. Ni hindi nga siya nito kilala dahil pangalan ng girlfriend nito ang tinatawag nito tuwing inaangkin siya nito. Kaya ano pang panghahawakan niya? Ano pang aasahan niya?
Last night will be just a memory. A very beautiful memory.
“I see. That’s good. Mabuti na rin na hindi kayo nagkita ni Sir Aaron kagabi,” kalmadong pagbabalita ni Ms. Lalaine.
“B-bakit po?” kinakabahang tanong niya.
“May nangyari daw kay Sir Aaron.”
Napatuwid na siya ng tayo. Bumangon ang kaba sa d****b niya.
Anong nangyari kay Sir Aaron? Nasaktan ba ito? Naaksidente? Maayos naman niya itong iniwan kagabi. Siniguro din niyang naka-lock ang pinto at—
“I guess it’s between him and his actress girlfriend. He was upset. Viviane called and said that Madam Liza is calling off all meetings today on his behalf. Which is kind of good. We all need a breather after all the tension from the board for the past 6 months,” ani Ms. Lalaine bago nagbuga ng hininga. “Anyway, you can take the day off Sam. Take the extra hours of today to catch up with your lessons from your night classes.” Mabilis siyang nagpasalamat sa boss niya. Ilang minuti pa, pinutol na nito ang tawag.
Napabuga siya ng hininga. Mukhang alam na niya ngayon kung bakit naglasing si Sir Aaron kagabi. Dahil sa girlfriend nito.
Marahan siyang napailing nang makaramdam siya nang kaunting kurot sa d****b niya. Masakit mang isipin, pero ginamit lang siya talaga ni Sir Aaron para sa kung ano mang frustration nito sa girlfriend nito.
Well, ano ba ang ine-expect niya? Na nagustuhan siya ni Sir Aaron kaya may nangyari sa kanila?
Napahilot na siya sa ulo niya na biglang nanakit. Kailangan na niya sigurong mag-kape para mahimasmasan siya at umayos na ang huwisyo niya.
Mabilis siyang nagtali ng buhok at lumabas ng kuwarto niya.
Abala sa pagliligpit ng mga gamit sa private lounger si Hazel nang bumalik si Caleb doon. Agad siyang natigilan nang magtama ang tingin nila ng binata.Sandali siyag pinag-aralan ng lalaki, nangunot-noo bago muling humakbang papasok sa silid.“So, you do know what to do, Ms. Evangelista. Bakit kanina habang kausap kita, parang napilitan ka lang sa pagpunta dito?” tanong nito, huminto ilang hakbang ang layo sa kanya.Napalunok siya, tumuwid ng tayo. “H-hindi ko po kasi inaasahang kayo mismo ang mag-iinterview sa akin, S-Sir,” pagsisinungaling niya.Tumango-tango si Caleb. “I understand that. My employeers at SSL do have the same reaction when I talk to them. But, if you want to keep this job, you better overcome that. Totoo ang sinabi ko kay Mrs. Van den Berg. I only hire excellent employees. If you really want to work with me, I only have three rules for you: you must be punctual at all times, have presence of mind at all times, and deliver an excellent job at all times. Can you prom
“Is this correct, Frau Hazel?” tanong ng batang si Gisel, ang isa sa mga apo ni Mrs. Van den Berg. Kasalukuyang nasa may table ni Hazel ang bata at gumagawa ng mga origami na itinuro niya mismo. Pati ang kapatid nitong si Karl ay gumagawa rin ng origami.Sandaling pinagmasdan ni Hazel ang origami na gawa ni Gisel, ngumiti siya pagkatapos. “Very good, Gisel. You are good at this. Here, let’s make more,” sabi pa niya, inabutan ulit ng bond paper ang bata na noon ay kuntodo na ang ngiti.“Danke, Frau Hazel. I’m going to make lots and lots of birds and put colors on them later,” sabi pa ng bata, muling sinimulan ang pagtutupi sa papel. Si Karl naman ay tahimik din na gumagawa sa kanyang tabi.Napangiti siya sa progress ng dalawang bata. Kung kanina ay panay ang bangayan ng mga ito, ngayon ay halos hindi maalala ng mga ito kung anong pinag-aawayan nila. Mabuti na lang at gawain niya rin ang paggawa ng origami sa ampunan. Si Sis. Clara ang nagturo sa kanya no’n. At ngayon nga, itinuturo ni
Umingit pabukas ang pinto ng opisina ni Caleb at inilabas doon ang bulto ng nagmamadaling si Ms. Viola. “Hazel, nandito na ang mga VIP in fifteen minutes. Samahan mo akong ihanda ang private lounge. But before that, i-follow up mo muna sa reception ‘yong pastries na in-order ko kanina. Tell them, na iakyat agad dito sa floor ang delivery kapag dumating. Tapos, ihanda mo na rin ang coffee maker sa pantry,” dire-diretsong utos ng sekrertarya, kinarga ang pile ng folders na nasa mesa nito bago dumiretso sa private lounge.Agad namang tumalima si Hazel sa mga inutos nito. Matapos niyon, sumunod siya sa private lounge upang tulungan ito sa paghahanda. Nang matapos ang lahat within fifteen minutes, bumalik silang dalawa ni Ms. Viola sa kani-kanilang mesa at naghintay.Maya-maya pa, lumabas na si Caleb sa opisina nito.“They are here, in three minutes,” anito seryoso, agad na naglakad patungo sa lift, ni hindi tinapunan ng tingin si Hazel.“Dito ka lang, Hazel. Ako ang sasama papaba kay Sir,
Tahimik na pinindot ni Hazel ang button para sa lobby ng building. Plano niyang umuwi agad para may maitulong pa siya sa ampunan ngayong araw. May sakit ang cook nilang si Manong Rod. Kaya kailangan nila ng mas maraming kamay sa kusina. Bibili na lang siya ng biskwit sa terminal ng bus mamaya. Iyon na lang ang agahan niya.Nang muling bumukas ang pinto ng elevator, agad siyang humakbang palabas doon. Dumiretso siya sa reception at ibinalik ang kanyang temporary pass. Subalit hindi pa man siya nakakalabas ng building, muling nag-ring ang cellphone ng dalaga. Agad niya iyong hinugot sa kanyang bag.Nang tignan niya, bagong number ang naka-flash sa screen. Sandali siyang nag-isip, nagdesisyon kung sasagutin ba ang tawag. Sa bandang huli, lakas-loob din niyang sinagot iyon.“H-hello?” aniya, alanganin.“Ms. Evangelista, this is Viola. ‘Yong secretary ni Sir Caleb. Pinapatanong ni Sir kung nasaan ka na raw banda? You’re still in the building, right?”“O-opo, Ma’am,” takang-sagot ni Hazel,
“May plano ka pa bang ituloy ang sasabihin mo, Miss Evangelista? I don’t have a whole day waiting for you to complete your sentence,” untag ni Caleb kay Hazel nang manatiling nakatunganga si Hazel sa harapan ng binata.Kumurap si Hazel, lalong nataranta. Sa nagpa-panic na isip ay hindi siya agad makahanap nang dapat isagot sa lalaki. Subalit alam niyang kailangan niyang sumagot. “I-I’m s-sorry, Sir. M-may… may naisip lang po ako at—““Is that a habit?” putol nito sa kanya.“S-Sir?”A muscle in his jaw ticked. Lalong kumabog ang dibdib ni Hazel. Parang inis na si Caleb sa kanya. “You keep stuttering. You cannot even answer my questions directly. Do you believe you are fit to be my personal assistant, Ms. Evangelista?”Lumunok siya, kumuyom ang mga kamay. Kailangan niya ng trabaho. Kailangang-kailangan niya. Kaya lang…Nagbuga ng marahang hininga si Caleb, niyuko ang file niya at sinulatan iyon ng kung ano. “Thank you for your time, Ms. Evangelista. Makakauwi ka na,” anito bago mulin
THREE YEARS LATERMalakas ang pagkabog ng dibdib ni Hazel habang naghihintay siya sa lobby ng building kung saan siya inutusang pumunta ng local recruitment agency na kanyang pinuntahan upang mag-apply ng trabaho. Iyon na ang ikatlong attempt niya sa paghahanap ng trabaho sa Maynila. Kung hindi nga lang niya kailangang makahanap agad ng trabaho ngayon dahil may pinag-iipunan siya, hindi siya lalayo sa Tagaytay kung saan siya napadpad mula nang umalis siya sa San Gabriel tatlong taon na ang nakararaan.Pagdating niya noon sa Maynila, tuliro siya at hindi alam kung anong gagawin. Ang gamit lang niyang dala ay ang mga gamit niya mula sa locker niya sa club, wala nang iba. Tatlong-araw din siyang nanatili sa terminal ng bus. At dahil kapos siya sa pera nang mga panahong iyon, tinipid niya ang sarili sa pagkain at tubig.Hanggang sa tuluyang bumigay ang katawan niya sa sobrang pagod at takot. Nawalan siya ng malay habang naglalakad. Mabuti at tinulungan siya ni Sis. Clara, isa sa mga madre







