Share

CHAPTER 2

Author: LoveChinita
last update Last Updated: 2024-02-08 11:45:59

Nang mai-announce nga ng emcee na nanalo ang batch nila Maricor kahit pa sabihing natalo sila sa larong harina relay ay dali-dali siyang tinawag sa taas ng stage para ibigay ang premyo. Kaagad namang umakyat ang dalaga sa entablado at nakipabiruan pa siya sa emcee. Isa din sa mga naging kaibigan niya noon at naging co-faculty.

"Ma'am Zaavedra, ano naman ang naging source of energy mo at bakit mo nabuhat ng bonggang-bongga si Menchie?"

Ang naloloka at maarteng tanong ng baklang emcee.

Sinagot naman siya ng dalaga ng pahalakhak.

"Simple lang sir Albert, prayers, 3 bottles of flavored beer and you. Charrooot!"

Grabeng halakhakan ang nangyari sa loob ng hall na iyon. Maging ang ibang batches at mga faculties and heads. Naloka ng husto ang baklang kaibigan at sinakyan naman ang joke ng dalaga.

"Ms. Zaavedra, wala bang magagalit ngayon dito sa hall na ito kung hahalikan kita?''

Ang ganting sakay naman ng emcee.

"Ahm hindi ko alam. Pero feeling ko talaga galit siya. Dati pa."

Ang makahulugan niyang sabi at tumitig sa gawi ng tent ng batch nila. Kahit medyo malayo ay nakita niyang umiwas ng tingin sa kanya ang lalaki.

"Ano ba yan. Sa ganda mong yan totoong may magagalit? Naku don't worry girl maraming hunks at papalicious dito sa hall oh."

Kinikilig pa ang emcee na kaibigan habang nagtuturo at panay ang kaway sa mga binata sa bawat tent sa loob ng hall. Nagsigawan naman ang mga binatang nasa tent. Maraming nagsisgaw nang. "Mine."

Napatawa nalang ang dalaga at nang makabawi ay nagsalita ito ulit sa mike.

"Wait bakit ba kung ano-ano na napag-uusapan natin. Nasaan na ang prize namin? Sumakit din ang katawan ko sa pagbuhat kay Menchie." sabay hawak niya sa kanyang beywang at nag inarteng nasaktan. Di pa ito nakuntento at nag-inat ng katawan. Akala mo ay may karerang pupuntahan at nag warm-up pa ang kalog na dalaga. Naghagalpakan nanaman ang buong tao na nasa paligid ng hall.

"Wait lang dzai heto na nga!" ang maarteng senyas ni albert at tinawag na ang mga staff sa hall. Sa malakas at masayang boses ay nagsalita ulit ito.

"Mga kapamilya at kapuso, mga hampas lupa at kutong-lupa narito na. Ipasok ang lechon at ang mga kahon ng beer!" At nagsisigaw ang batchmate ni Maricor ng ipasok nga ang mga napanalunan nila. Ikaw ba naman manalo ng lechon di ka masisiyahan tapos may ilang kahon pang beer?

"Wooooo alright!" At nagtatalon pa sa tuwa ang dalaga at biglang niyugyog niya ang balikat ng kaibigang emcee.

Pero tila yata at napangiwi nalang siya bigla ng pagbaling niya ng tingin sa kabila ay mukhang tinanggal ang puso niya at ibinabad sa alcohol dahil nanaman sa mga nakita…

“YES, ganyan nga Maricor, easy ka lang. Mabubuhay ka ng matatag at maligaya. Hindi mo siya kaylangan sa buhay mo. Remember ikamamatay mo pag ipinilit mo pa. Ikaw din ang talo dahil ikaw naman ang nagkasala pero isipin mo buhay ka naman.”

Ang pagpapakalma niya sa sarili habang malungkot niyang pinakatitigan ang salamin sa pressed powder niya. Umupo siya sa bowl ng cubicle at naghintay pa ng ilang saglit upang payapain ang puso at isip. Nang biglang may narinig ang dalagang kumakalampag sa pinto. Kinalampag na pala nila Menchie ang pinto. As in grabeng pagkakalampag to the point na nagulat ang ibang mga nakapila para magbanyo at ang ilang nagmamake-up sa may lababo na may malaking salamin.

 “Maricor napano ka na diyan, labas ka na. Ok ka lang ba?”

Ang sigaw ng kaibigan nitong si Menchie. Halatang nag-aalala ang tinig ng kaibigan at ready na nga ito para manggiba ulit ng pintuan.

Alam ng mga kaibigan ng dalaga ang totoong kalagayan nito sa kalusugan kaya’t parati silang nag-aalala. Kahit medyo bumuti na ang kalagayan at maari na siyang magpagod ay nariyan pa rin ang extrang pag-iingat. Kahit sa pagsali nila kainana sa mga parlor games ay nakikiramdam pa rin sila. Pero hindi naman nagpakita ng pagdaing ang kaibigan nila kaya minabuti nilang hayaan itong mag-enjoy sa laro.

“Ano ka ba heto na nga oh.”

 At tumayo na ang dalaga at binuksan ang pinto. Tumawa pa ang dalaga ang paglabas ay hindi na maipinta ang mukha ng mga kaibigan. 

“Mabuti naman, akala ko gigibain ko nanaman ulit ang pinto.”

 Ang nagkakamot ng ulo na si Divine na halata ang relieved dahil akala ay kung napaano nanaman ang kaibigan. Naalala niya noon ng sinumpong siya ng sakit sa unang pagkakataon at nasa loob pa siya ng CR sa isang mall. Giniba ng mga kabarkada niya ang pinto ng cr dahil halos 10 minutes yata na naghintay ang mga kaibigan sa labas. Minabuti nilang puwersahang buksan ang pinto ng mapansing hindi ito sumasagot kahit kinakalampag na ang pinto. Nabungaran nila itong nakasalampak sa sahig. Kinapos ng hininga at walang malay. Muntik pang makasuhan ang mga kabarkada niya dahil sa panggigiba ng pinto ngunit naareglo naman dahil emergency ang nagyari.

 “Tara na at naghihintay na ang lechon na napanalunan natin. Binantayan na ni Kristina at baka may pumitik sa balat. Tayo daw dapat ang magtadtad ng una kasi tayo ang nakapanalo.”

ang masayang untag ni menchie sa kanya.

“Marie, best ok ka lang? Nakita ko kanina na dumating si Ariel at kasama ang isa nating kabatchmate na si Kristine. Parang sila na nga.”

Si Lindsey naman ang nagtanong na may pag-aalala.

Napatigil siya sa paglalakad. 

“Best oo aaminin ko medyo masakit. Hindi medyo kundi masakit na masakit talaga. Pero di ko puwedeng ipilit. Ako naman ang nagkasala. Parehas lang kaming masasaktan ni Gabriel. Alam mo naman diba?”

Ang malungkot na sabi ng dalaga sa kaibigan. Inakbayan nalang ito ng kaibigan at nagpatuloy na sa paghakbang pabalik ng tent nila.

Ariel was her crush when they are in high school and napatuly ito sa college. Actually, nasa 4th year college na siya ng magkapansinan at magkakilala. Siya noon ay nasa Education Department at si Ariel naman ay nasa FEATI department.

Sa toto lang, gusto naman nila ang bawat isa. Kaso nahihiya lang ang dalaga sa kanya noon dahil nga sa napakagwapo nito at galing pa sa may kayang angkan. Actually, ang ama nito ang isa sa may malaking shares sa St. Claire. Ang binata naman mula sa pagkakarinig niya, ay isa na palang Piloto sa sikat na international airline company ng bansa. Mas lalo itong gumwapo at mas yumaman. Dinig niya ay maraming establishment ang naipatayo ng pamilya nito sa lugar ng cebu. Sa totoo lang kahit hindi ito magtrabaho ay mabubuhay ito. Kaya nga’t maraming umaaligid ditong mga kadalagahan sa college days nila noon. Aaminin niya na crush niya talaga si Gabriel from head to toe. Yes, ganon siya kaharowt! Pero never siyang sumali sa fans club ng binata. Varsity din ito at naging Mr. Palaro rin ito noon. 

Hindi pa sila nakakarating sa tent nang makita nilang ang batch ng FEATI tinawag sa stage dahil may intermission number daw. Nakita ng dalaga na nagsipag akyatan ang mga kabatch ni Ariel sa taas. Kaunti lang ang batch ng feati dahil nga sa napakamahal ng tuition fee nito at iilan lang ang pamilya sa lalawigan nila na can afford na makapag-paaral sa kursong iyon. Pumailanlang sa buong paligid ang napakalakas na kanta na “Dying Inside” na nerevive ni Darren Espanto habang sinasaliwan ng sayaw ng mga kabarkada ni Ariel.

Nakasuot silang lahat ng kulay puti na T-shirt. Hindi natapos ang sayaw dahil sa last part na choros ay lumabas mula sa itim na tela si Gabriel. Nakasuot ito ng T-shirt na kulay pink. May hawak na mic at siya na ang nagpapatuloy sa kanta. Napaka-ganda ng tinig ni lalaki. Nakakakilig. Tagos hanggang kaluluwa. Pati yata panty ay kung di lang nakakapit ng mahigpit ang garter eh baka nalaglag na. Isa ito sa mga nagustuhan ni Maricor sa kanya. Maganda ang tinig nito pag kumakanta. Hindi kagaya sa tinig ng dalaga na parang palaka daw na nakikipagsabayan sa kapwa niya din palaka para gumawa ng tunog at magkaroon ng mas malakas pang ulan. Wait! Hindi nga pala ulan kundi bagyo.

“Yes! Bagyo ang nais ko ngayon!” ang hiling ng dalaga sa isip dahil nangyari na nga ang matagal na niyang nafoforsee na delubyo!  

Delubyo sa kanyang puso...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 24

    Masasabing walang panama ang Zaavedra clan sa pamilya nila. Maituturing nga na mababang uri ito sa business world. Pero dito nainlove ang ate niya at di niya ito masisisi. Napakabait ng kuya Baste niya. At may pinagmanahan si Hannah. Pero di niya iyon matanggap. The simple girl she loved. The simple girl who tamed the black sheep is the reason why her cousin is now at the ICU. Nag-aagaw buhay at di makalakad.“Hindi porket mayaman ka ay hindi mo na alam ang nangyayari sa mundo.”Yan ang parating bukang bibig sa kanya ng dalaga na hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw sa pandinig ng binata.Napahawak na lamang siya sa sentido ng maalala ang dalaga.Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang makausap ang dalaga at pagpaliwanagin. Bakit niya ginawa iyon sa pinsan niya. Ngunit wala na siyang Maricor na nakita o nakausap. Umuwi na ang buong pamilya nito sa Iloilo. Pinuntahan niya ang condo unit ng kapatid ni Baste pero ipinagbili na daw iyo

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 22

    Sila na munang magkakapatid ang namamahala sa kanilang poultry and hog farm pati na din sa kanilang mga processed foods habang nasa bakasyon ang mga magulang at para di na maburyong ay pinayagan siya ng mga kapatid na siya ang sumagot sa mga tawag at order sa kanilang negosyo. Naging work from home ang kinalabasan ng trabaho ng dalaga.Ang dalaga ang sumasagot sa mga tawag at order hanggang sa paglilista na ipinapadala niya sa kanilang maliit na planta kung saan nandoon ang kanilang pagawaan ng mga processed meat products. Ang mga pinsan at kapatid ay may kanya-kanyang toka sa planta at sa farm. Marami ang nagulat na bigla nalang siyang nagresign sa Saint Claire. Maging ang nobyo niya. Ang alibi niya ay napagod lang siya. Hindi niya sinabi ang totoong kalagayan. Ayaw niyang kaawaan siya. Kilala kasi ang dalaga bilang isang strong, independent, masayahin at palabirong tao.It was 8:30 in the evening nang dumating ang mga kaibigan ng dalaga. Doon sila matutulog sa bahay

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 25

    After nga ng pag-uusap ng makakaibigan sa pamamagitan ng videocall ay umakyat ang binata sa suite nito para ulit magpahinga. Pero bago paman siya dalawin ng antok ay pinakatitigan niya ulit ang eye glasses ng dalaga na halos ilang gabi na laman ng panaginip niya tsaka ulit may naalala mga pangyayari noong magkasama pa sila...Nasa La Trinidad Benguet sila at tumutulong sa pag-ani ng mga strawberries na pagmamay-ari ng pamilya Lee. Bukod sa strawberries ay meron din silang mga blueberries. Enjoy na enjoy si Maricor sa pamimitas ng mag-aya sila na umakyat malapit sa taniman ng strawberries. Napakaganda ng tanawin dahil napapalibutan ng mga bundok ang lugar.Doon sa may rice terraces. Titingnan nila ang pag-ani ng native na palay. Nakasunod silang lahat sa care taker ng farm at naging tour guide na rin nila. Siya ang sa pinaka dulo at sa unahan niya si Ycon na kanina pa siya inaasar dahil sa nahuli siya ni Ycon na nakatitig sa binata. Inaasar siyang ay gusto siya dito. Pati na din ang m

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 23

    “Mare, ito nga ang narinig ko doon sa opisina na pinapasukan ng kapitbahay namin. Ipinalabas nilang naaksidente ang anak ng mag-asawang Lee-De Vera, dahil nga kahihiyan at kontrobersyal sa pamilya nila ang mga nangyari. Itinago nila na sumasali pala ito sa illegal gaming sa Taekwondo at Malaki ang pustahan. Mantakin mo ba naman na lumipad pa papuntang Cebu ang anak nila. Ang mga magulang daw nito ay nasa Singapore nakabase para sa business nila. Tumakas lang ito sa mga guards niya para makipagcompete na natsambahan nga na si Zaavedra ang nakalaban niya. Kasalanan niya naman yon. Buti nga sa kanya dahil alam niyo ba na ang buong pamilya ng Zaavedra ay nalagay din sa kahihiyan ngayon at mas domoble pa ang sakit na pinagdaraanan dahil com…”Hindi na natapos ng babae ang sinasabi dahil bigla nalang sumulpot ang isang bata mula sa comfort room at tinawag siyang “lola.”Kanina pa si Ycon sa isang coffee shop na iyon na malapit sa building

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 22

    "Ohy dahan-dahan lang Marie."At kaagad iniwan ni Max ang laptop at inalalayan siya.Si clarisson naman ay agad ding bumangon.“Wag ka munang maggagalaw diyan. Bro pakitawag nga ang nurse at Dr. Ni marie please?”Ang utos ng panganay nila kay Clarisson at umalis nga ito.She was diagnosed with Heart Failure. Dilated Cardiomyopathy. Actually, naiyak siya sa nalamang iyon. Nagkausap na ang mga kuya at doctor niya. Nagtataka rin ang mga doctor kung bakit late na nang lumabas ang sakit ng dalaga.“Nagkakaroon ng heart failure ang isang tao kung ang puso ay walang kakayahang mapababa ng sapat na dugo sa buong katawan. Dahil dito nakamamatay ang nasabing kundisyon. Ilan sa mga sanhi ng heart failure ay ang atake sa puso, coronary heart disease, high blood, arrhythmia sa matagal na panahon at pinsala sa heart muscle. In your sister’s case it acute pero posibleng maagapan natin.” Ang sabi ng doctor sa kanila.“Napansin niyo naman siguro ang panghihina niya, kinakapos parati sa paghinga at ka

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 21

    “Diyan ka.”Ang sabi ng mga pulis sa dalaga na tulog na tulog. Inihiga ito sa sahig na may karton at ikinandado ang pintuan ng karsel. Ang mga kaibigan naman ng dalaga ay nandoon at nakikipag-usap sa mga pulis. Sinasabing self defense lang ang ginawa ng kanilang kaibigan kanina.Walang pakialam ang dalaga sa mga nangyayari sa paligid dahil sa kalasingan. Hindi niya rin alam kung mga alaala ba o panaginip ang nasa isip niya sa mga oras na iyon hanggang sa naglakbay na ulit ang kanyang diwa…It was already 10 PM ng magflash ang pangalan ni Devina sa LED at nagulat ang lahat ng manonood ng siya ang iniluwa para makipagcompete. Walang suot na gear o kung ano man. Iyon ang patakaran. Kung tutuusin, ang larong ito ay para sa mga nangangailangan ng pera. Hindi siya nararapat doon. Ito ay para lang sa mga hayok sa pera at napaka unprofessional. Marami ang nagsasabing ito daw ang maduming laro pagdating sa taekwondo. Pero marami pa rin ang sumusubok hindi dahil sa pera. Ito ay dahil para may ma

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 20

    “What’s the news?”Ang tanong ng isang matandang Chinese sa kanyang tauhan na kakarating pa lamang. Nandoon ito sa kanyang garden at kasalukuyang umiinom ng tsaa na ang asawa ang naghain.“Don, ang inyon apo po na si Ms. Jean ay nandoon ngayon sa maynila. Ayon sa isang tauhan na nagmamanman ay lumipad ang mga Zaavedra kahapon patungong Tagaytay. Nagprepare daw ng isang party at ang dinig ay may magaganap po na proposal.”Ang balita ng isang tauhan sa Don.Napakuyom nalang ng kamay ang Don. Matagal na niyang iniisip na kailangan na niyang gumawa ng plano. Ang isang apo ay masyado nang nag-ienjoy sa binatang Zaavedra.Noong nakaraan ay nalaman ng Don na ang mga Zaavedra ay pinatuloy umano ng mga apo sa kanilang Mansion sa Baguio. Ang balita pa ay nagkakamabutihan ang apong si Ycon at ang ampon ng mga Zaavedra. May mga larawang ipinadala sa kanya ang tagapagmanman ng Don. Based din sa kanyang pagpapaimbestiga ay nagmula sa Iloilo ang pamilyang ito at may isang maliit na family business. N

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 19

    Ang pinsan nilang si Sebastian A.K.A Baste, ay nacomatose dahil sa isang aksidente."Ah! It was not an accident!"Ito ang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ni Maricor. Ang pinakamamahal na pinsan ay kasalukuyang nag-aagaw buhay dahil sa nobya nito. Ang ate ni Ycon, na si Jean.They heard all the story. Jane Lee, the girlfriend of their cousin will be getting married to someone who is very rich and powerful. The owner of Liezhing group of corporation. Ang sikat na shipping company sa buong mundo.And Baste…Baste was abandoned by his girlfriend.That night before the accident was supposed to be the celebration. Their 2nd year anniversary. Pero imbes na celebration ang nangyari ay trahedya ang naganap.Hindi sumipot si Jane sa kanilang meeting place.Sa tagaytay sila naghanda. Sa isang high land resort. Actually, nandoon ang buong family nila. Ang Zaavedra clan. It was not a simple celebration. Dahil that night ay nagready na silang lahat para sa isang surprise marriage proposal na gagaw

  • That One Fated Summer Night   CHAPTER 18

    Grabeng sigaw ang ginawa ng dalaga habang hinahabol ang binata na ngayon ay kalmado lang at pangiti-ngiti habang humahakbang papasok sa loob ng mansion. Nakasuoot pa ang dalawang mga kamay sa magkabilang bulsa. Pero dahil sa adrenalin rush ay nahabol ng dalaga si Ycon, at bago paman ito makapasok sa sool ay kaagad hinarangan ni Maricor ang pinto with matching dipa ng dalawang kamay."Anong ginawa mo!?"Ang nanggigigil na tanong ng dalaga at nanlalaki pa ang mga mata."Zaavedra, i'm just saving you."Ang tipid na sabi ng binata na tila yata amused na amused ito habang tinititigan ang halo-halong ekspresyon sa mukha ng dalaga. "Saving me? Eh di naman ako mamamatay!"Ang mataray na sabi ng dalaga sa kanya."Really?"Ang nang-iinis pang tanong ng binata at in ilapit ang mukha sa dalaga at tinitigan ang mga labi nito.Agad itong napansin ni Maricor at tinakpang ng dalawang kamay ang bibig."Relaks Zaavedra, di kita ulit hahalikan. Pero pag kailangan mo ulit ng mouth to mouth resuscitatio

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status