Share

CHAPTER 1

“Haleer hindi ako choosey, excuse me! I’m just protecting myself!” 

Nakataas pa ang isang kilay ng dalaga habang sinasabihan niya ang kausap sa cellphone.

"Sige na, pansinin mo naman yong tao. patay na patay daw sayo." 

Ang sabi naman ng nasa kabilang linya at maririnig na humahalakhak pa ito.

“Ayaw ko! Kung gusto mo sayo nalang!”

"Grabe ka naman pinsan."

“Over my dead but delicious body! Ayaw ko!”

Giit ng dalaga. 

"Sige ka, may miyembro nanaman ng kulto ng SMP ngayong disyembre."

“Okay lang na maging miyembro pa ako ng SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko basta ayoko! Kung gusto mo ipakilala mo kay Agnes, para masiyahan naman ang bruha!”

“Goodbye!”

Ang sunod-sunod na sigaw ng dalaga sa kanyang kausap sa kabilang linya.

Napatawa pa ang kausap dahil alam nito na namumula na ang dalaga sa sobrang inis. Hinahapo at nangagalaiti ang dalaga at tinanggal ang suot na bluetooth speaker sa taenga para makapag-pukos siya sa pagmamaneho. Kanina pa siya tinatawagan at kinukulit ng isang pinsan niya at nais daw siyang mameet in person ng kaibigan nitong Australian national.

“Ready self?”

Ang pabulong na tanong ni Maricor sa sarili habang binabaybay ang kahabaan ng high way.

“Kalma ka lang self. Magiging okay ang lahat.”

Ang pilit na pagpapakalma niya pa sa sarili dahil parang nais niya nalang mag-U turn at bumalik nalang ng city sa sobrang kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Napakalakas ng hanging amihan na nagmumula sa dagat at damang-dama iyon ng dalaga mula sa pagmamaneho nito ng kanyang lumang sasakyan. Disyembre 18 na at ilang tulog nalang at sasapit na ang pasko.

Tanaw na tanaw niya ang ilang mga parol na nakasabit sa bintana ng bawat tahanan na kanyang madaraanan. Maging ang ilang malalaking nakalagay sa mga street lights tanda na paskong-pasko na talaga.

Pasado alas dos na ng hapon ng dumating ang dalagang si Maricor sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang alumni party. Ipinarada niya ang kanyang lumang wranggler na  pamana pa ng nakakatandang kuya niya sa parking area ng resort. Galing pa sya sa university na tinuturuan niya ng mahigit tatlong taon. Bumiyahe siya para umattend ng misa bago ang holiday vacation nila ngayong Disyembre. She is a college instructress in Social Studies and a master's degree holder at the age of 28 sa isang Kolehiyo dito sa Iloilo. After makapag-attend ng misa at matanggap ang regalo plus bunos mula sa admin ay kaagad siyang bumiyahe para sa panghapong event.

Nang araw na iyon, she was wearing a skinny jeans na pants at blue na long sleeved-blouse. Naka tuck-in iyon at hapit na hapit sa katawan ng dalaga. Nagsuot din ito ng wedges na 2 and ½ inches lang ang taas. Matangkad siya sa height na 5'5 with a petite body at mas dumagdag pa sa tangkad ng dalaga ang wedge nito. Long hair din siya na naka v-cut at kinulaya iyon ng kulay ash blonde. Besides pasko naman sabi niya at hindi naman bawal sa trabaho niya ngayon. Halos ang ibang mga members ng faculty sa Saint Claire ay napapalingon sa kanya at kumakaway. Sino nga ba ang hindi makakakilala eh dati siyang member ng faculty. Nakita niyang kumaway ang mga kaklase at kaibigan niya sa isang tent. She is so damn gorgeous! Kahit pasuotin mo yata ng basahan ay standout pa rin ang luk-luka.

Pero di muna siya lumapit doon. Nagpunta muna sya sa mga co-faculty at mga heads niya dati para bumati at ng makapag-batian ay nag excuse na muna ito na pupunta sa tent ng section nila. Pagpunta ng dalaga sa itinalagang tent ng section gumamela ay grabeng kumustahan, halakhakan at batian ang nangyari.

Maricor is just a weird and stubborn student dati. Siya na yata ang pinaka wierdo pero funny na estudyante sa campus. Nakasuot ng napaka kapal na salamin at may braces sa mga ngipin. Happy go lucky kahit na minsan ay nabubully at walang pakialam sa mangyayari sa future. Noon iyon dahil nag iba na ang paningin nila sa kanya ngayon. Sino ba naman ang mag-aakala na ang dating medyo lalaki kumilos at parating napapagalitan dahil mababa ang score sa quizzes ay isang college professor na sa isang sikat na unibersidad sa iloilo. Although hindi niya talaga type ang ummattend sa mga ganito ngunit may isang bahagi ng isipan niya ang nagnanais na dumalo. Ito ay dahil kay Ariel. Ang kanyang first love eversince high school sila. Ito ang dahilan kung bakit kanina pa siya kinakabahan.

Naupo siya sa isang stall doon at nakipag apiran pa sa mga kaklase/katropa niya dati. Si Maricor ang babaeng walang pinipiling kaibigan. Bakla, tomboy, lalaki o babae. Basta masaya siya.

"kumusta naman ang ninang ng anak ko?"

Mula sa likuran ay narinig ng dalaga si JD. Ang kabarkada nito na kagaya nya noon ay happy go lucky din. Ngunit ng makilala ang asawa niya ngayon at nagkaroon ng sariling pamilya ay biglang naging uliran. Meron na itong minamanage na auto and motor shop. Binigyan niya si maricore ng isang bote ng flavored beer. Siniko siya ni Maricor.

"Ay ang pinaka paborito kong kumpare!" ang napapalatak sabay sigaw at ngiti na sambit ng dalaga.

"Ano ka ba naman. Ako lang naman ang paborito mong kumpare dahil ako lang ang may anak na ikaw ang ninang." Ang natatawa namang sabi ni JD.

"Hoy ikaw ha? Namumuro ka na. Halos madami na ang naiambag ko na customer sa shop mo, ninang pa rin ba ang nasa isip mo? Porket pasko ngayon." Ang nagpapout pang sabi ng dalaga sa kaibigan.

"Tsaka, lahat yata ng estudyante na galing sa university namin na may motor at sasakyan ay sa shop mo nagpupunta. Recommended ko sa kanilang lahat ang shop mo kaya wag ka nang magparinig diyan.'' Ang natatawa pero umiirap na dugtong pa nito sa kaibigang si JD.

Marami pa ang nagsidatingan nilang mga kaibigan at dating kamag-aral. Nakikita niyang pasosyalan pa ang iba. Sabay nalang silang nagkindatan nila Menchie at naghalakhakan dahil halata talaga na nais magpa-impress ang ilan. Samantala, ay busy ang iba niyang mga kabarkadang babae dahil nagbabarbeqcue at nagpeprepare sa tent nila ang mga ito. Kanya-kanyang tent ang bawat batch nila. Medyo kunti nga lang ang dumating. Umakyat na rin ang emcee sa taas at nag umpisa na ang program after 30 minutes. Medyo nakakarami na rin siya ng flavored beer habang namumulutan ng barbeque ng magtawag ang emcee gamit ang mic. May laro daw at bongga ang ibibigay na mga papremyo. Nagpunta muna siya sa comfort room at nagbihis ng maong shorts at T-shirt. Pinalitan niya rin ang wedge na suot ng kulay puting rubber shoes.

Pagbalik sa tent ay hinila kaagad ang dalaga ng mga kabarkada niya sa high school. Marami talaga ang gusto na isali siya sa batch nila. Ang turing sa kanya ay amazona. No wonder naman kasi sa tindig palang ng dalaga ay kakabahan ka na.  Ang unang naging laro ay ang sack race. Ang dalaga ang pangalawa sa huli. Si May Ann ang pinaka sa likuran niya. Pareho silang matangkad kaya natatawa nalang ang mga kasama dahil may mga tore daw na nakabantay sa likod. Nanalo nga sila sa laro dahil sa bilis nang pagtalon.

Marami pang parlor games ang sinalihan ng magkakaibigan.

“Maricor bilis!” ang sigaw ni Menchie sa kanya ng mga ora na iyon. Nakasubo sa bibig niya ang isang baraha na may nakalagay na isang kutsara ng harina. Kailangan na niya iyong ipasa sa isang kagrupo nila pera tila yata at binibiro siya ng tadhana dahil sa phereperal vision niya ay may bigla nalang nahagip ang kanyang mga mata at ahil doon at tila siya naging bato. Nanlamig ang kanyang buong katawan at nablangko ang kanyang sistema sa kanyang mga nakita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status