Share

Kabanata 66

Ilang oras pa rin ang naging biyahe namin, habang papalapit na kami sa bahay namin ay may natatanaw akong bulto ng tao na nakatayo sa gilid no'n.

Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita kung sino 'yon.

Si Sabrina, at dala niya ang anak n-nila ni Reigan, 'yung baby niyang si Rage.

Nang tumigil na ang sasakyan namin ay lumapit ito, excited namang lumabas si Issel at sinugod ng yakap ang mag-ina. May bahagi sa puso ko ang nagulat at nakaramdam ng kakaibang kirot.

Ang sakit lang na makita si Issel na gano'n sa ibang nanay. Parang... Parang si Sabrina pa ang tunay niyang ina kaysa sa 'kin.

Mabilis ding nagbago ang mood ni Reigan at nakipagbeso rin sa kaniya. Bago pa 'ko tuluyang maiyak ay yumuko na 'ko at lumabas ng sasakyan. Pagtingala ko ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Sabrina.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status