Share

Kabanata 65

Nanatiling tikom ang bibig niya nang sabihin ko 'yon. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang gustong sabihin ng puso ko. Pero kailangan ko nang ilabas ito ngayon, habang may pagkakataon pa. 

"Reigan... Alam mo namang hindi maganda ang reputasyon ko noon, 'di ba?" Sambit ko at nilingon siya. Nanatiling tutok ang mata niya sa magandang tanawin, wala rin akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya.

Malalim lang akong huminga. Kinakabahan ako sa mga oras na 'to at nagsisimula na ring maghalo-halo ang mga emosyon ko.

"Masama ang reputasyon ko, sa lahat ng tao. Kahit sa sarili kong pamilya. W-Wala akong ginawang mabuti noon, lagi ko silang dini-disappoint, lagi ko silang ginagalit... Na humatong na rin sa pagtakwil nila sa 'kin," Dugtong ko pa at suminghap.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status