Compartilhar

Chapter 3

Autor: sheenxinxin
last update Última atualização: 2025-10-15 21:45:15

(Selene’s POV)

“Sa tingin niyo kakampi kaya natin ang bagong dean?”

Napakunot agad ang noo ko sa tanong ni Tyler saka ako napatingin sa kanya habang naglalakad kami papasok sa school.

“Hindi ko rin alam ang sagot sa bagay na ‘yan Tyler, may bali-balita kasi na iba sa mga kapatid niya si Mr. Uno Delacroix. He’s ruthless they said, probably because siya ang sinasabi ng lahat na papalit sa ama niya,” Joanna answered.

Hindi ko na pinansin ang dalawa, at naglakad na lang ako ng tahimik kasabay nila. Sa totoo lang ay nangangamba rin ako sa ugali ng panibago naming acting dean, hindi naman kasi namin alam kung may puso rin siya sa mga katulad naming scholar kagaya ng totoong dean ng school.

“Hindi ba nakaharap mo na siya Selene? Anong masasabi mo sa kanya? Nakakatakot ba talaga siya?” napalingon ako kay Joanna dahil sa tanong niya.

Agad rin akong napabuntunghininga saka ako muling tumingin sa unahan namin.

“Hindi rin ako sigurado sa kanya, mukang tagilid tayo sa mga oras na ito,” I honestly answered.

“Pero baka naman okay rin siya, I mean Mrs. Delacroix before was just like us naman hindi ba? Ang sarili niyang ina ang nagtatag ng laws and such para sa mga katulad nating scholar, baka naman alam niya iyon,” Joanna said again.

“Sana nga Joanna,” I said and look at her, “Sana nga, dahil tayo ang kawawa kapag nagkataon.”

Pagkasabi ko noon ay hindi na ako nagsalita at ganoon din naman si Joanna, tumuloy na lang din kami sa room namin at naabutan na rin namin doon ang mga kaklase namin, at maging ang SSC President ay nasa room na rin.

Tahimik kaming pumasok at naupo, saktong-sakto na dumating na rin ang unang professor namin sa araw na ito. Tumahimik na rin ang lahat dahil doon, hanggang sa nagdire-diretso na ang klase namin hanggang sa mag-lunch break.

“So saan tayo?” agad na tanong sa amin ni Tyler matapos lumabas ng professor namin.

Marahil ay tungkol sa research paper namin ang tinatanong niya, magkaka-grupo kasi kami sa research paper namin at ang problema ay kasama namin ang SSC President sa grupo.

“Can we do the papers on our house?” mayamaya ay tanong sa amin ni Fourth na agad din naming ikinalingon sa kanya.

Agad kaming nagkatinginan ng mga kasama ko dahil sa tanong ni Fourth. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wait? Hindi ba nakakahiya kung sa kanila pa namin gagawin ang papers? Ibang klase ang pamilya nila at iba na ang estado nila kaysa sa amin.

“O-okay lang sa amin ‘yon Mr. President,” agad na sagot ni Joanna at Tyler.

Hindi naman ako nakasagot kaagad at nagulat na lang din ako sa isinagot ng dalawa kong kasama, sigurado ba sila? Sabagay, mas maganda ng sa bahay nila gawin ang papers kaysa naman sa dorm pa namin. Baka hindi rin naman niya magustuhan ang dorm namin.

“After ng SSC meeting mamayang hapon magkita-kita na lang tayo sa parking lot, sa akin na kayo sumabay. If that’s okay with you,” he said again.

“Huwag na ---,” agad kong kontra, but Joanna at Tyler cut me off  immediately.

“Okay na okay lang ‘yon Mr. President, ‘di ba Selene?” Joanna and Tyler said.

Napakamot na lang din tuloy ako sa ulo ko saka ako napatango sa kanya dahil sa dalawa and Fourth just laugh at me. Bahala na nga sila.

“So let’s have a lunch first?” Fourth said again.

Napatango na lang din kami sa kanya saka namin siya hinayaang mauna sa amin, sumunod lang din kami sa kanya hanggang sa maghiwa-hiwalay na kami dahil sumama na siya sa mga kasamahan niya.

“Oh my gad! Makakapunta ako sa bahay ni Mr. President,” hindi makapaniwalang bulalas ni Joanna matapos naming makaupo sa napili naming table.

Katatapos lang naming um-order ng makakain namin habang parang wala naman sa pagkain ang atensyon ng kasama ko ngayon.

“Anong nakakatuwa doon?” agad kong tanong sa kanya. “Ano ka ba? Ang swerte kaya natin,” Tyler answered dahilan para mapailing ako sa mga pinagsasasabi nila.

Anong swerte doon? Kapag ba pumunta kami sa kanila ay para na rin kaming tumama sa lotto? Tsk. Napailing na lang ako sa kanila saka ako agad na kumain, kaylangan kong bilisan dahil terror ang halos lahat ng professor namin. Kay Fourth nga lang sila mabait, pero sa amin ay wala silang pakialam kaya minsan ay maba-badtrip ka na lang din talaga sa kanila.

Matapos naming kumain ay agad din kaming bumalik sa room namin, tinapos lang din namin kaagad ang klase namin saka kami nauna sa parking lot para maghintay kay Mr. President. Tahimik lang ako habang busy ang dalawa kong kasama sa paguusap nila. Kagaya kanina ay excited sila habang kabaligtaran naman ang nararamdaman ko, may iba pa akong dahilan, pero pangunahin na doon ang dalawang part time job ko na hindi ko pinasukan para lang sa research papers na ito kaya sana naman matapos namin ito kaagad.

Alalang-alala ako habang itong dalawang kasama ko ay parang walang pakialam sa mga trabahong hindi nila mapapasukan, kahit na kung tutuusin naman ay mas kaylangan nila ang trabaho na iyon kaysa sa akin.

“Hey, guys?”

Napalingon kami ng mga kasama ko ng marinig naming may humiyaw di kalayuan sa amin, agad din akong napaalis sa pagsandal sa kotseng nakaparada malapit sa akin ng matanaw ko na si Mr. President na kasama si Ms. Vice President. Kasama rin nila ang iba pa nilang kasamahan sa SSC saka ang mismong acting dean.

“Hi Selene!” bati sa akin nina Kaleel.

Tumango lang din naman ako sa kanila saka ko mas inayos ang bag ko, akala ko ay maghihintay pa kami ng matagal, hindi na pala.

“Fifth kay Kuya ka na sumabay ha? Sasabay sila sa akin,” Fourth said. “Gusto kong sa akin sumabay si Selene,” agad na sagot ni Fifth kay Fourth.

Agad niya rin akong nilapitan saka niya ako hinila sa kotse ng kuya Uno niya, at wala na rin namang nagawa si Fourth, natawa na lang siya saka sila nagsi-sakay sa mga kotse nila and I did the same. Wala namang imik ang school dean so I didn’t talk also dahil wala na rin naman akong magagawa, sa likuran din kami ng kotse naupo at katabi ko ang Vice President.

“Marami pala talagang research papers kapag pre-med student ano?” Fifth ask me kaya napatango na lang ako sa kanya and she just smile at me.

“Okay lang ‘yan Selene, alam kong ayaw mong pumunta sa bahay namin pero hindi naman magagalit ang parents namin. Baka gusto lang ding ipaalam ni Fourth kay Mom na may research siya kaya niya kayo isinama sa bahay, pero baka bukas ay sa library na rin kayo gumawa nyan. Alam mo kasi strict ang Mommy namin,” she said again.

Napangisi na lang ako sa sinabi niya saka ako agad na napaiwas ng tingin, its not about what she says kaya ako napangisi, napangisi ako kasi ang daldal niya. Hindi lang ako sanay na ganito siya.

Halos hindi ko na rin namalayan ang tagal ng byahe na tinahak namin bago kami pumasok sa exclusive subdivision kung saan sila nakatira. I heard the Delacroix’s live here, I even heard that they own this subdivision already, they are damn wealthy. Parang hindi nga sapat na sabihin lang na mayaman sila, kulang ang salitang iyon para I-describe kung gaano sila kayaman.

Pakiramdam ko nga ay parang nasa teleserye kami kapag kasama ko sila, sino lang ba naman ako sa tabi nila? They are known by many, hindi rin bagay na itabi ang dukhang katulad ko sa mga katulad nila. Minsan nga magugulat ka na lang sa kanila, minsan kasi may mga ugali silang nakakamangha na malayo sa ugaling inaasahan ng lahat sa kanila.

Maybe they get it sa idolo ng lahat sa school which is their Mom, hanggang ngayon kasi ay usap-usapan pa rin ang batch kung saan kabilang ang ina nila noon. Tinatawag ng lahat na most promising batch ang batch nila noon at hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang turing sa kanila kahit na mahabang panahon na ang nakalilipas.

Minsan nga napapaisip ako kung ano ba talagang ugali meron si Mrs. Delacroix. Kahit kasi ang mga magulang ko ay bukang bibig siya noon, ka-batch daw kasi nila noon si Mrs. Delacroix at pare-pareho silang scholars.

“Were here,” agad akong napalingon sa nagsalita mula sa pagkakatanaw sa bintana.

Dahil doon ay napatingin na lang din ako sa katabi kong tahimik din, agad siyang nagtanggal ng earphone saka siya ngumiti sa akin, bumaba rin agad siya kaya bumaba na lang din ako kasunod niya. Ngayon pa lang ay nahihiya na ako, ano naman kayang kalokohan ang gagawin nina Joanna at Tyler?

Pagbaba namin ay nilapitan din naman agad ako ng dalawa, manghang-mangha sila sa mansion ng mga Delacroix habang tinatawanan lang sila ng mga kasama namin. Napailing na lang din ako saka ako sumabay kay Fifth na agad niya ring ikinatawa.

“Selene? Bakit nandyan ka? Halika rito, tingnan mo ang fountain nila ang laki,” Joanna said again.

Mas lalo ko lang namang binilisan ang paglalakad ko, hindi na rin ako umangal ng isabit ni Fifth sa braso ko ang mga braso niya habang busy si Fourth sa pag-entertain sa tanong ng dalawa at sa pagtawa sa mga ka-ignorantehan nila.

Tahimik namang sumabay sa amin ang kapatid nina Fifth at Fourth, sabay-sabay rin kaming pumasok sa bahay nila at agad kaming sinalubong ng maids nila. Kinuha nila ang mga dala ng dalawa saka sila agad na umalis.

Hindi naman nila ako pinansin kaya hindi ko na rin sila pinansin, sumama lang din ako kay Fifth ng hilahin niya ako papunta sa engrandeng sala ng mansion kung saan naroon ang ilang kababaihan at kalalakihan na agad ko ring ikinagulat pero hindi ko na iyon ipinahalata. Shit, nakakahiya, mukang may bisita sila.

Fifth bow her head to them and I just look at her bago ako yumukod ng bahagya sa kanila katulad niya, nilapitan niya rin ang mga ito saka siya yumakap at humalik, at gumaya lang din naman sa kanya si Uno at mayamaya ay ganoon na rin si Fourth.

“Mom, they are my classmates. Sila po ang mga kasama ko sa group para sa research papers namin,” Fourth then said sa babaeng tinawag niyang Mommy.

Agad din akong hinila ni Fourth palapit sa kanya ng hindi ko inaasahan, dahil doon ay hindi agad ako nakapag-salita dahil sa hiya. Napaka-ganda ng Mommy nila, siguro kaya sila maganda at gwapo ay dahil talagang maganda ang lahi ng Ama at Ina nila.

Their Mom screams authority and beauty, parang napaka-makapangyarihan niya. Hindi mo rin aakalain na may mga anak na siya sa hitsura niya at maging ang Ama nila ay ganoon rin, they are fvcking gorgeous. Now I am starting to feel awkward.

“Oh my gad, Mrs. Delacroix, I’m a fan!” agad na bulalas ni Joanna. “Ako rin po,” pagsang-ayon ni Tyler sa kanya.

Agad naman akong napatingin kay Fourth na katabi ko and he just smile at me. Fvcking hell, nakakahiya talaga.

“Nice to meet you too! What’s your name by the way?” agad na tanong ng ginang sa kanila.

Agad din namang nagpakilala ang dalawa sa kanya, nginitian niya lang din naman ang dalawa saka siya sandaling nakipag-kwentuhan sa kanila bago siya bumaling sa akin. Unlike to them kakaiba ang mga tingin niya sa akin, nanunuri ang mga tingin niya, pakiramdam ko nga ay pati kaluluwa ko ay nakikita niya na ngayon.

Pamilyar ang mga tingin na iyon, ganoon kasi maningin ang panganay nila. Naglakas loob na lang din naman akong lumapit sa kanya para magpakilala, matapos kong tumingin kay Fourth at muli lang naman siyang ngumiti. Nahihiya na rin kasi ako dahil naaabala na rin namin sila kaya kaylangan ko ng pigilan ang mga kasama ko.

“Selene Castro, Mrs. Delacroix. I am sorry for interrupting your business, were here for the research paper, please excuse us if you don’t mind. Joanna? Tyler?” I said saka ko binalingan ng tingin ang dalawa kong kasama.

“Wait? Selene the pre-med department beauty?” She ask dahilan para agad na magkunutan ang noo ko.

Agad din akong napatingin kay Fourth na agad ding natawa, at agad din namang napakamot sa ulo niya ang loko.

“Yes Mrs. Delacroix, she is our department beauty, our department Vice President and the student scholars President,” agad na sagot ni Joanna kay Mrs. Delacroix.

“Really? Oh my gad, you really are beautiful, Selene. Hindi pala iyon chismis lang. Am I right?” she said again saka niya ako itinuro sa mga kasama niya.

Pakiramdam ko naman ay nanayo ang mga balahibo ko sa likod dahil sa mga tingin na ipinukol sa akin ng lahat, pakiramdam ko ay agad ding nag-init ang muka ko. What the hell is the meaning of this?

“Yeah she is, wala na napaglipasan na talaga tayo ng panahon Cleo,” Mrs. Delacroix’s friend agreed to her.

“Yeah right, walang-wala na tayo sa gaganda ng mga bata ngayon,” someone from them said again.

Mahina ko namang siniko si Fourth na katabi ko na agad lang din namang natawa. Dahil doon ay napatingin muli sa amin si Mrs. Delacroix.

“Mom? We need to start now, our Ms. President is time conscious, please excuse us.” Fourth said to them.

Nginitian naman agad siya ng Mommy niya saka siya nito niyakap at nagulat na lang din ako ng yakapin niya rin ako.

“Okay, study hard, ipatatawag ko na lang kayo kapag kakain na,” she said.

Muli siyang ngumiti sa akin saka niya hinaplos ang buhok ko bago niya kami hinayaan na makaalis. At hinayaan ko na lang din naman na hilahin ako ni Fourth palayo sa kanila dahil sa hiya na nararamdaman ko.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 5

    (Uno’s POV)“Pasensya ka na sa anak ko, Selene.” Dad said to her.Agad din siyang tumingin kay Dad pero walang kahit anong emosyon ang muka niya kagaya kanina.“So serious, just like my universe before. If I were you, I wouldn't show that if a Delacroix like me were around. Because when we Delacroix, says mine, it's ours,” Dad said that makes everyone fall into a deep silence.“Walanghiya ka talaga, gusto mo pang maging katulad mo iyang mga anak mo. Don’t mind him Selene, say no when you felt like it,” sermon ni Mom kay Dad na agad na ikinatawa ng lahat.Tila hindi naman naapektuhan ang katabi ko sa sinabi ni Dad at ni Mom tahimik lang siyang nakaupo at sumandal pa siya kaya natawa na lang si Tres na katabi niya.“Buti hindi ka napipikon sa mga ganitong asaran?” Tres ask her.“Sanayan lang,” Selene answered, and then she smirked at him.Lalong natawa si Tres sa kanya, kaya muli akong umiwas ng tingin sa kanila. Damn! Bakit ba hindi ko maiwasang mapatingin at makinig sa kanila? What th

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 4

    (Selene’s POV)Agad kong tiningnan ng masama si Fourth ng makalayo na kami sa Mommy nila na agad din namang natawa sa reaksyon ko. Agad niya ring itinaas ang kamay niya habang natatawa siya sa akin tanda ng pagsuko.“Nakakahiya ka, pati ba naman ikaw ay naniniwala sa kalokohan ng mga iyan?” singhal ko sa kanya. “Fifth says that, not me,” agad niyang sagot sa akin.Lalo namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino namang maniniwala sa kanya ano? Bakit naman ako iku-kwento ni Fifth sa Mommy nila?“Tandaan mo, kaklase na lang kita ngayong nasa labas tayo ng school kaya hindi uubra sa akin ‘yang mga kalokohan mo. Bilisan na nga natin, may trabaho pa ako,” singhal ko sa kanya na ikinatawa niya lang namang muli. “Okay relax,” he said again.Isinama niya lang din naman kami sa sala sa second floor ng bahay nila at doon na lang din kami pumwesto.“Magbibihis lang ako, dito muna kayo,” Fourth said to us.Tinanguan na lang siya ng dalawa pa naming kasama and I didn’t do anything, naupo lang

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 3

    (Selene’s POV)“Sa tingin niyo kakampi kaya natin ang bagong dean?”Napakunot agad ang noo ko sa tanong ni Tyler saka ako napatingin sa kanya habang naglalakad kami papasok sa school.“Hindi ko rin alam ang sagot sa bagay na ‘yan Tyler, may bali-balita kasi na iba sa mga kapatid niya si Mr. Uno Delacroix. He’s ruthless they said, probably because siya ang sinasabi ng lahat na papalit sa ama niya,” Joanna answered.Hindi ko na pinansin ang dalawa, at naglakad na lang ako ng tahimik kasabay nila. Sa totoo lang ay nangangamba rin ako sa ugali ng panibago naming acting dean, hindi naman kasi namin alam kung may puso rin siya sa mga katulad naming scholar kagaya ng totoong dean ng school.“Hindi ba nakaharap mo na siya Selene? Anong masasabi mo sa kanya? Nakakatakot ba talaga siya?” napalingon ako kay Joanna dahil sa tanong niya.Agad rin akong napabuntunghininga saka ako muling tumingin sa unahan namin.“Hindi rin ako sigurado sa kanya, mukang tagilid tayo sa mga oras na ito,” I honestly

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 2

    (Selene’s POV)Naupo na lang ako sa tabi ni Joanna na kaklase ko ng tawagin niya ako habang nasa assembly hall kaming lahat, ngayon kasi ipakikilala ng official ang panibagong dean ng school na nakita ko na rin naman kahapon.At sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako sa resulta ng ginawa ko kahapon, hindi ko naman kasi siya kabisado. Hindi katulad ng dean noon na talagang mabait at nakikinig sa bawat isang magaaral dito sa academy.Hindi ko rin alam kung magagawa niya rin ang ganoon sa termino niya. Muka kasing masungit siya at nakakatakot sa personal, muka ring seryoso lang siya sa buhay at walang humor sa katawan hindi katulad ng dating dean. At hindi ko rin alam kung pinakinggan niya ba ako sa mga sinabi ko kahapon, o hindi. Wala pa rin kasi akong naririnig na balita tungkol sa bagay na iyon hanggang ngayon.Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang assembly, mayamaya ay ipinakilala na rin ang dean na ikinagulat ng lahat. He said he’s Uno Delacroix, ibig sabihin ay kapatid siya nin

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 1

    (Selene’s POV)Nananatili akong nakatayo sa hallway habang nakatitig sa pintuan ng dean’s office sa mga oras na ito, habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko rin malaman kung papasok ba ako, o tatayo na lang ako dito para lang huwag makatanggap ng disciplinary action paper. Hindi kasi maganda ang papel na iyon sa pagiging iskolar ko, baka mawalan pa ako ng scholarship dahil sa bwisit na D.A na ‘yon.“Aren’t you going in?” Agad akong napalingon sa nagsalita sa tabi ko saka ko lang napansin na may iba na palang tao na naririto buko sa akin.Agad din akong napayukod sa kanya bilang paggalang dahil siya pa rin ang SSC President ng academy.“Same issue? This is your third warning, magkakaroon ka na ng D.A paper,” he said again.Napatango na lang din ako sa kanya saka ako napaiwas ng tingin, nauna na rin naman siyang pumasok sa akin, kaya sumunod na lang din ako sa kanya. At pagpasok ko sa loob ay saka ko lang din napansin na ang buong SSC pala ang nasa loob kaya lalo akong nah

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status