(Selene’s POV)
Naupo na lang ako sa tabi ni Joanna na kaklase ko ng tawagin niya ako habang nasa assembly hall kaming lahat, ngayon kasi ipakikilala ng official ang panibagong dean ng school na nakita ko na rin naman kahapon.
At sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako sa resulta ng ginawa ko kahapon, hindi ko naman kasi siya kabisado. Hindi katulad ng dean noon na talagang mabait at nakikinig sa bawat isang magaaral dito sa academy.
Hindi ko rin alam kung magagawa niya rin ang ganoon sa termino niya. Muka kasing masungit siya at nakakatakot sa personal, muka ring seryoso lang siya sa buhay at walang humor sa katawan hindi katulad ng dating dean. At hindi ko rin alam kung pinakinggan niya ba ako sa mga sinabi ko kahapon, o hindi. Wala pa rin kasi akong naririnig na balita tungkol sa bagay na iyon hanggang ngayon.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang assembly, mayamaya ay ipinakilala na rin ang dean na ikinagulat ng lahat. He said he’s Uno Delacroix, ibig sabihin ay kapatid siya nina Mr. President at ng kakambal niyang si Ms. Vice President.
Dahil doon ay nagsimula na rin ang bulong-bulungan dahil sa kanya at ang karaniwan kong naririnig sa kanila ay ang papuri sa kanya. Hindi naman maipagkakaila na may hitsura ang mga Delacroix.
He also said on his speech na dito rin siya nag-aral noon, pero ang weird pa rin na pumasok siya bilang dean ng school na ito. Siguro siya rin ang panganay sa kanila, because he’s Uno and that means first also.
Hindi ko na lang din pinansin ang bulong-bulungan at nag-focus na lang ako sa speech niya hanggang sa I-address niya na ang tungkol sa uniform na dahilan para bigla akong kabahan.
“And as the acting dean of the school, kahapon ay nakatanggap na ako ng kauna-unahang report patungkol sa issue ng paglabag sa tamang sukat at haba ng school uniforms partikular na sa mga babaeng estudyante. Kahapon din ay sinimulan ang imbestigasyon ukol sa nasabing issue, na nag-resulta sa pagkakatanggal ng head seamstress dahil napatunayan na siya ang nagkamali. Dahil dito ay ibinalik na rin ng school ang dating head seamstress at ipinawalang bisa ang lahat ng warning na may kaugynayan sa issue ng uniforms.”
Nagkatinginan agad kami ng katabi kong si Joanna na biglang natuwa sa sinabi ng dean, pareho kasi kaming scholar at pareho kaming may warning dahil sa palda namin.
“Dahil din dito ay libreng papalitan ng school ang mga uniform ng mga estudyanteng nakatanggap ng uniform na may maling sukat. Maaari niyo rin itong kuhanin sa office of the head seamstress. Dahil din dito ay mas pinaigting ang rules na may kaugnayan sa uniforms ng bawat estudyante, maging ng mga staff at faculty ng academy. Iniimbestigahan na rin ang mga report na patungkol sa ilang issue ng pambabastos na naranasan ng ilang mga estudyante na naganap sa academy.”
Napabuntunghininga ako sa sinabi ng dean at agad din akong niyakap ni Joanna. Hindi ko na poproblemahin ang pambayad ko sa panibagong set ng uniform. Hindi ko na rin poproblemahin ang warnings na natanggap ko dahil maaalis na agad iyon sa records ko.
Nagpatuloy ang dean sa pagsasalita hanggang sa tuluyan siyang magpasalamat at magpaalam. Akala ko nga ay papalitan na niya ang dating dean pero acting dean lang din naman pala siya at babalik din si Ms. Javier. Sa ngayon din ay tinutulungan at ginagabayan siya ni Ms. Javier, kaya hindi na ako mangangamba na baka hindi niya pagtuunan ng pansin ang mga katulad naming scholar.
“Ms. Castro?”
Agad akong napalingon sa tumawag sa akin saka ako napatigil sa pagalis ko na sana. Napatingin lang din naman ako kay Joanna bago ako lumapit kay Ms. Javier na tumawag sa akin. Nauna na lang din naman silang umalis at humarap na lang din ako sa dean na kasama si Ms. Javier at ang buong SSC.
“She is the President of the organization of student scholars of this academy, Mr. Delacroix,” pagpapakilala sa akin ni Ms. Javier.
Yumukod na lang din ako sa kanila kahit na nagkita naman na talaga kami kahapon sa office niya.
“You can get your uniform to the head seamstress’s office,” he just said kaya agad akong napatango sa kanya. “The warnings is also disregarded, go back to your class,” he said again.
Muli akong napayukod sa kanya dahil sa sinabi niya saka ako agad na umalis doon. Pakiramdam ko kasi ay kakainin niya ako ng buhay sa mga oras na iyon. Nagmamadali na lang din akong pumunta sa klase ko na sakto namang naabutan ko pa bago magsimula dahil nakasabay ko rin ang professor namin. Sinabi ko na lang din sa kanya na ipinakilala ako ni Ms. Javier sa bagong dean kaya ako natalagan.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang klase, lahat kami ay naririto na maliban kay Mr. President. Kaklase kasi namin siya nina Joanna at Tyler. Dito sa section namin ay kaming tatlo lang din ang scholar. Star section din ito kaya mahigpit ang ibang professor pero ang iba naman ay hindi.
Sa ngayon ay third year na rin kami, we are taking pre-med course at siguro maghihiwa-hiwalay lang din kami kapag dumating na kami sa on-the-job training namin kung saan kami na ang bahala kung saan kami papasok. Simula kasi first year hanggang ngayon ay sila rin ang mga kaklase ko.
Actually magkakakilala na rin kami dahil sa tagal na rin naming magkakasama. Iyon nga lang hindi kami nakakasama nina Joanna at Tyler sa mga bonding nila sa labas. Mayayaman kasi sila at kami ay hindi, kaylangan din kasi naming magtrabaho para may maipangtustos kami sa mga gastusin namin sa araw-araw.
Pare-parehong full scholarship with allowance ang meron kami nina Tyler at Joanna, ngunit sa laki ng gastusin namin ay kinakailangan pa rin naming magtrabaho para kumasya ang allowance namin. Free dorm din kami at kaming tatlo ang magkakasama sa dorm pero sa mahal ng iba pang gastusin at bilihin sa ngayon ay talagang kinakapos kami sa budget.
Lalo na ang dalawa dahil tinutulungan din nila ang mga pamilya nila, ako naman kasi ay ulilang lubos na kaya binubuhay ko na lang ang sarili ko pero hindi pa rin talaga sapat ang nakukuha naming allowance. Ibinaba rin kasi ang amount ng allowance namin dahil nagdagdag sila ng mga scholars.
Sa totoo lang ay mas gugustuhin ko pa ngang sa ibang school mag-aral o kaya naman ay kumuha ng kursong mas tipid kaysa sa pre-med, kaya lang ay ayokong biguin ang mga magulang ko. Pangarap din kasi nila na pagtapusin ako ng pagaaral at pangarap nilang tuparin ko ang pangarap kong maging doctor.
Sinikap nilang igapang ako sa pagaaral dahil nagiisa lang nila akong anak, pero maaga rin silang kinuha sa akin kaya ngayon ay ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. Pumasok ako sa paaralan na pinangarap nilang pasukan ko, sabi kasi nila ay pangarap din ito sa akin ng lolo at lola ko.
Ngayon ilang taon na lang ang gugugulin ko sa paaralan na ito. Ilang pasok na lang din sa trabaho ang gagawin ko hanggang sa makatapos ako. Hindi na ako makapag-hintay, at sisiguruhin kong magtatapos ako na may mataas na karangalan.
(Uno’s POV)
“Hi, Mom!” agad kong bati kay Mommy ng mapagbuksan niya kami ng pinto. Agad niya rin akong niyakap kaya yumakap na lang din ako sa kanya at agad akong humalik sa pisngi niya.
“Hi, Mom!” bati rin ng kambal sa kanya na kasabay ko ring umuwi.
Yumakap at humalik lang din sila kay Mom hanggang sa sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. At naabutan naman namin sa sala sina Dos, Tres at Dad na nanonood na naman ng paborito nilang soccer game.
“Hi, Dad?” agad na bati ng kambal kay Dad.
Yumakap at humalik din sila sa kanya kaya sumunod na ako at agad na yumakap sa kanya. Tinapik ko lang din naman agad ang braso ng dalawa na tumango lang din naman sa akin.
“Magbihis na kayo, para makakain na tayo, kayong tatlo dyan sa sala, tumayo na kayo dyan, tulungan niyo na ako sa mesa,” Mom said to us.
Agad kaming nagtawanan saka kami mabilis na tumakbo ng kambal sa hagdan paakyat sa taas, habang sina Dad naman ay agad ding napatayo at sumunod din agad sila kay Mom. Mahirap na, si Mommy ang batas, kapag hindi sila sumunod ay ewan ko na lang talaga.
Nauna ng pumasok ang kambal sa kani-kanilang kwarto kaya pumasok na lang din agad ako sa kwarto ko para makapagbihis. Marami pa rin kasi akong tatrabahuhin mula sa company at sa academy. Ngayon ko lang naisip na mahirap pala talaga ang ganito, kung hindi lang naman sinabi ni Mom na mag-training ako as the dean of that academy ay hindi ko gagawin iyon.
Whatever Mom says is a rule, isa pa ay hindi rin ipauubaya ang organization sa akin kapag hindi ko sinunod ang sinabi niya. Wala rin namang magagawa si Dad tungkol doon kaya alam kong ito ang tanging paraan kung gusto kong makuha ang organization.
For now, we’re still living in the Royal subdivision. We are living in the same house, but it’s five times bigger now than it's original size before. Ayaw kasi nina Mom and Dad na tumira sa mansion ni Mom kaya dito pa rin kami nakatira, besides lolo and lola still stay on their own house at dito na rin nakatira sina Tita at Tito.
That is also the reason kung bakit pinalaki ang bahay namin, madalas kasi ay mayroong family get together dito. Kapag tungkol naman sa organization ang usapan, saka lang kami pumupunta sa mansion ni Mom. Doon lahat ang transaction kapag tungkol sa organization.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis, at pagkatapos kong magbihis ay lumabas rin ako kaagad para bumaba na. At saktong-sakto rin na nakita ko si Fourth sa tapat ng kwarto niya. Nakasandal lang din siya sa pinto at nakatingin sa cellphone niya at nakangiti.
“Bilisan mo na diyan,” I said dahilan para agad siyang mapatingin sa akin.
Agad niya ring ibinaba ang cellphone niya saka siya agad na napakamot sa ulo niya.
“H-hihintayin ko lang si Fifth, mauna ka na Kuya,” he said.
Napangisi na lang din ako sa kanya saka ako muling lumakad palapit sa hagdan pero napalingon din agad ako kay Fifth na lumabas na rin sa kwarto niya.
“Ano ba ‘yang suot mo Fifth?” sabay naming saway sa kanya ni Fourth.
Agad din naman siyang napatakbo pabalik sa kwarto niya kaya napailing na lang din ako saka ako tuluyang bumaba. Dumiretso na lang din ako sa kusina kung saan naroon na sila.
“Nasaan ang dalawa?” Mom ask. “Pababa na sila Mom,” agad kong sagot sa kanya.
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang dalawa na napatigil din agad sa mga kalokohan nila pagpasok nila rito sa dining area. Agad din silang naupo sa kani-kanilang upuan bago magsimula si Mom na abutan kami ng pagkain.
“How’s your day, guys? How about you, my baby, how’s your day?” Dad ask saka niya binalingan si Fifth na nasa kaliwa niya.
Katabi nito si Fourth at katabi niya si Tres. Nasa kanan naman ni Dad si Mom kasunod ako at si Dos.
“Dad, I am already twenty and I am not a kid anymore!” agad na reklamo ni Fifth kay Dad na dahilan para agad kaming magtawanan.
Dahil din doon ay nauwi sa kwentuhan ang lahat habang sabay-sabay kaming naghahapunan.
“Kayong mga bata kayo tandaan niyo bago manligaw mangilatis muna ha,” paalala ni Mom na dahilan para magtawanan na naman kami.
Palagi na lang talagang nauuwi sa sermunan ang kwentuhan namin.
“Mom? May magtatangka pa bang manligaw sa amin? Natakot na kaya kami sa mga bilin mo,” agad na sagot ni Dos sa kanya. “Ow? Kaya naman pala balita ko ang tinik mo sa chiks? Gusto mo rin bang matinik ha Don Sinjin?” Mom answered.
Lalo kaming nagtawanan at napakamot na lang din naman sa ulo niya si Dos.
“Tandaan niyo, whatever happens, you should never hurt or fool a girl. Understand?” Mom said again.
Agad naman kaming napatango sa kanya and Fifth just smile at her.
“At ikaw Fifth, use your fist, baby. Always use it, lalo na kapag mga walanghiya ang lalapit sa iyo, anak. Find a man who will make you his own universe,” Mom said again, and she winked at Fifth.
Napangiti na lang din ako lalo na ng makita kong nakangiti si Dad habang nakatingin kay Mom na kausap si Fifth. Its like he’s still looking to the most beautiful woman in his eyes, gaya noong kung paano ko siya makitang tumingin kay Mom noong mga bata pa kami.
“And you boys? Find a girl who deserves you. Understand?” Mom said again.
Ngumiti na lang kami sa kanya kaya muli siyang ngumiti sa amin bago kami muling kumain.
“Ikaw kuya Uno? Wala ka pa bang napupusuan anak? Ganyang edad ang tatay niyo lumandi noon,” Mom said again and we laugh.
“Mom, baka maunahan pa ni Dos si kuya Uno,” Tres said.
“Yeah right,” pagsang-ayon ni Fifth.
“Baka naman si Fourth ang mauna,” sabad ko sa kanila.
Agad naman silang natahimik at agad ding napakamot sa ulo niya si Fourth dahil doon.
“Aha! I knew it! You really like Selene do you?” bulalas ni Fifth dahilan para mapangiti si Fourth.
Selene? Talaga bang gusto niya ang babaeng ‘yon? Is she the reason why he was smiling so widely a while ago? I didn’t know that we had the same preferences about women. We both like someone who’s just like Mom. But I am not saying that I like her, I won't like her, never.
“Whoah! Sinong Selene iyan?” Dos ask.
“Anak? Akala ko naman ang kuya Dos mo ang unang ihahatid namin sa altar, ikaw naman pala,” Mom said.
“Mom? Kasal agad, its just a crush,” Fourth answered at lalo namang nagulat si Fifth sa sinabi ng kakambal niya.
“You, talaga palang crush mo siya ha,” Fifth said.
“So, are you telling me you like someone na hindi mo nakikitang pakakasalan mo?” Mom asks him.
Natawa na lang kami habang napakamot na lang ng ulo si Fourth, and Dad was just laughing with us also.
“Mom, it's just paghanga. Crush ko lang siya because she’s just like you, brave and intelligent. Beautiful and kind-hearted pero wala pa sa isip ko ‘yang mga relationships na ‘yan,” Fourth answered.
Tinitigan lang din naman siya ni Mom na tinawanan lang lalo namin dahil parang binabasa na naman ni Mom ang buong pagkatao niya, na madalas niya ring gawin sa’min.
“Tama ‘yan anak, explore ka muna. Bata ka pa, paunahin mo na muna sina Kuya mo,” Mom said again na tinawanan ulit namin.
“I’m quite curious about this Selene girl, totoo bang she’s just like Mom?” Tres asks Fourth.
“She is Kuya, she is really beautiful also. She’s a pre-med student also like Fourth, and she’s their department beauty and the student scholars president,” Fifth answered, smiling, confirming the same girl that came into my mind noong una niyang banggitin ang pangalan ng babaeng ‘yon.
“Oh! Now that you talk about her makes me more curious about her,” Tres said again.
“Yeah right, ayaw pa naman nyan na may ibang mas maganda sa kanya,” Dos also said and Fifth just laugh at him na ikinatawa lang din naman namin.
“But she really is, ask kuya Uno nakita niya na si Selene,” Fifth answered.
Napalingon naman agad sila sa akin na agad na ikinakunot ng noo ko.
“Every woman has their own kind of beauty, and I think she also has it,” I just answered.
“Hindi maganda ‘yan, hindi aprub sa bro bro natin e,” Dos just said.
“Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala, tanungin niyo na lang sina Isabella, kilala nila si Selene,” Fifth said again.
Napailing na lang ako at hindi na nagsalita pa, at nagtawanan na lang din naman sila saka sila tumuloy sa pagkain. She’s beautiful I must admit, but there is no way na aaminin ko ‘yon sa kanila.
(Uno’s POV)“Pasensya ka na sa anak ko, Selene.” Dad said to her.Agad din siyang tumingin kay Dad pero walang kahit anong emosyon ang muka niya kagaya kanina.“So serious, just like my universe before. If I were you, I wouldn't show that if a Delacroix like me were around. Because when we Delacroix, says mine, it's ours,” Dad said that makes everyone fall into a deep silence.“Walanghiya ka talaga, gusto mo pang maging katulad mo iyang mga anak mo. Don’t mind him Selene, say no when you felt like it,” sermon ni Mom kay Dad na agad na ikinatawa ng lahat.Tila hindi naman naapektuhan ang katabi ko sa sinabi ni Dad at ni Mom tahimik lang siyang nakaupo at sumandal pa siya kaya natawa na lang si Tres na katabi niya.“Buti hindi ka napipikon sa mga ganitong asaran?” Tres ask her.“Sanayan lang,” Selene answered, and then she smirked at him.Lalong natawa si Tres sa kanya, kaya muli akong umiwas ng tingin sa kanila. Damn! Bakit ba hindi ko maiwasang mapatingin at makinig sa kanila? What th
(Selene’s POV)Agad kong tiningnan ng masama si Fourth ng makalayo na kami sa Mommy nila na agad din namang natawa sa reaksyon ko. Agad niya ring itinaas ang kamay niya habang natatawa siya sa akin tanda ng pagsuko.“Nakakahiya ka, pati ba naman ikaw ay naniniwala sa kalokohan ng mga iyan?” singhal ko sa kanya. “Fifth says that, not me,” agad niyang sagot sa akin.Lalo namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino namang maniniwala sa kanya ano? Bakit naman ako iku-kwento ni Fifth sa Mommy nila?“Tandaan mo, kaklase na lang kita ngayong nasa labas tayo ng school kaya hindi uubra sa akin ‘yang mga kalokohan mo. Bilisan na nga natin, may trabaho pa ako,” singhal ko sa kanya na ikinatawa niya lang namang muli. “Okay relax,” he said again.Isinama niya lang din naman kami sa sala sa second floor ng bahay nila at doon na lang din kami pumwesto.“Magbibihis lang ako, dito muna kayo,” Fourth said to us.Tinanguan na lang siya ng dalawa pa naming kasama and I didn’t do anything, naupo lang
(Selene’s POV)“Sa tingin niyo kakampi kaya natin ang bagong dean?”Napakunot agad ang noo ko sa tanong ni Tyler saka ako napatingin sa kanya habang naglalakad kami papasok sa school.“Hindi ko rin alam ang sagot sa bagay na ‘yan Tyler, may bali-balita kasi na iba sa mga kapatid niya si Mr. Uno Delacroix. He’s ruthless they said, probably because siya ang sinasabi ng lahat na papalit sa ama niya,” Joanna answered.Hindi ko na pinansin ang dalawa, at naglakad na lang ako ng tahimik kasabay nila. Sa totoo lang ay nangangamba rin ako sa ugali ng panibago naming acting dean, hindi naman kasi namin alam kung may puso rin siya sa mga katulad naming scholar kagaya ng totoong dean ng school.“Hindi ba nakaharap mo na siya Selene? Anong masasabi mo sa kanya? Nakakatakot ba talaga siya?” napalingon ako kay Joanna dahil sa tanong niya.Agad rin akong napabuntunghininga saka ako muling tumingin sa unahan namin.“Hindi rin ako sigurado sa kanya, mukang tagilid tayo sa mga oras na ito,” I honestly
(Selene’s POV)Naupo na lang ako sa tabi ni Joanna na kaklase ko ng tawagin niya ako habang nasa assembly hall kaming lahat, ngayon kasi ipakikilala ng official ang panibagong dean ng school na nakita ko na rin naman kahapon.At sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako sa resulta ng ginawa ko kahapon, hindi ko naman kasi siya kabisado. Hindi katulad ng dean noon na talagang mabait at nakikinig sa bawat isang magaaral dito sa academy.Hindi ko rin alam kung magagawa niya rin ang ganoon sa termino niya. Muka kasing masungit siya at nakakatakot sa personal, muka ring seryoso lang siya sa buhay at walang humor sa katawan hindi katulad ng dating dean. At hindi ko rin alam kung pinakinggan niya ba ako sa mga sinabi ko kahapon, o hindi. Wala pa rin kasi akong naririnig na balita tungkol sa bagay na iyon hanggang ngayon.Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang assembly, mayamaya ay ipinakilala na rin ang dean na ikinagulat ng lahat. He said he’s Uno Delacroix, ibig sabihin ay kapatid siya nin
(Selene’s POV)Nananatili akong nakatayo sa hallway habang nakatitig sa pintuan ng dean’s office sa mga oras na ito, habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko rin malaman kung papasok ba ako, o tatayo na lang ako dito para lang huwag makatanggap ng disciplinary action paper. Hindi kasi maganda ang papel na iyon sa pagiging iskolar ko, baka mawalan pa ako ng scholarship dahil sa bwisit na D.A na ‘yon.“Aren’t you going in?” Agad akong napalingon sa nagsalita sa tabi ko saka ko lang napansin na may iba na palang tao na naririto buko sa akin.Agad din akong napayukod sa kanya bilang paggalang dahil siya pa rin ang SSC President ng academy.“Same issue? This is your third warning, magkakaroon ka na ng D.A paper,” he said again.Napatango na lang din ako sa kanya saka ako napaiwas ng tingin, nauna na rin naman siyang pumasok sa akin, kaya sumunod na lang din ako sa kanya. At pagpasok ko sa loob ay saka ko lang din napansin na ang buong SSC pala ang nasa loob kaya lalo akong nah