Share

Chapter 4

Author: VERARI
“Hindi po rito ang waiting area, ma'am. Ihatid ko na po kayo,” sabi ng isang nurse at tinulungan si Sanya na tumayo.

Si Adler, na sandaling napahinto, ay nagpatuloy sa paglalakad nang hindi masyadong iniisip ang empleyadong nakita niya.

Inalalayan ng nurse si Sanya papunta sa medication counter. Nagpasalamat siya sa tulong nito na agad na napansin na hindi niya kayang maglakad mag-isa.

Pagkatapos uminom ng mga vitamins, matagal na naupo si Sanya sa garden ng ospital, pinag-iisipan nang mabuti ang kapalaran niya. Nang tuluyan nang kumalma ang damdamin niya ay nagpasya na siyang umuwi.

Sinalubong siya ng galit ng ina dahil sa hindi pag-uwi nang maaga at hindi niya pagsagot sa mga tawag nito. Sa mukha pa lang, halata nang nag-alala si Elvira kahit may halong galit ang ekspresyon nito.

"Ano ka ba namang bata ka! Muntik na akong tumawag ng pulis! Akala ko hinimatay ka na sa kalye o kung ano! Sa susunod, huwag kang bigla na lang mawawala nang buong araw nang walang sinasabi, lalo na at may sakit ka pa!”

Sa halip na sumagot, napahagulgol na lamang si Sanya. Niyakap niya nang mahigpit ang Mama niya, ibinuhos ang lahat sa yakap na iyon.

Ang buong akala niya ay mas tumatag na siya. Pero nang makita ang Mama niyang labis na nag-aalala ay muling sumikip ang dibdib niya.

Nasira niya ang tiwala na ibinigay sa kanya nito...

"Anong problema mo? Ano bang nangyari?"

Umiling si Sanya sa mga bisig nito.

"Huwag mong sabihin sa akin... na malubha ang sakit mo…"

"Hindi po, Ma."

Sinong ina ang hindi masasaktan at mag-aalala kung gano’n na lang humagulgol ang kanyang anak? Agad na nawala ang galit ni Elvira. Inalo niya ang anak, kahit hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito.

Nang kumalma si Sanya, mahinang nagtanong si Elvira, "Anong problema, langga? Sabihin mo sa akin."

‘Sasabihin ko na ba sa kanya ngayon? Paano kung magalit siya at sabihin na ipalaglag ko ang anak ko? Anong sasabihin ko kung tanungin ni Mama kung sino ang tatay?’

"Pagod lang talaga ako, Ma. Pupunta muna ako sa kwarto."

Sa paglalim ng gabi, ayaw pa ring lumabas ni Sanya sa kwarto. Ilang beses nang nagdala ng pagkain ang Mama niya, pero hindi niya iyon ginalaw.

Nakahiga lang siya sa kama, naghahanap ng paraan para maitago ang pagbubuntis.

Pero wala na siyang maisip na plano. Wala naman kasing paraan para maitago niya nang matagal ang pagbubuntis niya lalo’t hindi magtatagal ay lalaki ang tiyan niya.

Ang tanging nasa isip niya lamang ay ang malungkot na future niya. Isang babaeng walang asawa, at mag-isang nagpalaki ng anak. Ano kaya ang magiging buhay niya?

"Hija... ganiyan na lang ba ang gagawin mo? Sabihin mo man lang sana sa akin ang problema mo. Malay mo, baka matulungan kita na makahanap ng solusyon."

Nag-aalinlangan man, bumangon si Sanya mula sa kama. Inabot niya ang mga kamay ng Mama niya at mahigpit na hinawakan ang mga ito.

Ang Mama niya lang ang mayroon siya ngayon.

Gusto niyang maniwala na maiintindihan ng Mama niya ang sitwasyon niya…

"Ma, sorry po... Malaki ang nagawa kong kasalanan." Muling tumulo ang luha ni Sanya.

"Lahat naman ng tao ay nagkakamali, langga. Huwag mo nang sarilinin ‘yan Sabihin mo sa akin. Makikinig si Mama.”

Mapagmahal na hinaplos ni Elvira ang noo ng anak. Hindi naman iyakin si Sanya, pero walang humpay ang kanyang pag-iyak nitong mga nakaraang araw. Nalungkot at nakonsensya si Elvira, na para bang nabigo siyang mapasaya ang kanyang nag-iisang anak na babae.

“Ma…” Napalunok si Sanya. “B-Buntis po ako.”

Napuno ng katahimikan ang kwarto matapos aminin iyon Sanya. Napayuko siya, hindi makatingin sa mga mata ng kanyang ina. Napuno ng hiya at kunsensya ang kanyang puso.

“A-Anong sabi mo?” tanong ni Elvira, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Paano naman niya paniniwalaan ‘yon? Ni hindi pa nga nagkaka-boyfriend si Sanya. Alam ni niyang responsable ang kanyang anak.

Kahit maraming lalaking lumalapit kay Sandy, hindi niya ito pinapansin. Nakatuon ang isip ng anak niya sa pag-aaral buong high school at college, at pagkatapos nitong maka-graduate, sinubsob na nito ang sarili sa trabaho.

Hanggang sa maalala ni Elvira ang gabing iyon.

Ang gabi na bigla na lamang nagmamadaling umalis ng bahay si Sanya, sabi ay may urgent itong trabaho na gagawin. Inumaga na ito ng uwi.

Ang sabi ni Sanya, may trabaho ito sa ibang syudad, pero wala naman itong dalang pamalit na damit. Magulo ang buhok nito at gusot ang damit. Hindi na siya nagtanong noon dahil nagmamadali si Sanya na makaalis para magtrabaho.

"Huwag kang magbiro ng ganiyan, Sanya!" matabang na tumawa si Elvira.

“Hindi po ako nagsisinungaling, Ma,” bulong ni Sanya.

Namula ang mukha ni Elvira, agad na tumigas ang ekspresyon niya.

"Sino... sino ang nakabuntis sa iyo?"

Hindi makasagot si Sanya. Paano niya sasabihin sa ina na pinagsamantalahan siya ng kanyang boss? Maniniwala kaya ito kanya?

Kilala si Adler Samaniego bilang isang marangal na lalaki, hindi kailanman ito nasangkot sa kahit anong eskandalo o kahit sinong babae. Kung sasabihin niya ang totoo, baka isipin ng Mama niya na inakit niya ang lalaki.

At kahit na maniwala ito kanya, ayaw ni Sanya na sugurin ng Mama niya si Adler. Mapapahiya lang siya kapag nangyari iyon, lalo na kung itatanggi ni Adler ang nangyari sa kanila nang gabing iyon.

"Sabihin mo nga sa akin, Sanya! Sino ang lalaking iyon?" Sa pagkakataong ito ay tumaas ang boses ni Elvira. Hinila niya ang mga kamay na hawak ni Sanya. Nag-aalab ang mga mata niya sa galit at pagkadismaya.

"Hindi ko... Hindi ko po alam."

"Ano?! Paanong hindi mo alam?!" Nanginginig ang boses ni Elvira sa matinding galit.

Lalong yumuko si Sanya. Umagos ang mga luha sa nanginginig niyang mga kamay.

"Huwag mong sabihin sa akin… na ginahasa ka—" Hindi na natapos ni Elvira ang sasabihin. Napatakip siya ng bibig habang tahimik na humihikbi.

“Patawarin mo ako, Ma. Pasensya na kung hindi ko masabi kung sino ang ama…”

Mahigpit na niyakap ni Elvira ang anak. Sabay silang humagulgol, nagyakapan at kumuha ng lakas sa isa’t isa.

Pinahid ni Sanya ang sarili mga luha at ang sa kanyang ina.

"I’m sorry po, Ma, kung nabigo kita.”

"Ayos lang, langga ko, huwag kang matakot. Wala kang ginawang mali. Inosente ang bata sa sinapupunan mo. Sabay-sabay nating aayusin ito, ha?”

Dahil sa mga salitang ‘yon, para bang nawala ang mabigat na pasan ni Sanya sa kanyang dibdib. Wala na siyang ibang masabi. Tanging tahimik na pasasalamat lamang dahil nagkaroon siya ng mabait at maunawaing ina na nagbigay sa kanya ng buhay.

Nagpasya si Sanya na hindi na muling iiyak para sa lalaking iyon. Si Adler ay mananatiling mapait na bahagi na lamang ng nakaraan niya...

Mula ngayon, mabubuhay siya para sa sarili niya at sa batang dinadala niya, kasama ang Mama niya na nasa kanyang tabi.

***

Kinabukasan, umalis si Sanya papunta sa trabaho gaya ng nakasanayan, dala ang isang bagong bersyon ng sarili. Isang mas malakas at mas matapang na si Sanya Gonzales.

Pero nang makita niya si Adler, na kararating lang din sa opisina, agad na kumalam ang kanyang tiyan. Hindi iyon dahil sa naduduwal siya, kundi dahil sa kakaiba at hindi niya mailarawang pakiramdam.

“Good morning, Sir,” Sa umagang iyon, binati niya ang lalaki na may malapad na ngiti.

Sandaling natigilan si Adler, pero pagkatapos ay nilagpasa siya gaya ng dati.

Hindi na mahalaga pa ang inakto ng lalaki. Gusto lang ni Sanya na maging mabait sa huling pagkakataon… sa ama ng kanyang anak.

Oo, magre-resign na siya ngayon. Hindi niya na gugustuhin pang manatili sa kumpanyang iyon, lalo na’t lalaki ang kanyang tiyan. Ang alam ng mga tao roon ay dalaga siya.

Buo na ang desisyon niya.

Hindi kailangang malaman ni Adler ang tungkol sa dinadala niya. Tutal, hindi naman nito gusto ang magkaroon ng asawa o anak.

Suot ang determinasyon at kumpiyansa, pumasok si Sanya sa opisina ng lalaki at iniabot sa kanya ang puting sobre na inihanda niya noong nakaraang gabi.

"What’s this?"

Matamis na ngumiti si Sanya.

“Gusto ko na pong mag-resign sa trabaho, Sir. Thank you po, for being a good boss all this time.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 100

    “Hindi. Ang posisyon na ’yon, para lang kay Adler. Hindi kailanman malalampasan ni Justin si Adler. Temporary lang siya. Placeholder lang, hanggang bumalik si Adler.”Uminit ang mga mata ni Augustine habang pinapanood ang nag-iisang apo na lumaki sa ilalim ng kanyang bubong, palakad-lakad palayo sa malaking tarangkahan ng mansyon ng Samaniego.May bigat ng pagkadismaya sa dibdib niya. Para kay Augustine, maling landas ang pinili ni Adler. Pero kahit ganoon, hindi niya pinagsisihan ang desisyon niya.Kailangan matuto ni Adler. Kailangan niyang mamulat. Sigurado si Augustine na babalik din ang apo niya, kapag na-realize nitong wala palang silbi ang ipaglaban ang babaeng iyon.Marami ang mawawala kay Adler sa oras na sinuway niya ang utos ni Augustine. Gaya ng ama ni Adler noon, na piniling pakasalan ang isang babaeng may sakit. At sa huli, nawala rin iyon dahil hindi niya kinaya ang gastos sa gamutan.Parang bumalik ang alaala ng dalawampu’t limang taon na ang nakalipas. Ganoon din

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 99

    “Adler!”Hindi pinansin ni Adler ang tawag ni Augustine. Mabilis siyang naglakad para puntahan ang magiging maliit niyang pamilya at ibalita sana ang magandang balita.Magandang balita ba talaga?Napasinghap si Adler sa sarili niyang tanong.Tatanggapin pa rin kaya siya ni Sanya kung wala na siyang kahit ano? Kakayanin ba niyang tuparin ang mga pangangailangan ng anak nila?Pagdating sa tapat ng pinto, huminto muna si Adler. Sa totoo lang, kinakabahan siya sa desisyong kakagawa lang niya.Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, napagdesisyunan niyang huwag muna sabihin ngayon. Sasabihin na lang niya kapag tuluyan na silang nakaalis sa mansyon ng Samaniego.Masyadong malambot ang puso ni Sanya. Baka pigilan pa siya nito kapag nalaman niyang mawawala lahat sa kanya. At ang alok ni Augustine, alam niyang hindi na mauulit. Ayaw ni Adler isugal ang posibilidad na tumanggi si Sanya.Matapos huminga nang malalim ng ilang beses, pinihit ni Adler ang doorknob. Sa loob, masayang naglalaro

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 98

    “Para saan ‘yung halik kanina?” tanong ni Adler, halatang nagulat pa rin sa biglaang ginawa ni Sanya.Itinago ni Sanya ang mukha niya sa balikat ni Adler. Hindi niya kayang tumingin dito, lalo na’t sumagot.“Bakit ko ba ginawa ‘yon?!” sigaw niya sa isip.Maingat na inihiga ni Adler si Sanya sa kama, pero hindi namalayan ni Sanya na nakayakap pa rin ang mga braso niya sa leeg nito dahil sa kaba.“Gusto mo pa ba?” bulong ni Adler malapit sa tenga ni Sanya.“H-hindi!” mabilis na tanggi ni Sanya.“E bakit ayaw mo akong bitawan? Gusto mo ba, humiga na lang ako sa ibabaw mo?” tukso ni Adler, seryoso ang tono.“Anong sinasabi niya?! Grabe naman,” reklamo ni Sanya sa loob-loob niya.Umiling si Sanya habang nakayuko at nakapikit nang mahigpit. Ilang segundo lang, naramdaman niyang nakadikit na ang likod niya sa malambot na kama. Doon lang siya natauhan at agad binitiwan si Adler.“Hindi naman ako magrereklamo kung gusto mo pang manatili ng ganito,” pahabol ni Adler.“Bakit ba ang dami

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 97

    “Teka, Adler!” sigaw ni Sanya.Pinilit ni Sanya ang sarili niyang maglakad. Agad siyang napangiwi nang sumayad ang paa niya sa sahig. Sobrang sakit.Paika-ika siyang sumunod kay Adler, bahagyang palukso-lukso gamit ang paa niyang hindi sugatan habang sumasandal sa pader para hindi matumba.Palayo nang palayo si Adler, kaya pinilit ni Sanya na bilisan ang galaw. Kahit masakit ang paa niya, nilabanan niya iyon.“Adler, wait… please…”Parang nakita ni Sanya na bumagal ang lakad ni Adler. Pero agad niyang iniling ang ulo. Imposible. Kailan pa siya hinintay ni Adler?Hindi niya alam na tama pala ang hinala niya. Sadyang bumagal si Adler para makahabol si Sanya, pero masyado lang talaga ang pride niya para lingunin ito matapos magalit at manahimik.Sa wakas, nahawakan ni Sanya ang tela ng damit sa likod ni Adler.“Adler, I need to talk to you…”Napaatras si Adler sa gulat nang maramdaman ang hawak ni Sanya. Natanggal ang pagkakahawak nito sa damit niya.Nawalan ng balanse si Sanya

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 96

    “Ilabas n’yo sila rito. Siguradong magagalit si Don Augustine kapag nalaman niyang binugbog ko ang mga tauhan niya,” utos ni Justin sa personal assistant niya.“Opo, Sir. Dadalhin po ba namin sila sa police station?” tanong ng assistant.“Huwag. Lalaki lang ang problema. Kapag nalaman ni Don Augustine, baka mag-utos pa siya ng mas masahol. Takutin n’yo na lang sila, siguraduhing hindi na uulit,” sagot ni Justin nang malamig.“Okay po. Tatawag ako ng tao para mailabas sila nang hindi napapansin ng ibang guwardiya.”Humarap si Justin kay Sanya na nakayakap sa sarili, nanginginig pa rin. Kahit tapos na ang lahat, hindi pa rin nawawala ang takot na bumabalot sa kanya.“Sanya, ihahatid kita pabalik sa kwarto. Kaya mo bang maglakad?” mahinahong tanong ni Justin.Marahang umiling si Sanya. Hindi pa rin niya kayang tumayo. Parang wala siyang lakas dahil sa sakit at takot na pinagdaanan.Dahan-dahang hinawakan ni Justin ang braso ni Sanya at tinulungan siyang tumayo.Pero muli itong nap

  • That Seductive President is my Baby's Father   CHAPTER 95

    “Emergency, Sir! Nakikipagtalo si Don Augustine kay Sanya!”Pagkabasa ni Adler sa provokatif na message ni Charles, mabilis siyang naglakad mula sa right wing papunta sa left wing ng bahay. Ayaw niyang masaktan si Sanya ng masasakit na salita ni Augustine.“Sir Adler!” tawag ni Doktor Rodrigo.Napatigil ang mahahabang hakbang ni Adler nang marinig ang pamilyar na boses. Lumapit siya kay Doktor Rodrigo na mukhang paalis at hawak na ang pinto.“Bakit may dala kayong maleta? Saan kayo pupunta? Na-check n’yo na ba ang condition ng fiancée ko?” tanong ni Adler, halatang hindi mapakali. Hindi rin nakatutok ang mga mata niya sa kausap.“Kakaalam ko lang magpaalam sa lahat. Pinagalitan ako ni Don Augustine. Pinapapili niya si Miss Sanya ng isang mahirap na desisyon,” sagot ni Doktor Rodrigo sabay buntong-hininga.“Desisyon?”Ikinuwento ni Doktor Rodrigo ang lahat nang detalyado kay Adler. Nagbigay rin siya ng ilang payo, alagaan ni Adler nang mabuti ang magiging asawa niya at ang anak.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status