Share

Chapter 5

Author: VERARI
"Sit down," utos ni Adler at agad na sumunod si Sanya. "What’s your reason for suddenly resigning?"

Inaasahan na ni Sanya ang tanong na ito. Matagal na siyang nagtatrabaho sa kumpanya kaya alam na niya ang kailangang pagdaanan bago mag-resign, at inihanda na niya ang kanyang sagot.

"Napagdesisyunan na po namin ng mama ko na lumipat ng bahay, Sir. May urgent matter din po sa pamilya namin kaya kailangan na namin lumipat agad."

Pinagmasdan nang maigi ni Adler ang mukha ni Sanya nang ilang sandali. Hindi tulad ng dati, sa pagkakataong ito ay direktang sinalubong ni Sanya ang kanyang mga mata.

"You can take the leave. Marami ka pang trabahong dapat gawin. No one will immediately replace your post."

"Natapos ko na lahat ng trabaho ko kahapon, Sir. Si Charles na po ang magko-cover sa akin habang naghahanap ka ng kapalit."

"Alam mo naman ang mga patakaran ng kumpanya, 'di ba?"

Siyempre, hindi iyon nakalimutan ni Sanya. Kailangan niyang mag-render nang 30 days pagkatapos magpasa ng resignation letter bago siya opisyal na makaalis sa trabaho at para matanggap siya ng severance pay.

Pero hindi niya magagawa iyon. Kung mananatili pa siya ng isa pang buwan, magsisimula nang lumitaw ang kanyang tiyan. Ayaw ni Sanya na may maghinala pa sa kanya.

"Pasensya na po, Sir, pero hindi na ako pwedeng magtagal dito. Marami po kasing pinagdadaanang personal na bagay ang family ko.”

"Sanya," tawag sa kanya ni Adler sa mahina at nakakatakot na boses, "You know the consequences if you leave the company immediately, right?"

“Hindi niyo na po ako kailangang bigyan ng severance pay. Talagang pumasok po ako ngayon para mag-submit ng resignation, effective immediately,” matatag na sabi ni Sanya.

Alam na alam niya na ayaw ni Adler sa mga empleyadong hindi sumusunod sa naturang rules ng kumpanya, lalo na ‘yong umaalis nang hindi man lang nagre-render ng isang buwan.

Nilalagay ni Adler sa blacklist ang mga taong iyon. Ang mas malala pa, maaari silang mawalan ng pagkakataong makatrabaho ang sinuman sa mga kasosyo ng kumpanya.

Pero wala nang pakialam si Sanya. Napagdesisyunan na niyang magsimula ng maliit na negosyo para mabuhay. Tutal, bihira sa mga kumpanya ang tumatanggap ng mga buntis at walang asawang babae.

"Opo, Sir. Alam ko."

Malamim na huminga si Adler. “Then you can get out.”

"Salamat po, Sir. God bless you po. Ingatan niyo po ang sarili niyo at hangad ko ang tagumpay ng kumpanya ninyo.”

Pagkatapos, sinulyapan niya ang desk niya sa huling pagkakataon. Mabilis niyang inimpake ang mga gamit niya at iniwan ang ilang natapos na trabaho sa desk.

Maya-maya pa, dumating si Charles at binati siya. Pagkatapos ay pumasok ito sa opisina ni Adler. Ilang minuto lang, lumabas ito at nagmamadaling lumapit sa kanya.

“Seryoso ba? Aalis ka na? Bakit? Hindi ba sapat ang suweldo mo rito? O pinagalitan ka na naman ni Sir Adler?"

"May problema kasi sa pamilya namin," maikli na sagot ni Sanya.

"Ah… Akala ko dahil—" Napahinto si Charles.

"Dahil ano?"

“Nevermind. Kung sakali lang na gusto mong bumalik dito, kontakin mo lang ako. Alam mo naman kung gaano kahirap para sa boss natin ang makisama sa mga empleyado niya. Ikaw lang ang nakapagtiis sa kanya nang matagal. Mahirap makahanap ng kapalit mo.”

May munting ngiti ang gumuhit sa labi ni Sanya. “Good luck, Charles. Ingatan mo ang iyong sarili ha.”

Ilang saglit pa, nagpaalam na siya sa lahat ng kakilala niya. Marami ang nalungkot sa pag-alis niya sa kumpanya, pero tanging ngiti lamang ang sinagot niya sa mga ito at nagpatuloy na sa pag-alis.

Nang makarating siya sa harap ng gusali ng Samaniego Holdings, nilingon ito ni Sanya sa huling pagkakataon. Tinitigan niya ang malawak na salamin ng 55th floor, ang palapag kung saan niya ginugol ang apat na taon ng kanyang buhay. Sandaling ngumiti si Sanya, pagkatapos ay naglakad palayo.

Kasabay ng pag-alis niya ay iiwan na rin niya ang sakit na naramdaman. Umaasa siya na hindi na niya ito muling haharapin pa.

Nawala na ang nakasasakal na pakiramdam na gumulo sa kanya ng ilang araw nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang gusali ng kumpanyang iyon.

Ngayon, ang tanging gusto lamang niya ay mag-focus sa pagbubuntis niya… sa pagpapalaki sa kanyang anak nang mag-isa at pagbibigay dito ng walang katapusang pagmamahal upang nang sa gano’n ay maibsan ang nawawalang presensya ng isang ama.

***

3 years later…

Abala si Sanya sa pag-aasikaso ng mga order sa kanilang catering service para sa malalaking events sa mga hotels. Matapos ipanganak ang isang sanggol na babae, mabilis na lumago ang kanyang negosyo.

Minsan, kinailangan ni Sanya na tawagan ang ilang mga kaibigan at kapitbahay upang tumulong sa trabaho sa negosyo niya. Tulad na lang ngayon, sina Nika at Macey ay nasa kanyang bahay na mula pa noong umaga.

Sapat na ang tatlong tao para mapabilis at maging maayos ang kanilang trabaho, kaya naman napakaraming regular na kliyente ang negosyo na catering services niya.

“Mommy, milk!” Isang maliit na bata ang yumakap sa binti ni Sanya, humihingi ng gatas.

“Oh, gising na ang baby Athena ko. Nasaan ang Lola Elvie mo?”

Itinuro ng bata ang isang direksyon. Bumukas ang pinto, at lumitaw ina niyang si Elvira.

"Naku, nakatulog ang Lola! Punta ka na rito kay Lola, langga. Marami pang gagawin si Mommy."

“Okay lang po, Ma. Tapos na po ako. Come here, baby.”

Kinarga ni Sanya si Athena habang naghahanda ng gatas para sa minamahal na anak. Gaya ng dati, kahit kakagising lang niya, nakakatulog ulit si Athena pagkatapos uminom ng gatas habang karga niya sa loob lang ng kalahating oras.

“Tingnan mo, tulog na ulit ang baby ko,”mahinang sabi ni Sanya. "Ma, bantayan mo po muna siya sandali. Kailangan ko pang maghatid ng order."

"Ayos lang, langga. Hindi mo naman kailangang magmadali. Ako na ang bahala kay Athena."

Hinalikan ni Sanya ang noo ni Athena, pagkatapos ay tahimik na lumabas ng kwarto para hindi ito magising. Baka kasi magtopak pa si Athena kung magising ito at madatnan na wala siya sa tabi nito.

Mas lalong lumaki ang kuryusidad ng tatlong taong gulang niyang anak nitong mga nakaraang araw, at kung wala ang tulong ng Mama niya, ay baka hindi na niya nakayanan ang pagka-overwhelm. Gayunpaman, ayaw niyang masyadong abalahin ang Mama niya.

"Naku, pasensya ka na, Sanya ah! Hindi na ako makakasama sa iyo," sabi ni Nika.

"Ayos lang. Kaya na namin ito ni Macey. Salamat, ah! Tatransfer ko na lang bayad mo mamaya," kumindat si Sanya.

"Sige, Boss. Huwag mong kalimutan ang bonus ko!" natatawang sabi ni Nika habang pinapaandar ni Sanya ang sasakyan.

Hindi rin nagtagal, nakarating sila sa isang bagong bukas at napakarangyang hotel. Karaniwan, agad na kinukuha ng mga staff ang kanilang order para makauwi na si Sanya.

Pero iba ang pagkakataong iyon, tila mas abala ang hotel dahil mukhang mahalaga ang magiging event sa araw na ‘yon. Hiniling kina Sanya at Macey na ihatid mismo ang mga natitirang pagkain sa ballroom ng hotel.

"Wow! Ang laki-laki naman ng lugar na ito," sabi ni Macey, manghang-mangha. "Hindi pa ako nakakita ng ganito karangya at mala-palasyo na hotel!”

"Puwede kayong magpakasal dito balang araw. Basta tandaan niyo lang na umorder ng catering service sa akin," biro ni Sanya.

Bumungisngis naman si Macey. "Ang problema lang, malulugi kami pagkatapos ng kasal! Mukhang mamahalin dito, e. Mas mabuting bumili na lang kami ng bahay."

“Kapag tapos na kayo, umalis na kayo. May iba pa kaming paghahandang aasikasuhin," sabi ng isang lalaking naka-itim na sui na malinaw na hindi empleyado ng hotel.

"Copy po," sabay na sagot nina Sanya at Macey.

Papasok na sila nang narinig nila ang ilang staff na nag-uusap. Ang may-ari ng hotel ang nagho-host pala ng engagement party para sa apo nito.

“Kaya naman pala umorder sila ng mga mamahaling pagkain, pero bakit kaunti lang?” bulong ni Macey sa kanya. "Pang 200 pax lang, hindi libu-libo?”

"Siguro mga importanteng tao lang ang imbitado," sabi ni Sanya at nagkibit-balikat.

Tinapos na nila ang usapan nang bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas ang isang napakagandang babae. Napakaelegante nitong tingnan at mukhang arogante. Kumikinang ang mahabang pulang dress nito sa ilalim ng ilaw, kaya napapalingon ang lahat ng nasa bulwagan.

"Welcome, Miss Belle," bati ng ilang empleyado ng hotel at magalang na yumuko.

"Is my grandfather-in-law already here?" tanong ni Belle.

"Opo, Miss. Ihahatid ka namin kay Mr. Augustine Samaniego. Hinihintay na niya kayo."

Bigla namang natigilan si Sanya sa pangalang narinig. Agad niyang nilingon ang direksyon ng babaeng tinawag na Miss Belle.

Samaniego…

Kumalabog ang kanyang puso.

Bago pa niya mapagtagpi-tagpi ang iniisip niya, napansin niya ang pagliwanag ng mga mata ni Belle nang lumingon ito sa isang tao na nasa likuran ni Sanya.

"Adler! You’re here!”

Nanigas ang katawan ni Sanya nang marinig ang pangalang iyon.

Tila ba’y nahihirapan siyang huminga.

Nang lagpasan siya ni Belle, dahan-dahan din siyang lumingon para tingnan ang taong nilapitan nito.

Nang dumako ang paningin niya sa lalaking nilapitan ng babae, agad na napatid ang paghinga niya.

Ang pamilyar na malamig na mga mata nito…

Ang madilim at mahirap basahin na mukha nito… Napakagwapo pa rin.

Pagkatapos ng tatlong mahabang taon… muling pinagtagpo sila ng tadhana.

‘Adler Samaniego…’
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 50

    “May nangyari ba?” Mabilis na lumapit si Justin kay Sanya. “Where’s Athena?”“Si Mama… nasa loob, Justin…”“Call the firefighters and the police. I’ll go inside!” utos ni Justin.Mabilis siyang tumakbo papasok ng tindahan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang wasak at magulo ang loob. Pero wala siyang oras para ma-shock.Binasa niya agad ang jacket niya sa gripo, tapos bumalik siya sa bahay ni Sanya. Isinuot niya ito at tinakpan ang ulo at likod bago pumasok.Buti na lang, hindi pa ganoon kalakas ang apoy. Isang lundag lang, nakapasok si Justin sa pintuan.“Aling Elvira!” sigaw niya.“Justin…” nanginginig na nakaluhod si Elvira sa loob.“Labas po muna tayo bago lumaki ang apoy!”Dinala niya palabas si Elvira, nakatakip ang jacket para hindi tamaan ng apoy. Nauna silang makalabas, si Elvira sa harap.Habang tumatalon palabas si Justin, tinamaan ng apoy ang manggas ng polo niya. Sumigaw siya sa sakit. Sina Sanya at ang mga kasama niya ay may dalang mga timba ng tubig at nagsimula

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 49

    “Ugh… ang sakit ng ulo ko,” ungol ni Sanya na paos ang boses.Mag-uumaga na at dahan-dahang nagmulat si Sanya. Pinisil-pisil niya ang mga mata, pero lalo lang sumakit ang ulo niya. Minasahe niya ang kanyang sentido habang nakapikit ulit.Gustong igalaw ni Sanya ang buong katawan niya para ma-relax kahit kaunti, pero hindi siya makakilos. Para bang may mabigat na nakapulupot sa kanya.May amoy na pamilyar at napaka-maskulin na sobrang lapit sa ilong niya. Nakakagulat, pero nakakapagpakalma sa kanya ang amoy na iyon, kahit dati ay sobrang ayaw niya iyon.Dumampi ang kamay ni Sanya sa matigas at matipunong dibdib na hindi niya pa napagtatanto kung kanino. Imbes na magising, lalo pa niyang inilapit ang mukha niya doon, hinahanap ang init na nakapalibot sa kanya.Inilusot niya ang mukha niya sa dibdib ni Adler, at hindi alam ni Sanya na halos pigilan ni Adler ang hininga niya sa sobrang hirap ng sitwasyon.Napakakomportableng pakiramdam, parang ligtas siya. Gusto na sana niyang bumalik sa t

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 48

    “Nasiraan ka na ba ng bait?! Paano mo nagawang iwan si Athena sa bahay para lang magpasarap kasama kung sinong lalaki, tapos ganito ka pa kalasing?! Anong klaseng ina ka?!” sigaw ni Adler.Hinaplos-haplos ni Sanya ang braso ni Adler at pagkatapos ay iniyakap ang dalawang kamay sa leeg niya. May mga salitang lumalabas sa bibig ni Sanya pero hindi maintindihan, kasabay ng pagbiling nito. Huminga nang malalim si Adler. “Sino bang kausap ko ngayon?” bulong niya.Maingat niyang isinakay si Sanya sa kotse. Pero bago niya maisara ang pinto, lumapit si Justin at hinawakan siya sa balikat.“Saan mo dadalhin si Sanya?” tanong ni Justin, mabigat ang tono.“Nakalimutan mo na agad yung warning ko sa ‘yo kanina?”Nanigas ang panga ni Adler, at mariin niyang sinuntok ang hangin. Gusto pa talaga niyang bugbugin si Justin.Ang kapal ng mukha nitong si Justin, nagkaroon pa talaga ng lakas ng loob na ilayo ang ina ng anak niya. Kung si Athena ay sa kanya, pakiramdam ni Adler, si Sanya ay kanya rin, kahi

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 47

    “Ano bang ginagawa mo rito?” si Justin agad umatake. Mahigpit niyang hinawakan ang pulso ni Adler, saka iyon sapilitang hinila hanggang mapabitaw si Adler kay Sanya.“Don’t meddle with my business!” matalim ang tingin ni Adler kay Justin.“Syempre may pakialam ako! Kasama kong dumating si Sanya. Alam ba ni Belle at ng Lolo mo na nandito ka para magpahabol sa ibang babae?!”“Sumama ka sa akin, Sanya. Hindi pa tayo tapos,” singhal ni Adler habang hinahatak ang kabilang braso ni Sanya.“Unahin mo na lang ‘yung fiancée mong naghihingalo dahil sa kagagawan mo!” balik-sigaw ni Justin.“Stop it, enough!” biglang sabi ni Sanya at mariing binawi ang dalawang braso niya. Napabitaw ang dalawa.Isinapo ni Sanya ang kamay niya sa braso ni Justin. Tiningnan niya si Adler nang may malamig na paghamak.“Ayos na, Justin. Let’s go.”“Stop, Sanya,” babala ni Adler.Lalo pang binilisan ni Sanya ang lakad palayo kay Adler. Napilitan si Justin na sumabay habang sinusulyapan pa si Adler na parang nanalo sa l

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 46

    “Lolo… bakit po kayo nagsasalita nang ganyan?” mahinang tanong ni Belle, may halong pag-aalala ang mukha.“May mali ba sa sinabi ko? Nabuntis siya nang walang asawa. Kung hindi ‘yan kahihiyan, ano ang tawag doon?” balik na tanong ni Don Augustine, puno ng pangungutya.Masakit sa dibdib ni Sanya ang narinig niya. Ang lalaking naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon ay mismong apo ni Don Augustine.Gusto na niyang sabihin ang totoo. Pero ayaw na niyang palalain ang gulo. Baka palabasin pa na inaakit niya ang apo nito.“Ang hirap kausap ng mga taong akala nila sila ang Diyos,” bulong ni Justin.“Anong sabi mo?!” biglang tumaas ang boses ni Don Augustine. “Akala mo hindi ko narinig ‘yon? Hindi mo kailangang magpaka-hero, Justin! Hiwalayan mo na ang babaeng ‘yan! Ayokong balang araw, magamit ka niya para perahan ang tunay na nakabuntis sa kanya.”Nakita ni Sanya ang reaksyon ni Adler sa gilid ng mata niya. Namumula ang mukha at mata nito, pero tahimik lang.Ano pa nga ba ang inaasahan niya?

  • That Seductive President is my Baby's Father   Chapter 45

    “Ay, bakit hindi dumating si Daddy, Mommy?” reklamo ni Athena.“Busy pa ang daddy mo.”Dalawang araw na simula noong huli silang makita ni Adler. Hindi rin nito sinusundo o hinahatid si Athena. Mula nang tawagan si Adler ni Belle noong araw na iyon, parang bigla itong naglaho.Ilang beses na siyang tinawagan ni Sanya, pero naka-off palagi ang cellphone ni Adler. Parang sinasadya talaga nitong umiwas sa kanya.At ang kinatatakutan ni Sanya noon, nangyari na. Dumaan lang si Adler para mag-iwan ng panandaliang saya kay Athena, pagkatapos ay iniwan uli ang bata sa sakit at pangungulila.At dahil nakabalik na rin si Belle, malamang ay itutuloy na nila ang kasal kahit kailan nila gusto. “O baka… buntis si Belle? Baka nakabuo sila sa gabing magkasama sila sa hotel?”Sa mismong pag-iisip ni Sanya na hinawakan o hinalikan ni Adler si Belle, kumirot ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit at nasasaktan. May karapatan ba siya?Pero kung totoo ngang may anak sina Belle at Adler

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status