Share

Chapter 5

Chapter 5

Grateful

Hindi ako mapanatag sa sitwasyong kinalalagyan ko sa mga oras na iyon. Kung bakit nasa loob ng maliit kong silid ang Senyorito ay hindi ko pa rin alam dahil kapuwa kami tahimik lang simula nang papasukin ko siya rito.

Kung may ingay man na maririnig sa paligid, siguro iyon ay ang paminsan-minsang pagtama sa pinggan ng kubyertos ko.

Isa pa, dalawang bagay ang umiikot ngayon sa utak ko. Bukod sa aksidenteng halik noong nakaraang gabi, na malinaw sa aking hindi alam ni Zaro, dumagdag pa ang kakatwang memorya ko sa mapanganib niyang histura.

Was it a dream or a memory? Siguro sa sobrang kahibangan ay nag-iilusyon na ako masyado.

"What are you thinking?" basag ni Senyorito sa katahimikan.

Awtomatiko akong nanigas sa gulat. Napatigil ako sa pagkain. Nang natanto ang kanyang tanong ay nag-init ang mukha ko dahil totoong alam na alam ang sagot doon.

"K-Kung ano pa pong p-pagkakapareho ng matres at mattress..." pagsisinungaling ko.

He scowled at me. Napayuko ako dahil mukhang hindi nagustuhan ni Zaro ang narinig.

Magmula nang pumasok sa silid ay nakasandal lang siya sa dingding na katabi ng pintuan. Habang ako, nakaupo sa mattress at kumakain. Kaya naman nang hilahin niya ang bukod-tanging upuan sa kuwarto ko, napaangat muli ako ng tingin para panuorin siyang umupo roon.

Lihim akong napangiti. Buti naman. Sinadya ko kasing hindi gamitin ang silya para may maupuan ang Senyorito.

I felt shy to be honest. For sure he's bored to put up with this stuffy room because nothing's interesting here.

Nothing aside from the... doodles I drew on the wall when I was still younger. Now, he's currently staring at it, as if he's figuring out what's the meaning of those trivial illustrations.

Kumibot ang pang-ilalim kong labi dahil sa kahihiyan.

"Uh... mga... hayop po iyan. Pangarap ko po kasing magkaron ng sariling alaga noong bata pa pero paniguradong hindi hahayaan ni Nana iyon. Kaya dati gumuhit na lang po ako sa pader para kausapin sila-"

Napatigil ako nang biglang ibaling sa akin ni Zaro ang kanyang atensiyon. Napatutop ako ng bibig. Masyado na ata akong maraming sinasabi.

"Go on."

Gusto kong pumikit. His low growl reverberated in the insides of the small room. My lips parted slightly, but I swallowed the lump in my throat as I continued.

"'Y-Yung pinakamataba si Buff, uh... baboy po siya. Wala akong pink crayon kaya pula ang nagamit ko sa kanya. Eggy naman po 'yung puting aso at Feline po 'yung name ng pusa. Doon po sa kulay blue sa malayo, dagat po iyon. Nasa loob non 'yung alaga kong whale, si Bayley..."

Hindi ko na namalayan ang ngiti habang abalang kinukwento ang musmos na libangan, binabalikan ang mga panahong aktibo pa sa pakikipag-usap sa imaginary pets ko.

Sa kabilang banda, marahang tango ang sukli ni Zaro pagkatapos ko siyang ipakilala roon.

"So, basically... you're a pet lover without actual pets."

It's not a question but I nodded lightly to verify it. Binagsak ko na lang ulit pabalik ang mga mata sa pagkain at pasimpleng sumubo roon.

Nanatili ang kanyang tingin sa dingding na puno ng drawing. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, walang pasintabi itong tumingin sa akin.

"You met Marga."

The food I just swallowed surfaced back to my throat, clogging the passage. Nabilaukan at naubo ako kaya dali-dali kong inabot ang tubig. Napatayo si Zaro. Balak sanang lumapit ngunit umiling ako at sinenyas na ayos lang.

"What's wrong?" he asked impatiently as he slowly rose from crouching.

"N-Nabulunan lang po. Walang lang 'to!"

His vigilant eyes fixated on me for a matter of seconds before yielding, heaving a deep sigh and nodding.

Nagtungo ulit siya sa upuan ngunit ngayo'y mas nilapit nang konti sa akin. Kuryoso akong napatanaw sa kanya pagkatapos punasan ang bibig ng malinis na labakara.

"Mar... ga?" puno ng pag-aalinlangan kong untag.

Tila naninimbang pa rin ang kanyang tingin. Nagtagal pa iyon ngunit sumagot din naman ilang sandali.

"Margarita. You met her... My horse."

Oh!

My mouth formed a little 'o' in subtle revelation.

So... the one his friends were talking about was... was his palomino. Bahagyang bumagsak ang aking mga balikat, gustong matawa dahil napabulaanan ang teorya ko. Kinailangan ko pang ikurap nang ilang beses ang mga mata para lang makabalik ulit sa katinuan.

You're being delirious, Lumi. You're crazy.

"Uh, tungkol saan pala ang kailangan nating pag-usapan, Senyorito?" I brought up, diverting the topic.

Nang nabanggit na ang tungkol doon, kung seryoso na ang hitsura ni Zaro. Ngayon, lumandas ang mapanganib na ekspresyon sa kanyang mukha. Bagay na sobrang pamilyar sa akin pero wala kaide-ideya kung bakit at paano.

"Are you really that desperate to interact with men?"

"Ano po?"

His adam's apple moved when he swallowed hard, massaging the center of his eyebrows. By that view, my heart pounded threefold.

"Ang ibig kong sabihin, kagabi... tumakas ka sa kwarto mo. Plus, you entertained Fablo's... underhanded tricks."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam na ganito pala kalubha ang ginawa ko kagabi. Nana and Senyorito looked very upset by that. I had it bad then.

I heard him scoff. "When will you ever listen, huh, Lumi? Ilang beses namin kailangang sabihin na lumayo ka sa mga lalaking 'yon?"

Binalikan ko ang mga paalala ni Nana. Hindi lang partikular sa mga lalaki ngunit kailangan ko pa ring mag-ingat sa lahat ng tao. Hindi lang sa mga lalaki... kundi sa lahat. Dahil mga ganid sila, mapanganib...

I took a glimpse of the man before me, possessing an air that screams authority, power, and resilience.

He looked dangerous, too. Very accurate to what Nana's been warning me about boys. But even inside this diminutive room alone with him, how come I couldn't sense any sign of harm? He seemed... innocuous.

I slightly lowered my head to the horror that my adoration of Zaro might possibly influence my image of him.

However, when he leaned forward from his seat and lifted my chin to follow my gaze, my faint heart melted more. And I'm starting to hate the idea that he has control of me more than I.

"Can't you understand the risks of your safety outside this room? Let alone the world outside the fences..."

He said it while still looking intently at my eyes, adamant to capture my attention and put a sense on me.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang naghuhuramentado ko bang puso o ang katotohanang si Zaro ang nasa harapan ko ngayon. Iyon ay kung hindi ako nananaginip.

"We need to do something about your curiosity and ignorance. I'm afraid they create a deadly combination."

Binitawan na niya ako bago tuluyang tumayo.

Ewan ko. Siguro'y nanuyo na talaga ang lalamunan dahil hindi na nakapagsalita pa. Parang mas nais ko na lang hagilapin ang turnilyong nakalas sa aking utak dahil pansamantala ata iyong pumalya.

"I'll teach you a lesson from time to time. Bukas tayo magsisimula," Senyorito said.

Without proper adieu, he opened the door and left. When everything latched onto me, I tossed myself to the bed and held my heart to calm down.

Parang bigla akong nagsisi. Dapat pala ay naglakas-loob akong magtanong para linawin iyon. Medyo malabo sa akin ang gustong mangyari ni Zaro.

Anong leksiyon naman kaya ang ituturo nito sa akin? Isa pa, may pasok na ito bukas dahil Lunes. Does it mean we'll meet after his class? I'll wait for him to come home?

Nasobrahan ata sa sarap ang tulog ko nang gabing iyon. Nagkaron pa ako ng panaginip na kasama ko raw si Zaro, nasa harap ko at nakangiti sa akin.

Iyon pa lang ngunit abot-langit na ang tuwang nadama ko pagkagising. Nasaan na kaya ang pangamba kong maaaring isa ito sa mga lalaking binalaan ako ni Nana? He's been reminding me of my safety the past few days as well so I think he should be out of the list then?

Tinitigan ko ang sarili sa harap ng tukador kung saan nakatapat sa akin ang salamin. Ginaya ko ang ngiti ko sa panaginip, iniisip na ang sariling repleksiyon ay si Zaro.

Wala ang mga contact lense. Isa na naman ito sa mga araw na pupuslit ako sa kuwarto nang sobrang aga. Sigurado akong wala pa masyadong gising sa mansiyon kaya hindi na ako nagsayang ng oras. Pumunta na agad ako sa dalampasigan.

Wearing my old renaissance chemise, I enjoyed the picturesque beauty of nature. Ngayong wala akong suot na kahit ano sa aking mga mata, I don't know if I was just exaggerating or everything really looked clearer and more majestic to me, as if the hues of surroundings and environment was more colorful and saturated. Hindi ko na napansin ang ngiti.

Habang unti-unting natatanaw ang nakalatag na dalampasigan sa hindi kalayuan, unti-unti ko na ring narinig ang malulutong na tuyong dahon sa kada hakbang. Hindi rin papahuli ang sariwang hangin na animo'y iniikutan ako't gustong makipaglaro.

"Wala ngayon si Senyor Danilo kasi nasa Maynila siya, e. Makakapasyal kaya ako nang mas matagal ngayon? Hmmm. Tingin mo?" kausap ko sa bagong pitas na morning glory.

Iba-ibang kulay ng bulaklak nito ang madadaanan patungo roon. Ngunit pinakanagustuhan ko ay ang kulay lila.

Tinanaw ko ang destinasyon habang nilalagay ang bulaklak sa likod ng tenga.

Ang totoo, halos sampung minuto rin ang lalakarin mula sa mansiyon patungong dalampasigan kung mabagal at dinadama ang bawat hakbang. Ngunit tuwing nasa bingit na ako ng pagkahuli, nagagawa kong tatlong minuto ang sampu!

I giggled to myself as I recalled some scenarios like that when eventually, I made a sudden halt.

I was already a few meters away from my usual spot when I caught a silhouette beneath the other tree.

Base sa anyo ay nasisiguro kong lalaki ito at pamilyar. At sa kaisipang wala akong suot na contact lense, bumuhos ang takot at kaba sa akin.

"Lumi?"

It's too late when I decided to run off. One of the twins, Jacob, already learned about my presence.

Shitting bricks, I was too stunned to even move. In my mind, I was hell-bent to hurry out of this place but I was very caught by surprise by that unforeseen event.

Kung hindi pa hahakbang si Jacob palapit sa akin ay baka tuluyan na akong nabato sa kinatatayuan. Ganoon na lang ang pintig ng puso nang dali-dali kong damputin ang magkabilang laylayan ng bestida. Mabilis akong tumalikod at tumakbo bago pa man mahuli ang lahat.

"Lumi, teka!"

I ran for a couple of minutes because of my eagerness to save myself from being caught. Hindi na naman matutuwa sa akin si Nana kung magkataon. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos at hindi ko masisikmura kapag dumagdag pa ito!

"M-May itatanong lang ako! Bakit ka nalayo, Lumi!"

Ilang sandali, hindi ko na namalayang naabutan na pala ako ni Jacob. Kabado akong pumikit. Iyon na ata ang pinakamariin kong pagpikit sa tanang buhay ko!

Ramdam ko ang paghawak niya sa aking braso ngunit mabilis lang iyon. Agad niya ring tinanggal na tila napaso.

"M-Masama ang... pakiramdam ko, Jacob. Baka... mahawa ka sa akin."

My voice was cracky because I was catching my breath. I sensed him near me more. I could also hear his puffs.

"Edi sana hindi ka na tumakbo nang ganon. P-Para kang nakakita ng multo pagkakita mo sa akin. May... problema ba?"

Sa mga sandaling iyon, purong kadiliman pa rin ang tanawin ko. Wala akong ideya kung nasaang parte na kami ng lupain ngunit nasisiguro kong malayo-layo na ito sa dalampasigan.

"Wala naman, Jacob. Takot lang talaga akong mahawa ka sa akin."

"Huh? Teka. Bakit ka nakapikit? Napuhing ka ba?"

"May sore eyes ako, e. Baka... mahawa ka rin."

Rinig ko ang buntong-hininga niya. "Pero bakit hindi maganda ang kutob ko rito? P-Posible bang... takot ka na rin sa'kin buhat ng nangyari?"

Nakapikit man, lalong dumiin ang mga talukap ko dahil sa pagkalito. Anong nais niyang ipakahulugan?

Saglit kong binalikan ang mga nangyari nitong nakaraang araw at kung hindi pa susulpot ang memoryang si Jacob ang isa sa mga naghatid ng inumin sa party ng Senyorito, hindi ko pa siguro makukuha ang punto niya.

Nagkita kami ng gabing 'yon. Nahuli niya akong nakikipagsiksikan sa mga taga-syudad!

Umiling ako. "Bakit naman ako matatakot sayo, Jacob? Alam ko namang hindi mo ako ilalaglag kay Nana. Hindi ko rin talaga alam kung paano ako nauwi sa sitwasyong 'yon pero nangako na'ko kay Nana na hindi ko na 'yon uulitin."

Nang ilang sandali pa ay hindi ito nagsalita, bahagya kong inangat ang ulo at ngumiti, nagbabaka-sakaling matanaw niya iyon.

"Tsaka, wala kang dapat ipag-alala, Jacob. Kahit minsan hindi tayo nagkakasundo, alam kong mabuting tao ka."

Katahimikan. Iyon ang sumagot sa akin bukod sa natural na tunog dala ng kalikasan.

Ilang segundo pa ang pinalagpas ko ngunit nang mag-iisang minuto na at wala pa ring nakukuhang tugon mula sa kaibigan, inangat ko na ang mga kamay upang kapain ang paligid.

"Jacob?" I called out, still groping for him.

The slight difference in the crispy sound of the leaves as I stepped on them indicated that I wasn't on the coast anymore. Hindi na buhangin ang natatapakan kundi matatabang lupa na.

"Jac-"

"Makakaalis ka na."

"Ha..." I trailed off, hands slowly falling on my sides.

It's not Jacob. The voice was too deep and strict. Very manly. My jaw sagged when I realized who it was.

I quickly peeked at him as horror crept up on me. Mabuti kay Jacob ito nakaharap at medyo nakatagilid sa akin. Samantalang si Jacob, tingin ko'y masyadong nasindak para pa mapansin ang aking pagmulat. Saka ko lang din natantong malapit kami sa kwadra.

Jacob bowed shortly before bidding his adieu to the man, forgetting to glance back at me.

Nagmadali na itong umalis kaya naman umamba na rin akong tatakas. Ngunit sa kasamaang palad, humarap na si Zaro sa akin. Napapikit ulit ako.

"Not you."

Yumuko ako at napakagat nang mariin sa labi. "M-Magandang umaga, Senyorito..."

Sa kabila ng kagustuhang tunghayan ito, alam kong hindi ko magagawa dahil hindi suot ang dapat ay mga maskara.

"Anong ginagawa mo rito nang gantong oras? Sinabi kong malilintikan ka sa'kin kapag na nalaman kong..." For some reason, he paused. "Anong ginagawa mo?"

Hindi na nito natuloy ang dapat sana'y sermon sa akin. Napalitan iyon ng pagtataka. Bukod kasi sa pagpikit ay tinabunan ko na rin ng dalawang kamay ang mukha. Hindi ko alam kung tatalab ba ang ginawa kong alibi kanina pero...

"May sore eyes po ako, Senyorito. Hindi ninyo po gugustuhing... mahawa." Bahagya akong napayuko, nahiya sa walang saysay na dahilan. "Pasensiya na po."

Out of a sudden, the low growl in his lazy chuckle sent shivers to my spine. A hot flush crept out from my collar to cover my face.

I must admit. Even though his laugh was made of sarcasm, hearing it was still a dream come true for me.

Small things... I'm beyond happy even with these small things.

"You're stepping on my ego." I could even hear his amused smirk. "Sore eyes, huh? Baka pa mas paniwalaan ko kung sinabi mong ayaw mo na akong makita."

"H-Hindi ko po kayo ayaw makita!" depensa ko, nalito na rin sa sariling argumento.

"Sige nga. Imulat mo 'yan, tignan mo ako..." he gently challenged.

"Hindi po pwede."

"Bakit hindi?"

"Bawal..."

I knew I was losing my senses. Even my arguments were nonsense. Nahuhumaling man sa hiling ng Senyorito, mas pursigido akong itago ang katotohanan sa likod ng mga matang 'to.

Mayaman man at alam kong mas higit pa ang salapi nito kaysa sa halaga ng mga mata sakaling ipagbili niya, may iba pang salik na pinanghuhugutan ang takot ko na malaman niya ang kulay ng mga mata ko. He might... despise me. He might be disgusted.

Naghari ang saglit na katahimikan sa pagitan namin. Gayunpaman, napakabanayad ng tunog ng mabibining lagaslas ng mga dahon tuwing umiihip ang pang-umangang hangin.

Ganito sa probinsiya. Wala man masyadong nagtataasang gusali at teknolohiya tulad ng nakikita kong madalas sa mga magasin, para sa akin ay marami pa ring pwedeng pagkaabalan dito. At tiyak kong hinding-hindi ako magsasawa sa lalawigan ng Castel.

"Gusto mo na bang bumalik?" Zaro asked after a moment of peaceful silence.

Naibaba ko na ang mga kamay. Tumango ako at bumuntong-hininga.

"Opo."

"Mauna ka na. Hindi ako titingin."

Isang mainit na palad ang humaplos sa puso ko.

"Salamat po, Senyorto. Pasensiya na po sa abala."

"That's not a problem. I was about to go to the stable to check upon Margarita so do what you need to do first... I'll be waiting at the gazebo."

"H-Huh?" lito kong sambit.

Mula sa pagkakayuko ay napaangat ako ng ulo kaya muli kong naipikit ang mga mata.

He sighed. "Remember what I told you last night?"

"Pero Lunes at may pasok po kayo ngayon."

"Lumiban ako pansamantala."

"P-Po? Hindi niyo po dapat ginawa 'yon," tikhim ko.

"Sige nga. Bakit hindi po dapat, Senyorita?"

Bahagyang umusbong ang nguso ko. "Mahalaga ang... bawat araw sa eskuwela..."

O baka sa akin lang mahalaga? Dahil kailanman, hindi ako nakapag-aral. Kaya para sa akin ay importante iyon.

"Talaga," Zaro surprisingly approved. "Ngayon pa naman ang klase namin sa magandang prof..."

Lalo akong napayuko. "Mauuna na po ako."

Hindi na ako naghintay ng permiso at ganoon na lang kabilis ang bawat hakbang maisalba lang ang sarili roon.

Wala pa man ay hinihingal na ako. Napahawak ako sa dibdib nang tila may nabibiyak doon. Parang nagkatotoo ang sinabi kong masama ang pakiramdam at hindi ko alam kung bakit.

O siguro alam ko talaga. Ayoko lang aminin sa sarili.

"Lumi!"

I flinched when I heard him call my name in a distance. He's not following me. I'm certain of that so in the end, I sighed and stopped in my tracks to listen, eyes fixated on afar.

"We're not busy today so an absence is fine."

Palaisipan sa akin kung bakit niya ito sinasabi ngunit kahit papaano, nakampante ang loob ko.

"Totoong maganda 'yong prof pero matanda nang ilang taon," mas marahan pa niyang dagdag. "At hindi ko hilig ang mas matanda, Lumi."

Naestatwa ako. My breathing hitched in a heartbeat as my hopes for my dream heightened.

Never in my wildest dreams have I ever thought of being grateful for my age. Never. Just now.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status