Share

CHAPTER 2

"Matthea! bilisan mo naman diyan ilang damit pa ba ang susukatin mo? e lahat naman iyan bagay sa'yo akala ko ba may tiwala ka sa'kin pagdating sa taste ng mga damit." reklamo niya sa kaibigan niya na lagpas isang oras na sa fitting room.

"Teka lang naman ito na nga binibilisan na, ano ba't nagmamadali ka?"

"Diyos ko naman mag-dadalawang oras kana diyan girl tapos tatanungin mo ako bakit ako nagmamadali e alam mo naman pupunta pa ako sa farm."

Kaya minsan ayaw niya talaga samahan ang mga kaibigan niya sa mga ganitong bagay kasi halos abutin sila ng isang buong araw tapos tig iisang damit lang ang bibilhin, bawat minuto kasi sa kaniya ay mahalaga kaya ayaw niyang nasasayang ang araw niya. At dahil may kaibigan siyang may balat sa pwet hindi mapirmi sa iisang lugar lang gusto laging may ginagawa. Pero ang problema gusto naman puro shopping inaatupag. Sabagay nakasanayan naman nila iyan noon pa. Siya lang ang naiiba kasi simula noong grumaduate siya ay hindi na niya nagagawang mag-shopping every week dahil hindi na siya umaasa sa pera ng magulang niya.

Binibigyan pa din naman siya ngayon kaso nilalagay na niya iyon sa savings. Ayaw niya na may maisumbat sa kaniya ang pamilya niya pagdating ng panahon. Hindi tulad ng Kuya niya waldas kung waldas.

So ayun after ilang oras natapos na din si Matthea sa pamimili ng damit. Lahat naman kasi ng pinili niya para sa kaibigan ay bagay dito. Kaso iisang lang talaga ang bibilhin. Kaya ang tagal maka-decide kung alin ang pipiliin.

"Salamat naman at natapos ka din sa wakas. Akala ko ay aabutin pa tayo ng hapon dito."

"Halika na nga libre na lang kita ng lunch alam ko gutom kana kahihintay sa'kin."

"Mabuti naman at naisip mo iyan kanina pa talaga ako gutom tiniis ko lang kung hindi lang talaga kita kaibigan kanina pa kita iniwan dito no? sino ba kasing baliw ang hahayaang magutom para lang hintayin ang kaibigan niya, edi ako lang diba?"

Natawa si Matthea sa sinabi niya.

Dinala siya ni Matthea sa paborito nilang restaurant sa loob ng mall. Korean Restaurant iyon, mahilig kasi si Autheia sa Korean food. Minsan na lang din siya nakakain sa ganoong restaurant kasi nga nagtitipid siya para pandagdag sa pinaplano niyang negosyo.

Pagkatapos nilang mag-mall dumiretso na si Autheia sa farm ng Daddy niya. Pagdating niya doon hindi niya inaasahan na madadatnan niya ang kuya niya. Hindi naman kasi ito bumibisita talaga sa farm nila.

Kunot-noo niyang sinalubong ang nakakatandang kapatid. "Kuya? anong ginagawa mo dito?"

"Tumawag kasi si Daddy sa'kin may papeles raw siyang binigay sa'yo. Kaya ako pumunta dito."

Tingin niya iyong last will and testament na hinabilin ng Daddy niya ang tinutukoy ng Kuya niya.

"Nandoon sa opisina ni Daddy iyon, halika pumasok ka muna kuya."

Nagpahanda naman siya ng meryenda nilang dalawa ng kapatid niya.

Pagpasok nila sa opisina ng Daddy niya ay agad niyang ibinigay ang papeles. Seryoso iyong binasa ng kapatid niya.  Batid niyang hindi sang-ayon ang Kuya niya kung ano man ang nakasaad sa dokumentong hawak neto. Mahahalata sa mukha neto ang pagkadismaya.

"Seryoso ba si Daddy sa pinagsasabi niya dito? Ano 'to? bakit kailangan may ganito na siya? hindi pa naman siguro siya mamamatay bakit naglabas agad siya ng last will and testament."

"Kuya huwag ako ang tanungin mo kasi ilang araw ng sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ang dahilan ni Daddy para diyan, Imagine kailangan muna natin siya bigyan ng apo. Anong akala niya sa paggawa ng bata parang tanim lang kapag nilagay mo tutubo agad.Diyos ko! wala nga akong jowa tapos gusto niya apo agad."

"Oh bakit ka ganiyan makatingin sa'kin lalo naman ako. Wala pa sa isip ko pumasok sa isang obligasyon no?"

"Naku! kuya kailangan mo ng baguhin ang takbo ng isip mo? bigyan mo si Daddy ng apo, aba! anong plano mo sa buhay happy-happy lang?"

"Bahala si Daddy wala pa sa isip ko ang ganiyang bagay."

"Ikaw din wala kang mamanahin. Wala ka pang trabaho saan ka pupulutin niyan kapag wala na talaga?" ibig niyang sabihin kung wala na ang parents nila saan na pupulutin ang Kuya niya.

Wala naman problema sa kaniya may savings naman siya at lahat ng binibigay sa kaniya ng parents niya hindi niya ginagastos. Kaya naman niya supportahan ang kapatid niya kung sakali. Ayaw din naman niyang mag-asawa lang para mabigyan ng apo ang Daddy niya pero anong gagawin niya? talagang wala pa sa isip niya ang ganoon.

Iniisip pa nga niya paano sisimulan ang negosyo niya. Dadagdag pa sa iisipin niya ang hiling sa kanila ng Daddy niya. Hindi naman siya nababahala kung may matanggap siyang mana o wala. Iniisip niya kasi ang mangyayare sa hinaharap. Alam naman niyang sa kanila lang mapupunta ang yaman ng pamilya nila. Kung sakaling hindi nila iyon mabigay sa Daddy nila ano na lang ang mangyayare.

Hindi sa nagdadamot siya pero pinaghirapan ng magulang niya ang perang iyon para sa kinabukasan nila.

Aaminin niyang tumatanda na talaga ang magulang niya. Sa tansiya niya ay malapit ng magretiro ang Daddy niya. Kaya siguro nagpagawa agad ito ng Last will. Hindi lang talaga niya inaasahan na ganito kaaga.

Umuwi na naman siyang may dalang problema na iniisip.

Paghiga niya sa kama at tumunog ang cellphone niya. Text message iyon galing kay Qiana

From: Qiana

, bess punta ka sa kasal ng pinsan ko ah sinabihan kana ba ni Matty? kung wala pa invited tayo ah. Kilala na din naman kayo ng pinsan ko saka don't worry alam na niya na invited kayo. Sa friday na iyong kasal. huwag kang malalate ah. Sabay na lang kayo ni Matty. See yahh! love²

Iyan ang sinabi sa kaniya sa text. Napaisip siya bakit parang excited naman sila masyado. Hindi naman sila ang ikakasal. Sigurado din siyang manunukso na naman ang mga kaibigan niya. E kasi naman hanggang ngayon ayaw pa din niya magkaroon ng jowa kahit madami namang nanliligaw sa kaniya talagang ayaw niya.

Hangga't hindi niya natutupad ang pangarap niyang negosyo ay ayaw niya munang magkaroon ng jowa. Nakuha niya ang ganoong ugali sa mga magulang niya. Kwento kasi noon ng Daddy niya hindi raw ito sinagot ng Mommy niya hangga't wala pa silang trabaho pareho kaya ayon kahit mayaman na ang pamilya ng Daddy  niya ay nagpursige itong magtrabaho para lang makuha ang matamis na oo ng Mommy niya. Namana niya sa Mommy niya na huwag umasa sa magulang kapag kaya ng tumayo sa sariling mga paa. Hindi nga niya maintindihan bakit naiiba ang ugali ng kuya niya wala man lang nakuhang ugalinsa mga magulang nila. Kabaliktaran tuloy ang nangyari puro pagwawaldas ang ginagawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status