Share

CHAPTER 3

Nagising si Theia sa tunog ng cellphone niya. Pilit niyang binubuka ang mata niya na antok na antok pa. Hindi na niya nagawang tingnan kung sino ang tumawag basta na lang niyang sinagot ang cellphone.

"Hello sino 'to?"

"Hello Autheia anak si Nanay Mercy mo ito, pasensya kana at maaga akong napatawag, uuwi kasi ako sa probinsya may emergency sa bahay. Maari ka bang umuwi muna walang makakasama si Austin e."

"Sige ho Nay antayin niyo na lang ho ako diyan saka na kayo umalis. Maliligo lang muna ako."

Pagkatapos nila mag-usap ay walang nagawa si Autheia kundi ang piliting ibangon ang sarili kahit antok na antok pa siya. Alas singko pa lang iyon ng umaga. Alas nwebe pa ang pasok niya at Alas syete naman ang pasok ng kapatid niya kaya may oras pa siya para ihatid ito.

Pagdating niya sa Mansion nila ay nakahanda na ang almusal. Gan'on talaga ang Nanay Mercy niya kapag uuwi siya ay ang daming pagkain ang hinahanda kahit tatlo lang silang kakain.

"Nay, anong oras ho ba ang alis niyo?" tanong niya sa matanda.

"Mamayang alas otso siguro nak, mag-aayos pa kasi ako dito. Kase papasok pa si Austin."

"Ako na ang bahala dito nay, baka kailangan na kayo ng pamilya niyo. Ito po pala pera para po may extra kayo baka kakailanganin niyo din." sabay abot niya sa pera.

"Salamat dito nak ah, o siya at mag-aayos muna ako ng gamit ko."

"Sige ho nay,"

"Austin bilisan mo na kumain ako na maghahatid sayo sa school."

"Ate, kailan uuwi sila Daddy?"

"Hindi ko pa alam hindi kasi sila tumawag."

Daddy's boy kasi ang kapatid niya. Nami-miss na siguro neto mga bonding nila. Mag-iisang buwan na din simula nang magbakasyon ang magulang nila at minsan lang ito tumawag at mangumusta sa kaniya.

"Hayaan mo kapag tumawag sila ulit itatanong ko sa kanila kailan sila uuwi."

Matapos nilang kumain, hinatid na niya kapatid niya sa skwela. Umuwi muna siya sa apartment niya para .magbihis saka papasok sa office.

--

"Autheia, ang aga mo yata?" tanong ni Ria isa sa mga kasamahan niya.

"Hinatid ko kase kapatid ko umuwi kasi si yaya sa probinsya. Kaya napaaga ako ngayon."

"Nga pala, nga pala available ka ba sa saturday? Birthday ko kase iinvite sana kita?"

"Naku! Ria pasensya kana may pupuntahan kase ako sa sabado e nakapangako na kase ako. Hayaan mo sa linggo treat kita okay ba?"

"Sure, sige promise iyan ah,"

Tumango lang ako. "balik na ako sa pwesto ko."

Kasundo ni Theia lahat ng katrabaho niya. Madali niya nakasundo ang mga ito medyo kalog din kase mga kasama niya kaya nae-enjoy niya. Nalulungkot nga siya kapag iniisip niya na iiwan na niya ang trabaho niya. Syempre maiiwan din ang mga kaibigan niya rito. Pero hindi naman kase habang buhay maging empleyado lang siya. Gusto niya iyong may maipagmamalaki naman siya sa magulang niya. Iyong may na-achieve siya sa buhay bukod sa pagtatapos niya ng pag-aaral.

-

Sumapit ang sabado, alas syete pa lang ay tinawagan na siya ni Matthea.

"Ano ba Matthea ang aga pa! ba't ba mas excited ka pa sa ikakasal. Hindi pa nga ako nakapag-hilamos e."

"Girl, ano ka ba alas nwebe ang kasal hello! bilisan mo na diyan at papunta na ako. Okay?"

Saka siya binabaan ng telepono.

Sa dami niyang tinapos na trabaho kahapon pagod na pagod pa ang katawan ni Autheia. Hinabol niya kase ibang gagawin niya dahil balak sana niyang mag-leave. Uuwi na kasi ang magulang niya next week at balak neto na mag-outing silang magpamilya. Pero dahil may kaibigan siyang hindi alam ang pagod niya. Kaya nambubulabog sa umaga, kung hindi lang talaga siya nakapangako kay Qiana hindi talaga siya pupunta. Syempre ayaw din niya magtampo ang kaibigan kaya Go! kahit pagod Go pa rin!.

Halos hindi na magkada-ugaga si Theia sa pagmamadali niya hindi nga niya alam kung tama na ba ang nilagay niyang make-up sa mukha niya kahit kaharap niya lang naman ang sarili sa salamin.

"Ba't ba kasi kailangan kong magmadali e pwede naman ma-late hindi naman kami kasama sa entourage para magmadali ng ganito." pagmamaktol niya sa sarili.

Maya maya pa ay narinig niyang may pumasok, sigurado siyang si Matthea na iyon hindi niya kasi ni-lock ang pinto kasi alam niyang basta na lang iyon papasok kapag hindi naka-lock ang pinto.

"Girl, ano? tapos kana? tara na!"

"Teka lang ano ba? hindi pa nga. Ano ba't nagmamadali ka hindi naman tayo kasali sa entourage. Hello? bisita lang tayo kaya okay lang ma-late."

"Syempre gusto ko makita sino ang bride ng pinsan ni Qiana. Baka mas maganda ka pa doon nako! magsisisi ka talaga girl tinanggihan mo iyon dati."

Gusto niya talaga kutusan si Matthea kahit kailan talaga walang matinong ginawa.

"Kahit maganda pa ako sa kaniya anong magagawa ko e sa ayaw ko muna mag-jowa saka na kapag natupad ko na pangarap ko."

"Nako! girl hindi kana bata no? tumatanda kana kaya kailangan mo ng maghanap ng jowa ikaw din tatanda kang dalaga niyan."

Naalala na naman niya ang nakasulat sa Last Will and Testament ng Daddy niya. Hindi naman niya habol ang mana pero paano niya nga kaya mabibigyan ng apo ang Daddy niya kung pati jowa ay wala siya lalo na ang Kuya niya na wala din balak. Hanggang ngayon ay iyon pa din ang nagpapasakit ng ulo niya.

"Ah basta hindi ako nagmamadali sa ganiyang bagay. Tara na nga!"

Mabuti na lang talaga may dalang sasakyan si Matthea hindi niya kase bet magdrive lalo na ang magdala ng sasakyan.

Nang makarating sila sa simbahan kakarating lang din ni Qiana, nilapitan agad sila ng kaibigan.

"Mabuti at makarating kayo mauna na kayo sa loob pupuntahan ko muna ang pamilya ko." tumango lang sila ni Matthea.

Halos trenta minutos na din silang nakaupo pero hindi pa rin nagsisimula ang kasal.

"Alas otso pasado na ah, bakit wala pa rin ang bride?" biglang tanong ni Matthea.

"Hindi ko nga alam teka babalikan ko muna si Tita." aniya ni Qiana.

Hindi na alam ng mga tao ang gagawin naiinip na din sila iyong iba kasi sobrang aga pa ay nasa simbahan na.

Maya maya pa ay bumalik si Qiana sa pwesto nila. Nagmamadali at parang problemado.

"Anong nangyare Qian?" tanong niya.

"Hindi na sisipot ang bride, walang-hiyang babaeng iyon. Matapos ng lahat ito igaganti niya sa pinsan ko."

Galit na galit si Qiana halos hindi na maintindihan mga pinagsasabi.

"Anong gagawin ng pinsan mo,?"

"Gaga ka ba Matthea malamang uuwi na tayo kasi wala ng kasal na magaganap."

Maya maya pa ay biglang nagkagulo sa simbahan. May biglang sumigaw, agad na nagmadali si Qiana na lapitan ang pamilya niya. Iyon pala nahimatay ang Tita niya ang Mommy ng groom. Hindi siguro neto matanggap na iniwan ang anak niya. Nahihiya raw ito sa mga bisita nila dahil wala ng kasal na magaganap.

Masakit din para sa isang Ina na makita ang anak mo na mapahiya sa ibang tao dahil walang kasal na magaganap. Ano pa ang mukhang maihaharap nila sa lahat. Sa dami ng bisita nila na dumalo, malamang sa malamang pag-uusapan sila dahil sa nangayaring kahihiyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status