Share

CHAPTER 4

"Teka lang Matthy, naiihi ako punta muna akong restroom." paalam niya kay Matthea.

Habang naglalakad siya papuntang restroom naisip niya bigla bakit kaya hindi sumipot ang bride. Akala niya sa teleserye lang nangyayare ang gan'on iyong hindi sisiputin ng bride ang groom dahil ayaw talaga neto magpakasal o hindi naman kaya napilitan lang kaya hindi sumipot. Pero sa setwasyon ng pinsan ni Qiana hindi nila alam kung bakit hindi sumipot ang bride. Sayang ang ganda pa man din ng set up at halatang ginastusan at pinaghandaan talaga ng mabuti para sa araw na ito.

Palabas na siya ng simbahan ng makasalubong ang isang gwapong lalaki, kung hindi siya nagkakamali ay ito ang pinsan ni Qiana. Bigla siyang nagtago para hindi makita. Nahihiya siya hindi niya alam bakit. Sa tagal kasi ng panahon na hindi niya ito nakita. Totoo nga ang sabi sa kaniya ng mga kaibigan. Sobrang gwapo neto at mukhang mas muputi pa lalo.

Halata sa mukha neto ang galit at pagka-dismaya. Ikaw ba naman ang hindi siputin sa araw ng kasal mo hindi ka ba magagalit.

Nang makaalis na ito ay saka pa siya lumabas. Nagmadali naman siyang bumalik sa loob baka maiwan siya ni Matthea.

"Ba't ang tagal mo?"

"Sorry naman no? ang hirap kaya magbanyo ng ganito ang suot."

"Bakit naman kasi iyan ang suot mo, nagmukha ka pang sasali sa entourage."

"Ikaw naman kasi minamadali mo'ko ang hirap tuloy mamili ng isusuot kaya ito na lang."

"O siya tara na, nagsiuwian na ang ibang bisita. Sa bahay na lang tayo mag-usap awkward naman kasi dito."

Umuwi na rin sila dahil walang kasal na naganap. Nalulungkot naman siya para sa kaibigan nilang si Qiana. Syempre excited pa naman iyon kasi sobrang saya niya na ikakasal na ang pinsan niya.  Pero ganito pa ang nangyare. Kitang-kita niya paano nagalit at nainis si Qiana sa ginawa ng bride.

Kinabukasan, tahimik lang siyang pumasok sa trabaho hindi pa din mawala sa isip niya ang nangyare sa kasal ng pinsan ni Qiana.

Maya maya pa ay nakatanggap siya ng tawag.

"Theia, uuwi na sila Mommy bukas. Nakapag- leave ka na ba? dederetso na daw tayo bukas. Sa palawan daw tayo pupunta sabi ni Mommy."

"Oo tapos na noong isang araw pa. Tatapusin ko na lang mga maiiwan ko na trabaho dito para konti na lang ang gagawin ko pagbalik ko."

Matapos nila mag-usap ng kuya niya, dali-dali niyang tinapos ang mga gagawin.

Dahil maaga niyang natapos ang trabaho niya. Nagpaalam na agad siya para makapag-handa pa siya sa mga dadalhin niya. Susunduin din niya ang kapatid niya sa school isang buwan kasi ang bakasyon ng yaya nila kaya siya muna nag-alaga sa kapatid niya. Sakto naman na magbabasyon sila. Ipagpapaalam din niya ang kapatid niya sa school para makahabol pa ito pagbalik nila galing sa bakasyon.

May tiwala naman siya sa kapatid niya bukod sa matalino ito, honor student din ito. Masipag mag-aral at hindi sila binibigyan ng sakit ng ulo.

Pagdating niya sa bahay nila, sinubukan niyang tawagan si Qiana para kumustahin. Pero hindi ito sumasagot. Kaya si Matthea na lang ang tinawagan niya.

Mabuti at sumagot ito.

"Matthy, kumusta? nakausap mo na ba si Qiana? hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko."

"Naku! lalo na ako hindi nga sinasagot mga text at tawag ko e. Nag-aalala na ako."

"Gusto ko nga sana puntahan kaso uuwi na sila Mommy bukas at magbabakasyon kami. Pwede bang ikaw na lang pumunta?"

"Sige, pwede naman daanan ko na lang siya sa work niya bukas kasi may pinapabigay din kasi iyong kaibigan ng pinsan niya na ka-officemate ko. Nabalitaan niya kasi nangyare."

"Salamat Matthy, balitaan mo nalang ako ah."

Pagkatapos nila mag-usap ay umuwi muna siya sa apartment niya para kumuha ng ilang gamit. Hindi niya kasi pwede iwan ang kapatid niya mag-isa. Para sabay-sabay na din sila bukas.

Excited naman ang kapatid niya lalo na't namimiss neto ang mga magulang nila. Hindi kasi talaga sanay ang kapatid niya na matagal nawawala ang Mommy at Daddy nila. Syempre bunso, spoiled sa magulang.

Mabuti na din at makakapag-bakasyon siya, matagal na din kasi mula noong huli silang magbakasyon mag-pamilya. Abala palagi ang parents nila sa trabaho at ang bunsong kapatid lang nila ang laging sinasama sa mga lakad. Simula nang bumukod siya ay hindi na sila halos nagbo-bonding magpamilya. Lalo na ang kuya niya hindi talaga mapermi sa iisang lugar. Wala nga itong trabaho at lagi na lang umaasa sa pera ng magulang nila.

Napapaisip tuloy si Autheia na baka siguro dahil inaalala ng magulang nila ang kinabukasan nilang magkapatid kaya napaaga ang paggawa ng last will ng Daddy nila. Pero hindi pa din matahimik ang puso at utak niya kakaisip hangga't hindi naririnig mismo sa bibig ng magulang nila ang dahilan. Nape-pressure siya gawin ang nakasaad na hiling ng Daddy niya. Kahit kailan ay wala siyang sinuway na utos ng magulang. Parang ngayon pa lang niya hindi mapagbibigyan ang magulang niya sa gusto neto.

Wala nga siyang jowa gusto naman ng magulang niya ng apo. Paano niya mabibigay iyon.

''Ate okay ka lang ba?''

Napalingon siya ng biglang sumulpot si Austin sa likod niya.

''Bakit gising ka pa?''

''Hindi ako makatulog ate.''

'Halika na tatabihan na lang kita sa pagtulog. Kailangan mo na matulog kasi maaga pa tayo bukas. Susunduin pa natin sila Mommy sa airport.''

Nasanay kasi si Austin na tinatabihan ng yaya nila. Lalo na kapag nagpupuyat ito sa pag-aaral. Binabantayan si Austin kasi bawal ito magpuyat masyado lalo na kung may pasok kinabukasan. Bilin din ito ng mga magulang nila.

Kaya noong umuwi ang yaya nila sa probinsya hinabilin din kay Theia na bawal magpuyat si Austin. Hindi rin niya palaging kasama ang kapatid niya kaya kung may oras siya na kasama ito nilulubos talaga ni Theia. Ayaw naman niya na magtampo ang kapatid niya sa kaniya, simula noong bumukod siya ay lagi ng sinasabi ng kapatid niya na dalawin ito sa bahay nila. Nabo-bored kasi ito lalo na't ang yaya lang neto ang kasama lagi. Hindi rin naman laging nakikita ni Austin ang parents nila dahil late na ito umuuwi at hindi na rin naabutan ni Austin ang magulang sa umaga dahil maaga ang pasok niya sa skwela. Minsan naaawa din siya sa kapatid niya pero anong magagawa niya may mga pangarap din siya at kapag nasa puder pa din siya ng magulang niya hindi din neto mapigilan na bigyan siya lagi ng allowance at ayaw na niya ng gan'on. Ayaw na ayaw na niya umasa sa pera ng magulang niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status