Share

Momentary Lapse

“What can I do for you…. Brother-in-law?” Muntik na niyang maidugtong ang salitang ‘darling’. Simula kasi nang magpalitan sila ni Caren bilang kasintahan ni Damien Herrerra ay ‘darling’ na ang palayaw ng magkasintahan.

Ang malapad na balikat nito habang nakasuot ng three-piece Armani suit ang una niyang napansin. Pababa ang kanyang paningin sa maugat na brasong litaw na litaw dahil nakatupi hanggang siko ang business suit nito. Ang sapatos nitong gawa sa balat ng buwaya ay napakakintab sa kanyang paningin, sa sobrang kintab ay hinuha ni Karen ay kahit sa dilim ay iilaw ito.

Nanatiling nasa baba nakapako ang tingin ni Karen sapagkat alam niyang kapag itataas niya ang kanyang titig ay mawawala na naman sa huwesyo ang kanyang isipan. Ito ang numero unong dahilan kung bakit sa una pa lamang ay si Caren ang pinakamainam na magiging asawa ni Damien, dahil ayaw ni Karen na mauwi sa wala ang ilang taong pinaghirapan nilang magkapatid.

“Saan ka ba nakatingin? Hanggang ngayon pa rin ba ay ayaw mo akong tingnan? Is my existence that loathsome to you, huh, sister-in-law?”

Napaatras mula sa kanyang kinauupuan si Karen nang itukod ni Damien ang mga kamay nito sa mesa at inilapit nito ang mukha sa nakayuko niyang ulo. Ramdam na ramdam ng kanyang mukha ang mabangong hininga ng lalaki kaya awtomatikong napatigil si Karen sa paghinga, ang kanyang mga mata ay nakatingin lamang sa dibdib nito na para bang may panata siyang huwag tumingin sa kulay asul nitong mga mata.

Karen cleared her throat as she stood up away from her table, away from his smirking face. Gone was her resolve not to look at his eyes when she already found herself fixated onto his smirking face.

“What do you want?” Nakapameywang na tanong ni Karen. Kahit namumula ang mga pisngi ay mataray pa rin ang kanyang boses habang nakataas ang dalawa niyang mga kilay na tila naghahamon siya ng away. “Sinabihan ko na si Caren na bukas ng umaga na lang tayo magkita-kita tatlo, bakit ka nandito? Last time I checked, you are not a doctor here anymore.”

“Which is good for you as it seems. Kung nandito ako nang pumili sila ng professor candidates, for sure you are not the one using this office.”

Karen scoffed in disbelief.

Nanglalaki rin ang mga mata ni Karen habang tila nag-uusok ang ilong niya kaya napangisi na nang tuluyan ang lalaki, para bang aliw na aliw ito sa nasasaksihan.

His chiseled jaws and cheekbones were long forgotten along with this bushy brows and lush lashes that surrounded his deep blue eyes which reminded her of the ocean. His day-old whiskers and his toned chest peeking through his half-open buttons, all of it were thrown at the back of her mind as she seethed.

“Excuse me? Pumunta ka ba rito upang maghamon ng away? Dahil kung oo, may kickboxing gym three blocks from the hospital.”

Parang hindi naganap ang nangyari kanina na siyang ikinailing ni Damien dahil sa loob ng ilang taong pagkakakila ni Damien kay Karen, sanay na siya sa sala sa init at sala sa lamig na ugali ng kakambal ng babaeng mahal niya.

Nang maalala ang nakangiting mukha ni Caren nang siya ay lumuhod dito, napailing na lamang si Damien at umayos nang tayo. Kinuha niya ang champagne glass na may kalahating laman pa ng wine. “Hindi ka na talaga mabiro, sister-in-law. Para ka namang iba e halos magkasabay na tayong lumaki. Of course, I know damn well how deserving you are.” Pumwesto sa likod ng swivel chair ni Karen si Damien at nakangiting tinapik ang upuan. “Why don’t you sit down nang maipakita ko sa’yo ang itinurong massage ni Caren sa akin. I bet you that your tensed shoulders will relax, trust me.”

Napatigil si Karen nang ilang segundo. Alam na alam niya ang massage na tinutukoy nito sapagkat siya mismo ang humihilot dito tuwing ginagabi ito ng uwi pero nag-aaya pa rin ito ng date.

But she did it as Caren, not Karen.

Kahit may bikig sa lalamunan ay umingos si Karen at tumingin sa ibang direksyon. “No, thank you. Baka balian mo pa ako ng leeg.” Ayaw niyang makita nito na nanginginig ang kanyang mga talukap.

Subalit ang kanyang pansamantalang pag-iwas ay agad ding naputol nang bigla siya nitong hinapit sa magkabilang pisngi, dahilan upang mapatitig siya nang malapitan sa kulay asul na mga mata nito.

A knot lodged deep between his perfectly carved brows as if he was furious. “Never have I ever considered hurting you, Karen.” Mahigpit subalit hindi masakit ang pagkakawak ng malalaking mga kamay nito sa kanyang pisngi. “Never.”

Tila nahihipnotismong nagtanong si Karen. “Why?” Ang kanyang boses ay pabulong ngunit dinig na dinig ito ni Damien na gahibla na lamang ang layo mula sa kanyang mukha.

Dumagundong ang kanyang dibdib at nanuyo ang kanyang lalamunan habang nakatitig sa lalaking sentro ng paghihiganti. Damang-dama ni Karen ang pawis na tumulo sa kanyang leeg.

Everything around her heightened and it was in this defeaning silence that he answered in a deep somber voice.

“Dahil kapatid ka ng babaeng mahal ko. At… At kapag kasal na kami ni Caren ay magiging kapatid na rin kita, Karen.” Tila napapasong binitawan siya nito kung kaya’y muntik nang matumba ang nakatangang si Karen.

And dagundong ng kanyang dibdib ay nauwi sa paninikip at paninigas ng kanyang bagang.

‘Please, tears, don’t fucking fall in front of him or I swear I will gauge my eyes out.’ Karen begged in her mind as she curled the corners of her lips into one sweet smile. ‘I mean, isn’t this the one I am hoping for?’

“Awww… Ang bait naman ng bago kong kapatid. Worry not, brother dearest, plus points ka na sa akin. No need to be some goody two shoes in front of me. Motherfucker, kalibutan ka nga!” Karen clicked her tongue as she wriggled her brows with a huge wide grin, so huge that she feared that he could tell it was all foax. “At saka –”

“Dr. Perez?” Biglang may gumuhong ulo ng nurse sa pinto kaya naputol ang gustong sabihin ni Karen na nakalimutan din naman niya agad.

Kung kanina ay pilit ang ngisi ni Karen, pagkadating ng nurse ay muntik na siyang mapatalon sa tuwa. “Oras na ba?”

Kasing bilis ng kidlat ang liksi ni Karen nang tinahak niya ang direksyon papuntang pinto upang pagbuksan ang nurse.

“Mukhang nakakadisturbo na ako sa’yo, Dr. Perez.” Balik sa pagiging propesyonal si Damien dahil may ibang taong nanunood sa kanila. Nang dadaan na sana si Damien sa harap ni Karen ay humarap ito sa huli, hindi alintana ang isang pares ng mga mata na nanunood. “Don’t forget your breakfast with Caren and me. That’s why I am here. Baka kasi tumakas ka na naman.”

He was looking down at her with such a gentle expression. Kaya mas nilakihan pa ni Karen ang pagkakabukas ng pintuan na hawak niya. “I’ll be there.”

EIGHT A.M. IN THE MORNING. Ang akala niya pagkasapit ng oras na ito ay ang tanging gagawin na lamang niya ay ang pag-ngiti sa kakambal niya at sa future brother-in-law niya habang naglalambingan ang mga ito subalit malayo rito ang katotohanan.

Ang mainit na kulay pulang tintang tumatagos sa pagitan ng kanyang mga daliri at ang nakabibinging pagdagundong ng puso ni Karen habang inilalagay na ni Karen ang kanyang buong lakas sa kanyang pagdiin sa sugat ng taong nasa ilalim niya ang naging sentro ng mga pangyayari pagkasapit ng alas otso ng umaga.

Ang kanyang atensyon ay nasa taong duguan. Hindi alintana na nakasakay siya sa mismong gurney habang ang kaniyang mga tuhod ay nakapagitan sa katawan ng kanyang pasyente.

“Doctor Reyes,” tawag ni Karen sa isa sa mga resident doctors na humahatak sa gurney na kinapapatungan niya at kinalalagyan ng pasyente. “Ready an operating room.”

“Puro occupied ang tatlong operating rooms, Doc.” Mabilis ang hakbang nito kasabay ng mga emergency room nurses na tumutulak sa gurney upang maabot nila agad ang right wing ng hospital kung saan nandoon ang operating rooms.

“Alin ang malapit nang matapos?”

Ang isang nurse ang sumagot nang mapahinto si Doctor Reyes. Nakapwesto ito sa bandang kaliwa ni Karen kaya agad na lumipat dito ang atensyon ng huli. “Ang operating room number three po, doc. Cheek augmentation ang nandoon. I believe yun ang unang matatapos.”

‘Plastic surgery? Hmmm… Kumpara sa ibang operasyon, mas madali nga ito subalit magdedepende rin sa damage ng tissue ang durasyon ng operasyon.’ Sa takbo ng isip ay natigilan si Karen.

‘Why am I helping this patient?’ tanong niya sa kanyang sarili habang dinidiin ang mga kamay sa sugat nito sa may bandang dibdib.

Tila bumagal ang takbo ng oras. Hindi alintana ang ingay mula sa mga palahaw ng mga sanggol o ang tunog ng mga pulse monitor, ang kanyang abuhing mga mata ay nakatutok sa walang malay na Damien Herrerra.

Puno ng gasgas at namumutla, isang imahe na hindi niya inakalang makikita niya subalit ilang taon din niya dinasal. And dasal na sana, sana maranasan ni Iñego Herrerra na mawala ng mahal sa buhay.

Ito na iyon, ang sagot ng kanyang dasal.

‘I should let him die. Buhay sa buhay. Naniningil lamang ako kaya walang mali kapag magkaroon ng kontong aberya sa loob ng operating room.’

“Doctor Perez? Doctor Perez!”

Sa malakas na boses ng nurse ay napatamulagat si Karen. “I’m sorry, what?”

“Nandito na po tayo sa harap ng operating rooms. May green light na sa room three at natawagan na rin ang mga nurses sa loob na ihanda ang operating room.”

“Oh.” Realization dawned upon Karen as she immediately climbed down from the gurney. Her hands and white sleeves now painted with crimson ink. She cleared the clog in her throat before she shifted her attention to Doctor Reyes, who was keenly observing the patient’s condition. “Open the door to the operating room number three. We’ll start the operation right away. I will lead the operation”

Agad namang sinunod ni Doctor Reyes at ng mga nurse ang kanyang utos. Akmang aalis na rin sana si Karen upang magbihis nang bigla siyang napahinto dahil sa isang boses.

“That won’t be necessary, Doctor Perez,” wika ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran dahilan upang mabilis na lumingon ang nakakunot-noong si Karen.

Tumambad kay Karen ang naka-scrub na si Doctor Eman na isa ring professor kagaya niya. “Excuse me? Ako ang trauma surgeon sa ating dalawa. That is my patient.” Itinuro ni Karen

“Not anymore.” Doctor Eman walked past Karen, leaving her in a complete frozen state. “Taka a break, Dr. Perez. I know that Mr. Herrerra is your soon to be brother-in-law but we prioritize safety of the patient over anything else. And looking at you right now?” He clicked his tongue. “You are in a mess. Emotional is something that is prohibited.”

Nanatiling nakatayo si Karen habang nagbukas-sara ang kanyang bibig, hindi alam kung ano ang sasabihin kahit na matagal nang nakapasok sa loob ng operating room si Dr. Eman.

Ang kanyang mga mata ay nakapako lamang sa puting tiles subalit wala rito ang kanyang isipan. Naglalakbay ang kanyang diwa.

‘I almost did what that bastard do to my twin sister fifteen years ago. For a fraction of a minute, I really contemplated in killing him on the operating table. God, am I also becoming a monster like Dr. Iñego Herrerra?’

Hindi alintana ni Karen ang dagundong ng kanyang puso at ang panlalamig ng kanyang likod.

Like an abyss sucking her into a bottomless pit, Karen lost her grip.

Napahilamos siya bago umupo sa may waiting area ng operating room. Inilang hakbang lamang niya ito, hindi alintana ang mga kapamilya ng mga pasyenteng nasa ibang operating room.

‘Arin… Looks like I can’t kill him yet. Hindi dahil sa hindi ko siya kayang saktan kung hindi dahil alam kong hindi masyadong malapit ang mag-amang Herrerra.’ Napatingin si Karen sa buong linya ng mga upuan at hindi niya nakita maski anino ng ama ni Damien. Alam niyang nasabihan na ito ng nurse at nasa ospital lamang ito subalit wala ito rito.

Nagpatuloy ang daloy ng kanyang isipan. ‘Right. Tanging ang plano namin ni Caren ang maaaring maging susi sa hustisya at katotohanan na para sa’yo Arin.’

Kukunin na sana ni Karen ang kanyang cellular phone upang tawagan si Caren nang may bumasag sa katahimikan ng waiting area.

“Wala pa ba si Director Herrerra?” Ang boses ng isang nurse na kausap kanina ni Karen ang biglang nagsalita dahilan upang mapabaling sa operating room number three ang atensyon niya.

Tumayo si Karen, may kunot sa kanyang noo. “He is not here. Need ba ng consent ang susunod na gagawin ni Dr. Eman? I can go and take him here.”

“Please do, Dr. Perez. Maraming salamat.”

Akmang tatalikod na si Karen nang hindi niya talaga maiwasang mapalingon ulit. “In case na magtanong si Director Herrerra, in concern of ano ang procedure? Is it life and death situation?”

Nang umiling ang nurse ay napahinga nang maluwag si Karen. Kanina niya pa pala pinipigilan ang kanyang hininga.

“Naniniwala po si Dr. Eman na baka hindi na mailigtas ang mga mata ni Sir Damien.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status