Share

Chapter 18

Author: Chelle
last update publish date: 2026-10-19 22:53:05

Nina POV

8 years later

Nagtataka siya kung bakit pinatawag kami ni Don Sebastian, dalawa kami ni Gardo. Sumunod agad ako kay Gardo paakyat ng hagdan. Kahit matagal na ako dito, ay hindi ko pa rin talaga makabisado ang bawat sulok ng bahay.

"Hoy Dodong, ano kaya ang sasabihin ni Don Sebastian sa atin? Masisisante na ba tayo? Saan na kaya ulit ako maghahanap ng trabaho nito? Kahit kasi ang gumala sa Kamaynilaan, nakakatakot din baka maligaw na naman ako. Sa mall na nga lang, naliligaw na ako e
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 41

    Chapter 21 Gardo Pov Nandito ako ngayon sa mansion ng mga magulang ko. Matagal na akong nakabukod sa kanila. Si Kuya ang nakatira dito kasama ang kanyang pamilya. Si bunso, may sarili na ding bahay kasama ang sarili niyang pamilya. Ako na lang ang wala pang sariling pamilya, oh well, malapit na akong magkaroon ng sarili kong pamilya. Tyaga lang muna ako ngayon. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi dito, ano Gerardo?" bungad sa akin ni Mommy nang pumasok ako sa hapag-kainan. "Mabibingi ako sa'yo, Mom, kapag nandito ako palagi. Good day everyone," bati ko pa sa mga nasa hapag-kainan. Kumaway naman ang mga pamangkin ko at tumango lang rin ang mga kapatid at Daddy ang namin. "Kailan mo maisipang lumagay na din sa tahimik na buhay ha?" heto na naman si Mommy. "Darating din tayo diyan, Mommy. Magdaldal ka na naman, kararating ko lang." reklamo ko. Narinig ko naman na mahinang natawa si Kuya. Ako lang yata sa magkakapatid ang may hilig sa marahas na trabaho. Businessma

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 40

    Nina POV Sumimangot ako nang basta na lang lumabas ang alaga ko at hindi man lang kinuha ang mga gamit niya. Naku, makukurot talaga kita sa singit, bata ka!"Ako na ang kukuha sa mga ito," sabi nito sa tabi ko."E di ikaw na," padabog kong sabi.Nang may maalala ako ay humarap ako sa kanya. "Iwasan mo na din akong lapit-lapitan at hawak-hawakan, dahil hindi ko deserve ang ganitong treatment mula sa'yo. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pokpok, wala lang akong magawa dahil babae lang din ako. Kahit gaano ko pa ipilit na huwag bumigay, pero marupok ang katawan ko. Kaya sana tigilan mo na ako. Respeto na lang sana sa akin," seryoso kong sabi.Aalis na sana ako nang pigilan niya ako. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako ng mahigpit."I love you," bulong nito sa akin. "I really do love you."Napanganga ako sa gulat.Hindi ako makagalaw sa sinabi nito. What? Mahal niya ako? Weee, di nga? Totoo kaya? Kinilig ang puso at katawan ko pero agad akong humiwalay sa kanya."Sinungaling!" sambit ko

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 39

    Nina PovNagtampo na naman ang alaga ko sa mga magulang nito. Kaya heto, pupunta kami sa mausoleum ng Papa nito.Mag-eemote na naman doon. Pero dadaan na muna kami sa paborito nitong flower shop. May naging ka-close na din kami doon na tindera. Maganda ito at palakaibigan din."Ano na naman bang problema, Serenity?" tanong ni Gardo."Ewan ko kay Mommy, baka nagsumbong na naman 'yung bakla kong kapatid. Ayon, naniwala naman agad ang Mommy kong alien. I hate it. I want my Papa," sabi pa nito. Hinaplos ko naman ang likod nito."Kahit kailan talaga ang Mommy mo, para siyang manananggal. Galit na galit at parang gusto manipsip ng dugo. Ay, nakakatakot," sabi ko pa."Ikaw lang ang natakot," sabi naman ni Gardo. Umirap lang ako.May naalala na naman ako. Bwesit siya kapag ako'y nabuntis sa ginagawa niya. Ewan ko na lang talaga.Ang hirap niyang iwasan kahit ayaw ko, pero gusto ng puso't katawan ko. Napakalandi, dios ko, day naman.Noong una, lihim akong bumili ng pills para hindi ako mabunti

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 38

    Nina POV Nagutom kami paglabas ng sinehan. Wala man lang kasi ni isa sa amin ang nakaisip na bumili ng popcorn o soft drink kanina. Kakain sana kami sa loob ng mall, pero pasara na ang mga restaurant at stall. Kaya naisipan naming sa labas na lang kumain. Habang palabas kami ng mall, bigla na lamang may humila kay Serenity. Napasigaw ito sa gulat. Ako naman ay agad na tumakbo papunta sa tabi niya. “Tangina ka!” Suntok at tadyak agad ang ginawa ko sa lalaking nakasuot ng bonnet. Hindi nito alam na kasama ko si Serenity. Nakaiwas ako sa pananadyak nito habang pilit niyang hinihila si Serenity palayo. “Ate!” malakas na sigaw ni Serenity. “Tangina kang babae!” sigaw nito sa akin. Pero agad ko itong sinuntok sa tagiliran. Mag-focus ka, Nina. Huwag kang matakot at huwag kang papasindak. Alaga mo ang gusto nilang kunin! Isa pang suntok sa mukha ang ginawa ko. Kahit masakit na ang kamay ko dahil sa tigas ng mukha nito, ayos lang. Basta para sa alaga ko, ibubuhos

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 37

    Chapter 19 Nina POV "Ate Nina, dali na! Magsasara na ang sinehan sa mall!" sigaw ni Serenity sa labas ng kwarto ko. Manonood kasi kaming tatlo nila Gardo ng sine na request ni Serenity, para ma-experience din daw nito ang manood sa sinehan. Kahit may malawak naman silang theater room dito sa mansion. Ako nga, tatlong beses lang ako nakapanood ng pelikula sa sinehan dati. Ang nakakatawa pa, ignorante ako sa lahat noon. Pati ang dumaan sa p***o ng grocery store noon na may bakal. Sabi ng Tita ko noon, ang tawag sa gate na 'yon ay turnstile rotary gate at may back flaps pa. Tumango na lang ako kahit hindi ko naintindihan. Napagalitan pa ako ng ibang namimili dahil hindi ko alam paano makalabas. Hirap itulak at hilaan na stuck ako sa gitna. Kaya ang ginawa ko, gumapang na lang ako para makalabas. Tinawanan na lang ako ng mga pinsan at Tita ko. Bata pa naman ako noon, kaya for experience lang naman. "Heto na! Heto na! Lalabas na po! Hindi maka-wait 'yan ha? Hindi aalis ang mal

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 36

    Nina POV "Sweet na pala sa'yo ang pagmumura ko, ano?" "Kain na tayo!" baliwang sabi ni Serenity. Hindi pinansin ang sinabi ko. "Salamat po sa paghatid ng pagkain dito, mga Ate," sabi pa ni Serenity sa ibang kasambahay. Kuhol at suso na ginataan at sinabawan ang pinaluto nila. Tapos may vegetable salad pa with salmon. Sure akong sa kanila iyon. May adobong baboy at pritong galonggong with rice. "Nasaan ang paborito ko?" tanong ko. Sabay pa nilang tinuro yung kuhol na sinabawan. Ngumuso ako. Paksiw na bangus at sinigang na buto ng baboy ang favorite ko. Tapos sasabihin nila na kuhol ang favorite dahil nag-uulam ako ng gan'on. Grabe sila sa akin. "Nag-uulam lang ako ng ganyan pero hindi ko ito paborito. Masarap at gusto ko ulamin, lahat ng ulam gusto kong kainin. Pero may paborito lang ako at hindi kuhol iyon," reklamo ko. "Hayaan mo na. Kumain ka na, pumayat ka na ng konti, " sabi naman ng gago. Gusto ko sana magdabog, kaya lang nakakawalang-respeto naman iyon sa pagk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status