Share

The Annoying Billionaire Mafia
The Annoying Billionaire Mafia
Author: Chelle

Chapter 1

Author: Chelle
last update publish date: 2026-09-28 06:10:57

Nina pov

"Heto na ako baby Vivi. Humanda ka na sa kaingayan ng magiging yaya mo," sabi ng isipan ko ng nakasakay na ako sa magarang sasakyan na nagsundo sa akin sa terminal ng bus.

Sosyal di ba may taga sundo pa ako sa terminal ng bus. Hindi pa binunggahan dapat may pa-red carpet pa. Yay bongga sana. Napatawa ako sa sarili kong kalukuhan.

"Hello manong," bati ko sa tahimik na driver. Hindi man lang ito umimik.

"Ganito ba ang mga driver sa mayayamang angkan? Bawal makipag usap sa mga baguhang katulong na kagaya ko?" tanong ko pa sa sarili ko.

Sinuri ko ito habang nagmamaneho. Hindi naman matanda at hindi rin naman bata tingnan.

Malaki ang katawan at matigas siguro kapag pinisil ko. Yay! Ngiwi ko pa. Naka-suit ito na naka-sunglasses pa. Idagdag pa na naka-mask at sombrero pa.

"Tse!" Ingos ko. "Mukhang holdaper ang dating ng driver na ito," bulong ko pa.

Pero mukhang may itsura ang Manong na ito. Sideview pa lang parang ang gwapo na ito.

Matigas na muscle, maugat na kamay at Moreno. Perfect ito sa sinasabi nilang tall dark and not sure kung handsome siya.

Pero ang boring naman nila. Paano na lang ang boses ko kapag bawal ang magsalita. Mapapanis ang laway ko baka ang malala pa magiging pipi na ako dahil hindi nagagamit ang boses ko.

Nako wag naman sana. Basta may pagkakataon magsasalita ako sa ayaw at sa gusto ko nila.

Tinulog ko na lang dahil ayaw naman akong kausapin ng driver na ito.

Paggising ko nasa gate na kami ng bahay ng papasukan ko. Bongga dahil gate palang ang gara na. Parang papasok kami sa kaharian ng Principe.

Ang taas ng gate ang bongga ng bahay sa tabi. May inspection pa at tinanong pa ang pangalan ko. Nang sinabing bagong katulong ako sa pamilyang Parker agad kaming pinapasok.

"Manong driver marunong ka palang magsalita? Akala ko kanina bingi at pipi ka mabuti na lang po hindi ka bulag. Kakanta na sana ako ng bulag, pipi at bingi," bulalas ko na sabi sa driver.

Hindi man lang ito tumawa sa sinabi ko. Parang wala lang, umiling lang ito at sumimangot.

"Naka-earphone kasi ako miss. Kaya hindi kita naririnig," seryosong sagot ni Manong driver.

Tinanggal na rin niya ang mask na suot niya. Mas gwapo pa pala ito nang maalis na ang mask. Dahil kita ko na ang ilong at labi nito.

Kissable lips na kahit morena siya mamula-mula ang labi. Nahiya naman ako sa labi kong malungkot dahil sa kulay ng labi ko.

Lalaking-lalaki rin ang boses niya. Ang suwabe at ang ganda rin. Driver lang kaya ang lalaking ito? Or baka nautusan lang?

Perfect pangrampa sa brief magazine. Kahit naka-suit ito kita pa rin ang ganda at hulma ng katawan niya.

"Maganda naman pala ang boses mo Manong," puri ko pa.

Tumingin ito sa salamin na maliit sa harapan niya. Napatingin rin ako roon pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata.

Hindi ko maipaliwanag pero parang sumikdo ang puso ko. Kaya agad kong sinuway ang sarili ko.

'Trabaho ang pinunta ko dito hindi makipaglandian sa kahit na sino. Kahit pa sa nilalang na ito sa harapan ko na macho gwapito pero mukhang pito-pito dahil no pansin.' nailing ako sa sinabi ng utak ko.

"Ayaw ko ng maingay kaya naka-earphone ako," pagsusungit ng driver.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakatuon na ang pansin ko sa paligid.

"Ay wow!" bulalas ko. "Ito ang bahay ng aalagaan kong bata manong?" tanong ko.

"Oo Miss, dito kita pinasok di ba? Natural dito ang bahay ng aalagaan mo. Saan pa nga ba dapat?" Pabalang na sagot ni Gardo.

"Ang sungit naman ng lalaking ito," pagpaparinig ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi nito.

"Mabait kaya ang bata? Sana naman mabait para hindi ako mahirapan mag-alaga sa kaniya. Baka mamaya isang araw ko palang dito mukha na akong otsenta. Baka kulubot na mukha ko sa stress pati ang dila at labi ko. Ho may gash," bulalas ko pa.

"Normal lang sa bata ang makulit Miss. Walang trabahong madali dapat alam mo yan. Hindi yung hinuhulaan mo na ang ugali ng bata. Hindi mo pa nga nakikita!" painis na sabi ng lalaki.

"Dapat po hindi ka na lang po sumasagot Manong. Parang nagtatanong lang eh," simangot ko.

Hindi ko na pinansin pa ang lalaking masungit. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil nakatingala na ako sa napakagandang bahay na ito. Parang nasa ibang bansa na ako sa ganda ng lugar pati narin ang bahay. Ang bongga naman ang bahay na ito.

"Ang bongga ng lugar at bahay Manong. Siguradong maliligaw ako sa loob ng Bahay." bulalas ko pa. Kasasabi ko lang na di ko siya papansinin eh.

"Manong pasensiya na kung madami akong mga tanong ha. Bakit ang daming mga nagkalat na mga robot po?"tanong ko.

Kumunot ang noo ni Manong sa tanong ko. Parang napapantastikuhan siya sa inasta ko. Eh, bakit ba first time ko eh.

Kanina pa nagsusungit pero ang tipid sumagot. Kutosan ko kaya ang matandang may reglang ito.

"Mga bodyguard ang mga yan. Hindi sila robot Miss. Ganyan talaga ang trabaho nila ang magmasid sa paligid." sabi nito.

"Ha? Nagmamasid ba sila sa mga insect na mag-trespassing po dito sa loob ng palasyo, Manong?" bulalas ko pang tanong.

"Tsk! Shut up! Sa mga kalukuhan mong tanong sa akin. Hindi ako baliw para kausapin mo ako ng ganyan!" Asik ng lalaki.

"Nina nga po pala ang pangalan ko Manong. Maikli lang ang pangalan ko but I'm tall person. Kapag po mahirapan kayo sa pagbigkas po ng name ko. Tawagin niyo na lang ho akong Ni o Na, stand for Nina."ngiti ko.

"Ang daldal mo. I don't care about your name Miss. Naiirita ako sa kaingayan mo."sabi nitong nakasimangot.

"Inborn kasi ang kadaldalan ko. Nasa loob palang ako ng tiyan ng nanay ko maingay na daw ako. Sanhi ng laging pag-uutot ni Nanay araw-araw minu-minuto," ayaw kong paawat na sagot ko.

Masyado kasing seryosong tao. Hindi ko man lang narinig ang tawa niya. Tsk! Sungit ng lalaking ito.

"Bumaba ka na dito. Baka bigla kitang maitapon palabas dahil sa kaingayan mo!"

"Sinong kakausapin ko pagbaba ko?" tanong ko. Kahit medyo kinabahan ay kinapalan ko pa rin ang magtanong.

"Si Manang Cora na ang bahala sa'yo. Siya ang taga gabay mo sa pag aalaga sa bata. Kaya bumaba ka na ng hindi pa kita naitatapon sa labas," seryosong babi nito.

"Sige po manong sungit na naka-sunglases, salamat po," sabi ko at bumaba na ako.

Nagmadali na akong bumaba. Baka nga tutuhanin nito ang pagbabanta. Ang gwapo pa naman sana ang boses kahit galit.

Pero ekis ka na sa akin, Manong driver na naka-sunglases at mask na mukhang magnanakaw!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 10

    Gardo POVBumuntonghininga ako sa nalaman. "May hidden camera silang kinabit dito sa loob ng headquarters natin. Baka sooner or later matunton na tayo ng mga kalaban dahil sa nilagay nilang spy device," pagbabalita pa nito sa akin.Napatiimbagang ako sa sinabi nito."Hinayaan niyong maglagay sila ng device ng walang ginagawa?!" sikmat ko."I just found out when I checked our CCTV recorders here. And I saw someone put something inside the conference room. At sa kwarto ng mga tauhan natin dito. At isa sa labas," sabi pa ng kaibigan ko."What? Gano'n karami ang nilagay nilang device dito sa headquarter natin? Damn! Fvck!" malakas na sambit ko."But don't worry, inalis ko na at sinuri ang device na kinabit nila dito. Pinakabit ko sa lumang building kung saan may mga armado ding pumupunta doon. Para kapag natunton nila ang lugar na iyon, bahala silang magpatayan doon. At least, di ba, hindi na tayo nakijoin sa barilan sila na lang. Matira matibay. Brilliant idea of mine, di ba? Ang galing

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 9

    Gardo POVDahil holiday ng bata, hindi ako pumunta sa mansion. Mag-out of town daw ang mag-papa at excited na ang batang mamasyal ulit sa Amerika. She deserves it. I know the story why her mother is not around here. Si Manang Cora lang at Manong Thomas ang may alam sa lahat. Iilan na lang din ang mga dating kasambahay nila ang iba ay mga bago na.Kahit papaano, medyo okay na ang pakikitungo sa akin ng yaya ni Serenity. Honestly, she's an irritating woman. Pero siya ang madalas magsabi sa akin ng, "Nakakainis kang lalaki ka!" She even calls me a hippo. Fvck! 'Tong gwapo kong ito, tatawagin lang niya akong hippopotamus. Ang sarap niyang parusahan eh. 'Wait ka lang at makikidnap din kita, maingay ka!' Gigil kong sabi sa isipan ko.Ilang araw na akong busy sa trabaho. Namiss ko bigla ang kaingayan ng babaeng iyon. Bukas pa naman ang balik ng alaga nito dito sa Pilipinas.Nandito ako sa headquarter naming magkakaibigan. Ako ang may hawak sa organisasyon na ito. I built my own nang hin

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 8

    Gardo Pov 2 Natatawa ang kaibigan ko sa akin habang pinapanood niya akong nagpapaulan ng bala sa shooting range. Puti ang tawag ko sa kanya dahil nga maputi siya. Parang bakla na malaking katawan. Kaya laging nagpapaaraw para umitim man lang daw siya ng kunti. Pero namumula lang ang balat at babalik lang din sa dati ang kulay. Magaling ito sa lahat ng klase ng martial arts. Ang Lolo nito ay kaibigan ng Lolo ko. Marunong din mag-Tagalog ito. Well, multilingual kaming pareho dahil kailangan namin iyon to communicate with different people in the world. "Tapos na sa kaniya ko pinutok ang gigil ko! Ayon, sarap na sarap humirit pa ng ilang putok," sabay halakhak nito. "Fvck!" mura ko. Humalakhak lang ito at kumuha din ng isang baril at pumwesto sa tabi ko. At ginaya ang ginagawa ko. "The doctora o the fashion designer?" tanong ko. "The woman who can take care of me, of course," sagot nito. "Hmmm... yung nakilala mo sa Amerika at nabaliw ka sa kagandahan niya?" tanong ko. "Uh

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 7

    Chapter 5 Gardo PovGardo Pov Isang linggo na hindi si Nina ang naghatid kay baby Serenity. Si Manang Cora na ang naghahatid kay Serenity hanggang ngayon. May sakit daw ang dalaga. Baka mahawaan daw si baby Serenity. "Hello po, Kuya. Did you miss my Yaya Nina?" natawa ako sa sinabi nito. "There is no more noise inside the car, right?" sabi ko naman. "Yeah, but I like her. And it's okay to be loud sometimes. Also, I am very happy because she has so many funny stories. I don't get bored being with my Yaya Nina," proud pa na sabi ng bata. Puring-puri nito ang dalaga. I agree with her. Kahit ako na nakikinig lang sa kanilang dalawa sa likod ko habang nagda-drive kapag naghahatid kami sa bata ay napapatawa ako. Yeah, she is right na-miss ko talaga ang dalaga. Nagdadahilan lang kaya ito na may sakit? Siguro dahil sa ginawa kong pagtapon sa cellphone nito. Kaya ayaw nito magpakita sa akin dahil may inis at galit pa siguro ito. Hindi ko pa naman alam manuyo ng isang babae.

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 6

    Gardo PovI know because I see how she takes care of Señorita Serenity. Super energetic, masiyahan, palabiro, palakwento, at pala tawa.Nakikita ko din na kahit hindi niya trabaho, tumutulong talaga ito kapag wala ang alaga nito. I know because I have access to the CCTV camera sa mansion.May nilagay akong secret CCTV sa labas, especially sa bahay ng mga kasambahay nila Tito Samuel. Tinutok ko doon ang isang CCTV para makita ko ang dalaga.Sinadya kong itapon ang cellphone nito sa labas, at hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Pero nakonsensya ako nang makita ko itong umiiyak ng tahimik.Baka valuable ang cellphone na iyon para sa kaniya. Baka may mga importanteng nakasave sa cellphone nito, mga contact ng pamilya niya.Heck!Eh, nainis at nagselos ako. Anong magagawa ko? Sino ba kasing may sabi na hindi siya mag-seatbelt sa likod? Sinabihan ko na siya noon. Ayaw makinig, ayan tuloy tumilapon sa harapan. Pasaway rin talaga ito.Sa gitna pa talaga umupo habang kausap ang mukhang dagang lala

  • The Annoying Billionaire Mafia    Chapter 5

    Nina POV Napaka kontrabida naman ng lalaking ito. Kaya sumimangot ako ng bongga. Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis akong nagtungo sa gate. Kinausap ko ang security guard na lalabas lang ako saglit. Nabuksan na ng guard ang gate nang pigilan ito ng machong gagong kontrabida. Mabilis akong lumabas ng gate at lumapit sa manliligaw ko. May inabot itong isang paper bag sa'kin. Masaya ko naman iyon na kinuha. Nagpasalamat ako ng bongga sa manliligaw ko. Napaka generous talaga nito. Mabait pa, kaya hindi ako magdadalawang isip na sasagutin ito kapag nagsabi lang ito na gusto niya ako. Kaya lang, masyado pang maaga para sagutin ito. Magsasalita sana si Bernard nang may bumusina sa tabi namin. Napalingon kaming dalawa sa nagbusina. Ang kontrabidang lalaki ang nagbusina. Ang lakas pa naman iyon. Tarantado talaga siya. "Pinapatawag ka ni Don Sebastian. Mamaya ka na makipaglandian kapag wala kang trabaho sa loob," seryoso nitong sabi at matalim na tumingin kay Bernard at sa'kin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status