LOGINChapter 117Lalong namula ang mga pisngi ni Evie.Paulit-ulit na nag-uulit sa kanyang isip ang sinabi ng lalaki, na hindi siya makakatakas sa kanya.Ano na ang gagawin niya? Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang naging target ng isang gutom na lobo at wala na siyang paraan para makatakas pa.Bigla niyang napansin ang mabuho at puting kuneho sa kabilang dulo ng sofa."Sandali, 'yung kuneho mo!" tawag ni Evie habang nakatitig sa pinto.Lumingon si Thiago habang may nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi. "Para sa 'yo 'yan.""Kamukhang-kamukha mo 'yang kuneho na 'yan!" dagdag pa ni Thiago.Natulala si Evie. Ano? Nagmumukha siyang kuneho?Sandali lang, paano naman siya nagkahawig sa plushie na ito? At mukha pa itong napagdiskitahan nang husto!Tuluyan nang umalis ang lalaki.Namanhid at namutla ang mga labi ni Evie mula sa halik, at ang amoy ng lalaki ay kumakapit pa rin sa kanya. Masyado itong matindi para balewalain. Kapag naaalala niya ang tunog ng kanilang halikan kanina, hindi niya ma
Chapter 116Itinaas ni Thiago ang kanyang kamay at dahan-dahang pinunasan ng kanyang daliri ang luha sa gilid ng mata ng dalaga. "Paanong inaway?""Pinagsamantalahan mo ako habang may kausap sa phone, hinalikan mo ako, ginulo mo ako... hindi pa ba pangaaway 'yon?" humihikbing sagot ni Evie. "Muntik na... muntik na akong marinig ni Pancho kanina."Pero nanatiling kalmado si Thiago. "Kung narinig niya, mas maganda. Para hindi ka na niya pag-interesan pa.""Ikaw talaga!"Sa sobrang galit ni Evie, ayaw na niyang makipag-usap o makita pa ang lalaki. Itinulak niya ito palayo. "Umalis ka na!"Ayaw na kitang makita!Nang makita ni Thiago na galit na galit talaga si Evie, umiiyak at masama ang loob, natulala siya rito nang ilang segundo. Tila naisip niyang nasobrahan nga ang ginawa niya.Napatigil siya nang sandali, bumitaw, tumayo, at umalis.Suminghot si Evie na masama pa rin ang loob, akala niya ay tuluyan nang umalis ang lalaki.Hindi niya inasahan na babalik pa ito."O, hawakan mo muna 't
Chapter 115"W-Wala... wala 'to," pilit niyang pinalabas na kalmado ang sarili. "May... may lumipad kasing ipis sa harap ko kaya nagulat lang ako.""Oh, is that so?" humihingang maluwag na sagot ni Pancho. "I heard you shouting so loudly just now, akala ko nasa peligro ka na.""No, no," mabilis na dahilan ni Evie. "Nandito lang ako sa bahay, safe naman ako rito. Walang peligro...""Please, stop it..." pabulong na pakiusap ni Evie habang nakatitig nang may pagmamakaawa kay Thiago.Gusto niyang magmakaawa na huwag na itong gumawa ng masama dahil hindi na niya kayang tiisin ang bawat pangtutukso nito. Ang malilinis at mamabasang mga mata ng dalaga ay puno ng pakiusap at lihim na pag-aakusa sa kalokohan ng CEO.Itaas ni Thiago ang kanyang makapal na kilay. Napangisi siya habang pinagmamasdan ang kaawa-awang mukha ng dalaga. Sa halip na maawa, mas lalo lamang nitong ginising ang kanyang kagustuhang angkinin at guluhin ito nang husto.Yumuko muli si Thiago para halikan ang mabango at malamb
Chapter 114"Are you serious right now, Thiago?" gulat at galit na pabulong ni Evie habang nanlalaki ang kanyang nanginginig na mga mata.Lalong humigpit ang paghinga ni Evie sa matinding gulat at kaba.Hindi niya kailanman inakala na magiging ganoon kabastos at kalakas ang loob ng lalaki. Maiisip pa talaga nitong pagnasaan, tuksuhin, at pagsamantalahan siya habang may kausap siya sa telepono!Sobra na talaga ito! Napakasama at napakagaspang ng ugali ng lalaking ito sa kanya."Stop it... Please, stop it!" pabulong na banta ni Evie habang masama ang tingin sa nakangising CEO."Make me," pabulong at nakalolokong ganti ni Thiago sa paos at mababang boses.Sinamaan siya ng tingin ni Evie, habang sabay na nakaramdam ng matinding hiya at galit sa kanyang dibdib.Subalit hindi niya magawang magsalita nang malakas o sigawan ang lalaki. Dahil kausap niya si Pancho sa telepono, siguradong maririnig nito ang lahat kapag nagtaas siya ng boses.At kapag nangyari iyon, paano na lang niya ipapaliwan
Chapter 113Agad na nabalik sa sariling wisyo si Evie. Nang makitang nakasubsob ang ulo ni Thiago sa kanyang dibdib, labis siyang nagulat at nahiya kaya ginamit niya ang lahat ng natitirang lakas para itulak ang lalaki."Teka, tama na! May tumatawag sa cellphone ko!" sigaw ni Evie sa gitna ng pagmamadali.Dahil sa matinding pagkakatulak habang nakatutok pa ang isip sa ganda ng dalaga, nawalan ng balanse si Thiago at tuluyang bumagsak sa sahig.BLAG!Napaupo siya nang hindi oras sa malamig na sahig. Tumingala siya at nakita ang dalaga sa sofa na namumula ang mukha at maging ang balat nito ay may kulay rosas na dahil sa hiya at init.Gumalaw ang leeg ni Thiago at hindi niya napigilang tumayo muli para lapitan at hawakan ang dalaga
Chapter 112Kinagat ni Evie ang kanyang labi at mabilis na sumagot nang walang pag-aalinlangan."Ayaw ko sa 'yo! Masama ka..." depensa ni Evie."W-what?" Natawa si Thiago sa sinabi nito. Masama siya?Ano ba ang nagawa niyang masama?Napakarami na niyang naitulong sa dalaga, pero sa mga mata nito ay nananatili pa rin siyang napakasama at walang kwenta?Napakawalang puso talaga ng maliit na babaeng 'to!"Paano naman ako naging masama sa 'yo, ha?" tanong ni Thiago.Sinamaan siya ng tingin ni Evie at nagsimulang magreklamo at mag-akusa sa kanya.







