Share

KABANATA 2

Ang kapal naman niyang paghintayin ang isang tulad ko rito. Halos mag alas siete na wala pa rin sya, naiinis na ako! Sobrang nilalamok na ako rito.

Baka naman nakipag-chukchakan pa siya sa loob ng cr, balibalita pa naman dito na kayang-kaya niya kahit sa loob lang ng cr.

Yuck! Ang cheap.

Kung ako? Hindi ako papayag na gano'n na sa cr lang. Eww.

“Hindi ko naman sinasabi na papayag akong makipag-ano sa kaniya 'no. Ang ibig kong sabihin, kung ako sa magiging boyfriend or asawa ko gagawin ko 'yon! Pero hindi sa isang Hendrix Suarez na acting CEO nga sa mga branch nila rito sa Pilipinas pero so cheap naman pagdating sa babae,” pagkakausap ko sa sarili ko.

Tingin ko mababaliw na ako kakahintay rito sa kotse niyang Bugatti, mas mahal pa ata 'to kaysa sa bahay namin. Biruin mo tumatagingting na 13.4 Million itong kotse niyang Bugatti La Voiture Noire. Hindi naman ako gano'n ka stalker para malaman ang complete specs ng kotse niya. Basta gano'n sila kayaman! Barya lang siguro sa kaniya 'yong sampong libo na allowance ko na for one week.

Natigil ako sa pagmumuni nang mamataan ko siya papunta rito sa kotse niya. Kaya naman nagtago ako sa gilid para hindi naman halatado na sinusundan ko talaga siya.

Nakita kong hinahabol siya ng isang mukhang nerd na babae, sobrang kapal ng salamin and she have a lot of pimples in her face. Baduy rin manamit. Ano kayang gusto niya kay Hendrix? Ang alam ko 'di naman ganito ang tipo ni Hendrix, eh.

“Hendrix, please? Gagawin ko ang lahat, para maging tayo o kahit magustuhan mo lang ako,” desperadong sabi ng nerd habang hinahawakan ang kamay ni Hendrix na pilit naman nilalayo ng kumag.

Natawa si Hendrix sa sinabi ng nerd na babae. Kahit nga ako ay gusto kong humagalpak sa tawa. Seriously? Magbebeg talaga siya?

“Please, Hendrix! Pati thesis niyo ako ang gagawa!” pag presinta niya.

Natigilan naman si Hendrix at saka ngumisi. Hinarap niya ang babaeng nerd na naghahabol sa kaniya.

“You sure?” tanong ni Hendrix sa nang-aakit na boses.

Halos mahimatay ang babae nang hawakan siya sa balakang ni Hendrix.

“Kahit mga assignments, and projects ko?” nakangising tanong niya at tumango-tango naman ang nerd na babae. “Anong kapalit?” interesadong tanong ni Hendrix.

Kinagat ng babaeng nerd ang labi niya at pinadaosdos ang kamay niya sa leeg ni Hendrix pababa sa may tiyan. “A one night stand, Hendrix,” simpleng sagot ng kausap niya.

Fuck! Seriously? Totoo ba 'to? Kahit pala ang mga mukhang naive at matitinong babae, sex ang habol nila kay Hendrix. Gano'n ba siyang nakakaadik na kaano sa kama kaya nababaliw kahit sino sa kaniya?

Tumango si Hendrix na animo'y simple lang ang gagawin nila. Kung sabagay, palagi naman ata niyang ginagawa iyon everyday? Womanizer siya, eh. Kahit sino kaya niyang paluhurin, except me!

“I thought you were a religious woman, because your face looks like that,” ani Hendrix.

“What do I look like?” tanong ng babae na para siyang na-offend sa sinabi ni Hendrix.

“You look like an angel... But you're wild,” aniya at humalakhak. Nakita ko naman namula ang pisngi ng babae. “Kumbaga kung gagawin natin 'yong bagay na 'yon, para akong magkakaroon ng pagkakasala kay Lord,” pagbibirong sabi ni Hendrix.

Yuck talaga! As in kadiri!

“Don't worry, nakapagpaalam na ako sa kaniya,” nakangiting sagot naman nito.

Tumaas ang kilay ni Hendrix. “Oh, anong sabi niya?”

Parang gusto ko naman tumawa nang malakas sa sinagot ni Hendrix. Seryoso ba siya? Gano'n talaga ang isasagot niya?

Pabirong pinalo ng babaeng nerd sa may tiyan si Hendrix. “Ano ka ba? Hindi naman sasagot si Lord!”

Umiling-iling na lang si Hendrix at may ibinulong sa nerd na kausap niya, tumawa naman na parang kinikiliti siya ni Hendrix. O kaya naman may sinabing kalaswaan si kumag at nag-enjoy naman si ate girl na nerdy.

Pinatunog naman ni Hendrix ang kotse niyang Bugatti niyang nasa tabi ng kotseng pinagtataguan ko kaya napatalon ako sa gulat pero umayos din nang makita ko na siyang papalapit.

Tumigil siya sa paglalakad. Pumihit ang ulo niya at napatingin sa akin, kumunot naman ang noo niya nang makita ako.

“Are you stalking me?” nanliliit ang kaniyang mga mata habang tinatanong ako.

Kumurap-kurap ako. “Huh? Hindi 'no! Bakit naman kita susundan?” Inirapan ko siya.

Ngumisi siya. Nakakapanindig balahibo ang pagngisi niya, parang nanghihigop ng lakas.

Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. “Okay..” Nagkibit-balikat siya at tinalikuran ako at naglakad na papunta sa sasakyan niya.

Shit! Baka umalis siya nang wala akong napapala. Kailangan ko munang lunukin ang pride ko para rito, gosh!

“Suarez!” sigaw ko nang papasok na siya sa kotse niya.

“Yup?” Nagtaas siya ng kilay sa 'kin. Nanliit ang mga mata habang nililibot ang paningin sa paligid na walang tao. “Who are you? May CCTV dito, kung may balak ka na masama, sige bahala ka. Ikaw rin ang magsisisi,” aniya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Gago ba 'to?! Magpapatulong lang naman ako para sa internship ko sa hotel nila! Mas malaki pa sa universe ang sobrang pagkainis ko sa kaniya. Buwisit na lalakeng 'to! Nakakainis!

“I'm Solene Galvez, HRM student,” nanginginig na sagot ko. Hindi ako kinakabahan o ano, nanginginig ako sa galit!

“Then?” aniya habang nakasandal sa Bugatti niya. Binuksan niya ang kotse niya at may kinuha sa loob.

Natahimik ako bigla. Hindi ko pala alam kung paano ko sasabihin na na-reject pala ako sa hotel nila.

“Here.” Nilagay niya ang 1 thousand bill sa harap ko at kinuha pa ang kamay ko para ilagay ro'n ang pera. “May lakad pa kase ako, wala akong oras para sa'yo. Kaya mag taxi ka na lang or treat yourself, kung kulang pa dadagdagan ko na lang,” aniya at nagkibit-balikat siya sabay pasok sa sasakyan niya.

Gago nga talaga 'to. Pakiramdam ko lahat ng butas sa katawan ko umuusok na sa sobrang galit ko, pati dugo ko napapakulo niya.

Pumasok ako sa front seat at itinapal sa pagmumukha niya ang perang binigay niya sa 'kin.

“I*****k mo sa baga mo 'yang pera mo. At saka hindi ako nagpapahatid sa'yo, gago ka!” sigaw ko sa kaniya sabay taas ng middle finger ko.

Pero imbis na 'yon ang atupagin niya, iba ang pinansin niya.

“Get the fuck out of my car!” sigaw niya sa 'kin na animo'y nadumihan ang sasakyan niya.

“Aalis ako pero bago ako umalis tingnan mo muna 'to!” sabi ko sabay saksak din sa baga niya ang letter na galing sa hotel nila.

“What's this?” Hinawakan niya ang letter na parang nandidiri. Humagalpak naman siya sa tawa nang makita niya 'yong rejected na sign sa papel. Tumingin siya sa dibdib ko at mas lalo pang humagalpak sa tawa. “Alam ko na kung bakit ka na-reject, maliit kase boobs mo!” tumatawang sabi niya.

Suminghap ako at pinipigilan ang sarili ko na sampalin siya. Ang kapal ng mukha niyang insultuhin ako.

Alam kong madalas siyang tumambay sa branch ng Hotel De La Crème na malapit lang dito. Doon niya dinadala ang mga babae niya, mostly mga model ang nilalapa niya gabi-gabi. At isa pa, siya ang acting CEO kapag wala ang si Mr. Suarez para sa mga meetings at inaaasikaso ang mga ibang branch nila sa buong mundo. Lastly, ayaw niyang madungisan ang pangalan niya dahil siya nga ang acting CEO ng branch ng Hotel De La Crème sa Pilipinas.

Napangisi ako dahil naalala ko 'yong binabalak ko kanina. Kapag nalaman 'to ni Hendrix malamang sa malamang magpapatiwakal siya.

Kinuha ko sa bag 'yong flash drive ko. “Nakikita mo ba 'to?” sabi ko sabay pakita ng flash drive.

Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay. “Oh, ano na naman 'yan?”

“One time habang sinusundan kita kasama 'yong modelo sa Hotel De La Crème, dalawa pa talaga kasama mo, ha? Alam ko kung anong ginawa niyo,” sabi ko sabay ngisi.

“Oh, ano? Tapos?” aniya at parang interesadong-interesado siya sa sasabihin ko.

“Tapos nag three-some kayo!” sabi ko sabay ngiti. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

Narinig ko lang 'yon sa isang kaklase namin na naka-chukchakan niya. Kadiri naman, siguro may STD na 'tong gagong 'to.

“T-then?” nauutal na tanong niya. Trying to be cool kahit nanginginig na sa takot na madungisan ang pangalan niyan.

“Then, I have this!” sabi ko sabay wagaygay ng flash drive sa ere.

“Damn, I have a lot of flash drives. Kung gusto mo, bilhan kita,” ani Hendrix at isinandal ang likod niya sa car seat.

“Pero iba 'to, Hendrix. This is your freakin sex scandal, slash three-some, Hendrix Suarez!”

Napaayos naman siya ng upo dahil sa sinabi ko. Kahit ako nabigla sa sinabi ko, pero damn! Nadali ko siya sa scam ko!

Hinablot niya agad ang flash drive at saka ito itinapon sa labas, kung saan may kanal doon. Napanganga ako sa ginawa niya. Tanginaaa! Nandoon 'yong presentation namin!

“Bye, sex scandal slash three-some.” Ngumisi siya.

Mas napangisi ako sa naisip ko. “Anong akala mo sa 'kin, Hendrix? Lagi akong handa, 'no. Alam ko naman na itatapon mo 'yon, may kopya ako sa laptop ko, sa desktop, sa cellphone, at meron pa sa USB. nasa bahay lang 'yon, ready to upload anytime!” sabi ko.

Siya naman ngayon ang napanganga sa sinabi ko.

“Fuck this! Fuck! Fuck!” sunod-sunod na pagmumura ni Hendrix at pinagsusuntok ang manibela niya. Tama 'yan, ma-frustrate ka lang. “Solene Galvez, titingnan ko kung ano ang magagawa ko para sa'yo.”

“Hep, hep, hep! Hindi mo titingnan, gagawin mo. Gagawin mo ang lahat para makapasok ako sa hotel niyo, para matanggap ako sa internship ko sa Hotel De La Crème! Or else, you'll be ruined. Gusto mo ba 'yon?”

“Damn it!” sigaw niya. “Okay, sige. Kasama ka na sa mga mag-OJT! Basta ba ibigay mo sa 'kin lahat ng kopya niyang scandal na 'yan,” mahinahon niyang sabi. Malakas niya naman sinuntok ulit ang manibela niya. “You ruined my day, freak!” Umiling siya at yumuko.

Ngumisi ako. Hawak na kita ngayon sa leeg, mokong ka! Grabe siya ma-frustrate tungkol sa scandal niya, hindi niya alam niloloko ko lang siya. Tulad ng sabi ni Danica, use him. Gano'n lang pala kasimple!

My plan worked! Hendrix Suarez, the acting CEO, is my puppet!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status