Share

The Art Of Seduction
The Art Of Seduction
Author: Deadofwrites

KABANATA 1

Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad, kaya nagtataka na ang kaibigan ko dahil sa inaasal ko.

“Hoy, Solene?! Kanina ka pa lakad nang lakad diyan, paikot-ikot, o 'di kaya uupo tapos tatayo. Ano bang problema mo?” tanong ni Danica, ang best friend ko mula noong bata pa 'ko.

Huminga ako nang malalim bago ako umupo. “Ngayon kase 'yong result sa internship ko, hindi ko alam kung tanggap ba o rejected,” sagot ko.

I clasped my hands. Kinakabahan talaga ako kanina pa! Gustong-gusto ko mag-intern sa isang sikat na hotel, ang Hotel De La Crème. Chain of Hotels. Halos sa lahat ata ng Countries sa buong mundo nakatirik 'yang Hotel De La Crème na 'yan, kaya gustong-gusto ko riyan mag-OJT.

“Here! Nako, friend!” narinig kong sigaw ni Raquel.

Hindi naman ako mapakali nang makita ko siya papasok sa cafetria at naglalakad papunta sa upuan namin. Habang naglalakad siya kumakabog naman ang dibdib ko sa kaba. Baka hindi ko magustuhan ang resulta.

“Eto na!” Binuksan ko ang puting sobre na hawak ko sa harapan ng mga kaibigan ko na sina Danica, at Raquel.

Napalunok ako nang ilang beses bago ko hinila palabas ng sobre. Fuck! Halos mawalan ako ng hininga.

“Tangina!” napamura kong sabi dahil sa nakita ko.

Pareho naman nagulat si Danica at Raquel sa naging reaksyon ko. Ako rin! Gulat na gulat ako sa resulta!

Tumayo naman si Danica at dinaluhan ako rito. “Patingin nga, Sol,” aniya at kinuha ang papel na hawak ko kanina. Tumunganga lang ako dahil hindi ako makapaniwala. “Hala!” ani Danica.

“Bakit, friend? Why?” usyoso ni Raquel.

“Rejected!” sigaw ni Danica at mabilis ko naman siyang sinabunutan dahil tumingin ang ibang babae sa amin at nakita ko ang pagbungisngis nila.

Pinasa naman ni Danica ang papel kay Raquel at tulad ng reaksyon ni Danica, gano'n din ang naging reaksyon ni Raquel. Sino ba naman ang hindi magugulat?

Napamura ako sa isip ko habang tinitingnan ang ibang tao sa canteen. 'Yong iba nakangiti, 'yong iba nagtatatalon sa saya, 'yong iba rin tulad ko ay malungkot. Hays, parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak dito.

“Paano nila ako ni-reject? Shit! Ang dami kong internship na ginawa! Hongkong, Thailand, Cambodia, Canada?! Tapos mga kinuha nila mga puro paganda lang ang alam?!” sigaw na sabi ko sa mga kaibigan ko.

“Excuse me?!” sabi ni Abbygail.

Tumingin naman ako sa kaniya nang nakataas ang kilay. “What the heck is your problem?” mataray na tanong ko.

“Ako ba 'yong pinatatamaan mong puro paganda lang?” tanong niya at saka tumawa. “Well, at least ako tinanggap sa Hotel De La Crème!” pagmamayabang niya.

Nabulunan naman ako sa sinabi niya. “Eh, bobo ka pala talaga. Nag drop name ba ako? Masyado kang feelingera, echoserang frog!” sabi ko. Inirapan ko naman siya at tinalikuran ko na, baka mag drama na naman 'yon.

Tinapik-tapik naman ako ni Danica at Raquel.

Lintek na Hotel De La Crème 'yan! Ang ayos ng mga experience ko, ni isa walang gusot. Alam kong eto ang pinakamalaking hotel, at pinakamaunlad sa buong mundo pero hindi ba nila ike-credit mga experience ko?

“Sol, hayaan mo na. Expected naman natin na mahirap makakuha ng internship doon, ang laki kaya ng hotel no'n, laking sakop,” sabi ni Raquel.

Umirap naman ako. “Mahirap makapasok? Eh si Abbygail nga na ilang beses nagpabalik-balik sa college, hindi makaalis dahil sa mahina ang ulo pero nakapasok siya. Ang sabihin mo, may mali lang talaga,” naiinis na bulong ko dahil baka marinig na naman ng echoserang frog 'yon.

Nakita ko naman ang ibang babae na nagtatalon sa tuwa habang hawak 'yong sobre nila. Sa tingin ko ay mga pasado ang mga h*******k na 'to. Kilala ko ang mga 'to, eh. Hindi nga makatapak kahit Singapore lang, tapos dito pasado? Matangkad kase, makinis, sexy, at higit sa lahat, malaki ang boobs at puwet! 'Yan ang common sa kanila na kinukuha nila!

Napatingin naman ako sa blouse kong lupaypay at wala man lang lumolobo kahit kaunti, hindi rin katangkaran at higit sa lahat kutis filipina talaga. Halos magwala ako rito sa loob ng cafeteria dahil sa sobrang inis ko!

“I have an idea!” bulong ni Danica habang humahagikgik.

Tinaas ko naman ang kilay ko at tumingin sa kaniya. “Ano? Siguraduhin mong brilliant 'yan,” sabi ko.

Hawak pa rin nila akong dalawa magkabilaan. Baka akala nila magwala ako rito, no way. Naiinis lang ako kase first time kong ma-reject sa internship ko, tapos dito pa sa branch nila sa Pilipinas. Kaya nga ako nag-intern kase alam kong magandang experience ang Hotel De La Crème pero isa pa lang bangungot. Maayos naman ang naging interview ko kahapon, ah? Ang alam ko, sure na sure na akong makakapasok ako dahil sa sagot ko. Confident kumbaga. Pero ngayon? Hays, ayoko na!

Ininguso ni Danica ang isang lalaking pinalilibutan ng mga maaasim at sosyalerang social climber. Tuwang-tuwa naman ang mga babaeng hinihipuan niya, 'yong iba naman ay kahit may nakakakita ay nilalamas niya ang dibdib nila at tuwang-tuwa naman ang china-chansingan niya. Buwisit! Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanila! I hate them all! Mga walang magawa sa buhay at aksayado ng pera dahil araw-araw may party sila, inuman o 'di kaya nasa penthouse. Paano ko nalaman? Eh, syempre sikat nga sila!

“What do you mean?!” naiinis na bulong ko kay Danica.

Nagulat naman si Danica dahil parang kaunti na lang makakabugbog na 'ko. “Uy, chill ka lang, bes. Ang tinutukoy ko, 'di ba sila 'yong onwer ng 150 branches all over the world ng Hotel De La Crème? Why don't you try to seduce him? Use him? You know?” suhestiyon ni Danica.

Nailuwa naman ni Raquel ang iniinom niyang juice kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya. Humahagalpak siya sa tawa na animo'y may nasabing joke si Danica. “The fuck, Danica? Seriously? Seduce him? Si Solene?!” natatawang tanong niya.

Sinabunutan ko naman siya dahil alam ko na ang tinutukoy niya.

I haven’t had a boyfriend in my entire life even though I’m 19. Kahit nga first kiss wala ako, eh. Pero I have a crush, he's my professor back then. Matanda siya sa 'kin, I think he's matured enough to handle a relationship, kaya kung siya ang manliligaw sa 'kin, sasagutin ko agad-agad! That's because I like him.

Inirapan ko sila. “As if naman na gagawin ko 'yon? No, yuck. Tingnan mo nga, kung sino-sino hinihipuan niya in public, nananakmal pa ng dede tapos gusto mo i-seduce ko? Damn, iw,” nandidiring sabi ko.

Pero kung puwede ko naman gawan ng paraan sa pamamagitan ni Hendrix Suarez, a.k.a Mr. Manyakol, baka puwede naman gawan ng paraan? Like what Danica said, use him! Gano'n!

“I have an idea!” nangingiting sabi ko habang ang mga mata ko ay diretso lang kay Hendrix.

“Papahawak mo dede mo?” diretsong tanong ni Raquel kaya nabatukan ko siya.

“Gaga! Hindi!” naiilang na sabi ko. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. I'm virgin! Never been touched, never been kissed.

“Oo nga naman, wala naman siyang mahahawakan diyan, eh,” ani Raquel kaya inirapan ko siya.

Nakita ko naman na nginisian ako ni Hendrix kaya naman inirapan ko rin siya at inalis na ang titig ko sa kaniya. Baka naman assumerang frog din siya, isipin niya na ang lahat may gusto sa kaniya. No, no, no. Ako? Ayoko! I really hate that guy!

Alam mo 'yong feeling na 'yon? Kahit na wala siyang ginagawa, basta na lang ako naiirita sa kaniya. Nakakainis lang kase siya, lahat na lang ng ginagawa niya nakakainis na. Naiinis lang ako, kase wala lang. Talagang nakakainis lang siya!

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na sinearch ang pangalan niya. Alam ko famous 'to eh, kaya nga maraming social climber ang nakaaligid sa kaniya. Dami niyang friends, pero 'yong iba uto-uto lang talaga sa kaniya kaya gano'n.

'Yong kaklase nga namin na magna cum laude eh uto-uto, ang talino niya pero bobo pagdating sa ganito. Lalo na kay Hendrix, lahat ng katangahan sinalo ni Penelope. Siya lang naman ang taga gawa ng assignments, and projects ni Hendrix, basta ang kapalit ay sex o 'di kaya ay kiss. Yuck!

I immediately searched his name on social media. And what I expected, he's totally famous! He has 100k followers, damn it.

I viewed his profile at agad akong nairita dahil wala siyang damit doon,but he looks hot! Kung iba 'to, panigurado sasabihan ng dugyot, eh. He's famous, simpleng profile picture lang, hundred thousand reacts and million of commentors na ang pumupuri sa kaniya. Eh ako nga, 2 years ago na ang profile ko 50 lang ang inabot na reacts. But anyways, hindi naman tungkol doon kung gaano ba siya ka-famous or what, I need him para makapasok ako sa hotel nila.

Okay, alam ko na. Magpapakilaka ako sa kaniya at magpapatulong para matanggap ako sa OJT na 'yon sa hotel nila.

Ngumiti ako habang tinitingnan siya. Yari ka sa 'kin mamaya, Hendrix Suarez, also known as Mr. Manyakol.

Hindi naman siya mahirap hanapin, dahil kahit saan siya magpunta may mga nakasunod sa kaniya na mga alalay niya. Bukod pa ro'n ay may kaibigan siyang dalawang mayaman din, si Azi and Art. Magpinsan ata sila? 'Yon ang alam ko.

Pagtapos ng klase ko ay agaran akong sumunod sa kanila, kung nasaan siya at ang mga alalay niya. Ang akala ko ay uuwi na sila pero tumambay pa talaga sila sa cafeteria, halos ubusin nila ang laman ng tinda rito dahil sa long table nila.

'Di naman ako nagpahalata na sinusundan sila, kaya nilabas ko ang librong nasa bag ko habang tumitingin sa kaniya nang palihim. Nang maramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya ay tumingin din siya sa akin kaya mas sinubsob ko pa ang mukha ko sa libro. Shet naman!

Naramdaman kong tumayo siya at lumapit dito kaya kinakabahan ako. Ilang beses akong lumunok ng laway ko, feeling ko mauubos ko 'to.

“Excuse me, Miss? Are you following me, or what? Baka kase humandusay na lang ako bigla, kasi balak mo akong barilin,” aniya.

Ibinaba ko ang libro na hawak ko. “Kapal mo, singkapal ng librong binabasa ko,” sabi ko sa kaniya.

Tumingin siya sa libro ko at natawa. “You're reading?” tanong niya.

“Damn, obviously? Hindi mo ba nakikita, ha? Are you fucking blind?” mataray na tanong ko at nilakihan ko talaga ang mga mata ko.

“You're such a talented, huh? Can anyone read the book upside down?” aniya sabay tingin sa librong binabasa ko. “This is the new guinness world record,” ani Henrix at ngumiti. Alam ko naman ang mga pekeng ngiti, eh. 'Di ako maloloko nito.

Tiningnan ko naman ang binabasa ko at bigla akong nahiya dahil baliktad pala 'to! Kaya pala ganiyan siya! Buwisit! Nahiya ako bigla, sana lamunin na lang ako ng lupa.

“Shit!” mahinang bulong ko at saka tarantang nilagay ang libro ko sa bag ko.

Damn, damn, damn! Mabilis akong tumakbo at narinig ko naman ang halakhak niya. Shit! Even his laughter, nayayabangan ako! Buwisit, lahat na lang ng tungkol sa kaniya mayabang para sa 'kin. Basta I hate him, hanggang mamatay ako!

Wha's wrong with me?! Normal lang naman sigurong mainis ako nang bonggang-bongga sa buwisit na 'yon, 'di ba? Eh, syempre kase mayabang siya tapos playboy, puro sex lang ata nasa isip niyan at laplapan!

He looks naive, pero manyakis siya! Lahat ata ng posisyon sa kama alam niya. Sa mga kuwento pa lang ng mga nakakama niyang babaeng tuwang-tuwa pa sa ginawa niya, malamang alam ko na ang lahat ng baho niya. Pati iyon naiinis ako sa kaniya, buwisit! Dapat wala akong pakialam tungkol doon pero pinoproblema ko ngayon ang tungkol sa kaniya. Gusto ko lang naman mapalapit sa kaniya so he can help me para makapasok ako sa hotel nila!

Naghintay na lang ako sa parking lot hanggang sa mag alas sais na, nilalamok na ako rito hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito kakahintay sa kumag na 'yon. Hindi naman ako mag-e-effort kung hindi importante 'to, 'no. Ano ba siya? Sinusuwerte? Baka akala niya fan na naman niya ako na mauuto niya.

Iba ako sa lahat. Kung ang iba nadadala niya sa itsura niyang mala anghel pero may tinatagong manyak! Pero ako? Hindi. Saludo ang middle finger ko para sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status