Share

KABANATA 5

Excited akong pumasok sa Hotel De La Crème, dahil ngayon ang unang araw ko para sa internship ko ro'n.

Tuwang-tuwa naman sila Mommy at Daddy sa naging resulta para sa internship ko. Buti 'di ako binigo ni Hendrix, kung hindi ay hindi ko na lang alam ang gagawin ko sa kahihiyan. Lalo na't pinagmayabang ko nang nakapasok ako ro'n sa hotel nila.

Naglagay lang ako ng highligh na make-up, at saka ko pinusod ang buhok kong mahaba. Dahil baka ayaw nila ng buhaghag na buhok dito. Nagsuot ako ng uniform ng Hotel De La Crème at naglagay ng scarf, para malaman na intern din ako rito.

Na-assign naman ako sa top floor, doon pa sa pinakadulo. Hindi ko alam kung anong meron doon at lahat sila iniiwasan ang ma-assign doon. Naglakad-lakad ako sa buong floor, at namamangha ako sa disenyo ng hotel na 'to. Sobrang sosyalin ng hotel na 'to, pinaka-engrandeng hotel 'to sa buong Pilipinas. Lahat dito ay mga professional. Kaya aakto rin ako na parang professional, para hindi ako pagalitan ng Manager.

Napabusangot ako nang hindi ko man lang nakasalubong si Sir Duke! Parang 'di buo ang araw ko kapag gano'n.

“Miss!”

Napalingon ako nang tinawag ako ng isang babae. Napakunot ang noo ko habang papalapit siya sa 'kin at hingal na hingal na animo'y hinabol ng isang aso.

“Intern ka ba rito?” hinihingal niyang tanong. Sinulyapan ko naman ang name plate niya at Marie ang pangalan niya.

Tumango ako at ngumiti. “Yup, bakit?”

“'Di ba naka-assign ka sa top floor sa dulong bahagi? Ikaw na lang bahalang mag check doon, ha? Ayaw ko kasi ro'n,” hindi mapakaling sabi niya.

Nangunot naman ang noo ko. “Huh? Bakit naman?” tanong ko.

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Sa tingin ko mali ang ginawa ko, baguhan lang ako rito dapat sumusunod lang ako sa mga utos nila. Nakaka-curious naman kase 'yong mukha at galawan niya, kaya nagtanong na 'ko.

Ngumiti ako. “Sige po, ako na lang bahala ro'n.”

Bigla naman kumabog ang dibdib ko. Baka naman may multo ro'n? Kaya ayaw nilang ma-assign sa top floor na pinakadulong room? Matatakutin pa naman ako at baka may kababalaghan nga na nangyayari roon.

Hindi ko na lamang 'yon pinansin. Tinulak ko 'yong cart at tinahak ang dulong bahagi ng mga rooms, chicheck ko lang naman at lilinisan kung marumi ba o hindi.

Sa unang room ay walang tao at malinis naman, parang katatapos lang linisin kaya hindi ko na nilinis.

Sa pangalawang room naman ay marumi, kaya pumasok ako ro'n at lilinisin ko.

Habang nililinis ko 'yong kuwarto ay nagulat ako nang marinig kong may d*******g. Malakas na malakas na pagdaing, kaya nagmadali akong maglinis sa may sala. Baka ito na 'yong sinasabi nila!

“Ugh! Ahhh! Oh!”

Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang mata ko sa narinig ko. May kababalaghan nga! Palakas nang palakas ang ungol ng babae na animo'y nasa langit na siya.

Napalunok ako, may tumutulak sa sarili ko na i-slide ko ang sliding door na nandito. Shit! Manyakis ba ako neto?

Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilinisan ko ang sala at pinulot ko isa-isa ang mga panlinis na ginagamit ko. Bakit ba may gano'n? At kailangan ko pa talaga marinig? What the hell.

One last suite at break ko na. Nakakapagod maglinis pero ginusto ko naman 'to, kaya kailangan panindigan.

“Good morning, house keeping!” sabi ko at naghihintay ng sagot.

Wala yatang tao rito. Nasa standard protocol naman na bawal pumasok sa room kapag may guest. Papasok ba 'ko? Mukha naman kaseng walang tao ngayon dito, eh.

“Good morming, you can clean my room,” sagot ng nasa loob.

Huh? Bawal maglinis ng may guest sa loob, patakaran dito 'yon.

“I can come back later, Sir.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Nasa standard protocol po kase na bawal maglinis nang may guest,” mahinang sabi ko.

“I want to you to clean my room now. My suite is pretty mess.”

Hays. Wala naman akong magagawa kung gusto talaga ng guest na ipalinis 'di ba? Wala akong choics kun'di ang linisin na lang since iyon ang inutos.

Binuksan ng guest ang pintuan at bumungad naman sa akin si Hendrix na naka-top less at nakatapis lang ng tuwalya. Sa tingin ko katatapos niya lang maligo, kitang-kita ko ang V-line niya at ang ganda ng hulma ng abs niya.

Napalunok ako at napanganga ako sa nakita.

“Clean my room now, Solene.” Binuksan niya pa lalo ang pintuan at hindi naman ako natinag, nakatulala lang ako sa katawan niyang nakatambad sa akin ngayon. “Close your damn mouth,” aniya at tinulak ang baba ko para maisarado ang nakanganga kong bibig.

Umiling-iling siya habang tumatawa. Well, nakakahiya nga 'yong ginawa ko. Bakit nga ba ako ngumanga, 'di ba?

“Babe..”

Napalingon ako sa kabilang banda nang mamataan ko ang isang babae na nakatapis lang ng kumot. Sa tingin ko kagagaling lang nila sa madugong labanan. Ano pa nga ba ang expectation ko kay Hendrix Suarez na maraming babae at maraming ikinakama 'di ba?

“Missy!” ani Hendrix sa babaeng galing sa kuwarto.

Humalakhak si Hendrix nang lumapit ang babae sa kaniya at hinalikan siya sa leeg. Nakita kong naghalikan sila sa harap ko pa mismo at naririnig ko talaga ang bawat tunog sa mga labi nilang naghahalikan.

“I'm not missy, it's kaith!” Sumimangot naman si Kaith kaya tumawa si Hendrix sabay hingi ng paumanhin at muling naghalikan. This time kitang-kita ko pa ang pagsipsip ng babae sa dila ni Hendrix. Is this a french kiss or what?

Nandidiri ako habang nakatingin sa kanila. What the fudge, seriosly? A one night stand with Hendrix? Damn, nasusuka ako. Alam ko naman na marami na siyang nakaka-one night stand pero ngayon ko lang talaga siya nakitang live makipaglaplapan!

“Bakit hindi ka makatingin?” takang tanong ni Hendrix sa 'kin.

Hinalikan naman siya ni Kaith sa may V-line. This time ayoko ng makita dahil nandidiri talaga ako sa ginagawa nila, tanginàng babae 'yan kung may respeto siya sa sarili niya hindi niya hahalikan si Hendrix sa harap ko mismo na kulang na lang ay isubo niya ang hotdog ni Hendrix.

Umirap ako at naglakad papunta sa may cart ko, aalis na ako rito dahil hindi ko na kaya. Baka masuka lang ako.

“Where the hell are you going, Solene?” tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at alam kong sinusundan pa ako. Bakit niya naman iniwan doon si Kaith? Baka malapit na sila sa exciting part, mukhang uhaw nga si Kaith sa dilig eh.

“Patatalsikin kita rito kapag hindi ka tumigil sa paglalakad,” aniya kaya tumigil ako. Napapikit ako sa inis at saka siya hinarap. “What the hell is your problem?” tanong niya.

“I don't have a problem, Sir,” sagot ko.

Napangiwi siya. “Now you're calling me ‘Sir’ pero kapag nasa school Suarez at Hendrix ang tawag mo sa 'kin?”

Hindi ako natinag at nakatingin lang ako nang diretso sa kaniya gamit ang seryosong mga titig.

“Nakita mo na 'kong hubo't hubad hindi ba? Bakit parang gulat ka ngayon at 'di makapaniwala sa nakita mo? You have a sex tape, right?” nanunuyang sabi niya.

“Iba siya kapag live, at iba rin kapag video. Okay? Whatever, bye. Enjoy your blowjob!” sabi ko at tumalikod na at nagsimulang maglakad.

“If you don’t stop walking, you already know what I’m going to do,” ma-awtoridad niyang sabi kaya tumigil ako.

Bullshit! Ginagawa niyang panakot 'yang pagiging acting CEO niya. Alam ko naman kapag sinabi niya, ay gagawin niya.

“Bakit iba siya kapag live? Did you close your eyes when you took the video?” tanong niya.

Napalunok ako. “O-oo, nakapikit ako noong k-kinuhanan ko,” sagot ko.

Ngumisi siya at hindi na nagsalita. Puwede na siguro akong umalis at wala naman na siyang itatanong na iba, 'di ba?

I turned around and started pushing the cart. Huwag na sana niya akong tawagin, dahil nabubuwisig na ako sa kaniya.

Mabuti na lang at 'di na niya ako tinawag. Siguro ay bumalik na siya kay Kaith at nag-ano na silang dalawa. Ito siguro 'yong ayaw ng mga intern dito, may kababalaghan na naririnig. Nakaka-distract nga naman ang may marinig ka na gano'n habang naglilinis ka. Sino ba naman ang may gusto nang gano'n?

“Ms. Galvez?”

Napatigil naman ako sa pagtulak sa cart at tiningnan ang matipunong si Sir Duke. Simple lang siya pero ang lakas ng dating! Kumakabog nang mabilis ang puso ko at sa tingin ko ay kakawala na ito sa dibdib ko.

“S-s-sir Duke!” nauutal na sabi ko at saka ngumiti nang panis. Pakiramdam ko ay sing pula na ako ng kamatis dahil sa nag-iinit ang pisngi ko. Kinikilig ako na kinakabahan parang magkaka-heart attack yata ako rito!

He's so handsome! Kasalanan ang ganitong ka-guwapo. Singkit ang mga mata niya, kutis porcelana at mapula ang labi niyang manipis. Matangos ang ilong at ang tikas ng katawan niya. God have spent a little more time kay Sir Duke sa paggawa sa kaniya!

“Are you okay?” tanong niya at saka tumingin sa likuran ko. “Did he hurt you?” nag-aalalang tanong niya.

“Huh? A-ah h-hindi naman.” Umiling-iling ako.

Suminghap siya at hinilot ang bridge ng nose niya. “I know what's going on here. Palagi 'yang may dalang babae para ma-kama niya. Pinormahan ka ba niya? Does he inviting you for a one night stand with him? Or he's trying to kiss you or something like that?”

Huh? Ako? Hahalikan ni Hendrix? At saka isa pa, sa tingin ko hindi naman siya ang mag-aaya for a one night stand or for a kiss. Mga babae ang nagkakandarapa sa kutong lupa na 'yon.

“Did he kissed you?” nag-aalalang tanong niya. Lumapit siya sa akin para tinginan ako nang mabuti.

Hindi ako natinag. Para akong nanigas dito at nag-eenjoy na malapit siya sa 'kin.

“So what if I did, Duke?” biglang sagot ni Hendrix na nasa likuran ko.

Sir Duke licked his lower lip. “She's an intern here, you must not touch her, Hendrix. At saka may mga nakakasama ka naman, 'di ba?”

Lumingon ako at tiningnan si Hendrix. Kasama niya si Kaith at pareho na silang nakabihis. Siguro tapos na ang morning session nila.

Pinaalis ni Hendrix si Kaith at nakabusangot naman na umalis si Kaith dito sa harapan namin.

“So now, wala na akong kasama. And as what you've said, she's an intern here so she needs to clean my pretty mess suite,” sabi ni Hendrix sabay hawak sa kamay ko.

Hinawakan din ni Sir Duke ang kamay ko. Ngayon ay nag-aagawan na sila at pakiramdam ko mababali ang kamay ko sa kanila.

“No. What are you going to do with Solene? Paglalaruan mo siya like the other interns here?” tanong ni Sir Duke at ma-puwersa akong hinila kaya napangiwi ako sa sakit.

Ngumisi naman si Hendrix at saka ako hinila. “Why would I do that? Sila ang may gusto sa 'kin, pinagbibigyan ko lang sila. She's not even attractive, she looks cheap. And look at her boobs, it's flat. And yeah, Solene is an intern here, I just want her to clean my room. Got a problem with that, Duke?”

Halos umusok ang ilong ko sa galit sa sinabi niya. Pati boobs ko, pinakikiaman ng hayop na 'to! Buwisit!

“What kind of man are you? Boobs lang ba ang basehan mo sa mga intern na in-accept mo rito? I'm just concerned about her. And by the way, she's attractive. You're just blind.

Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa. Pinupuri ako ni Sir Duke! Para akong nanaginip nang gising! At kung panaginip man 'to, ayaw ko ng gumising!

“So, what are you going to do? Pull her out from this floor? You're just a manager here. I guess you want me to remind you, I'm the acting CEO here, Duke.”

Umiling si Sir Duke at 'di makapaniwala sa sinasabi ni Hendrix. “Until now you're immature, spoiled brat.”

“No, I'm not. Why don't we try to ask Solene kung anong gusto niyang gawin, Duke?”

Napangiwi ako. “Bitawan niyo muna ako, puwede po ba? Ang sakit na ng kamay ko, eh. Kanina niyo pa hinihila, naiiyak na ako rito.” Binitawan naman nilang pareho 'yon at humingi ng sorry sa akin.

Ngumiti ako nang panis sa kanilang dalawa. Sino bang pipiliin ko? Baka pareho silang ma-offend, lalo na si Sir Duke. Baka naman patalsikin ako ni Hendrix kapag 'di ko siya pinili. Pero mas masasayangan ako kun'di ako nakapag pa-ganda points kay Sir Duke.

Hinarap ko si Hendrix. “Pagod ako, eh. Puwede bang mamaya na lang maglinis?”

Napanganga si Hendrix sa sinabi ko at nakita kong mabilis na nag-iba ang mood niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti naman si Sir Duke sa akin. Yesss! Dagdag points on how to make my professor fall in love with me!

“Want some coffee, Ms. Galvez?”

Mamamatay na ata ako sa sobrang kilig ko. This is unexpected!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status