Share

KABANATA 4

Nakatulala ako habang tinitingnan paalis si Sir Duke. Hindi talaga ako makapaniwala na pinuri niya ako, at isa pa nahawakan ko ang kamay niya for the first time! Hindi ko pa 'yon nagagawa noon, dahil sa palagi na lang siyang wala sa klase and sa malayo ko lang siya natatanaw.

“Do you like Duke?”

I came back to my senses when Hendrix who was next to me spoke.

“Huh? Anong pinagsasabi mo, Hendrix?” Peke akong tumawa nang tingnan siya. “Hindi kaya 'no,” I denied.

He smirked. “Now you deny it? What you say is different from what you show, Sol.” He chuckled.

Namula naman ang pisngi ko. “Eh ano naman ngayon kung gusto ko siya? Is that a big deal, Hendrix?” tanong ko.

Tumaas ang kilay niya. “Ano naman ang nagustuhan mo kay Duke?”

Wala talagang respeto, ang tanda kaya ni Sir Duke sa 'min tapos tinatawag niya lang na Duke? Huwag niyang sabihin na dahil acting CEO siya at anak siya ng isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong mundo kaya kayang-kaya niya kahit pa Professor namin noon?

“It's none on your business!” Tumingin ako sa malayo dahil alam kong namumula na ang pisngi ko. Bwisit naman kase 'tong si Suarez.

Tumingin ako sa kaniya at ngumisi siya nang nakakaloko. “May pang black mail ka sa 'kin, ngayon meron na rin ako. Paano kung sabihin ko kay Duke na gusto mo siya, Sol? That's a good idea, isn't?” panunuksong sabi ni Hendrix.

Nanlaki naman ang mata ko. Fck! Hindi puwede 'yon!

“Sh*t! Hindi 'yon puwede! For f*ck's sake, Hendrix mag-isip ka namam. Professor siya, hindi siya puwedeng ma-involve sa ganitong klaseng sitwasyon. Alam mo naman na hindi puwedeng magkarelasyon ang isang estudyante at guro 'di ba? Kaya huwag na huwag mong ipagkakalat—” I stopped speaking when he put his index finger in my lips.

“Do you think you will be his girlfriend?” Tumawa siya. “Asa ka naman, 'di ka type non,” aniya.

Halos umusok 'yong ilong ko sa sinabi niya. Wala na siyang ibang ginawa kun'di ang painisin ako, bawat galaw, bawat salita niya nakakainis na lang lahat.

“Well, let's see, Hendrix,” matapang na sabi ko.

“Ako na magsasabi. Anong gagawin mo kapag sinabi ko sa kaniya na gusto mo siyang maging boyfriend?” ani Hendrix.

Napangisi ako. “Puwes, ikakalat ko sex scandal mo.”

Nangasim naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko at ginulo ang buhok niya. “I really, really hate you! Diyan ka na nga, don't follow me!” aniya at nagmarsta palayo rito.

“Hoy! Hoy! 'Wag mo akong iwan dito gago ka!” sabi ko sabay habol sa kaniya. “Hendrix!” malakas na sigaw ko kaya napalingon siya.

“What?!” inis na tanong niya nang lumingon.

“Take me back to school, damn you!” pag-uutos ko sa kaniya.

He looks pissed. “Freak! Don't approach me at school, will you? You are embarrassing!”

Sumimangot ako. “Hindi talaga kita lalapitan, hindi mo ako fanatic mo, hate mo 'ko! Kapal ng mukha mo, eh. Nilapitan lang naman kita dahil gusto kong makapasok sa Hotel De La Crème 'yon lang 'yon wala ng iba!”

“The noise of your mouth!” naiiritang sabi niya at mukha na talaga siyang naiinis.

Sa bandang huli, wala siyang nagawa at hinatid naman niya ako pabalik sa school. Nakangiti ako sa buong oras na nagda-drive siya habang siya naman ay suntok nang suntok sa manibela niya at may kasama pang pagmumura.

“Bakit ba nagagalit ka? Do you have any problem?” pagkukunwaring tanong ko pero sa tutuusin gusto ko nang humagalpak sa tawa dahil sa namumula na siya sa sobrang inis.

Nanlilisik naman ang mata niya nang tumingin siya sa akin habang ako ay nagkukunwaring concern sa kaniya. “Can you please shut the f*ck up?! For once, just keep quiet!” Umiling-iling siya.

Napalunok naman ako dahil mukha na talaga siyang galit. Baka kase magbago bigla ang isip niya at bigla akong palabasan sa kotse niya. 'Wag naman sana.

Mas lalo siyang napamura nang madatnan pa kami ng traffic.

“Huwag mo akong ido-drop dito ha? Mananahimik naman ako, eh. Inaasar lang naman kita kase natutuwa ako kapag naaasar ka kaya gano'n lang 'yon,” sabi ko.

“Shit! I said keep quiet! Sobrang ingay ng bunganga mo!” Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang frustrated.

Ang saya pala kapag naiinis mo ang taong sobrang hate na hate mo. Parang music to my ears ang mga boses niyang naiinis sa 'kin. Puwede ka pala maging masaya nang ganito, 'no?

Masaya ako dahil nakapasok ako sa Hotel De La Crème, plus makakasama ko pa si Sir Duke ang aking man of my dreams. At isa pa, hawak ko sa leeg ang bossy na si Hendrix Suarez at the same time naiinis ko pa siya! Sarap humalakhak nang malakas.

Ibinaba naman ako ni Hendrix sa harap ng school, nang palabas ako sa kotse ay inasar ko pa siya ng isang beses para naman ma-satisfied ako kahit papaano pangbawi lang dahil sa sinira ni Hendrix ang presentation namin. Kaya nga ako bumalik sa school, para gawin ulit nang pangatlong beses 'tong presentation namin. Baka sa panghuling ulit pa, ibagsak na kami dahil sa kaka-excuse namin sa professor namin.

“Bakit nakangiti ka riyan?” bungad na tanong ni Danica sa 'kin.

Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. “Well, kasama lang naman ako sa mag-iintern sa Hotel De La Crème,” sagot ko. Umupo ako sa upuan at nagpangalumbaba habang nakatingin sa kanila.

“Huh? Paano? 'Di rejected ka?” nagtatakang tanong nu Raquel.

“Basta! Tinulungan ako ni Hendrix,” sabi ko sabay tawa.

Ikinuwento ko ang mga nangyari sa kanila, kung paano ako natanggap sa Hotel De La Crème at kung paano ko pinaikot si Hendrix na may sex tape siya kahit na wala naman.

Binatukan naman ako ni Danica kaya napangiwi ako. “Gago ka talaga, Solene. Paano kapag nalaman niyang ginagamit mo lang siya para ro'n?” tanong ni Danica.

“Eh ano naman ngayon kung malaman niya?” walang takot na tanong ko.

“Ipapakulong ka!” singit naman ni Raquel kaya umirap ako.

Tumingin ako sa mga daliri ko. “Lawyer mga magulang ko, kayang-kaya nila ako ilabas sa kulungan if ever na i-demenda ako ni Suarez,” sagot ko.

“Loka-loka ka talaga!” sabay na sigaw nila kaya pareho ko silang inirapan.

“For sure masaya si Mommy at Daddy na pumasa ako sa Hotel De La Crème. Masaya ako ngayon, dapat masaya rin kayo!” natatawang sabi ko.

“Binlackmail mo si Hendrix Suarez. At isa pa, pustahan tayo kaya ka pumasok doon kase para makita at mapalapapit ka kay Sir Duke!” ani Danica. Correct ka riyan!

Patawa-tawa ako nang makita ko si Hendrix sa may gilid. Tuwing naglalakad kase 'yon dito sa school, 'kala mo isa siya artista kase napapalibutan siya ng mga social climbers. Mga modelo, 'yong iba mga feeling gangster, at maaasim na babae. Tumatawa sila sa joke ni Hendrix at 'yong dalawang kaibigan ni Hendrix na si Art and Azi.

Habang tumatawa nakikita kong hinahaplos-haplos siya ng mga babae.

“Ang kakati ng mga babae, sinasamba 'yang si Hendrix eh tuta ko lang 'yan,” sabi ko.

Tawa siya nang tawa, at nang makita ako bigla siyang sumeryoso. Gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa kaniya, natutuwa ako kase naiinis ako nang sobra-sobra sa kaniya.

'Di bale, at least natanggap na ako sa Hotel De La Crème! Pag-uwi nila Mommy, ikukuwento ko sa kanila na natanggap ako ro'n sa isang pinakasikat na hotel sa buong mundo. Pero dahil sa sobrang excited ako, minessage ko an agad si Mommy para sabihin na tanggap ako sa Hotel De La Crème. Kailangan ko na lang ng letter ni Hendrix para masabi kong officially accepted na ako sa internship.

Tinapos na namin ang presentation namin para bukas, ang sabi ni Danica siya na lang daw ang hahawak sa flash drive baka raw kase masira na naman at uulitin na naman daw. Pumayag naman ako sa gusto niya kase tama nga naman, sisirain lang naman ng magaling na Hendrix Suarez 'yong flash drive.

Bago pa ako makauwi ay nakita kong palakad-lakad sina Hendrix at ang mga kaibigan niya rito sa school. Napangisi ako at gusto ko siyang asarin nang asarin. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako kapag naaasar siya.

“Suarez!” malakas na sigaw ko.

Napatigil sila sa paglalakad at saka ako binalingan. Napangisi ako dahil agad naman nag-iba ang timpla ng mukha niya, from good mood to badtrip.

Gusto ko lang naman kunin 'yong letter sa hotel, para ipapakita ko kina Mommy at Daddy na approved na ang application ko ro'n.

“Who is she, Hendrix?” maarteng tanong ng isang modelo sa 'kin.

“Maybe a fan,” pagsisingit ng isang babae.

Arte neto, sunod-sunuran lang naman kay Suarez. Kung sapakin ko kaya 'to, makakapalag ba?

“What's your problem?” tanong ni Hendrix na animo'y hindi ako kilala.

Ayaw niya pala ng nakikita akong kinakausap siya ng mga kaibigan niya. Mas lalo siguro siyang maiinis.

“'Di ba sabi mo may date tayong dalawa?” pagbibiro ko.

Kumunot naman ang noo niya at takang-taka sa sinabi ko.

“Bitch, walang time sa'yo si Hendrix. Kaya kung puwede lumayo ka na lang? You're just a nobody, you're cheap,” sabi ng babae na nakapalupot ang kamay sa braso ni Hendrix.

Hinead to foot naman ako ng mga kasamahan niya at sabay-sabay na nagbulungan. Mukhang ako 'yong napahiya rito, ah?

Bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran nila ako kaya naiwan akong nakanganga rito.

Sa sobrang inis ko gustong-gusto kong ibato 'tong mga bato sa gilid isa-isa sa kanila. Gusto kong bigyan sila ng malaking bukol! Nakakainis sila! Hindi pa ako nainsulto nang gano'n. Alam ko naman na nobody lang ako.

“Hendrix Suarez!” sigaw ko ulit pero hindi na sila tumigil sa paglalakad. “You know what I do, when you don’t do what I ask you to do!” malakas na sigaw ko.

Pero hindi talaga sila tumigil. Kaya napahagulgol ako sa sobrang inis ko. Malay mo hindi totoo na tutulungan ako ni Hendrix na makapasok sa hotel nila? Paano ko sasabihin kay Mommy at Daddy 'yon, 'di ba?

Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko habang tinitingnan silang palayo sa kinatatayuan ko. Naiinis ako nang sobra-sobra!

Nasa may parking lot lang ako at humahagulgol. Dapat ba hindi ko na ginawa 'yon? Mas lalo lang atang gumulo dahil sa ginawa ko, baka nagbago na ang isip niya at napag-alaman niyang wala talaga siyang sex tape sa 'kin?

Nang mag alas siyete na ay hindi ko pa rin siya nakikita. Siguro ay umalis na kasama mga kaibigan niya? Pero umaasa pa rin ako na tutulungan niya akong makapasok sa internship dahil iyon ang sinabi niya sa 'kin. Nasabi ko na kina Mommy na pumasa ako, ano na lang ang sasabihin ko na hindi pala ako nakapasa?

Napagpasyahan kong umalis na lang dito sa parking lot dahil madilim na rin. Hindi ko alam kung ilang oras na ako humahagulgol dito sa may gutter. Walang hiya naman kase 'yang Hendrix na 'yan.

Naglalakad ako pauwi nang biglang may humila sa akin at hinatak ako sa may madilim na parte.

“Fuck! Help! Help! Rapist! May CCTV dito kung balak mo 'king gahasahin mananagot ko! Bitawan mo 'ko!” sigaw ko habang hinihila ako sa may madilim na parte.

“Can you please just shut the fuck up, Solene? Kahit kailan talaga napaka-ingay mo, kanina pa kita tinitingnan doon para kang tangang umiiyak,” ani Hendrix. Huminga siya nang malalim at binitawan ako.

Humagulgol pa ako dahil sa sobrang kinabahan ako kanina. Kung rapist talaga 'yon, paano na 'ko?

“Hey.. Stop crying, Solene. I'm sorry kung nabigla kita..” Inilagay niya ang mga takas kong buhok sa may tainga ko. Pinaupo niya ako sa passenger seat at siya naman ay umupo sa driver's seat.

Nahampas ko ang dibdib niya pero hindi siya natinag, para bang hinahayaan niya lang ako na saktan siya.

“You scared the hell out of me!” sigaw ko sa kaniya habang umiiyak pa rin.“I though I was going to be raped!”

Tumawa siya. Tawa na parang wala ng bukas. “May magbabalak pa bang mang-rape sa'yo? Eh tingnan mo nga katawan mo.”

Sinapak-sapak ko siya.

“Didn't I tell you not to approach me at school? Especially when my friends are there,” aniya at sumeryoso ang mukha.

Napasimangot naman ako at napasandal ang likod ko sa car seat. “Ano bang nakakahiya sa 'kin?” tanong ko.

“Iyang bunganga mo,” sagot niya. May kinuha naman siya sa back seat.

Hindi ko siya pinapansin at tumingin ako sa front door glass. Kaunti na lang pala ang kotse na naka-park dito, halos umuwi na pala sila.

Kinakalabit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Pero patuloy pa rin siya sa pangangalabit sa 'kin.

“Ano?!” naiinis na tanong ko at pilit na inaalis ang daliri niya.

Nang hindi siya tumigil ay hinarap ko na siya. “Ano ba?!”

Tumawa siya nang malakas. “Nakaharap ka na pala, akala ko nakatalikod ka pa. Flat chested ka kase, parang likuran,” pang-aasar na sabi niya.

Sinabunutan ko siya sa sobrang inis. Kanina pa ako naiinis sa kaniya! Siya dapat ang bibuwisitin ko kaso ako ang nabuwisit sa kanila. Kapag maganda mood ko, pangit naman mood niya. Pag ako naiinis, mang-aasar siya lalo.

“Nakakairita ka na!” sigaw ko habang sinasabunutan siya.

“Ouch! It hurts, Solene!” aniya kaya binatawan ko na.

Inayos niya ang buhok niya at ang suot niyang nagusot. Kahit pala mukha siyang dugyot, guwapo pa rin. Kaso 'yong ugali, ang pangit.

Binigay niya naman sa akin 'yong envelope kaya taka ko itong kinuba at binuksan.

“Officially accepted..” Nanlaki ang mata ko at gusto kong tumalon-talon sa sobrang saya! Ackkk! Niyakap ko si Hendrix sa sobrang saya ko. “Oh my gosh! I love you!”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ko kaya naman tinulak ko siya. Mukha rin siyang gulat dahil sa sinabi ko. Sh*t? Did I really say I love you? Gosh!

Napalunok siya at gulat akong tiningnan. Ilang minuto kaming natahimik bago siya nagsalita.

“Huwag mo na akong gambalain sa school, especially infront of my friends.” Tumago ako sa sinabi ni Hendrix. “Gabi na at delikado na, I will take you to your house, Solene. Baka mapahamak ka pa.”

Napalunok ako. “O-okay,” tanging sagot ko at niyakap na lang ang envelope na hawak ko at saka tumingin sa front door glass.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status