Share

The Assassin's Failure
The Assassin's Failure
Author: Deemnly Brown

Prologue

Prologue

* * *

There was a place where assassins exist. This place is called Samarra City. Kitatakutan ng ibang siyudad dahil puro assassins ang nakatira doon. Kilalang-kilala pero hindi pinupuntahan ng karamihan.

Modern era yet the law isn’t new. Brutality is favorable. Killing is not prohibited but you have to face the consequences. Because once you assassinate someone, your life or the life of your loved ones’ will be taken as compensation.

* * *

August 9, ****

I CAN’T explain what I feel right now. I’m so excited because it’s my birthday today. I’m so nervous too because I reached the legal age. I can do whatever I want legally. Yes!

Wala rin akong pasok ngayong araw at pabor sa akin iyon. “Happy eighteenth birthday, Grace!” nakangiti kong bati sa aking sarili sa harap ng salamin.

Nahanda na ang lahat ng pagkain sa mesa para sa aking kaarawan. Inihanda agad ng mga katulong namin ang lahat. Ang mga magulang ko na lang ang kulang sa bahay. Hindi pa sila nakauwi sa bahay hanggang ngayon. Naintindihan ko naman dahil busy ang mga magulang ko sa trabaho. Laking pasasalamat ko lang talaga dahil hindi naman sila nawalan ng oras sa akin.

Pabalik-balik ako sa k’warto habang pumipili ng susuutin para sa aking kaarawan. Walang magarbong handaan ang birthday ko dahil iyon ang gusto ko. Hindi ko kailangan ng magarbong handaan sa aking kaarawan. I just want my parents’ attention. I want them to come home early and we celebrate my birthday–just us.

When I heard a knock, I hurriedly ran to the door. Bumungad sa akin ang mayordoma ng bahay namin na nakangiti.

“Hija, dumating na ang iyong ama.”

“Thank you for informing me, manang.”

Wala na akong may hinintay na pasko. Tumakbo agad ako pababa ng hagdan. Nandoon nga ang aking ama sa sala. Kitang-kita ko siya habang pababa pa lang ako sa hagdan. Halata ang pagod sa kanyang mga mata.

“Daddy! I miss you so much.” Dinambahan ko agad siya ng yakap na may ngiti sa labi nang makalapit ako sa kanya. I miss him. Ngayon ko lang siya nayakap ulit kaya hinigpitan ko lalo ang yakap sa aking ama.

Simula kasing naging secret agent ang aking ama’t ina ay naging busy na sila sa trabaho. Pagod lagi umuwi at hindi na kami nakapag-bonding nitong nakaraan.

“I miss you too, hija…” mahinang sambit nito. Hinaplos niya ang aking buhok. Sinubsob ko lalo ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan ang aking noo. “Happy birthday, Ace!” nakangiti niyang bati sa akin.

“Thank you, Dad! Wait! Where’s mom?” nagtatakang tanong ko. Himala yata na hindi niya kasama sa pag-uwi si Mommy.

Umupo na ako sa kabilang sofa, pinagkrus ang aking binti at hindi ko inalis ang tingin sa aking ama habang busy ito sa pag-aayos ng gamit niya.

“She said, she will buy something for you. So, I left her at the mall.”

Kaya pala. Ano kaya ang bilhin ni Mommy? Hindi ko naman kailangan ng mga materyal na bagay dahil kumpleto na ako. I won’t spoil myself anymore. Hindi na ako bata para bigyan pa ng regalo. Sapat na sa akin ang presensya ng aking mga magulang.

“Ah, okay. Hindi mo ba siya susunduin, Dad?”

“You know her attitude, she won’t like that.”

“Yeah, I know.” I rolled my eyes. Natawa na lang kaming dalawa ni Daddy.

Hindi kasi gusto ni Mommy na sunduin o ihatid siya ni Daddy kung may ibang pupuntahan ito. Pero dahil isa lang ang organization na tinatrabahuan nila kaya magkasama sila papunta sa trabaho at pauwi sa bahay.

Alam ko na ang linya ni Mommy tuwing sunduin siya ni Daddy. Iyong hindi naman daw siya mahinang babae dahil kaya niya ang kanyang sarili. That’s my mother.

“Oh, siya, anak. Magbihis muna ako. Ikaw mag-ayos ka na rin ng sarili para pagdating ng iyong ina, mag-celebrate na lang tayo, okay?”

“Okay, Dad!” sabay tango sa kanya.

Nauna na ang aking ama na pumanhik sa kanilang k’warto ni Mommy. Kaya pumanhik na rin ako papuntang silid ko. Napangiti akong lumakad pabalik sa aking k’warto. Labis ang saya ng aking nadama ngayon. I’m so excited to celebrate my eighteenth birthday with my loved ones.

Napagdesisyunan kong mag-ayos na lang ng sarili. One-shoulder red dress ang pinili ko dahil sabi ng karamihan dapat kulay pula raw ang suutin sa kaarawan para s’werte. Ewan ko lang kung s’werte nga, pero bagay naman pala sa akin ang kulay pula. May kurba ang labi kong napatingin sa kabuuan ko na nasa salamin. Mas lalo akong gumanda.

Nang makatapos na ako ay agad akong bumaba. Hihintayin ko na lang ang mga magulang ko sa sala. Panay lang tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding.

Kumunot ang noo ko dahil nag-init na ang p’wet ko sa kakaupo sa sofa pero wala pa rin si Mommy. Napatingin ulit ako sa malaking orasan na nasa dingding. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na pasado alas siete na.

Napagdesisyunan kong pumanhik sa k’warto ni Daddy dahil hindi pa rin siya nakalabas. Nakatulog ba siya? Gusto ko lang usisain kung tumawag o nag-text ba si Mommy sa kanya.

“Dad, it’s almost seven o’clock. Bakit wala pa si Mom?” tanong ko sa labas ng pinto.

I also knocked on the door twice but no one is answering. Nagsimula nang sumibol ang kaba sa aking dibdib. Napagdesisyunan kong pumasok na lang sa loob. Mabuti na lang dahil hindi naka-lock ang pinto.

Napasigaw ako nang madatnan ko si Daddy na nakahandusay sa sahig na duguan.

“D-Daddy!” sigaw ko na tumutulo ang luha. Parang naninikip ang dibdib ko sa aking nakita.

Nakakaawa ang sitwasyon ng aking ama. Nakagapos ang kamay at paa. Maging ang bibig nito ay nilagyan ng takip. Duguan at may pasa ang kanyang mukha na para bang sinuntok ng maraming tao. Nanginginig ang tuhod kong nilapitan ang aking ama. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. May sugat siya sa tagiliran at tumutulo ang dugo sa sahig.

Who did this to him?

“D-Dad, I’m here… don’t worry,” naiiyak na bulong ko.

Kinuha ko ang kumot na nasa kama. Tinakpan ko gamit ng aking kaliwang kamay na may hawak na kumot ang kanyang sugat para hindi masyadong lalabas ang dugo. Nagpupumiglas si Daddy at parang may sinasabi pero hindi ko maintindihan. Napalunok ako nang ibinaling ko ang aking tingin sa kung saan siya tumingin. Nasa bukas na bintana lang ang kanyang mga mata. Halatang may galit at takot sa kanyang mga mata.

Nanuyo ang lalamunan ko dahil may nakita akong bahid na dugo ang puting kurtina ng k’warto. Agad kong binalikan ng tingin si Daddy. Nagmamadali kong kinuha ang takip sa kanyang bibig.

“D-Dad? How’s your feeling? Y-You’re bleeding, I will call the doctor for help.” Pinilit kong patigasin ang aking boses. Hindi ako mahinang anak. But my tears keep falling down my cheeks.

“D-Don’t. I can handle myself. I’m fine, hija. Don’t worry, okay? Bilisan mong kunin ang lubid na nasa kamay at paa ko. They… will c-come back later,” may kabang wika ng aking ama. I saw how he swallowed his saliva.

Hindi muna ako nagsalita. Mabilis kong kinuha ang nakagapos sa kamay at paa niya. Sobrang bilis ang pagtibok ng aking puso na para bang lalabas na ito sa aking dibdib. Natatakot din ako pero hindi ko pinahalata.

“T-They? W-Who are they, Dad?” tanong ko nang matapos kong kunin ang mga nakagapos sa kanya.

Tumayo si Daddy na hawak-hawak ang kanyang sugat. Ako naman ay pilit siyang inalalayan.

“Our enemies,” malamig na sagot ng aking ama.

Enemies? Oh, no. Pumasok agad si Mommy sa isip ko. She’s in danger. No way. Huwag naman sana.

Umiling-iling akong sumandal sa dingding at tiningnan ko lang ang ginagawa ng aking ama. Ginamot niya ang kanyang sariling sugat. He tore the blanket and made it like a bandage. He cleaned his wounds with alcohol. Nilagyan niya agad ng gamot, hindi ko alam kung anong gamot ang nilagay niya. Binalot niya ang kumot na kanyang pinunit sa sugat niya. He was a nurse before he became an agent, of course, he already knows what to do when he is wounded.

Napukaw ang atensyon ko nang may nag-text sa akin. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Text nga at galing kay Mommy ang mensahe. Nawala bigla ang kaba ko dahil sa wakas nag-text si Mommy.

“D-Dad. Si Mom… ang nag-text sa akin. Nag-text ba siya sa ‘yo?”

“Read it aloud and clear, hija.”

So, I decided to read it aloud. “Happy birthday, sweetie. I’m here. I have a surprise for you. Check it out.”

“Sh*t!” narinig kong mura ni Daddy pagkatapos kong basahin ang mensahe na galing kay Mommy. Tumakbo agad ito pa labas ng k’warto dahil may bagong dating na sasakyan sa labas. Tiningnan ko sa bintana kung sino ang dumating. I saw an unfamiliar car. Si Mommy na siguro iyon.

“Dad! Dad… si Mom siguro ang dumating. Dad!” habol ko sa kanya. Naguguluhan ako sa ikinikilos ni Daddy ngayon. Nahabol ko naman siya sa sala.

“No,” maikling sagot ni Daddy na ikinagulat ko. Paanong hindi? Naguguluhan talaga ako at hindi mawala ang kaba sa aking dibdib.

When my father opened the door, dalawang lalaki ang bumungad sa amin. They are like goons. Akala ko si Mommy na ang dumating. Tama si Daddy, hindi nga si Mommy. I shivered when the two goons looked at me sharply.

“Stay back, Ace,” malamig at maawtoridad na wika ni Daddy.

Nanginginig ang paa ko na umatras at nagtago sa likod ni Daddy. Siya ang humarap sa dalawang lalaki na mukhang adik na parang weirdo.

“Who the hell are you? Who sent you here?”

“Relax, Mr. Moncatar. We are here to send a gift for your daughter. It’s her birthday today, right?” may inabot ang isang lalaki sa aking ama. Hindi kalakihang kulay itim na kahon at mukhang mamahalin.

Hindi makapagsalita ang aking ama. Tinanggap niya na lang ang binigay ng lalaki.

Sumilip ako. Doon ko na mukhaan ang dalawa. May takip ang kanilang mata hanggang sa ilong pero ramdam ko ang talim ng bawat titig nila sa amin. They have a piercing on their faces. Maraming tattoo rin ang bawat balat nila. One tattoo caught my attention. Three-headed snake tattoo.

“Enjoy your birthday, baby girl. I hope you like our gift.” Kumindat pa sa akin ang isa sa kanila. Dalawa lang sila ang nasa harapan namin pero ramdam kong marami pa sila pero nasa loob lang ng sasakyan.

Napalunok ako nang kumindat ulit ang isang lalaki sa akin. Nanunuyo ang aking lalamunan at dumadagundong na ang kaba sa aking dibdib. I’m afraid. They are just like a killer.

Tumawa lang ang dalawa na parang demonyo bago kami tinalikuran. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ang sasakyan nila.

“D-Dad? W-Who are they? Why did they know my birthday? W-Why are you so speechless?”

“Y-Your mom, hija. Y-Your mom…” I saw sadness, guilt, and hatred in his eyes. Tumutulo na rin ang luha niya habang nakatingin sa akin. Mahigpit ang paghawak niya sa kahon na para bang alam na alam niya ang laman.

Naguguluhan naman akong nakatitig sa kanya pero ang kaba sa aking dibdib ay nandoon pa rin. Kinuha ko ang kahon sa kanyang kamay. Gusto kong malaman kong ano ang laman. Medyo kabigatan ang kahon. Sobra akong nagtaka sa laman.

“Don’t open it,” mahinang sambit nito nang akma kong buksan ang kahon.

“Why? It’s my gift. I will open it.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Daddy. Tuluyan ko nang binuksan ang kahon.

Nanlaki ang mga mata ko habang tumulo ang luha. Nanginginig ang kamay ko habang hinawakan ang kahon. Halos hindi ako makahinga sa aking nakita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Patuloy lang na tumutulo ang aking luha.

“N-No! T-This is…not true. M-Mommy! No… no…” I cried when I realized what I saw inside the box. Ulo iyon ng aking ina. Makikita ko pa sa mga mata niya ang takot at may luha pa ang kanyang mga mata. Halatang sinaktan bago pinatay. Hindi ko matanggap ang aking nakita.

“D-Dad! S-Say something. S-She can’t be. N-No! P-Please!”

Napaupo ako sa sahig habang yakap-yakap ang kahon. Napahagulhol ako sa pag-iyak. Hindi ko kaya. Hindi ko matanggap itong nakita ko. Ang sakit sa dibdib.

“I’m so sorry, hija… I’m sorry, Graciella…” Naramdaman kong niyakap ako ni Daddy. Narinig ko rin ang kanyang pag-hikbi.

* * *

“M-MOMMY… No, you’re not dead. Mom--”

“Ace! Ace! Wake up!”

Isang sigaw ang nagpagising sa akin. Sapo ko ang aking dibdib sa sobrang paghingal. Napalunok ako sa sobrang panunuyo ng aking lalamunan. Napanaginipan ko naman ang masakit kong nakaraan.

“D-Dad!” I cried. Agad kong niyakap ang aking ama. “D-Dad, I dreamed it again.”

Napahagulhol ako sa bisig ng aking ama. Hinagod-hagod niya ang aking likod para pakalmahin ako.

“It’s okay… don’t cry. Hush! Daddy’s here. I will protect you. Hindi nila tayo matutumba agad.”

“Justice. Dad, when can we get the word justice?”

“Soon… we are almost there, hija…”

I stopped crying and I smiled coldly.

Soon, mom… ako mismo ang magbigay ng hustisya sa iyong kamatayan.

* * *

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deemnly Brown
Thank you for reading. 😍
goodnovel comment avatar
Teddybearwithme
Done reading this, the first part.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status