Nagpakawala muna ng isang malalim na buntonghininga si Ralf bago siya muling nagsalita."Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon kasama ang baby... Teka, nasabi mo sa akin kanina na sinubukan mong kausapin ang dati mong kasintahan?" ang biglang niyang tanong.Tumango si Jasmine bilang tugon. "Oo. Naglakas loob akong tawagan siya. Nag-sorry siya Pero iyon na lamang ang nasabi niya dahil busy siya sa trabaho." ang imporma ng babae."Teka, nasaan ba siya ngayon?" ang nagagalit na tanong ulit ni Ralf. “Nasa Korea siya para sa isang International Conference para sa mga propesor. Ayokong istorbohin siya dahil sa katangahan at pagiging makasarili ko." Jasmine stated, while looking guilty. "But you have to talk to him sooner or later..." ang udyok ni Ralf kay Jasmine, habang hawak ang kamay niya. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana sa simula pa lang ay iniwasan ko na siya para hindi na nangyari ang lahat ng mga ito. Sana ay hindi ko nasaktan ang asawa at anak niya. Sana din ay hindi ako naka
"Anong ginagawa mo dito, Clarissa?" ang malamig na tanong ni Ralf sa kanya. Nanginginig si Clarissa habang nakatingin sa mga mata ni Ralf. Wala siyang nababanaag na kahit among ekspresyon sa mukha nito. Pero ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya... But she can't really blame him for behaving that way after what happened to his younger brother, Rafa. "Gusto ko lang sanang malaman ang kondisyon ni Rafa." ang kinakabahang sagot ni Clarissa. Samantala, nakakaramdam ng pagkaawa si Ralf Kay Clarissa, pero hindi Niya iyon ipinapahalata sa ina. Kitang-kita niya ang pag-aalala at pagsisisi sa buong mukha ni Clarissa, at nakikita rin Niya ang nanginginig nito. Alam niya na nasa state of shock pa ang babae dahil sa mga nangyari. Huminga ng malalim si Ralf bago nagpasyang magsalita muli. "The doctors has stabilized Rafa, but they said that he is not completely out of the woods yet. Kasalukuyan siyang nasa ICU at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Kaya naman patulo
"Pasensiya ka na sa mga nangyari, Clarissa. kung maibabalik ko lang sana ang oras..." ang nasabi ni Carl, habang punong-puno ito ng pagsisisi. "Kuya, huwag mong sisihin ang sarili mo. Katulad nga ng sinabi mo kanina, walang may gusto na naaksidente si Sir Rafa." ang malumanay na nasabi ni Clarissa. "Hindi natin maikakaila na may nagawa akong mali. Nag-aalala lamang ako sa'yo at kay tatay dahil hindi basta-bastang pamilya ang nabangga ko. Sa totoo lamang ay medyo kinakabahan ako dahil hindi natin alam kung ano ang iniisip ngayon ng pamilya Esquivel, ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman na pamilya dito sa ating bayan." bakas sa mukha ni Carl ang pangamba. "Ano ang iniisip mo ngayon, Kuya Carl?" ang biglang naitanong ni Clarissa. Tinitigan siya ng kanyang nakakatandang kapatid, habang seryoso ang mukha nito. "Kailangan nating makaalis ng San Carlos, Clarissa. At sa lalong madaling panahon. Kailangan nating makatakas mula sa pamilya Esquivel. Hindi na tayo dapat mag-aksaya ng or
Malapit na ang araw ng pag-alis nina Clarissa papuntang Maynila, kaya naman napapadalas ang pagbisita ni Bethany upang samahan ang kanyang kaibigan. Kasalukuyang nagkukwentuhan sina Clarissa at Bethany habang sila ay nagmemeryenda... "May itatanong sana ako sa'yo, Beth..." may biglang naalala si Clarissa. "Ano yun?" ang curious na tanong naman ni Beth. "May narinig ka bang balita tungkol sa kalagayan o kondisyon ni Rafa?" tanong ni Clarissa, dahil gusto niyang malaman kung ano na ang nangyari kay Rafa matapos ang malaking aksidente. Hindi niya ito madakaw sa ospital dahil naging mahigpit ang utos ni Donya Victoria sa mga security staff ng ospital na huwag siyang papasukin. Kaya naman hindi pa rin niya maiwasang ma-alala dahil wala talaga siyang kaalam-alam tungkol sa totoong kondisyon ng kanyang kaibigan. Kaya ang tanging pag-asa niya ay makakuha ng pinakabagong update mula kay Bethany, na nagtatrabaho pa rin bilang kasambahay sa mansion ng pamilya Esquivel. "Naku, ngayong nait
Makalipas ang ilang araw. Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Clarissa, habang nakatingin sa mga kahon na puno ng kanilang gamit sa loob ng malaking truck. Simula sa araw na ito ay lilipat na sila sa ibang lugar, magsisumula ng panibagong buhay kasama ang kanyang pamilya. Mami-miss din niya ang lahat ng mga tao sa San Carlos. Maiiwan niya ang kalahati ng kanyang pagkatao sa lugar na kanyang kinalakihan. Nang makasakay na silang mag-anak sa truck ay tuluyan na itong umandar. Binigyan ng huling tingin ni Clarissa ang kanilang bahay, pagkatapos ay tumingin siya sa unahan sa kalsada, umaasa ng mas magandang buhay at magandang kinabukasan sa malaking lungsod ng Maynila... ================================= Mabilis na lumipas ang mahigit isang dekada. Biglang nakaramdam ng nostalgia si Clarissa nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay sa San Carlos. Napansin niya na halos walang nagbago sa kabuuan ng kanilang bahay. Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang nakarinig si
Makalipas ang ilang araw Nakaramdam ng deja vu si Clarissa habang naghihintay sa loob ng malawak na hardin ng mansyon ng pamilya ni Ralf. Pakiramdam niya ay nagbalik siya sa nakaraan habang tumitingin sa buong kapaligiran.... Walang halos nagbago sa buong mansion. Nakangiti siya nang muli niyang nasilayan ang napakagandang hardin ng mga Esquivel. Napanatili ang ganda ng hardin, at mas maraming bulaklak ngayon kumpara sa mga bulaklak na nakita niya noon, sampung taon na ang nakakaraan. Nakangiti niyang hinaplos ang talutot ng bulaklak ngunit bigla siyang napatigil nang bigla niyang narinig ang boses ni Ralf. "I'm so glad you didn't change your mind, Clarissa." ang sabi nito sa kanya, habang nakatayo ito sa may balkonahe. Pakiramdam ni Clarissa ay bumalik siya sa pagiging seventeen years old. Ganitong-ganito ang nangyari sa kanila ilang taon na ang nakakalipas. At katulad ng dati, mabilis pa rin ang pagtibok ng kanyang puso. At dahil doon ay nahihirapan siyang huminga. May sasabihi
"Ano iyon?" ang curious na tanong ni Clarissa. "To tell you the truth, I really don't remember everything about you. My brother told me your name, and a little bit of information about you. He said you and I were romantically linked to each other..." pagkukuwento ni Rafa. "Sinabi rin ng kapatid mo ang nangyari sa'yo." ang turan ni Clarissa. "I can't really remember our connection to each other, but you always appear in my dream. Simula nang magising ako mula sa coma, lagi kitang napapanaginipan. Kaya naman gustong-gusto kitang makita, dahil baka makaalala ako..." ang eksplika ni Rafa. "Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang tulungan ka na makaalala, Rafa. Kung may gusto kang itanong, huwag kang mahiya na kausapin ako." turan ni Clarissa. Ang importante ay matulungan niya si Rafa na makaalala upang tuluyan na itong mamuhay ng normal. "So tell me... Kailan, saan at paano tayo nagkakilala? Paano tayo naging magkasintahan?" nagsimula ulit si Rafa na magtanong. "Magtrabaho ako
Kinagabihan. Kasalukuyang naghahapunan sina Ralf, Clarissa, Rafa at Raleigh. "You'll be staying at the guest room while you're here at the mansion, Clarissa. I've asked Nana Shirley to prepare everything for you and if you need anything, you can ask me directly." ang imporma ni Ralf kay Clarissa. "Huwag mo na akong alalahanin, Ralf. I'll be alright." ang nasabi ni Clarissa. "Yay! It means magtatagal ka pa sa amin, Auntie Clarissa?" masayang tanong ni Raleigh. "Yes, Raleigh." ang tumatangong sagot ni Clarissa. "Pwede mo ba akong basahin ng mga bedtime stories habang nandito ka?" ang naglalambing na request ni Raleigh. "Oo naman! Sige, magbabasa tayo ng bedtime stories every night." ang agad na pagpayag ni Clarissa. Aksidenteng nagtama ang mga tingin nina Ralf at Clarissa, at nagngitian ang mga ito. "It's nice to know that you'll be staying with us longer, Clarissa. At least mas makakasama pa natin ang isa't isa at magkakilala." sumabad din sa usapan si Rafa. "We'll do it slowl