WALA akong ganang kumain matapos ang lahat. I locked myself in my room while listing the things that I need to request to get a new copy. Ang hassle sa totoo lang. My birth certificate, diploma, everything... nawala na.He's home.Hindi na ko nag-abala na lingunin ang pinto nang kumatok siya. Pasado alas-nuebe na. Kauuwi lang kaya niya?"Sorry to disturb you, but I heard you haven't eaten dinner yet?"Hininaan ko ang volume ng pinapanuod kong movie bago ko siya binalingan na pumasok na pala sa loob at may bitbit nang tray. Nanuot tuloy sa ilong ko iyong aroma nang pagkaing dala niya."I brought you dinner. Bakit hindi ka kumakain?" Blaze asked softly, which I feel so weird.Para akong may kausap na ibang tao. Blanko ang ekspresyon ko nang tignan siya."I'm full," paos kong sabi.Pinanuod ko siya na nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya umuwi. Basa ang buhok niya at halatang katatapos lang maligo. He's wearing a muscle-tee and cotton shorts. Napako ang mga mata ko sa mus
I have no appetite for dinner yet I still tried to eat even just a little. Hindi na rin naman niya ako pinilit na kumain ng marami. Marahil ay sapat na sa kanya na pumayag ako sa gusto niyaThe following day, I woke up because of Sandler's call. Alas-siete pa lang ng umaga ay tumawag na siya just to check if he can still call me through my number."I'm really sorry! I don't mean to wake you up this early. I just want to make sure that your phone will still ring. Maybe, I'm just paranoid.""It's fine. Babangon na rin naman ako. Hindi na ko naka-reply din kagabi. I fell asleep. But yeah... let's meet at Marriot Hotel for lunch."I can sense Sandler's happiness over the phone."Yeah! Yeah... Let's see each other later. I won't take much of your time. Have breakfast, and whenever you want to talk to me, you can call or text me anytime, Ava.""Yup, I know. Thank you Sandler..." maos kong sabi bago ito nagpaalam at ibinaba na ang telepono.Naghanda ako para sa lakad ko mamaya. Hindi ako sum
I don't have the chance to answer his call. Nag-iwan na lang ako ng text kay Sandler to tell him I'm on my way. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay binalingan ko siya.Nag-aalangan ako na sabihin sa kanya na huwag nang sumama sa loob or kung kakain siya ay sa iba naman siguro siya uupo?Abala ito sa pag-alis ng seatbelt at napansin yata na nakatingin ako."Spill it.""You're going to eat alone, right? I mean--""Yes. Don't worry, I will not disturb you on and your date, if that's what you want," suplado nitong sabi at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Sumunod ako sa kanya at medyo nairita dahil sa pagsusuplado sa akin.Ganunpaman, inantay niya ako para sabay kaming maglakad. Now that I'm with him, ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin.He can steal any woman's glance, and captured their hearts. He's like a walking Greek god. Iyong tipong kayang-kaya niyang paluhurin ang lahat.I cleared my throat.Nakaramdam ako ng awkwardness habang tuma
HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map
I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut
SUNOD-SUNOD ang patak ng luha. Bawat taghoy ay sinasabayan nang bawat patak ng ulan. Madilim na at malungkot. Kaliwa't-kanan ang nakapayong dahil sa matinding buhos ng ulan. "Stella!" hiyaw ni Tita Mayet. Katulad nila ako man ay umiiyak din. Naghihinagpis sa pagkawala ni Mama. Naroon lang ako sa tabi. Yakap ni Papa habang tahimik din itong lumuluha. "Halika na, Mayet. Tanggapin na natin na wala na si Stella," sabi ni Tito Rodrigo kay Tita Mayet. Ang kapatid ni Mama. Hinila siya sa braso para makasilong ng maayos dahil nababasa na si Tita sa ulan. Humahagulgol pa rin si Tita pero nakuha niyang umalis sa harap ng lapida ni Mama. Unti-unting umalis ang mga nakilibing. Naiwan kami ni Papa na basa na rin ng ulan pero tila ba tulad ko ayaw din ni Papa iwan si Mama doon. Kahit na ba lumalakas pa ang ulan. "Papa..." tawag ko kay Papa dahil tila natulala na siya. Hindi na maayos ang pagkakahawak niya sa payong namin kaya mas lalo kaming nababasa ng ulan. "S-stella..." garalgal ang boses n
IDLIP lang ang nagawa ko. Hindi ko magawang makatulog nang mahimbing kakaisip sa Papa ko. Hindi ko siya makontak. Hindi ko rin makausap sa personal. Tapos may pasok pa ko kinabukasan. Wala na nga kong plano na pumasok talaga dahil balak kong bumalik sa Batangas. Dudumugin din yata ako ng mga classmates ko para itanong ang tungkol sa kaso ni Papa kaya tingin ko ay mas okay pang hindi na muna ako magpakita. Malapit pa naman ang mid terms. Hindi pa man din ako sanay ng um-a-absent pero wala akong choice. Magkano na lang ang pera ko. 2,000 lang naman ang naipon ko at bukas babalik ako para subukang makausap si Papa. Kasya ito kung kakain lang ako sa karinderya. Busog naman na ako kahit isang hotdog at itlog ang ulam. Sa sitwasyon ngayon, makakain ba ako? Baka hindi na. Kinabukasan, binomba ang cellphone ko sa tawag ng kamag-anak namin. Lalo na ang kapatid ni Papa. Nakikibalita sa kaso ni Papa. Nasa probinsya sila at sa hirap ng buhay alam ko nang hindi sila makakaluwas. "Balitaan mo
NAGING madilim ang buhay para sa akin nang nawala si Mama. Akala ko hanggang doon na lang iyon pero hindi pala. Naulit iyong tila bangungot para sa akin nang nawala si Papa. Mas masakit. Mas malalim ang hiwa na iniwan sa aking puso dahil alam kong hindi pa niya gustong umalis sa mundo dahil maiiwan niya ako. Biglaan ang pangyayari at hindi ako makapaniwala na dahil sa sobrang bigat ng akusasyon sa kanya inatake na lang siya at nawala na. Hindi ko nakuhang magpaalam. Ni hindi namin nakuhang makapag-usap kahit saglit. Ni hindi ko narinig sa kanya ang totoong dahilan kung bakit siya pinagbibintangan. Papa ko siya. Naniniwala akong hindi iyon magagawa ng Papa ko."W-wala na si P-papa..." gumaralgal ang boses ko at hindi ko na napigilan nang yakapin ako ni Tita Mayet. Iyong kapatid ni Mama.Lumuwas siya pa Maynila para puntahan ako dahil ako na lang mag-isa ngayon sa buhay. Umiyak si Tita Mayet habang hinahagod ang aking likod. Huling lamay na ni Papa nang dumating siya. Dumating din ang