HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map
I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut
SUNOD-SUNOD ang patak ng luha. Bawat taghoy ay sinasabayan nang bawat patak ng ulan. Madilim na at malungkot. Kaliwa't-kanan ang nakapayong dahil sa matinding buhos ng ulan. "Stella!" hiyaw ni Tita Mayet. Katulad nila ako man ay umiiyak din. Naghihinagpis sa pagkawala ni Mama. Naroon lang ako sa tabi. Yakap ni Papa habang tahimik din itong lumuluha. "Halika na, Mayet. Tanggapin na natin na wala na si Stella," sabi ni Tito Rodrigo kay Tita Mayet. Ang kapatid ni Mama. Hinila siya sa braso para makasilong ng maayos dahil nababasa na si Tita sa ulan. Humahagulgol pa rin si Tita pero nakuha niyang umalis sa harap ng lapida ni Mama. Unti-unting umalis ang mga nakilibing. Naiwan kami ni Papa na basa na rin ng ulan pero tila ba tulad ko ayaw din ni Papa iwan si Mama doon. Kahit na ba lumalakas pa ang ulan. "Papa..." tawag ko kay Papa dahil tila natulala na siya. Hindi na maayos ang pagkakahawak niya sa payong namin kaya mas lalo kaming nababasa ng ulan. "S-stella..." garalgal ang boses n
IDLIP lang ang nagawa ko. Hindi ko magawang makatulog nang mahimbing kakaisip sa Papa ko. Hindi ko siya makontak. Hindi ko rin makausap sa personal. Tapos may pasok pa ko kinabukasan. Wala na nga kong plano na pumasok talaga dahil balak kong bumalik sa Batangas. Dudumugin din yata ako ng mga classmates ko para itanong ang tungkol sa kaso ni Papa kaya tingin ko ay mas okay pang hindi na muna ako magpakita. Malapit pa naman ang mid terms. Hindi pa man din ako sanay ng um-a-absent pero wala akong choice. Magkano na lang ang pera ko. 2,000 lang naman ang naipon ko at bukas babalik ako para subukang makausap si Papa. Kasya ito kung kakain lang ako sa karinderya. Busog naman na ako kahit isang hotdog at itlog ang ulam. Sa sitwasyon ngayon, makakain ba ako? Baka hindi na. Kinabukasan, binomba ang cellphone ko sa tawag ng kamag-anak namin. Lalo na ang kapatid ni Papa. Nakikibalita sa kaso ni Papa. Nasa probinsya sila at sa hirap ng buhay alam ko nang hindi sila makakaluwas. "Balitaan mo
NAGING madilim ang buhay para sa akin nang nawala si Mama. Akala ko hanggang doon na lang iyon pero hindi pala. Naulit iyong tila bangungot para sa akin nang nawala si Papa. Mas masakit. Mas malalim ang hiwa na iniwan sa aking puso dahil alam kong hindi pa niya gustong umalis sa mundo dahil maiiwan niya ako. Biglaan ang pangyayari at hindi ako makapaniwala na dahil sa sobrang bigat ng akusasyon sa kanya inatake na lang siya at nawala na. Hindi ko nakuhang magpaalam. Ni hindi namin nakuhang makapag-usap kahit saglit. Ni hindi ko narinig sa kanya ang totoong dahilan kung bakit siya pinagbibintangan. Papa ko siya. Naniniwala akong hindi iyon magagawa ng Papa ko."W-wala na si P-papa..." gumaralgal ang boses ko at hindi ko na napigilan nang yakapin ako ni Tita Mayet. Iyong kapatid ni Mama.Lumuwas siya pa Maynila para puntahan ako dahil ako na lang mag-isa ngayon sa buhay. Umiyak si Tita Mayet habang hinahagod ang aking likod. Huling lamay na ni Papa nang dumating siya. Dumating din ang
THERE are no words that could explain how happy I am when I passed the bar exam. Ito 'yong pangarap ko hindi lang para sa sarili kundi para sa mga magulang ko. I am one step closer reaching my dreams.It's much happier if they are alive. If they witness my biggest achievement at kasama ko sila sa tagumpay ko na 'to. I am crying not only because I am overwhelmed with the news but disappointed because the persons I wanted to witness all these are all gone."Ang galing-galing mo talaga!"Tuwang-tuwa si Tita Mayet nang malamang pasado ako sa bar exam.Hindi naging madali sa akin ang lahat pero kinaya ko. Kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon. Nagtrabaho ako at tumanggap agad ng ilang kaso.Since naging top 2 ako sa ranking ay nagkaroon ako ng maraming opportunity. Marami ang gustong kumuha sa akin pero sa huli ay pinili ko na maging abogado sa isang sikat na law firm kung saan ay pamilya ng classmate ko sa law school ang may-ari niyon."Kuya invited you to come with us. Kaya sumama ka na!"
IT was an awkward dinner at first pero nasanay ako sa presensiya nila habang nasa hapag kainan. "You are always welcome here, hija. Huwag kang mahiya. Kahit na araw-araw kang bumisita. It's always our pleasure," Tita Jodie smiled. She's a housewife. Her husband was a lawyer at ang pamilya nila ang nagtayo ng law firm na ngayon nga ay mina-manage ng magkapatid at ibang kamag-anak nila sa father side. Louise's father died two years ago because of cancer. "Ihahatid na kita," Sandler jog towards our direction. Hilaw na ngumisi si Louise. "Ihahatid ka na raw ni Kuya," ulit niya kahit na narinig ko naman na. Hindi ko matignan si Louise na para bang makikiusap sana ako na siya na lang sana pero sa sobrang excited niya, hinalikan agad ako sa pisngi at hindi man lang ako tinitignan sa mga mata. Hindi ko rin masabihan dahil nasa tabi na namin agad ang Kuya niya. "See you tomorrow! Bye! Kuya, ingatan mo, ha!" Natatawang sabi nito bago kumaway sa amin palayo. Sandler chuckled while my che
HE doesn't know me, but I knew him well. Even though it's been years since the last time I saw him. I am still very much familiar with his physical appearance. Siguro ganoon talaga kapag parte siya ng masalimuot kong nakaraan.Hindi man direktang siya ang may kasalanan pero parte siya ng pamilyang 'yon. I knew their faces, and I know that even when I die. Kabisado ko pa rin ang pagmumuka nila.I gritted my teeth.The moment he stepped out of his car, he got everyone's attention. He can steal any woman's glance with just a simple black polo shirt and khaki shorts. Iyon bang kahit anong ipasuot mo rin naman sa kanya ay alam mong angat siya sa lahat.He was wearing dark sunnies. Siya lang mag-isa at ewan ko ba kung bakit in-e-expect ko na kasama sana niya ay si Chanel Lagdameo. Usap-usapan noon na silang dalawa. Baka hindi na ngayon?Sinabayan ko pa rin sa paglalakad iyong katrabaho ko kahit na alam kong magkakasalubong kami ni Blaze. My heart is pounding and my hand is sweating.Direts