ログインChapter 567Naniwala si Astrid sa mga salita ng kaniyang ina at alam niyang kapag nakiusap siya, siguradong gagawin iyon ng kaniyang ina nang walang pag-aalinlangan."Talaga pong maayos lang ako."Binuksan niya ang pinto ng silid-tulugan ng kaniyang ina."Magpahinga na po kayo at ituon ang isip sa paghahanda para sa inyong variety show. Ipaubaya niyo na po sa akin ang usaping ito.""Kapag hindi pa kayo natulog agad, magkakaroon kayo ng mga kulubot sa mukha."Mabilis na hinawakan ni Ingrid ang kaniyang mukha, bago napagtantong tinutukso lamang siya ng kaniyang anak. Ngumiti siya at marahang tinapik ang kaniyang anak."Tinutukso mo na naman ako. Bumalik ka na sa silid mo at magpahinga. Hindi ka pwedeng magpakapagod nang husto araw-araw lalo na't buntis ka.""Opo, matutulog na rin po ako. Good night, Mommy.""Good night, anak."Bumalik si Astrid sa kaniyang sariling silid, naglinis ng katawan, at nagpahid ng mga skincare product sa harap ng salamin.Habang nakatitig sa sarili sa salamin,
Chapter 566"Dahil na rin sa tulong ni Santi," malambing ngunit may kaunting pag-aalinlangang dagdag ni Ingrid, habang dahan-dahang sumusulyap sa reaksyon ng kaniyang anak.Napatingin si Astrid sa kaniyang ina. Tila naunawaan niya na kung bakit kasama ng dalawa si Santi sa labas ng pintuan kanina.Ipinagpatuloy ni Jorge Daniel ang pagpapaliwanag upang hindi magkaroon ng anumang lamat ang relasyon ng mag-ina. "Nang malaman ni Santi ang tungkol sa binubuo naming proyekto para sa Opera, agad siyang nakipag-ugnayan sa mga pinakamalalaking media network at streaming platforms. Hindi lang iyon dahil siya mismo ang naglakad at pumirma bilang pangunahing sponsor at investor ng palabas upang masigurong hindi mababago o mabababoy ang tunay na diwa ng ating kultura at sining.""Gusto niyang masigurong mapapanatili ang dignidad ng Opera nang hindi kailangang maging katawa-tawa sa mata ng publiko," patuloy ni Jorge Daniel nang may matinding paggalang sa naging hakbang ng binata. "Dahil sa kaniyang
Chapter 565Gabi na nang makalabas sila ng auction house.Nakasandal si Astrid sa kaniyang upuan sa loob ng kotse habang inisip ang mga huling salitang binitawan ni Alessandra kanina. Nag-alangan pa siya habang dahan-dahang inilalabas ang kaniyang telepono.Alam niyang kapag humingi siya ng tulong kay Santi sa mga oras na ito, siguradong hindi siya tatanggihan ng lalaki.Subalit, ayaw na talaga niyang magkaroon pa ng anumang utang na loob o kaugnayan sa taong iyon, at siyempre ay ayaw niyang magkautang ng kahit ano rito.Bukod pa rito, dahil sa relasyon sa pagitan ni Santi at Harvick Riego, ayaw rin naman ni Astrid na pahirapan o ilagay sa alanganin si Santi.Nakarating siya sa kaniyang bahay nang lagpas alas-siyete pa lang ng gabi.Ito ang pinakamaagang oras ng kaniyang pag-uwi nitong mga nakaraang araw.Dahil sa bihirang pagkakataon ng libreng oras, naisip ni Astrid na pagkatapos maghapunan ay pupunta siya sa study room upang basahin ang mga impormasyon para sa forum sa UK.Pagkapas
Chapter 564Si Raica ngayon ay gaya lang din niya noong mga nakaraan.Hindi ito nangangahas na lumapit kay Astrid.Natatakot ang bata na marami na itong nagawang pagkakamali at ang pinsala ay hindi na kailanman mababawi pa. Natatakot siyang hindi siya karapat-dapat sa kapatawaran, at natatakot siyang ang kaniyang pag-iral ay magdadala lamang ng matinding sakit kay Astrid.Subalit siya ay isang adulto, kaya maiintindihan kung bakit ganoon ka-kumplikado ang kaniyang pag-iisip.Pero si Raica... siya ay isang bata pa lamang.Para sa isang limang taong gulang na bata na mag-isip nang ganoon kabigat, gaano kaya kasakit at kalungkot ang kaniyang nadarama?Inabot ni Santi ang kaniyang mga braso at marahang niyakap si Raica.Kung hindi dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya noon, paanong hahantong sa ganito ang lahat?Gusto niyang bumawi at magbayad ng utang na loob kay Astrid, kay Raica, at maging sa baby na hindi pa naisilang.Umaasa siyang hindi pa huli ang lahat.Mabilis na sumugod si Astr
Chapter 563Sa villa area kung saan sila nakatira, napakalalayo ng pagitan ng mga bahay, kaya paano namang may makakasabay ito para makipag-rideshare?Subalit, bakit pa ba niya kailangang pakialaman kung paano nakarating si Santi rito?Sa huli, wala na iyong anumang kinalaman sa kaniya.Dahil dito, pinalipas na lang ni Astrid ang usapan at pinalampas ang lalaking nasa kaniyang tabi.Pumunta siya sa welfare home upang magpasa ng adoption application at para sabihin kay Raica na plano niya itong ampunin.Naisip niyang mas makabubuting mailabas niya si Raica sa ampunan bago pa man siya umalis patungong UK para sa kaniyang business trip.Sa ganoong paraan, maiasikaso at maipapasyal nila si Raica sa ibang bansa para makapagpahinga at maging masaya."Raica, nag-usap na kami ng Papa mo," malambing na panimula ni Astrid habang nakatingin sa bata. "Naisip naming sa bahay ko ka muna tumira. Maayos lang ba sa 'yo 'yon?"Tumingin si Raica kay Astrid nang may pagkalito sa kaniyang mga mata.Bahagy
Chapter 562Hindi kailanman naisip ni Santi na ang mga bala ng pambabalewala na ibinato niya noong kaniyang kabataan ay babalik at titama sa mismong pagitan ng kaniyang mga kilay ngayon...Ang pagmamahal at damdamin ni Astrid para sa kaniya ay dahan-dahang napawi at naglaho sa gitna ng paulit-ulit na kabiguan at pagkadiim ng kaniyang puso.Tumingin si Santi sa malamig at madilim na kalangitan na pumatak ang ambon. Naramdaman niyang ang lahat ng malamig na pagtrato na natatanggap niya ngayon mula kay Astrid ay sarili niyang kasalanan at nararapat lamang sa kaniya.Kumpara sa lahat ng sakit na pinagdaanan ni Astrid noon, wala pa ito sa kalahati.Mabilis na minaneho ni Astrid ang kaniyang kotse patungo sa welfare home.Habang nagmamaneho, hindi nawawala sa kaniyang isip ang anyo ng lalaking nakatayo sa rearview mirror nang simulan niya ang makina ng kotse.Alam niya ang mga naiisip ni Santi, at kailangan pa niyang aminin sa sarili na nagagawang gumawa ng alon ni Santi sa kaniyang puso.S
Chapter 5Matapos mapatulog ni Santi ang kanyang anak, malalim na ang gabi. Nitong mga nakaraang araw na wala si Astrid, naging doble ang pagod niya. Bagaman may mga katulong sa bahay, si Raica ay lumaking si Astrid ang nag-aasikaso kaya naman hindi ito sanay na kasama lang ang mga serbiuynte.Kail
Chapter 4Lumingon si Santi sa itinuturo ng kanyang anak at nakita nga niya si Astrid na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kitang-kita ang ningning sa mga mata ni Astrid habang tumatawa. Matagal nang hindi nakikita ni Santi ang ganoo
Chapter 3Subconsciously ay napatingin si Raica kay Tiffany na nasa gilid nila. Alam ng bata na ayaw ng Daddy niya sa nagsisinungaling, pero naalala niya ang sinabi ni Tiffany kanina.'Kapag sinabi mong sinadya niya, isasama ka ni Daddy sa susunod niyang business trip!'Yumuko ang bata at isinubsob
Chapter 2Dapat nagpapahinga nang maayos si Astrid, dahil walang pinagkaiba ang abortion sa panganganak. Ngunit dahil sa lamig ng gabi sa harap ng bintana, mabilis siyang dinapuan ng mataas na lagnat.Nagising siya mula sa mababaw na pagkakaidlip nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Pin







