ログインChapter 2
Dapat nagpapahinga nang maayos si Astrid, dahil walang pinagkaiba ang abortion sa panganganak. Ngunit dahil sa lamig ng gabi sa harap ng bintana, mabilis siyang dinapuan ng mataas na lagnat.
Nagising siya mula sa mababaw na pagkakaidlip nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata, pero tila punong-puno ng semento ang kanyang ulo sa bigat.
“I feel like my brain is throbbing against my skull,” daing niya sa sarili.
Sulyap sa kabilang bahagi ng kama, nakita niyang maayos pa rin ang pagkakalatag ng unan at kumot. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Hindi na naman siya umuwi kagabi.
Nakapagtataka na hindi na siya nakaramdam ng kirot, sa halip ay isang malalim na pagbalewala na lamang ang nananaig.
Biglang bumukas ang pinto nang walang pahintulot.
"Kwarto ito ni Daddy! Dito tayo kukuha ng gamit!" sigaw ni Raica habang hila-hila sa kamay si Tiffany.
Dire-diretso silang pumasok na tila ba isang pampublikong lugar ang silid na iyon. Napamulat si Astrid at pilit na umupo sa gilid ng kama.
"Anong ginagawa niyo sa kwarto ko?" tanong ni Astrid.
Sa sandaling bumuka ang kanyang bibig, naramdaman niya ang hapdi sa kanyang lalamunan na tila ba hiniwa ng blade. Ang kanyang boses ay naging paos at halos hindi na makilala.
"Mrs. Romanov, pasensya na sa istorbo,” Tumingin si Tiffany sa kanya nang may mapang-asar na ngiti. “Pero pinapunta ako rito ni Mr. Romanov. He needs his suit for a very important meeting today. Kukunin ko lang ang mga kailangan niya.”
Tinawag siya nitong 'Mrs. Romanov' pero walang kahit anong bakas ng respeto sa tono nito.
"Bakit kailangang ikaw ang kumuha? Nasaan ang mga katulong?" Taas kilay na tanong ni Astrid.
Ngumisi si Tiffany, isang ngising puno ng panunukso. "Sabi kasi ni Sir Santi, ako raw ang mas nakakaalam ng taste niya pagdating sa corporate attire. Don't worry, hindi ko naman pakikialaman ang gamit mo."
Sa harap ng ganitong pambabastos, nanatiling malamig ang mukha ni Astrid. If you want to be his maid, then be it, sa loob-loob niya.
"Nasa dressing room ang mga damit niya. Go ahead, take whatever you want," maikling sagot niya bago muling pumikit.
Bahagyang nagulat si Tiffany sa reaksyon nito. Inaasahan niyang magwawala si Astrid, magtatanong kung nasaan si Santi, o pagbabawalan siyang pumasok sa dressing room. Ngunit bakit tila wala na itong pakialam?
Gayunpaman, pabor ito sa plano ni Tiffany. Ang pagkakataong hawakan at ayusin ang mga personal na gamit ni Santi. Mabilis siyang pumasok sa dressing room at ilang sandali pa ay narinig na ang kaluskos ng mga hanger sa loob.
Hindi na sila pinansin ni Astrid. Kahit si Raica na nakatayo sa gilid ay hindi niya tiningnan. Hirap siyang bumangon para lumapit sa water bar. Kailangan niyang uminom ng gamot dahil tila sinusunog na ang kanyang balat sa lagnat.
Dahil hindi sanay na binabalewala, lumapit si Raica at pilit na hinila ang braso ni Astrid.
"Look at me! Bakit hindi mo ako pinapansin? Sabi ni Tita Tiff, bad ka raw kaya ayaw mo kaming pansinin!"
Eksaktong iinom sana si Astrid ng gamot nang mahila ang kanyang braso. Ang mainit na tubig sa tasa ay direktang natapon sa kanyang balat.
"Ah!" ungol ni Astrid sa sakit. Agad na namula ang kanyang maputing braso.
Dahil sa tilamsik ng tubig, bahagya ring namula ang kamay ni Raica.
"Waaaaah! It hurts! Daddy! Tita Tiff!"
Agad na humagulgol ang bata sa takot at gulat.
Mabilis na lumabas si Tiffany mula sa dressing room, dala-dala ang isang mamahaling suit ni Santi.
"Anong nangyari? Raica, baby, bakit ka umiiyak? My God, your hand is red!" nag-aalalang tanong ni Tiffany habang patakbong lumalapit.
Kahit nanginginig sa lagnat at hapdi, kumuha pa rin si Astrid ng burn ointment mula sa cabinet.
"Raica, halika rito. Huwag kang malikot. It's okay, konting paso lang ito. Mawawala rin ang sakit kapag nalagyan ng gamot," mahinahon at paos niyang sabi.
Lalapit na sana siya sa bata para gamutin ito, ngunit bago pa man makalapit si Astrid, marahas na hinila ni Tiffany si Raica at niyakap nang mahigpit.
"Huwag mong hawakan ang bata! Umiiyak na ang bata, sasabihin mong okay lang? You monster!" hysterical na sigaw ni Tiffany.
"Tiffany, it was an accident. Hinila niya ang braso ko habang hawak ko ang mainit na tubig—" paliwanag ni Astrid.
"Accident? Or sinadya mo talaga?" putol ni Tiffany habang nanlilisik ang mga mata. "I know your style, Madam! Dahil hindi ka pinapansin ni Sir Santi, sasaktan mo ang anak niya para lang mapilitan siyang umuwi rito? Napakadesperada mo! You're using a five-year-old for your own selfish games!” bulyaw ni Tiffany. "Napakasama ng ugali mo!"
Napatigil sa ere ang kamay ni Astrid na may hawak na ointment. Ang kanyang braso na kanina ay pula lang, ngayon ay nilalabasan na ng mga paltos na tila ba tinutusok ng libu-libong karayom.
"Raica, tell her. Sabihin mo ang totoo. Sinadya ko ba?" Tiningnan ni Astrid si Raica sa mga mata.
Umaasa siyang magpapaliwanag ang bata pero nagulat si Astrid nang makita ang bata na umiwas ng tingin. Marahil ay dahil sa takot ay mas lalong isiniksik ni Raica ang sarili sa yakap ni Tiffany.
"Bad ka! You burned me! Isusumbong kita kay Daddy!"
Isang matinding panlulumo ang bumalot kay Astrid.
Limang taon kitang pinalaki, Raica. Inalagaan kita na parang sa akin ka nanggaling, pero ganito lang pala kadaling burahin lahat 'yon, mapait niyang naisip.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang ointment sa lamesa.
"Kung sa tingin niyo ay masama akong tao, fine. I believe you've found what you came for. Now, take her away and leave my room," malamig na utos ni Astrid bago tumalikod.
"Don't think makakalusot ka rito, Madam! Sasabihin ko sa kanya ang lahat ng ginawa mo para makita niya ang tunay mong kulay! Let's see if you can still keep that 'Mrs. Romanov' title after this!" sigaw ni Tiffany.
Hindi man lang huminto si Astrid. Isang maikling tugon lang ang binitiwan niya sa hangin.
"Whatever. Tell him everything you want. Make it a fairy tale if you must."
Binuhat ni Tiffany si Raica habang papalabas ng kwarto.
Si Raica na nakasubsob sa balikat ni Tiffany ay nakaramdam ng lungkot habang pinapanood ang papalayong pigura ni Astrid. Hindi naman niya gustong magsinungaling, galit lang siya dahil hindi siya iginawa ni Astrid ng cookies kagabi.
Sinulyapan ng bata ang kanyang kamay. Hindi na ito gaanong masakit, pero naalala niya ang maraming paltos sa braso ni Astrid. Siguradong masakit 'yun...
Nang tuluyan nang sumara ang pinto, nanghina ang mga tuhod ni Astrid. Napaupo siya sa sahig, hawak ang nasunog na braso. Ang hapdi ay wala lang kumpara sa unti-unting pagkadurog ng huling piraso ng kanyang puso para sa pamilyang ito.
"Don't cry anymore, baby. Tita is here. Gusto mo bang isama kita sa opisina ni Daddy? We'll tell him how mean your Mama Astrid was today."
"Yes po! Puntahan natin si Daddy!" sagot ni Raica, habang pinapahid ang kanyang mga luha.
Nakalimutan niya ang sugat sa braso ni Astrid, ang tanging nasa isip niya ay ang atensyon na makukuha niya mula sa kanyang ama.
Lumabas si Astrid mula sa dressing room, umaasang madaratnan ang asawa, ngunit bumungad sa kanya ang napakatahimik na kwarto. Huminga siya nang malalim habang hinahaplos ang kanyang braso.
"Wala na talaga," bulong niya sa sarili habang tinititigan ang mga pader na tila sumasakal sa kanya.
Ang kirot sa kanyang braso ay tila isang paalala na wala nang natitirang dahilan para manatili pa siya sa mansyong iyon.
Napako ang kanyang tingin sa suot na diamond ring na kumikinang sa tuwing naisiskatan ng araw. Dahan-dahan niyang hinugot ang singsing mula sa kanyang daliri. Isang mapulang marka ang naiwan doon, magaspang at pangit tingnan, mistulang isang peklat na hindi na mabubura.
She's getting a divorce…
Hindi ito isang biglaang desisyon. Halos isang taon na niyang pinag-iisipan ang alis, ngunit ang huling mitsa ay ang gabing naligo siya sa sariling dugo at muntik nang mamatay. Naalala niya ang bawat segundong nakahiga siya sa malamig na sahig, hawak ang cellphone habang pilit na tinatawagan ang asawa, ngunit tanging boses lamang ng operator ang sumasagot sa kanya.
Sa mga sandaling iyon, habang nag-aagaw-buhay, nag-flash sa isip niya ang limang taon nilang pagsasama na parang isang slideshow ng mga mapapait na alaala.
Siguro, mas mabuti na ring nawala ang bata, mapait niyang naisip habang nakatingin sa kisame. Bakit ko pa idadamay ang isang inosenteng buhay sa ganitong relasyon gn ama niya?
Inikot ni Astrid ang paningin sa buong silid. Napagtanto niyang sa loob ng limang taon, wala man lang siyang gamit na maituturing na kanya. Maging ang mga dekorasyon at renovation ng kwarto ay pinili pa ng namatay na asawa ni Santi.
"Ang tanga ko rin," napangisi siya nang mapait at pinunasan ang luhang pilit kumakawala.
You see, once a woman let go of her obsessions, she can see many things very clearly. Santi never considered her as the lover he wanted to spend his life with. Astrid no longer wanted to continue this one-woman show.
Binuksan niya ang cabinet sa kanyang dressing table at kinuha ang mga gamit na matagal na niyang ibinaon sa limot.
Naroon ang kanyang auctioneer’s license at mga trophy na napanalunan niya noon. Naka-display ito noon sa pinaka-prominenteng parte ng bahay niya, pero mula nang pakasalan niya si Santi, ang dating pride niya ay nakatago na lang sa drawer at inamag na sa sulok.
Sinuwerte pa rin siya dahil kahit hindi siya nagtatrabaho, palagi niyang nire-renew ang kanyang mga certificates. Valid pa rin ang lahat.
Maingat niyang pinunasan ang bawat medals at isinilid sa kanyang maleta.
Ang mga ito lang ang kinuha niya, kasama ang credit card na ibinigay ni Santi kagabi.
Sa akin naman talaga ito, kabayaran sa lahat ng paghihirap ko, pagmamatigas niya sa sarili.
Iniwan niya ang singsing sa ibabaw ng mesa. Bitbit ang maleta at ang natitira niyang dignidad, tuluyan na siyang lumabas ng mansyon nang hindi lumingon.
Lumipas ang buong hapon na nasa opisina ng kumpanya si Raica. Ang hapdi sa kanyang kamay ay matagal na ring nawala, pero nang simulan ni Tiffany na ikwento kay Santi ang nangyari, mabilis na isiniksik ng bata ang sarili sa bisig ng ama at pilit na naglabas ng ilang patak ng luha.
Kandong ni Santi ang anak habang maingat na nilalagyan ng burn ointment ang namumulang bahagi ng kamay nito.
"Masakit pa ba, baby?" tanong ni Santi sa malambing na tono.
Umiling si Raica, habang ang mga paa ay malayang iwinawasiwas sa kandungan ng ama.
"Kunti na lang, Daddy. Tita Tiff gave me chocolates na po," sagot ng bata bago muling isubo ang huling piraso ng candy.
Ngunit si Tiffany na kanina pa naghihintay ng pagkakataon ay hindi palalampasin ang tsansang madiin si Astrid.
"Mr. Romanov, alam ko pong assistant niyo lang ako at hindi dapat ako nakikialam," panimula ni Tiffany na may halong kunwaring lungkot. "Pero sa tingin ko po, talagang walang pakialam si Mrs. Romanov kay Raica. Halos hindi man lang siya nag-alala nang mapaso ang bata."
Tinigil ni Santi ang pagpapahid ng gamot at dahan-dahang nag-angat ng tingin. "Anong ibig mong sabihin?"
"Tungkol sa asawa niyo," sagot ni Tiffany, agad na iniwas ang tingin na tila ba natatakot sa sasabihin. "Kanina, maayos kaming pumasok ni Raica sa kwarto para lang kumuha ng suit niyo. Pero si Madam... para siyang ibang tao."
"Go on," maikling utos ni Santi at umigting ang panga.
"Nag-aalala lang ako kay Raica. Nung lumapit ang bata sa kanya para maglambing, bigla na lang siyang nagalit," pagsisinungaling ni Tiffany habang dahan-dahang lumalapit sa desk. "Hawak niya ang tasa ng mainit na tubig. Kitang-kita ko, Sir... sinadya niyang itagilid ang tasa nung hinila ni Raica ang braso niya. She didn't even flinch nung napaso ang bata. In fact, pinagtabuyan niya pa kami."
Napahinto si Raica sa pagkain at tumingin kay Tiffany. Sa murang edad, naramdaman ng bata ang tensyon. Muling isiniksik ni Raica ang sarili sa dibdib ni Santi.
"Mama was shouting, Daddy. Scary po ang eyes niya kanina."
Mariing napapikit si Santi. Astrid, is this your way of getting back at me? tanong niya sa kanyang isipan. Sa loob ng limang taon, kilala niya si Astrid bilang isang masunurin at mapagmahal na asawa, pero ang mga report na natatanggap niya nitong mga nakaraang araw ay taliwas sa babaeng pinakasalan niya.
"Tiffany, sigurado ka ba sa mga paratang mo?" tanong ni Santi, ang boses ay mas lalong lumamig, sapat na para kilabutan ang sinumang nagsisinungaling.
"Saksi ang mga mata ko, Sir," matapang na tugon ni Tiffany. "Kahit po si Consuelo ay takot na takot sa kanya ngayon. Sabi nga po ng mga katulong, baka raw po ginagamit ni Madam si Raica para magpapansin sa inyo dahil alam niyang ang bata ang kahinaan niyo."
Dinagdagan pa ni Tiffany ang kwento para magmukhang masama si Astrid. Habang nagsasalita siya, nanatiling blanko ang mukha ni Santi, kaya unti-unting kinabahan ang sekretarya. Akala niya, kapag nalaman ni Santi na nasaktan ang anak, agad itong magagalit at papalayasin si Astrid. Pero bakit tila wala itong reaksyon?
"Raica, totoo ba ang sinabi ni Tiffany?" bigla
ng tanong ni Santi habang nakatitig sa anak. "Sinadya ba talaga ni Astrid na saktan ka?"
Chapter 269Hindi man lang siya nilingon ni Astrid. Kahit isang sulyap, wala. At alam niya sa sarili niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Hindi na nga babalik si Astrid sa kaniya. Pilit niyang iniwas ang tingin. Sa wakas ay umandar na rin ang gulong ng wheelchair niya kaya mabilis siyang pumasok sa emergency room lobby para takasan ang sariling isipan."Astrid, sandali! Mag-usap tayo, ihahatid na kita," habol na alok ni Ryker nang maabutan si Astrid sa labas.Susubukan niya sana itong hawakan para alalayan ngunit mabilis na umiwas si Astrid sa kaniya. Kitang-kita ang panandaliang inis sa mukha ni Ryker bago ito muling nagpanggap na mabait at pino."Hindi na," tipid na sagot ni Astrid habang nag-aabang ng sasakyan."Bakit ba nagmamadali ka? Pwede naman tayong mag-merienda muna, dumaan lang naman tayo rito," pilit pa rin ni Ryker.Mabilis namang nakarating ang isang taxi sa tapat ng ospital. Binuksan agad ni Astrid ang pinto at sumakay sa backseat. Bago pa man makapagsalita si Ryker, hina
Chapter 268"F*ck," bulong ni Santi sa sarili.Hindi niya matanggap na ang babaeng baliw na baliw sa kaniya noon ay itinuturing na siyang halimaw ngayon. O baka naman... nahuhulog na siya rito nang hindi niya namamalayan?Napakalaking kalokohan. Magdidivorce na sila sa loob ng isang buwan. Hahayaan ba niyang mawala ang pride niya para lang sa kaunting nararamdaman na magiging katatawanan lang sa mata ni Astrid? Gusto niyang magsigarilyo para kumalma. Kinapa niya ang bulsa pero naalala niyang hospital gown pala ang suot niya.Pinihit niya ang wheelchair patungo sa emergency room lobby para bumili ng isang pakete, ngunit biglang bumaon ang gulong nito sa putikan sa gilid ng semento."Bwisit," mura niya habang pilit na inaahon ang wheelchair.Sa gitna ng kaniyang paghihirap, isang pamilyar na bango ang biglang humalimuyak sa hangin. Napatigil siya. Imposibleng si Astrid 'yon. Walang puso ang babaeng 'yon para bisitahin siya. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin, tila tumigil ang mundo ni
Chapter 267Hinawakan ni Astrid ang sugat sa kanyang ulo habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan."Naiintindihan ko naman na takot sila para sa anak nila," basag ni Astrid sa katahimikan, mapait ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. "Pero Ryker, kung ang isang katulong ay may lakas ng loob na magtali at magkulong ng tao nang ganoon kadali... ibig sabihin lang niyon, sanay ang mga amo na gawin 'yon. O sanay silang tinatakpan ang mga ganoong dumi.""Astrid, malakas ang impluwensya ng mga Riego," seryosong sagot ni Ryker habang mahigpit ang hawak sa manibela. "Gusto kong malaman mo na hindi ko kukunsintihin ang ginawa nila sa iyo, pero sa ngayon... mas mabuting magpagaling ka muna. Ako na ang bahalang makipag-usap sa kanila.""Huwag na," marahang umiling si Astrid, hindi inaalis ang tingin sa nagtataasang mga gusali sa labas. "Huwag na nating palakihin 'to. Sa gawi mo pa lang sa harap ng Mr. Riego na 'yon, alam ko namang mataas ang posisyon nila. Ayaw ko ng gulo."Matagal nang
Chapter 266"Ano?" hiyaw ni Precy, biglang napatayo dahil sa labis na kaba nang marinig na may kinalaman ito sa kanyang anak."Paanong magkakaroon ng mga kidnapper dito sa loob ng subdivision?!" galit at takot na tanong niya sa katulong."Huwag na kayong mag-alala, Madam. Ipinahuli ko na siya sa mga guard kanina at kasalukuyan siyang nakakulong sa storage room," mabilis na sagot ng yaya para pakalmahin ang amo.Habang nagsasalita ay naglakad ang yaya patungo sa pinto ng storage room upang buksan iyon.Bumulaga sa kanila si Astrid na nakatumba sa sahig kasama ang upuang kinagagapusan niya. May nakasalpak pa ring tape sa kanyang bibig kaya hindi siya makapagsalita. Dahil sa pagkatumba ay tumama ang kanyang noo sa isang matigas na bagay doon. Umaagos na ang sariwang dugo sa kanyang mukha, dahilan para magmukha siyang duguan at nakakatakot tingnan."Mmm... mmm!" pilit na daing ni Astrid.Gusto niyang magpaliwanag, ngunit labis na pinahahalagahan ng mag-asawa ang kanilang anak na parang gi
Chapter 265"Ninong!" masayang tawag ni Zane sa malinaw na boses habang nakatingin sa kanyang mga magulang na kanina pa umiiyak at tumatawa. Natutuwa siya sa nakikita kaya sumunod na lang siya.Ngumiti si Ryker at binuhat ang bata saka hinalikan ito sa pisngi."Zane is so cute," malambing na wika ni Ryker.Inalis niya ang kanyang suot na Patek Philippe Ref. 6301P mula sa kanyang pulso at dahan-dahang inilagay iyon sa maliit na kamay ni Zane."Nagustuhan mo ba ang regalo ni ninong sa iyo?" nakangiting tanong ni Ryker sa bata.Alam ng mag-asawang Riego ang totoong halaga ng orasan na iyon. Ang mga taong nasa mataas na estado sa lipunan ay likas na nakikipag-ugnayan lamang sa mga kapantay nila. Kung talagang madadala ni Ryker ang batang babae mula sa mga Romanov, tunay siyang magiging bayani sa pamilya.Ngunit kung si Ryker ay isang ordinaryong tao lamang na malayo ang estado sa pamilya Riego, binalak nilang bigyan na lang ito ng malaking halaga pagkatapos ng transaksyon at unti-unting p
Chapter 264"Oo. Hindi nakayanan ng ina ni Isaac ang sakit. Pumanaw siya anim na buwan lamang matapos kaming iwan ng anak ko. Nawalan ako ng lakas at sigla noon, Precy. Nabuhay ako araw-araw sa kawalan, para na lang akong multong naglalakad sa mundo ng politika," pag-amin ni Kevin habang nakatitig sa kawalan. "Kung hindi kita nakilala at kung hindi dumating si Zane sa buhay ko, marahil ay hinahanap ko na rin silang dalawa ngayon.""Kevin..." umiiyak na tawag ni Precy, hinaplos ang mukha ng asawa."Pero tingnan mo naman ang tadhana, naglaro na naman ng isang napakalupit na biro," mapait na tawa ni Kevin, lumingon sa natutulog na si Zane. "Hindi nagtagal matapos isilang si Zane, na-diagnose siya na may malubhang aplastic anemia. At ang mas malala pa, ang uri ng dugo niya ay ang pambihirang Rh-negative. Hindi ito tugma sa dugo mo o maging sa dugo ko.""Halos malibot na natin ang buong mundo para sa mga doktor, hindi ba? Lahat sila, iisa lang ang sinasabi... na hindi magagamot ang anak na
Chapter 172But at this moment, Santi had completely lost all his reason. Bingi siya sa bawat pagsamo nito. Mas lalo niya pang ibinaon ang silinyador. Ang itim na kotse ay tila isang nagwawalang cheetah sa gitna ng madilim na gabi.Habang pinapanood ang nagliliparang tanawin sa labas ng bintana, ni
Chapter 171Santi’s eyebrows knitted together. Nabasa niya ang mga balita at alam niyang pinapababa na si Astrid ng mga netizen sa proyekto ni Prof. Gomez."Come back with me," utos ni Santi sa malamig na boses. "Ako ang mag-aayos nito para sa'yo."Dahil mas lalong dumarami ang mga taong nakikiusis
Chapter 168Astrid's brows furrowed in disbelief.Ang mga research results na binabanggit ni Prof. Portia sa kaniyang talumpati ay malinaw na sarili nitong mga proyekto. Subalit sa paraan ng pagsasalita ng propesor, pinalalabas nitong hindi lang basta lumahok si Caroline, kundi ito pa ang mismong t
Chapter 166The exhibition hall was already quite crowded. Malawak ang espasyo, napapaligiran ng mga mamahaling porselana at mararangyang dekorasyon. Naroroon ang mga dating sikat na estudyante ni Prof. Portia, mga kilalang eksperto sa industriya, at mga mayayamang porcelain collectors.The moment







