Share

Chapter 6

last update publish date: 2026-06-10 21:42:55

(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)

ALEXANDER'S POV

"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.

Gabi na nang makalipat sila. Kahit na lumipas na ang ilang oras mula nang lisanin namin ang opisina, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang bango ng kaniyang balat na humahalo sa aircon ng bahay ko. Isang amoy ng mga sariwang bulaklak at misteryo na tila sumasayaw sa aking sistema. Damn it. Nawala na ang epekto ng Truth Elixir sa katawan ko, kaya naman kontrolado ko na muli ang aking dila. Ibinalik ko ang aking seryoso, malamig, at walang emosyong mukha upang hindi niya mahalata ang kaguluhan sa loob ko.

"Opo, Boss. Salamat sa kwarto," sagot ng babae—na nalaman ko sa kontrata na ang pangalan pala ay Celestia. Nakatayo siya sa gilid ng kama habang kandong ang tulog na tulog na si Basti. Sa pagod ng bata sa paglilipat at sa walang humpay na kadaldalan kanina, maaga itong dinalaw ng antok. 

Umalis ako sa kwarto at pumasok sa sarili kong banyo para maligo. Kailangan ko ng malamig na tubig para palamigin ang nag-aapoy kong utak. Habang nasa ilalim ako ng shower, hindi ko mapigilang maalala ang magdamag naming pagniniig, limang taon na ang nakakalipas. Ang kaniyang mga daing, ang lambot ng kaniyang balat, at ang kakaibang kuryente na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng marka sa aking alaala. Hindi ko matanggap na sa loob ng limang taon, isang maliit na piraso ng papel at limang daang piso ang naging kabayaran sa gabing naging dahilan kung bakit hindi ko na muling nagustuhan ang ibang babae.

Mabilis akong nagbanlaw, nagbalot ng puting tuwalya sa aking baywang, at lumabas ng banyo habang basa pa ang aking buhok at dibdib. Hindi ko na nagawang magbihis dahil sa sobrang pagod at uhaw. Plano ko sanang dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig, ngunit laking gulat ko nang makita si Celestia na nakatayo sa gitna ng aking sala. Madilim ang paligid at tanging liwanag lang ng mga ilaw mula sa labas ng glass wall ang nagbibigay-buhay sa silid.

Nagtagpo ang aming mga mata sa ilalim ng madilim at tila mapanganib na gabi.

CELESTIA'S POV

Hala ka… bakit naman semi-nude ang billionaire na ito sa gitna ng gabi?!

Lumabas lang naman ako ng kwarto para uminom ng tubig dahil biglang natuyo ang aking lalamunan. Pero higit sa uhaw, may mas malalim na dahilan kung bakit ako nagising. Naramdaman ko na naman ang pamilyar at nakakatakot na init sa aking mga ugat. Ang aking Yin energy ay tila ba muling nagre-react at nag-o-overheat dahil sa sobrang lapit ko sa kaniya. Ang buong katawan ko ay nanginginig at naghahanap ng lunas. At mas lalo pa itong lumala nang makita ko si Alexander na lumabas ng banyo na nakatuwalya lang sa kaniyang baywang!

Ang mga patak ng tubig ay dahan-dahang umaagos mula sa kaniyang basang buhok, gumagapang sa kaniyang matipunong dibdib, pababa sa kaniyang perpektong mga abs. Ang kaniyang Pure Yang Energy ay parang isang gintong magnet sa paningin ng aking mahika—humihila sa akin, nag-uutos sa aking katawan na lumapit at kumuha muli ng lakas mula sa kaniya.

"A-Ah... Sir, iinom lang sana ako ng tubig," nauutal kong sabi habang pilit na humahakbang pabalik upang iwasan ang kaniyang presensya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko kapag hindi ako nakalayo.

Ngunit dahil sa labis na kaba at sa panghihina ng aking mga tuhod, hindi ko napansin ang gilid ng makapal na carpet sa sala. Natisod ang aking kanang paa!

"Teka—" isang maikling sigaw ang lumabas sa aking bibig habang nabibitawan ko ang baso ng tubig. Ipinikit ko na ang aking mga mata, handa nang bumagsak nang masakit sa sahig.

Ngunit bago pa ako tuluyang matumba, isang malakas, matigas, at napakainit na braso ang mabilis na pumulupot sa aking baywang. Sa isang iglap, hinila ako ni Alexander pataas. Dahil sa lakas ng kaniyang pagkakahatak, ang aking dibdib ay lapat na lapat na dumikit sa kaniyang hubad, basang dibdib.

Bzzzt!

Isang literal na kuryente ang dumaloy sa bawat ugat ng aking katawan. Ang nag-o-overheat kong mahika na parang sasabog kanina ay biglang kumalma sa loob ng isang segundo dahil sa pagdikit ng aming mga balat. Napasinghap ako habang ang dalawa kong kamay ay kusang kumapit sa kaniyang matitigas na balikat para hindi ako muling matumba.

Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Sa ganitong kalapit na distansya, kitang-kita ko ang tindi ng kaniyang emosyon. Ang kaniyang mapanuring tingin ay dahan-dahang bumaba mula sa aking mga mata patungo sa aking mga labi. Nararamdaman ko ang kaniyang mainit at mabilis na paghinga na tumatama sa aking mukha.

"Sinasadya mo ba 'to, Celestia?" bulong niya sa isang mababang boses, paos at puno ng pagnanasa na matagal niyang itinago. "Gusto mo ba uling magnakaw ng enerhiya mula sa akin? At pagkatapos ay iiwan mo na naman ako ng limang daang piso?"

"H-Hindi…" sagot ko, pero ang totoo ay tila nakalimutan ko na kung paano huminga. Ang init ng katawan niya ay nagpapakapit sa akin nang mas mahigpit.

Hindi na nag-antay ng kasagutan si Alexander. Dahan-dahang inilapit ng billionaire ang kaniyang mukha hanggang sa tuluyan nang maglapat ang aming mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kaniyang malalambot ngunit mapang-angkin na labi. Ang halik na iyon ay nagsimula bilang isang marahan, nag-aalinlangan, at matamis na pagtikim—parang isang pagbabalik sa gabing nagdaan.

Ngunit nang maramdaman niya ang marahang pagtugon ng aking mga labi, ang kaniyang pagkontrol ay biglang naglaho. Naging malalim, marubdob, at mapusok ang kaniyang halik. Isinubsob niya ako nang mas mahigpit sa kaniyang dibdib habang ang kaniyang isang kamay ay umakyat sa likod ng aking ulo, nilalaro ang aking buhok upang mas lalo akong ilapit sa kaniya. Nawala ang lahat ng aking lakas; para akong natutunaw na kandila sa ilalim ng kaniyang mga hawak. Ang bawat sulok ng aking isip ay napuno ng kaniyang presensya.

Ngunit sa gitna ng aming napakatamis, napakainit, at tila walang katapusang tagpo sa dilim...

Clap! Clap! Clap!

Biglang bumukas ang napakaliwanag na ilaw sa sala, dahilan upang masilaw kaming dalawa.

Mabilis kaming nagkatulukan ni Alexander sa gulat at parehong naghabol ng hininga. Paglingon namin sa may pasilyo, nakatayo roon si Basti. Gising na gising ang asungot, nakasuot ng kaniyang Spider-Man na pajama, nakapamewang, at may napakalaki at nakakalokong ngiti na naman sa kaniyang mukha.

"Wow! Sabi ko na nga ba, eh!" masayang sigaw ng aking anak habang itinuturo kaming dalawa na parang nakahuli ng mga kriminal. "Kaya pala bigla akong nagising kasi narinig ko sa utak ni Rich Daddy na gustong-gusto ka niyang kagatin sa labi, Mommy! Sabi pa niya sa isip niya, 'Ang sarap ng labi ng Alchemist na 'to, hinding-hindi ko na 'to pakakawalan kahit magbenta pa ako ng kumpanya!' Yehey! May baby brother na ako na kasing-gwapo ko!"

Napasapo na lang ako sa mukha ko sa tindi ng hiya at pagnanais na lamunin na ako ng lupa ngayon din. Habang si Alexander naman ay mabilis na tumalikod sa amin, pulang-pula ang buong mukha hanggang sa kaniyang mga tainga habang pilit na hinahawakan at inaayos ang kaniyang tuwalya na muntik nang mahulog sa gulat.

Basti! Kailan mo ba talaga patatahimikin ang kapangyarihan mo at ang bibig mo?! Ang nagdadalambating sigaw ng aking utak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 84

    Ang Unang TagapagbantayALEXANDER’S POVNang magliwanag ang simbolo sa noo ni Basti, biglang nag-iba ang pakiramdam sa plaza. Ang kanina ay sobrang lamig ang pakiramdam; ngayon ay nagkakaroon ng kaunting init. Mula sa sahig na salamin, dahan-dahang gumuhit ang mga kulay-pilak na linya. Mabilis itong kumalat at umikot, hanggang sa makabuo ng isang napakalaking alchemical circle na sumakop sa buong paligid namin.Agad kong hinila si Basti at pinatayo sa likod ko."Huwag kang lalayo sa amin," seryoso kong utos habang nakabantay sa bawat sulok ng plaza. Ang mga mata ko ay nagsisimulang umikot sa buong paligid. Hinihintay ang mga susunod na mangyayaring kababalaghan.Kung katulad pa rin ako ng dati, isang ordinaryong tao at hindi ko pa nakikilala sina Celestia, marahil magpapanik ako at iisipin kong nababaliw na ako sa mga nakikita ko. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang gulo o maaaring biglang pagsugod ng sinuman. Pero sa ilang segundong naghihintay ako, walang nangyaring pag-atake.

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 83

    Ang Pangalang NinakawALEXANDER’S POVPagkatapos mabasag ng malaking salamin, napuno ng pinong kristal ang buong plaza. Parang ulan na gawa sa maliliit na piraso ng salamin na dahan-dahang bumabagsak sa paligid namin.At sa bawat pirasong pumapatak, may nakikita kaming mga larawan—mga batang naglalaro, mga alchemist na nag-eensayo, at mga pamilyang masayang nagtatawanan. Parang mga kuwento ng nakaraan na unti-unting ibinababa mula sa langit.Pero may napansin akong isang kakaiba. Hindi ito bumabagsak; nakalutang lang ang mga ito sa ere at tila ba may sariling lakas.Itinapat ko ang scanner ko para tingnan kung ano ito, pero nag-red screen lang ang device ko.ERROR: NO DATA.Hindi ito mabasa-basa ng aking system. Ibig sabihin, hindi ito galing sa Mirror City. May ibang klase ng lakas o kapangyarihan ang may gawa nito. Sino ang kumokontrol sa mga bagay na ito?CELESTIA’S POVTinitigan ko ang lumulutang na piraso ng kristal. Bigla kong naalala ang isa sa mga lumang aklat na nakatago s

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 82

    Ang Bulong ng mga SalaminALEXANDER’S POVNakaabang ang aking blaster, ngunit ang asul na enerhiya sa dulo ng kanyon nito ay unti-unti nang humihina hanggang sa tuluyang namatay. Itinapat ko ang aking detector sa naglalakihang pader na kristal na humarang sa aming likuran.WARNING: ENERGY DRAIN ACTIVE.RESOURCE CONVERSION: 100% ABSORBED BY THE ENVIRONMENT."Walang silbi ang mga high-tech na armas dito," mahina kong mura, sabay balik ng blaster sa holster. Kinukuha ng lungsod na ito ang anumang enerhiyang pinapakawalan ng gamit namin at ginagamit ito upang mas palakasin pa ang mga pader na nakapaligid sa amin na siyang nagbibigay ng matinding proteksyon sa paligid. Napatingin ako sa mga estatwang salamin na dahan-dahang humahakbang patungo sa direksyon kung saan kami nakatayo. Hinigpitan ko ang hawak sa aking sinturon, naghahanda sa pisikal na pakikipagtuos kahit marami akong pera at mga bodyguard. Marunong akong lumaban. Subalit habang pinagmamasdan ko ang kanilang mabagal at mekani

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 81

    Ang Mga Mata sa SalaminALEXANDER’S POVTok... Tok... Tok...Ang tunog ng mga yabag ang bumabasag sa nagyeyelong katahimikan ng lungsod. Agad kong hinugot ang aking blaster mula sa holster. Ang aking daliri ay nakaposisyon na sa gatilyo.Sa isang mabilis at kalkuladong galaw, hinila ko si Basti patungo sa gitna namin ni Celestia, gamit ang aming mga katawan bilang depensa para sa inosente naming anak. Muling naghari ang katahimikan sa buong paligid, para bang nakikiramdam din. Walang tao sa madilim na eskinita. Walang anino.Sa pag-ikot ng aking mga mata, napadako ang aking paningin sa naglalakihang mga salaming bintana sa mga gusali sa aming paligid. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas ng adrenaline sa aking dugo, na ba alam ng mga ito ang nagbabadyang panganib. May kung ano'ng kakaiba sa mga repleksyon.Hindi normal ang mga nakikita ko sa mga repleksyon ng salamin. Sa unang bintana sa aming kaliwa, kung saan kaming tatlo—isang totoong repleksyon ang ipinapakita nito—ang aming pos

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 80

    Ang Lungsod na Walang Katao-taoALEXANDER’S POVSa pagdating namin sa Mirror City, ang lugar kung saan puro salamin ang paligid, ang upuan, ang building, ang mga bahay, lahat ay para bang sinadya para ipagawa gamit ang mga salamin. Agad kong naramdaman ang isang nakakakabang atmospera. Hindi lang basta tahimik ang paligid.Ang paligid ay puno ng mabigat at negatibong enerhiya. Maging ang hangin ay tila ba natatakot na gumalaw. Wala kaming maramdamang kahit katiting na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga puno sa paligid; hindi gumagalaw ang mga dahon ng mga ito, kahit ang mga tuyong damo sa sahig ay tila nakapako sa kanilang kinalalagyan.Sa hindi kalayuan, may isang fountain, ngunit ang tubig na tumatalsik mula rito ay tila natuyo o nanigas sa ere. Tumingin ako sa isang napakalaking orasan sa gitna ng plaza.Nakaturo ang mga kamay nito sa alas-dose, pero hindi rin gumagalaw ang pendulum.Inilabas ko ang aking Quantum Scanner upang basahin ang energy particles sa paligid. Lumabas an

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   CHAPTER 79

    Ang Pintuang Walang SusiALEXANDER’S POV Nakatayo kami ngayon nang matagal sa harap ng isang malaking pintuan. Walang sinuman sa amin ang nagsimulang magsalita.Ang katahimikan ng lugar ay tila mas mabigat pa kaysa sa batong bumubuo rito, na para bang sinisipsip nito ang lahat ng tunog sa buong paligid. Inilabas ko ang aking Quantum Scanner at dahan-dahang ini-scan ang buong kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo at lumabas ang resulta sa holographic screen.'ANALYSIS: UNKNOWN MATERIAL'Wala itong metal. Walang concrete. Walang energy core. Walang mga gear, lever, o kahit anong mekanismong maaaring magbukas sa napakalaking harang na ito. Parang hindi ito ginawa ng tao—para bang ang pinto mismo ay isang natural na bahagi ng bundok na nagkataong nagkaroon ng hugis. Napakunot-noo ako; naiinis ako; nakaramdam ako ng pagkayamot dahil kahit ang aking makabagong siyensya ay walang madetect na kahit ano. "Imposible…" bulong ko. Habang abala kami sa pag-aanalisa ng paligid, tahim

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   Chapter 2

    (Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POV(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POVNang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapul

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   Chapter 1

    (Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)CELESTIA'S POV" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang p

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   Chapter 7

    (Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)ALEXANDER’S POV"Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos k

  • The BILLIONAIRE'S Cupid: My Baby is a Mind Reader   Chapter 5

    (Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status