LOGIN(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)
ALEXANDER'S POV
"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."
Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang nagpapakasasa sa pag-ikot sa aking mamahaling leather sofa ay tunay kong anak.
At ang babaeng nakatayo sa harap ko na mukhang handa nang tumalon muli sa bintana? Siya ang babaeng nag-iwan ng limang daang piso limang taon na ang nakakalipas.
Dahil sa pesteng pink na pildoras na ipinakain sa akin ng bata, ramdam ko pa rin ang kakaibang gaan sa aking katawan, ngunit ang mas malala ay ang kawalan ng kontrol sa aking dila. Gusto ko siyang sulyapan nang may galit, pero ang lumalabas sa isip at bibig ko ay puro kahibangan.
"Hindi ka aalis sa kumpanyang ito, at lalong hindi ka aalis sa paningin ko," mariin kong sabi habang inilalatag ang isang gintong pluma sa ibabaw ng lamesa. "Papipiliin kita, babae. Idedemanda kita ng kidnapping at trespassing dahil sa ginawa mo sa hotel suite ko noon, o pipirmahan mo ang kontratang ito?"
Mabilis kong hinalughog ang aking drawer at kinuha ang isang standard na non-disclosure at co-parenting agreement na palagi kong nakahanda para sa mga legal na usapin. Mabilis kong isinulat doon ang aking mga bagong kondisyon.
"Kondisyon bilang isa: Lilipat kayong mag-ina sa penthouse ko sa BGC. Kondisyon bilang dalawa: Magiging personal assistant at personal alchemist kita—dahil kailangan ko ang mga pildoras mo para sa high blood ko. At kondisyon bilang tatlo..." Natigil ako dahil naramdaman ko na naman ang epekto ng Truth Elixir.
Huwag mong sabihin, Alexander. Mapapahiya ka, utos ng utak ko. Pero walang preno ang bibig ko dahil sa gamot niya. "...kondisyon bilang tatlo, babayaran kita ng limang milyong piso para mapatunayan ko sa'yo na hindi lang limang daan ang halaga ko!"
Napasapo ako sa sarili kong mukha matapos kong masabi 'yak. Damn that pink pill.
CELESTIA'S POV
"Limang milyon?!" halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko.
Grabe naman ang pride ng billionaire na ito! Limang taon na ang nakakalipas, pero talagang dinamdam niya ang limang daang piso na iniwan ko bilang 'tip' sa ibabaw ng nightstand niya! Kung alam ko lang na magiging ganito kahigh blood ang lalaking ito pagkalipas ng limang taon, sana ay hinayaan ko na lang na pasabugin ng Yin energy ang mga ugat ko.
'Mommy! Pirmahan mo na, dali! Biglang sumigaw ang boses ni Basti sa loob ng utak ko. 'Sabi ni Rich Daddy sa isip niya ngayon, "Sana pumayag siya, dahil kapag lumipat siya sa penthouse ko, sisiguraduhin kong hindi lang pildoras ang kukunin ko sa kaniya… kukunin ko rin ang puso niya." At saka, Mommy, ang dami raw masasarap na pagkain doon sa penthouse niya!'
Namilog ang mga mata ko at mabilis kong nilingon si Basti na ngayon ay abala pa rin sa pagtalon-talon sa sofa. 'Basti! Manahimik ka nga! Nakakahiya ang mga binabasa mo sa utak niya! Pabalik kong sigaw sa kaniya gamit ang telepathy.
Ramdam ko ang init na umakyat sa aking mga pisngi. Tumingin ako kay Alexander na ngayon ay pulang-pula na rin ang mga tainga dahil sa sarili niyang pag-amin na dala ng aking Truth Elixir. Kahit anong pilit niyang magmukhang seryoso at nakakatakot, ang epekto ng aking mahika ay ginagawa siyang parang isang maamong leon sa harap ko.
"Sir... Alexander," panimula ko habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang lamesa. "Ang paglipat sa penthouse mo ay medyo mabilis naman yata. At saka, paano ang trabaho ko rito bilang data encoder?"
Inayos niya ang kaniyang mamahaling suit at tumingin sa akin nang may halo pa ring pagnanasa na pilit niyang itinago. "Ika-cancel ng HR ang application mo bilang encoder. Simula ngayon, ikaw na ang aking Private Alchemist at Executive Assistant. Ang opisina mo ay sa loob ng opisina ko. At ang sweldo mo..." Tumingin siya sa akin nang may mapang-akit na ngiti. "...ay depende sa kung gaano mo kabilis mapapababa ang high blood ko."
Nalunok ko ang aking sariling laway. Kitang-kita ko ang umaapaw na Pure Yang Energy na nagmumula sa kaniyang katawan—mas malakas at mas kaakit-akit kaysa noong gabing iyon sa hotel. Parang sinasabi ng aking sariling mahika na ang pagtabi sa kaniya ay ang pinakamainam na paraan para lumakas ako bilang isang Alchemist.
Kinuha ko ang gintong pluma sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko si Basti na ngayon ay nag-thumbs up pa sa akin mula sa sofa.
"Sige, boss. Pipirmahan ko 'to," sabi ko, sabay pirma sa ibaba ng kontrata. "Pero siguraduhin mo lang na kasya ang limang milyong piso mo para sa gatas at choco crunch ng anak mo."
Isang matunog at madilim na tawa ang pinakawalan ni Alexander habang dahan-dahang tumatayo mula sa kaniyang upuan at lumalapit sa akin, dahilan upang mapahinto ang aking paghinga dahil sa kaniyang nag-aapoy na presensya.
Ang Unang TagapagbantayALEXANDER’S POVNang magliwanag ang simbolo sa noo ni Basti, biglang nag-iba ang pakiramdam sa plaza. Ang kanina ay sobrang lamig ang pakiramdam; ngayon ay nagkakaroon ng kaunting init. Mula sa sahig na salamin, dahan-dahang gumuhit ang mga kulay-pilak na linya. Mabilis itong kumalat at umikot, hanggang sa makabuo ng isang napakalaking alchemical circle na sumakop sa buong paligid namin.Agad kong hinila si Basti at pinatayo sa likod ko."Huwag kang lalayo sa amin," seryoso kong utos habang nakabantay sa bawat sulok ng plaza. Ang mga mata ko ay nagsisimulang umikot sa buong paligid. Hinihintay ang mga susunod na mangyayaring kababalaghan.Kung katulad pa rin ako ng dati, isang ordinaryong tao at hindi ko pa nakikilala sina Celestia, marahil magpapanik ako at iisipin kong nababaliw na ako sa mga nakikita ko. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang gulo o maaaring biglang pagsugod ng sinuman. Pero sa ilang segundong naghihintay ako, walang nangyaring pag-atake.
Ang Pangalang NinakawALEXANDER’S POVPagkatapos mabasag ng malaking salamin, napuno ng pinong kristal ang buong plaza. Parang ulan na gawa sa maliliit na piraso ng salamin na dahan-dahang bumabagsak sa paligid namin.At sa bawat pirasong pumapatak, may nakikita kaming mga larawan—mga batang naglalaro, mga alchemist na nag-eensayo, at mga pamilyang masayang nagtatawanan. Parang mga kuwento ng nakaraan na unti-unting ibinababa mula sa langit.Pero may napansin akong isang kakaiba. Hindi ito bumabagsak; nakalutang lang ang mga ito sa ere at tila ba may sariling lakas.Itinapat ko ang scanner ko para tingnan kung ano ito, pero nag-red screen lang ang device ko.ERROR: NO DATA.Hindi ito mabasa-basa ng aking system. Ibig sabihin, hindi ito galing sa Mirror City. May ibang klase ng lakas o kapangyarihan ang may gawa nito. Sino ang kumokontrol sa mga bagay na ito?CELESTIA’S POVTinitigan ko ang lumulutang na piraso ng kristal. Bigla kong naalala ang isa sa mga lumang aklat na nakatago s
Ang Bulong ng mga SalaminALEXANDER’S POVNakaabang ang aking blaster, ngunit ang asul na enerhiya sa dulo ng kanyon nito ay unti-unti nang humihina hanggang sa tuluyang namatay. Itinapat ko ang aking detector sa naglalakihang pader na kristal na humarang sa aming likuran.WARNING: ENERGY DRAIN ACTIVE.RESOURCE CONVERSION: 100% ABSORBED BY THE ENVIRONMENT."Walang silbi ang mga high-tech na armas dito," mahina kong mura, sabay balik ng blaster sa holster. Kinukuha ng lungsod na ito ang anumang enerhiyang pinapakawalan ng gamit namin at ginagamit ito upang mas palakasin pa ang mga pader na nakapaligid sa amin na siyang nagbibigay ng matinding proteksyon sa paligid. Napatingin ako sa mga estatwang salamin na dahan-dahang humahakbang patungo sa direksyon kung saan kami nakatayo. Hinigpitan ko ang hawak sa aking sinturon, naghahanda sa pisikal na pakikipagtuos kahit marami akong pera at mga bodyguard. Marunong akong lumaban. Subalit habang pinagmamasdan ko ang kanilang mabagal at mekani
Ang Mga Mata sa SalaminALEXANDER’S POVTok... Tok... Tok...Ang tunog ng mga yabag ang bumabasag sa nagyeyelong katahimikan ng lungsod. Agad kong hinugot ang aking blaster mula sa holster. Ang aking daliri ay nakaposisyon na sa gatilyo.Sa isang mabilis at kalkuladong galaw, hinila ko si Basti patungo sa gitna namin ni Celestia, gamit ang aming mga katawan bilang depensa para sa inosente naming anak. Muling naghari ang katahimikan sa buong paligid, para bang nakikiramdam din. Walang tao sa madilim na eskinita. Walang anino.Sa pag-ikot ng aking mga mata, napadako ang aking paningin sa naglalakihang mga salaming bintana sa mga gusali sa aming paligid. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas ng adrenaline sa aking dugo, na ba alam ng mga ito ang nagbabadyang panganib. May kung ano'ng kakaiba sa mga repleksyon.Hindi normal ang mga nakikita ko sa mga repleksyon ng salamin. Sa unang bintana sa aming kaliwa, kung saan kaming tatlo—isang totoong repleksyon ang ipinapakita nito—ang aming pos
Ang Lungsod na Walang Katao-taoALEXANDER’S POVSa pagdating namin sa Mirror City, ang lugar kung saan puro salamin ang paligid, ang upuan, ang building, ang mga bahay, lahat ay para bang sinadya para ipagawa gamit ang mga salamin. Agad kong naramdaman ang isang nakakakabang atmospera. Hindi lang basta tahimik ang paligid.Ang paligid ay puno ng mabigat at negatibong enerhiya. Maging ang hangin ay tila ba natatakot na gumalaw. Wala kaming maramdamang kahit katiting na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga puno sa paligid; hindi gumagalaw ang mga dahon ng mga ito, kahit ang mga tuyong damo sa sahig ay tila nakapako sa kanilang kinalalagyan.Sa hindi kalayuan, may isang fountain, ngunit ang tubig na tumatalsik mula rito ay tila natuyo o nanigas sa ere. Tumingin ako sa isang napakalaking orasan sa gitna ng plaza.Nakaturo ang mga kamay nito sa alas-dose, pero hindi rin gumagalaw ang pendulum.Inilabas ko ang aking Quantum Scanner upang basahin ang energy particles sa paligid. Lumabas an
Ang Pintuang Walang SusiALEXANDER’S POV Nakatayo kami ngayon nang matagal sa harap ng isang malaking pintuan. Walang sinuman sa amin ang nagsimulang magsalita.Ang katahimikan ng lugar ay tila mas mabigat pa kaysa sa batong bumubuo rito, na para bang sinisipsip nito ang lahat ng tunog sa buong paligid. Inilabas ko ang aking Quantum Scanner at dahan-dahang ini-scan ang buong kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo at lumabas ang resulta sa holographic screen.'ANALYSIS: UNKNOWN MATERIAL'Wala itong metal. Walang concrete. Walang energy core. Walang mga gear, lever, o kahit anong mekanismong maaaring magbukas sa napakalaking harang na ito. Parang hindi ito ginawa ng tao—para bang ang pinto mismo ay isang natural na bahagi ng bundok na nagkataong nagkaroon ng hugis. Napakunot-noo ako; naiinis ako; nakaramdam ako ng pagkayamot dahil kahit ang aking makabagong siyensya ay walang madetect na kahit ano. "Imposible…" bulong ko. Habang abala kami sa pag-aanalisa ng paligid, tahim
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POV(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POVNang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapul
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)CELESTIA'S POV" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang p
(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)ALEXANDER'S POV"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumi
(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)ALEXANDER'S POV"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking priva







