Change of hearts. Alam kong malabong mangyari iyon sa akin. If someone will rip my heart out right now, there was no second thought it was only James whom I really love. Our five years relationship was built with love, trust and compassion. Kaya naman magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang patawarin ang sarili ko sa napakalaking kasalanang nagawa ko sa kanya.
What I didn't understand was the strange feeling that I had towards Joaquin. Why did I feel bothered; especially on his scandalous relationship with Lucy?
Mula pa noong Lunes ay hindi na kami muling nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Joaquin. It was either he cam
Naging abala si Manang Maria sa paghahain para sa aming agahan. Habang nakaupo ako sa nakagawian kong pwesto rito sa dining table ay hindi ko mapigilan ang mga mata ko na mapadako sa namamagang pisngi ni Joaquin. Labis na pag-aalala na naman ang naramdaman ko. Kailangan na niya talagang matingnan ng doktor. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay inutusan ko si Manang na tawagan ang doktor ng pamilya upang makapunta ito ngayon sa penthouse.Hindi na nagawang tumutol ni Joaquin na matingnan siya ni Doctor Perez. Mga bandang alas diyes ng umaga ito dumating.
Mag-a-alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa rin nakakauwi si Joaquin dito sa penthouse. Pinilit ko lang ubusin ang ihinatid na pagkain sa akin ng mga staff kanina. Wala talaga akong gana dahil natutulala pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang mga nangyayari ngayon.Murder! It was a very serious accusation. Inosente man si Joaquin ay hindi malayong pag-isipan siya ng masama ng mga kaanak ni Engr. Berdaje lalo pa at kung natuklasan na nila ang imoral na relasyon nilang dalawa ni Lucy.Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa panonood ng TV. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Joaquin.
“I will not let my parent’s decision controls mine,” paniniyak ko kay Joaquin. Buong kompiyansya ko iyong sinabi sa kanya sa kabila ng nararamdaman kong bahagyang pagkailang sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Sigurado akong dahil iyon sa ginawa kong paghalik sa kanya kagabi.Nagpahatid ng breakfast si Joaquin sa penthouse para sa aming dalawa. Sa isang linggo pa kasi ang balik ni Manang Maria dahil sa one week vacation leave niya. Umuwi siya sa pamilya niya sa Oslob.Habang nililigpit ko na
Malalaki ang naging paghakbang ko para masundan silang dalawa sa loob ng silid ni Joaquin. Buong tapang kong pinihit ang door knob ngunit hindi ko na itong nagawang buksan dahil sa pagkaka-lock nito. Napaatras ako dahil doon.Kailangan pa talaga nilang mag-lock? Bakit? Dahil ba ayaw nilang maistorbo? Napatulala na lamang ako sa harap ng pinto. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa samu't saring bagay na naiisip kong ginagawa nilang dalawa ngayon sa loob. Hindi ko na namalayan ang mga luhang wala ng tigil sa paglalaglagan mula sa aking magkabilang mata. Ang tanga-tanga ko kasi! Nahalikan lang niya ako ma
Pagkapasok ko sa isa sa mga deluxe suite ng Conrad Hotel ay agad kong ini-on ang cellphone kong kaninang umaga pa nakapatay. Kaagad na tumunog ang message alert tone nito. Naagaw ang atensyon ko sa magkakasunod na mga text message galing kay Joaquin.Joaquin: Let’s talk...Joaquin: I’m really worried. Are you mad about last night?J
Kaagad akong sinamahan ni James sa St. Lukes Hospital para magkasama naming mapuntahan ang labi ng aking ama. Habang lulan ako ng kanyang sasakyan ay lutang pa rin ang isip ko. Labis na nagulantang ang pagkatao ko sa napasakit na balitang natanggap ko kanina.Walang tigil sa pag-iyak si Mommy habang pilit siyang pinapakalma at hinihimas sa likod ng maid naming si Emily. Nakaupo sila sa waiting area malapit sa nurse’s station. Mas lalong lumakas ang paghikbi ko habang mas napapalapit ako sa kinaroroonan nila. Nakasunod ng lakad si James sa likuran ko.“Mommy...” Marahang nag-angat ng ulo
Every month I checked the balance of that particular bank account where Joaquin deposited his financial support for our child. Nawiwindang talaga ako dahil buwan-buwan milyones ang nadagdag sa balanse noon. Kahit yata hindi ako magtrabaho ay mabubuhay pa rin kaming dalawa ng anak ko sa sustento pa lang ng tatay niya.“JD?” nagtatakang tanong ni Belle habang nakataas ang isang kilay. Nginusuan ako ni Liz pagkaraan ay pagak na tumawa. Nandito sila ngayong dalawa sa loob ng opisina ko sa Empire East building. It was comforting to see them once in a while. Kung minsan sila ang nagiging stress absorber ko sa mga problema ko rito sa opisina.
Mariing nakatitig ang anak ko sa screen ng aking laptop. Tila pilit na prinoproseso ng kanyang batang utak ang mga huling sinabi ko. Nananantya ang paraan ng kanyang pagtingin dito bago muling nagsalita. "Why does he ain't wearing any clothes?" pag-uusisa pa niya. Naningkit ang kanyang mga mata pagkaraan ay nilingon ako. Uminit ang magkabila kong pisngi. Sa edad niyang apat, grabe na talaga ang kuryosidad niya sa mga bagay-bagay. Hindi na ako nagugulat sa pagpapaulan niya