ANMELDENKatatapos lang nilang kumain ng breakfast, pero imbes na maghiwalay o maglinis ng mesa—ibang init ang biglang bumalot sa pagitan nila.Nakasandal pa si Maxine sa dining table habang inaayos ang mga plato nang maramdaman niya ang mabigat na presensya ni Kael sa likod niya.“Kael…” mahina niyang tawag sa pangalan nito, hindi siya agad nakalingon dito dahil may ginagawa siya. Ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa binata.Nagulat na lang siya nang dahan-dahan nitong hinawakan ang bewang niya, mahigpit iyon at may halong pag-aangkin.Maagap na napasinghap si Maxine.“Kael…what are you—”Hindi na niya natapos pa ang sasabihin. Dahil bigla na lang siyang hinila nito palapit sa sarili nito, dahilan naman para mapadiin ang katawan niya sa mesa.“I'm not yet done with you, baby," paos na bulong ni Kael sa tenga niya.Nanlamig at uminit ang katawan ni Maxine nang sabay. Sa tono pa lang ng boses nito, tila may binabalak ang binata sa kanya. At hindi naman siya mangmang para hindi iyon main
Hindi alam ni Kael kung ilang minuto na siyang gising, basta ang alam niya—kanina pa siya nakatitig sa dalagang mahimbing na natutulog sa braso niya.Tahimik ang buong silid at ang tanging maririnig ay ang tunog ng aircon at ang mahina at pantay na paghinga ng dalaga, na parang musika sa gitna ng katahimikan ng gabi.Nakaunan ang ulo ni Maxine sa braso niya, habang ang isang kamay nito ay nakalapat sa dibdib niya, parang instinctively kumakapit kahit tulog ito.He exhaled slowly, ayaw niyang magising ang dalaga sa kaunting kilos niya.Ibinaling niya ang tingin sa mukha nito.Sa mahinang liwanag mula sa lamp sa gilid ng kama, mas lalo niyang napansin ang bawat detalye ng mukha ni Maxine.Her long eyelashes rested softly against her cheeks.Her lips—slightly parted—looked softer than he remembered.At ang buhok nitong mahaba ay nakalatag sa unan at sa dibdib niya, parang sedang kumikislap sa mahinang ilaw.“Damn…” mahina niyang bulong.Ngayon niya lang napagtanto kung gaano pala ito kag
Maxine’s heart was pounding hard inside her chest, habang nakatayo siya sa gitna ng living room, halos hindi siya makagalaw sa malalagkit na titig sa kanya ni Kael. Naitulak niya kasi ito kanina nang walang babala siya nitong hinalikan sa kanyang labi. Para bang on instinct ay dapat niya iyong gawin bago pa man sila mauwi sa hindi dapat.At ngayon para siyang natulala sa presensya nito. The way he was looking at her—his eyes filled with desire and a hint of uncertainty—parang sinasalamin din ang nararamdaman niya. Hindi ito nagsalita pero ang mga mata nito ay tila naman hinuhubaran siya.Napalunok siya."K-Kael, umuwi ka na." pagtataboy niya sa binata, pero hindi ito natinag sa kinatatayuan nito.The air in the living room suddenly felt too warm, too heavy, parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nilang dalawa. Ramdam ni Maxine na may mangyayari ngayong gabi kapag hindi pa niya pinapaalis ang binata sa unit niya.This moment… this exact moment…could change everything between them.
Nasa labas na sila ng campus nang maramdaman ni Maxine na patuloy pa ring nagva-vibrate ang phone niya sa loob ng bag. Hindi niya pa rin sinasagot. Nakatingin lang siya sa screen habang patuloy ang pag-ring. Sa tabi niya, halos nakadungaw na si Sierra sa balikat niya sa kakasilip. “Girl…” bulong nito. “Sagutin mo na.” Napairap si Maxine. “Relax ka lang.” “Relax?” natatawang sabi ni Sierra. “Eh kanina mo pa tinititigan ang phone mo.” Huminga nang malalim si Maxine bago pindutin ang answer button. “Hello.” Agad niyang narinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya. “Hey, baby! How are you doing?” Masigla ang tono ni Kael—parang good mood na good mood ito. Naisip niya na siguro naging maganda ang dinner with family nito. “Pauwi na ako ngayon,” sagot niya habang naglalakad papunta sa parking lot. “How’s dinner with your family?” Sa kabilang linya, maririnig ang bahagyang tunog ng sasakyan—parang nasa kotse rin ang lalaki. “Wala ang daddy ko,” sagot ni Kael.
Malaki at elegante ang Montenegro mansion, ang bahay na kinalakhan ni Kael sa nakalipas na dalawampu't pitong taon ng buhay niya. Tahimik ang paligid ng mansion maliban sa manaka-nakang galaw ng mga kasambay na abala sa kanya-kanyang gawain. Unti-unti nang dumidilim ang langit nang magpasya siyang pumasok sa main door ng kanilang bahay. Pagbukas pa lang ng pintuan, bumungad na agad kay Kael ang pamilyar na amoy ng lutong pagkain mula sa kusina—ang paborito niyang paella. Masarap magluto ang mommy Sofie niya, lahat ng gusto niyang kainin mula noon hanggang ngayon ay niluluto nito. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano ang magluto kaya sanay na sanay siya sa kusina, kahit na ba may katulong sila. Inilapag niya ang susi sa maliit na tray sa may console table at naglakad papuntang living room. Dala ang bouquet of sunflower na gustong-gusto ng mommy niya. Pagdating niya sa sala, nakita niya ang mommy niya na nakatayo malapit sa dining area, parang kanina pa ito naghihintay sa kany
Nasa isang private lounge ng Montenegro Imperial University ang grupo ng magkakaibigan. Malamig ang aircon, mahina ang tugtog ng jazz music sa background, at nakaupo sa isang leather couch sina Kael at ang matalik niyang kaibigan na si Donald habang may hawak na baso ng whiskey ang huli. Ito ang usual place nila sa school kapag wala silang pasok at gusto lang mag unwind. May konting inoman at mas maraming kasiyahan. Kanina pa siya pinagmamasdan ni Donald na parang puzzle na kailangan nitong i-solve. Matiim din ang pagkakatitig nito sa kanya na tila ba may nais malaman sa kanya. “Where have you been, pare?” sa wakas ay nagsalita ito habang nakasandal sa couch. “Ilang araw ka nang hindi sumasama sa tropa natin. Ano bang pinagkaka-busyhan mo?” Halata sa mukha ni Donald ang pagtataka. The Kael he knew loved to have fun with his friends, lalo na at kapwa sila busy sa kani-kanilang mga propesyon. Ito lang kasi ang panahon nila para magsama-sama kahit sandali. Hindi agad sumagot s







