Share

Chapter 5

Hindi mawala sa isip ko ang impormasyong nakuha ko kanina kay Trisha. Hindi ko inaasahang may iba pa palang nakaalam sa kahayupang ginawa ni Emmanuel sa mga Almazan.

-------

Flashback:

"Hindi na po namin siya mahanap."

"What do you mean?"

“Sinubukan niya po kasing magsalita noon tungkol sa nangyari sa mga magulang n'yo. Medyo matagal po bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Pero nung tinangka niya pong magsalita, bigla nalang pong hindi namin siya mahanap. Magpi-pitong taon na po siyang nawawala, kaya inisip nalang namin na wala na siya. ”

End of Flashback

---------

Malaki ang maitutulong nito sa akin sa pagpapabagsak ko kay Emmanuel. Magiging matibay na ebidensya ang mga nalalaman niya pag tumistigo siya.

Kailangan ko siyang mahanap.

"What are you doing here?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulagta sa harap ko ang isang demonyo.

Hindi ko inaasahang may kakaibang pa surpresa pala sa mga bisita ang kasiyahang ito. Hindi ko man lang naihanda ang sarili ko.

Agad ko siyang ginawaran nang matamis na ngiti bago pa man mag-alab sa galit ang kaniyang mga mata. Halatang hindi nito nagustuhan ang aking pagpunta.

"Tito Manuel!" Bungad ko sa kaniya. Marahan akong lumapit sa kaniya para b****o. "Pasensya na wala akong regalo pero halatang nasurpresa ka naman sa presensya ko. I think this is enough. Happy birthday!" usal ko pa sinusubukang inisin siya.

Pansin kong nasa amin na ang iilang mga titig kaya mas lalo kong ipinakita sa kaniya ang mga nakakalokong ngiti.

"Tinatanong kita, anong ginagawa mo rito?" Pabulong ngunit may bigat sa mga salitang usal niya. Hindi ko siya sinagot at akmang tutuloy na sana papasok nang bigla niyang hilahin ang aking braso na tila gusto na niya akong kaladkarin palabas.

Napapikit ako nang maramdaman ang higpit niyon. Sinusulit niya ang pagkakataon na walang masyadong ilaw sa kinatatayuan namin. Magaling ka talaga Emmanuel. Napakagaling mong magbalat kayo, hayop ka.

"Bitawan mo ako." Tiim bagang usal ko.

"Sinong nag imbita sayo rito?" mariing bulong niya sa tenga ko.

"Ang anak mo, bakit?" usal ko at sa pagkakataong iyon ay lumuwag nga pagkakawak niya sa akin. Pahablot kong inilayo sa kaniya ang braso ko saka siya galit na tinignan.

"Bakit parang takot na takot ka namang imbitahan ako? Ayaw mo bang makilala ako ng mga tao? Ayaw mo bang malaman nila na bumalik na ang tunay na may-ari ng mga ari-arian na ninakaw mo?" natatawang usal ko ngunit bakas sa mga titig ko ang galit. "Huwag kang mag alala, hindi kita ilalaglag. Hindi pa, Tito Manuel." mariing usal ko bago nagtuloy papasok.

Tangina, hindi man lang muna ako pinapasok bago sinalubong ng ganoon. Edi sana mas magandang opening party ang saguta namin kanina kung pinaabot man lang niya ako dito sa loob.

His visitors would definitely be surprised, hindi yung ibubungad niya sa entrada ang nakakasura niyang pagmumukha.

Tuluyan na nga akong nakaupo sa isang bakanteng table. Everyone looks so excited as the light starts to dim, halatang magsisimula na nga ng kasiyahan.

Enjoy mo lang Emmanuel. Uupo lang ako rito at papanuorin ka. Hindi pa tamang oras para pabagsakin ka. Uunti-untiin ko hanggang sa mapagtanto mo ang mga bagay na dapat nung una pa lang ay hindi mo na ginawa.

"Binibining Eliza." Agad akong napalingon nang lumapit sa akin si Kenjie. "Mabuti ag nakarating ka." usal niya at ginawaran ko naman siya ng pormal na ngiti.

Siya yung naghila sa akin ng upuan nun sa kasiyahan sa Peraya Toy Industry na pinaunlakan ni Emmanuel. I just found out that he's Emmanuel's son. Kaya pala pamilyar ang hulma ng pagmumukha.

Totoong sa kaniya nga ako humingi ng imbetasyon. Trisha failed to give me one so I contacted him. Luckily he didn't refused.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang hindi man lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin matapos nung ginawa kong pagpapahiya sa tatay niya sa harap ng maraming tao.

Kung may pinaplano man ang isang ito, well he better back off baka pagsisihan lang niya.

"Salamat." usal ko nang maupo siya sa harap ko.

"Walang anuman. Basta ikaw." usal niya at kumindat pa.

Talaga ngang anak ka ni Emmanuel. Natatawa akong napailing.

May kung ano-ano pang sinabi yung organizer sa harap kaya marahan kong iginala muna ang paningin ko sa paligid.

"May mga kapatid ka pa?" tanong ko habang nasa harap na paningin.

"Oo, dalawa kami." I nodded in response. Nakadalawa ka naman pala sa ibang babae Emmanuel. Pero yung anak mo na nasa sinapupunan ko hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon na lumabas at matamasa ang buhay na nararapat sa kaniya.

"Who's Emmanuel's wife by the way?" usal ko at hinarap na nga siya.

Pansin ko ang pagkunot ng noo niya sa tanong ko. Siguro ay naamoy nito ang biglaang pagiging usyoso ko.

"Bakit mo naman tinatanong, binibini?" Marahan inilapit ang mukha niya sa akin kasabay ang nanunuksong ngiti ag titig.

"Nothing." usal ko at itinuon na ang paningin sa harap. I heard him laugh pero hindi ko na pinansin pa iyon.

Everyone was carefully listening as the events organizer started to talk about how successful Hidalgo's businesses are.

Gusto kong matawa sa mga naririnig ko but I promised to my self na I will stay behave today. I wont ruin anything.

Ang daming binanggit na pangalan ng kompanya at hindi ko na alam kung saan doon yung Sandoval Corp. at ang ari-arian ng mga Almazan.

Ang dami naman yata niyang ninakaw?

Mabilis na nagpunta si Emmanuel sa harap para magsalita nang tawagin na ito. And again, wearing his fake, manipulative smile, everyone applauded and praised him with awe.

"Magandang gabi sa lahat. Nais ko lang pasalamatan ang mga nagpunta, mga kaibigan, kamag-anak, mga kasama sa negosyo at sa lahat ng dumalo. Lubos kong ikinagagalak ang inyong presensya sa araw na ito." Paunang salita niya at hindi ko inaasahang dadako ang paningin niya sa akin.

Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan sa pagdalo ko, Emmanuel?

Gusto kong matawa dahil halatang bantay niya ang kilos ko kahit nagsasalita siya sa harap. Siguro ay natatakot na itong may gawin akong hindi niya magugustuhan.

Tahimik na nakikinig ang lahat kay Emmanuel habang nagsasalita ito sa harap ng kung ano-ano. Mga bagay na tungkol sa negosyo, mga ari-arian niyang ninakaw na talagang pinagyayabang niya pa talagang binabanggit sa harap ng mga tao.

I really don't understand where his audacity is coming from.

Nagulat nalang ang lahat nang sa gitna ng pagsasalita ni Emmanuel ay bigla siyang lapitan ng kaniyang mga gwardiya at kasunod nun ay ang sunod-sunod na putukan.

Mabilis na nag hiyawan ang mga tao sa takot at gulat. Nasundan pa ito ng agarang pagkamatay ng kuryente kaya mas lalong nataranta ang lahat.

Agad akong tumayo mula sa kinauupuan para hanapin kung saan iyon nanggaling. Ngunit napakadilim ng paligid. Marahan akong naglakad papalayo sa kinatatayuan ko at binunot ang baril na nakatago sa ilalim ng aking suot.

Sinubukan kong pakiramdaman ang paligid habang patuloy parin sa paglalakad hawak ang baril. Nawala na ang putukan ngunit andon parin ang takot mga bisitang dumalo.

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad. Namalayan ko nalang ang sarili ko entrada papasok sa mansyon ng mga Hidalgo.

Marahan akong natigil at iginala ang paningin sa paligid. May narinig akong kaluskos na nagmumula sa loob kaya sinubukan kong pasukin ang bahay.

Entrada pa lang ay sumalubong na sa akin ang malaking picture frame ng pamilya ni Emmanuel.

Hindi ko maiwasang balutin ng galit nang sandaling iyon. Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatitig sa litratong nasa harap ko. Bumigat at nag-init ang aking mga mata.

So, she's the mother.

Halos magtiim ang bagang ko sa pagpipigil ng emosyon. Everyone betrayed me from the very start or maybe i trusted too much.

Dumako ang tingin ko sa mga anak niyang ngayon ay kasing edad na rin sana ng anak ko.

Pwede ka naman palang magpaka-ama sa iba, bakit hindi mo man lang nagawa iyon sa anak mo sa akin? Bakit hindi mo man lang hinayaang masaksihan niya ang mundong ibabaw?

You're such a cruel evil. Hindi ko papalagpasin ito, Emmanuel. Tandaan mo iyan.

Huminga ako nang malalim at agad na iniwas ang paningin. Pinahiran ko ang mga luhang nagbabadya palang tumulo sa mga mata ko.

Your family will suffer too. I promise.

Akmang tatalikod na sana ako para umalis sa kinatatayuan ko bago pa man may makakita sa akin ngunit ganoon nalang nang may mapansin akong pigura ng lalake sa may hagdanan.

Agad akong natigilan. Pilit kong inaninag kung sino ito ngunit masyadong madilim ang paligid para makilala ko kung sino man iyon.

He's watching me.

What the heck?

Who the hell are you?

I immediately pointed my gun at him pulling out the trigger.

I was about to shoot him when suddenly the electricity went back.

Kita ko ang gulat sa mga mata ng taong iyon bago siya tarantang tumalikod at tumakbo patalon sa malapit na bintana.

Fuck!

Agad akong tumakbo para sundan sana siya pero hindi ko na siya mahagilap pa mula doon sa bintana.

I think I knew him.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhona Balasa
pls update po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status