Share

Chapter 8

[Kenjie Hidalgo]

Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko habang maiging nakatitig sa mga target system na nasa harap. Kitang-kita kong saktong tinaaman sa gitna ang anim na magkahilerang targets.

Agad akong napalingon nang makarinig ng palakpak sa likod ko. Nakita ko si Mom, nakatayo lang siya di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Dali-dali kong inilapag ang baril na hawak at inalis ang mga gears na suot bago patakbong lumapit sa kaniya.

“Mom! Anong ginagawa nyo rito?” Bungad ko sa kaniya at nakangiti naman niyang inayos ang magulo kong buhok.

“Visiting you here of course.” Usal niya sabay pisil sa ilong ko “You’re doing great here ha?” Usal ni Mom at ginulo pa ang buhok ko.

“No choice eh.” Bulong ko at nakatanggap naman agad ako ng kurot at panlalaki ng mata sa kaniya.

“Biro lang.” Usal ko. “Si Dad?” Tanong ko at ngumuso naman siya sa may rest house. Nakita ko si Dad na seryosong kausap si Kendrick.

Napalingon sa gawi ko si Dad at hindi ko maipaliwanag yung kabang idinulot sa akin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status