Share

Chapter 4

Flashback:

19 years ago…

“Pirmahan mo.” Mahigpit akong hinila ni Emmanuel papunta sa maliit na table na nasa kwarto namin at saka ako pabagsak na itinulak sa sahig. Muntik pang tumama ang mukha ko sa gilid ng mesa, mabuti nalang ay nasangga ko ito gamit ang braso ko.

“Pirmahan mo ‘yan.” Matigas na utos niya at napatingin naman ako sa papel na nasa harap ko.

“S-Sandoval Incorporated? A-Anong gagawin mo sa kumpanya?” gulat kong tanong sa kaniya nang mabasa ang pangalan ng kumpanya namin sa papel na tinutukoy niyang pirmahan ko.

“Wag ka nang maraming tanong at pirmahan mo ‘yan.” Galit na na utos niya sa akin. Mabilis akong umiling at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

“H-Hindi ko pipirmahan iyan, Emmanuel. Kung ano man ang binabalak mo, h-hindi mo makukuha sa akin ang kumpanya na pinaghirapan ng mga magulang ko—” Agad akong napapikit nang dakmain niya bigla ang pisngi ko ng kanan niyang kamay saka ito mahigpit na nilapit sa mukha niya.

“Baka nakakalimutan mo Celestine.. Pinakasalan mo ako para may sumalo sa kumpanyo ninyo.. “ giit niya habang pilit ko namang tinatanggal ang pagkakadakma niya sa mukha ko.

“Pero hindi kita pinakasalan Emmanuel para kunin ang kompanya sa akin!” sigaw ko at mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak niya dahilan upang mapapikit muli ako sa sakit.

“Sa tingin mo, nakatayo pa ‘yang kompanyang pinagmamalaki mo kung wala ang tulong ko ha? Celestine?”

“A-ano ba, bitawan mo ako.”

“Pirmahan mo ‘yan.” Utos niyang muli pero hindi ko siya sinagot.

H-Hindi niya pwedeng makuha ang kumpanya.

Nagulat nalang ako nang isang malakas na suntok sa puson ang natanggap ko mula sa kaniya. Tumilapon ako sa malapit na silya at napapilipit sa sakit na idinulot nun.

“Pirmahan mo.” Mahigpit niyang ipinahawak ang ballpen sa kamay ko saka iyon pwersang inilapat sa papel na nasa harap.

“Maawa ka Emmanuel. Huwag lang ang kumpanya.” Pagmamakaawa ko habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak.

“Sa tingin mo may makukuha pa ako sa’yo bukod sa kumpanya ninyo———"

------

Agad akong nabalik sa ulirat nang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi ko maipaliwanag ang kabang idinulot sa akin habang inaalala ang mapait na dinanas ko noon sa kamay ni Emmanuel.

Inaamin kong hanggang ngayon ay dala-dala ko parin sugat ng nakaraan at maghihilom lamang ito sa oras makapaghiganti ako.

Mabilis kong inayos ang aking sarili saka nilingon ang pumasok.

“Madam Eliz, nandito na po ang mga damit na ipinahanda ninyo.” Sabi ng aking assistant na si Trisha.

Agad namang pumasok sa kwarto ang dalawang kasambahay hila-hila ang garment rack kung saan naka lagay ang mga damit na iniutos ko sa kanilang dalhin.

“Good.” Nakangiting sabi ko saka naglalakad palapit sa rack. Nakahilera ang iba’t ibang mamahaling klase ng damit na batid kong tiyak na babagay sa kasiyahang dadaluhan ko mamaya.

Kumuha ako ng isang damit saka iyon inilapat sa sarili ko. Pinasadhan ko ang repleksyon ni Eliza sa salamin.

Sobrang tagal kong hinintay na dumating ang pagkakataong ito. Talagang itinadhanang ipaghiganti natin ang isa't isa, Eliza.

“May ipapagawa pa po ba kayo, Madam?” Agad akong napalingon kay Trisha. Nawala sa isip kong nandito pa pala sila sa loob.

Marahan kong ibinalik sa rack ang damit na sinukat ko saka siya nilingon “Kuhanan mo ako ng imbitasyon sa kasihayan na gaganapin ngayon sa mansion ng mga Hidalgo.” Sabi ko sa kaniya at nanlaki naman agad ang mga mata niya.

Tila tumututol na agad ito sa utos ko.

“Po?!” bulalas niya katulad ng inaasahan ko. “P-Pero Ma’am hindi po iyon basta-bastang nahihingi. W-Wala po silang imbetasyon na ipinadala—”

“Sinabi ko bang humingi ka?” Putol ko sa sinasabi niya. Marahan siyang napakamot sa batok.

Sumasakit talaga ang ulo ko sa isang ito ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya basta-bastang natatanggal.

Halatang malaki ang kapit sa mga Almazan.

“Kuhanan mo ako.” usal ko sa seryosong tono. Sabik na sabik akong masaksihan ang sa tingin ko'y huling kasiyahan na gaganapin ni Emmanuel sa kaarawan niya.

“P-Paano po madam eh—”

“Gusto mo bang ako pa ang gumawa ng paraan, Trisha?” nauubusan ng pasensyang aniya ko.

“H-hindi po.” mabilis na tugon niya. Bakas ang takot at pag aalinlangan sa itsura.

“Kung ganoon umalis ka na at huwag kang babalik dito hangga’t wala kang naibibigay sa akin. Naiintindihan mo?" usal ko.

“O-Opo Madam Eliz.” Mabilis naman siyang tumango saka yumuko bago lumabas ng kwarto.

Nakangiti kong kinuha mula sa rack ang pulang bistida na nakakuha ng atensyon ko saka nakangiting humarap muli sa salamin.

"Bagay na bagay sa okasyong gaganapin mamaya." usal ko.

-------------------------------------------------------

*News Flashed*

[Anak ng negosyanteng si Eduardo Almazan, natagpuan na?

Biglaan nalang lumitaw sa naganap na kasiyahan ng mga Hidalgo ang isang babaeng nagpakilalang si Elizabeth Almazan. Ayon pa nito ay may hawak siyang DNA bilang patunay na siya nga ang nawawalang anak ng pinakamayamang negosyante na namayapa sampung taon na ang nakalilipas. Maaalalang nasawi sa pagsabog ng eroplano ang pamilya ng Almazan at natagpuan naman agad ang mga labi ng katawan nito maliban sa nag-iisa nilang anak na si Elizabeth. Katanungan parin sa mga tao hanggang ngayon kung siya nga ba ang tunay at nawawalang tagapagmana ng ari-arian. Tumangging magbigay ng pahayag si Emmanuel Hidalgo sa usaping ito, ngunit sisiguraduhin naman niyang hindi basta-bastang makukuha sa kaniya ang mga ari-arian na hawak niya ngayon.]

-------------------------------------------------------

“Madam Eliz, mag-iingat po kayo.” Usal ni Trisha nang tuluyan nang huminto sa harap ng mansyon ang sasakyan.

Ginawaran ko siya ng pormal na ngiti bilang tugon bago iginalang muli ang paningin sa labas.

“Ahhh-- madam?" dinig kong usal ni Trisha at hindi ko naman siya agad nilingon. "Hindi naman po sa nakikialam ako. Pero po, mag-iingat po kayo kay Sir Emmanuel.” Usal pa nito kaya nagtataka akong napalingon sa kaniya.

“Do you know anything about him?” Tanong ko at agad naman siyang umiling. Ngunit bakas sa mga mata nito na may gusto itong sabihin.

“Tell me, what’s happening, what's wrong? Tinakot ka ba niya?” sunod-sunod na tanong ko at umiling lang siya. "Trisha," Usal ko at hinawakan ang kamay niya para maging komportable siya sa pagsasalita.

Alam kong may gusto siyang sabihin.

“H-Hindi po Madam. Sa katunayan mabait naman po si Sir Emmanuel sa mga tao." usal niya at mabilis naman umangat ang kilay ko sa narinig.

"Then, what's bothering you?" tanong ko. "Hindi mabubuting tao ang mga Hidalgo, Trisha. Lahat ng nakikita mo ngayon, pakitang tao lang 'yan. Mga demonyo sila." Mariing usal ko.

"Bakit parang kilalang-kilala nyo po ang mga Hidalgo, Madam? Hindi po ba sampung taon kayong nawala?" halatang kinikilabutang usal nito at hindi naman ako agad nakapagsalita.

"Siya ang nagpasabog ng eroplano." usal ko at naramdaman ko naman agad ang panginginig ng kaniyang mga kamay. "Nawala nga ako pero hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa niya sa pamilya ko."

"K-Kung ganoon, totoo nga ang sinasabi ni Nanay Pele."

Mabilis na kumunot ang noo ko sa iniusal niya.

“Nanay Pele?” Takang tanong ko.

“Kung hindi nyo po naaalala, pinagkakatiwalaang kasambahay po siya nina Señor at Señora. Siya po ang katuwang sa pagpapalaki sa inyo."

"Kaano-ano ka niya?"

"Anak nya po ako. Ako po ang pumalit sa kaniya. Pero magkaedad lang po tayo, Madam." bigla ay masiglang usal nito ngunit hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya.

May ibang may alam ng nangyari sa mga Almazan?

“Where is she? Can I talk to her?” Agarang tanong ko at hindi naman agad siya nakasagot. Tila nangilid ang luha sa mga mata niya bago ito nag-iwas ng tingin sa akin.

"Hindi na po namin siya mahanap.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status